bc

Heart Of Glass

book_age0+
2.0K
FOLLOW
11.7K
READ
billionaire
family
second chance
arrogant
inspirational
journalists
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

What if you were given a chance to live a life you never had? Live a life you only dream of. Have everything life has to offer. Only thing is, you can never fall in love. Forget sweet nothings and watching the stars at night. Forget holding hands and walking under the rain. Life is good. Life is the best. Right? And then Heaven suddenly decides to throw a joke. Heaven gives you Love. The one thing you should never have and always wonder about. So, what’s it gonna be? Live life to the fullest? Or embrace death in love?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“AYOS KA LANG?” “No.” Inilibot ni Rafael ang paningin sa kabuuan ng silid. “Masyadong maliwanag dito. Sumasakit ang mata ko.” “I’m sorry, hijo. Konting tiis lang at parating na siguro si Dra. Garcia.” “Nasaan ba tayo, Tito?” Wala kasing ibang kagamitan sa malawak na silid na iyon kundi ang isang kulay puting desk sa pinaka-gitna ng silid. Everything around them was white, from the white tiled floor, white concrete walls and white ceilings. Luminous ang buong kisame na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid. Maaga pa nang umalis silang magtiyuhin sa mansyon para makipagkita sa kaibigang doktor ng tiyuhin niya. Ito ang nag-iisang kapatid ng kanyang ama na siyang nag-alaga sa kanya mula nang maulila siya sa kanyang mga magulang isang buwan na ang nakakalipas. Hindi talaga lumalabas ng silid niya si Rafael dahil na rin sa maselang kalagayan ng kanyang kalusugan. Pero dahil sinabi ni Tito Allan na ang naturang doktor ang maaaring makapagbigay ng lunas sa kanyang karamdaman, sumama na rin siya kahit halos maubusan na siya ng lakas sa biyahe pa lang nila. Inayos nito ang makapal na kumot na nakabalot sa mga hita ng binatilyo. “Nandito tayo sa laboratory tayo ni Dra. Garcia. Hindi basta-basta nagpapakita sa mga tao ang doktor na iyon kaya masuwerte tayong napagbigyan niya ang request natin.” “Magkano ang ibinayad mo sa kanya, Tito?” Halatang medyo nagulat ang tiyuhin sa sinabi niya. “I knew it. There was nothing special in this world. Lahat ay may katumbas na presyo.” “Hijo, don’t say that. Hindi basta-bastang doktor si Dra. Garcia. Only a few chosen individuals knew about her, and even fewer knew where to find her.” “Where and how did you find her then?” “It’s a long story. Basta ang isipin mo na lang, masuwerte kang makakadaupang palad mo siya. Naniniwala akong ito na ang umpisa ng panibagong buhay para sa iyo, Rafael.” Hindi na siya umimik. Ayaw na rin niyang kontrahin ang tiyuhin para hindi na humaba ang usapan. Isa pa, napapagod na rin siya kahit magsalita lang. “Ah, nandito na pala ang pasyente ko. You must be Rafael dela Merced. I’m Dra. Evelyn Garcia. The greatest doctor ever. Secret nga lang at baka maraming doktor ang umiyak sa sobrang insecure sa akin.” Napapakunot-noo lang si Rafael habang pinagmamasdan ang babaeng papalapit. Parang gusto niyang kuwestiyunin ang state of mind ng tiyuhin dahil sa sinabi nitong hindi basta-bastang doktor ang Dr. Garcia na ito. Dahil malayo sa inaasahan niyang ‘doktor’ ang papalapit na sa kanila ngayon. With the height of probably not more than five feet tall, long black glittering dress, a headress that would rival any feather duster available in the market, while dancing a tango with an invisible partner as she came near them, this woman looked more like Santa’s drunken elf that has been kicked out of the North Pole for dressing like a…like…what the hell was that kind of dress anyway? Huminto sa harapan ng tiyuhin niya ang babae. "Allan dela Merced. We meet again. How's life?” “Great. This is my nephew, Rafael dela Merced." "Magkakilala kayo?” tanong ng Rafael. Doon lang siya binalingan ng babae. “You…” The woman leaned closer and whispered in his ears in a familiar coarse voice. “You will die in seven days.” “Tito, sigurado kang doktor ito at hindi takas sa mental institution?” Sumenyas lang ang tiyuhin niya na huwag na siyang magsalita. “You have the weakest heart, my boy,” patuloy ng babae. “At kaunti na lang ang natitirang panahon sa iyo.” “How shocking,” walang kabuhay-buhay niyang sagot. “You need a new heart.” “Sa tingin mo mag-aaksaya ako ng oras sa isang baliw na gaya mo kung hindi namin sinubukan ang heart transplant noon pa? Well, guess what? I can’t have any operation because my body’s too weak to undergo any surgery. Now that you know, will you just get away from me? And stay away. Baka malipat pa sa akin ang iba’t ibang germs na dala mo, ma-confine na naman ako sa ospital.” “And you also need a new tongue.” Dumistansya na ang babae. “Nasobrahan na sa talas ‘yang dila mo, bata.” “Umalis na nga tayo, Tito. Nagsasayang lang tayo ng oras dito—“ Hindi na natapos ni Rafael ang sasabihin dahil mariin na siyang napakapit sa kanyang dibdib nang maramdaman ang matinding pagkirot niyon. Halos mawalan siya ng ulirat. Bawat t***k ng puso niya ay tila ba may sumasaksak sa dibdib niya. Naririnig na niya ang sariling mga daing na palakas nang palakas dahil palala nang palala na rin ang sakit na nararamdaman niya. May mga sinasabi ang tiyuhin niya pero hindi na niya maintindi, hanggang sa unti-unti nang manlabo ang paningin niya. Rafael knew it would only stop once he finally blocked out from the pain. Unfortunately, he would still have to endure such searing pain for a while before his system shuts down. Oh, how he wished he would blocked out now and never wakes up again. Dahil sa tuwing natutulog na lang siya nakakaramdam ng ginhawa sa kalbaryong buong buhay niyang dinadala. Ang tulog na minsan ay naiistorbo rin dahil kahit sa pamamahinga niya ay hindi pa rin siya pinapatawad ng lintik na karamdaman. ‘Don’t ever give up, anak. Gagaling ka. Promise iyan ni Mama at Papa sa iyo. Hahalughugin namin ang lahat ng sulok ng mundo para makahanap ng makakapagpagaling sa iyo. Kahit maubos pa ang kayamanan natin, kahit hanggang sa kamatayan, hinding-hindi kami susuko na mapagaling ka, anak. So don’t ever give up.’ Umaalingawngaw sa alaala niya ang boses ng ina. Ang mga habilin nito sa tuwing aalis ito at ang kanyang ama para maghanap ng mga tao at gamot na makakapagpagaling sa kanya. Ang mga salitang iyon ng mga magulang ang laging nagbibigay ng lakas ng loob noon sa kanya na darating ang araw na gagaling din siya at makakawala sa apat na sulok ng kanyang silid at wheelchair. Hindi na nga niya alintana na lumalaki siya na wala halos sa tabi niya ang mga magulang dahil sa kagustuhan ng mga ito na mapagaling siya. Hanggang isang araw ay hindi na nakabalik pa ang mga ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan sa ibang bansa habang pabalik ang mga ito ng Pilipinas. Rafael was devasted. His heart condition worsened and his health deteriorated. Kung hindi dumating ang tiyuhin niya para i-take over ang pamamahala sa mga negosyng naiwan ng kanyang mga magulang, pati na ang pag-aasikaso kay Rafael mismo, baka nga hindi na siya naka-recover pa. He was so grateful his uncle was there to make him remember the sacrifices his parents made just to find the cure to his health condition. Nagkaroon uli siya ng karamay sa buhay. Hindi na siya nag-iisa. May kasama na uli siyang nagmamalasakit at nag-aaruga sa kanya. Kakayanin na uli niyang lumaban. Hindi dapat masayang ang mga isinakripisyo ng mga magulang niya para lang madugtungan ang kanyang buhay. ‘Don’t ever give up, anak…’ Mariin siyang pumikit at pilit na kinalma ang sarili kahit halos wala na siya sa wisyo sa sobrang sakit na nararamdaman. I can’t die…damn it… “Such resilience,” narinig niyang wika ng babae. Ilang sandali pa ay unti-unti nang umaayos ang pakiramdam ni Rafael hanggang sa maglaho na ang matinding kirot sa dibdib niya. Habol niya ang paghinga nang tuluyan siyang mahimasmasan. Beads of sweat were running down his forehead and neck as he looked up at his uncle and the woman’s smiling face, who was holding a syringe in her hand. “I know. You don’t have to thank me. Idadagdag ko na lang ito sa bill na sisingilin ko sa inyong magtiyuhin.” Nagtungo na ito sa likod ng mesa nito at naupo sa swivel chair at  may kung ano itong binasa sa folder na dinampot nito roon. “A-ano ‘yung itinurok mo sa akin…?” “It’s a special kind of drug that I created. It shocks the whole body to confuse the system and gives the person a sense of renewed strength. In short, nasa state of Nirvana ngayon ang katawan mo kaya wala kang anomang nararamdamang sakit. But don’t worry. Four hours lang naman ang bisa nyan.” “What? Bakit ka gumagawa ng mga gamot na hindi naman pala pangmatagalan?” “For promotional purposes. Ginagamit ko lang para magpasikat sa mga taong hindi kumbinsido na I’m the greatest doctor on earth.” “I want it.” “Well, you can’t have it, boy. I told you, for promotional purposes lang iyon.” “I don’t care! I want it!” Nilingon niya ang tiyuhin. “Tito Allan, convince her! Bigyan mo sya kahit magkano ang gusto nya!” “Hay, ang mga kabataan nga naman ngayon, oo. Masyadong spoiled brats.” “I am not a spoiled brat! I’ve been living with this miserable body for seventeen years and I’m so sick and tired of it!” “Calm down, Rafael,” saway ng kanyang tiyuhin. “Baka kung mapa-ano ka na naman.” “I want to get better, Tito! I want it now!” Rafael threw the blanket away in frustration, and sucked in his breath when he felt that sudden thud in his chest. Mariin niyang diniinan ang dibdib. Inaatake na naman siya ng sakit niya? Pero hindi ba’t apat na oras pa ang bisa ng gamot na iyon? “Your strong emotions weaken the effect of the drug I gave you. You should listen to your elders, kiddo,” utos ng doktora. “Besides, hindi rin naman ako nagbibigay ng mga panandaliang solusyon lang sa problema ng mga pasyente ko.” Napilitang kumalma si Rafael at naramdaman nga niya ang unti-unting pagbuti uli ng pakiramdam niya. “Anong ibig mong sabihin?” “I mean, I can give you more of what I had just given you.” May kung anong pinindot itong remote control at ilang sandali pa ay umangat na mula sa tiled floor silid ang isang mataas na kahon na gawa sa salamin. Inside was a weird thing that looked like some sort of crystal that glistened and sparkled under the rays of the light. “Gentlemen, I present to you…” Nilapitan iyon ni Dra. Garcia at tila namamalik-mata na pinagmasdan nang husto. “A heart of glass.” “A heart of what?” tanong ni Rafael. “Panira ka ng moment ko.” “Sorry. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyan. O nakarinig ng ganyan.” “Siyempre. Dahil ako lang ang nag-iisang nakakaalam nito since ako ang gumawa nito. Plus, of course, those people who had been lucky enough to be the recipient of this miracle thing. So, puwede na ba akong bumalik sa moment ko bago mo ako inistorbo?” Tumango lang si Rafael. Inikutan naman ni Dra. Garcia ang bagay na nasa loob ng glass box habang patuloy na nagsasalita. Mukhang nagbalik na ang momentum nito. “Made from a very special material that can withstand the harshest human activities. It can eliminate any pre-existing health problems due to the conditions of the old and weak heart. Most importantly, it could give a life span of up to a hundred years old without worrying of any future heart problems.” Napatitig na lang sa bagay na iyon si Rafael. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng doktor. It was too good to be true. But then, the doctor had already displayed her ability with that magical drug he gave her earlier. “Magkano?” “Alam na ng tiyuhin mo ang presyo nito. Hindi ba, Allan?” Napansin ni Rafael ang kakaibang ngiti ng doktora sa tiyuhin niya na marahan lang na tumango. “Well, then. Why don’t we proceed to the operating room?” “Operating room?” tanong ni Rafael. “Well, kung mas prefer mong lunukin na lang itong glass heart, walang problema sa akin. Pero ikaw, malaki ang magiging problema mo.” “I’m only asking because I’m not fit to have any kind of operation. My heart right now…” “Boy, who do you think you’re talking to, huh?” “The greatest doctor in the world,” walang kabuhay-buhay niyang sagot. “Kaya huwag na huwag mong pagdududahan ang kakayahan mo at baka puso ng saging ang mailagay ko sa iyo. Isa pa, nagmamadali ako dahil may flight pa ako for Greece mamayang gabi. So, let’s go?” Nauna nang naglakad ang doktora palabas ng pinto nang huminto ito at muli silang tingnan na magtiyuhin. “Ah, yes. I almost forgot. There was a special warning for that kind of heart.” “And what is that?” “You can never fall in love.” Saglit na natigilan si Rafael. “What do you mean?” “It means, that a heart of glass cannot take such strong emotions. It will break the moment it starts beating for love.” “An artificial heart cannot fall in love. That’s a little obvious, don’t you think?” “A heart is still a heart, no matter what it’s made of.” “Fine.” “And you’re okay with not being able to experience love? Mahaba pa ang itatagal mo sa mundo pagkatapos ng operasyon mong ito. Sigurado kang hindi mo ito pagsisisihan balang araw? Lalo na at napaka-bata mo pa. How old are you now? Twelve?” “I’m seventeen,” gigil niyang sagot sa walang habas na pang-aasar ng bulinggit na doktor na ‘to. “At bakit ba ang dami mong tanong?” “Because I only said that you can never fall in love. I didn’t say you will never fall in love. Meaning, you will always be in danger of falling in love.” “Iyan pa ba ang iintindihin ko samantalang buong buhay ko, wala akong ginusto kundi ang makawala sa wheelchair na ‘to at sa apat na sulok ng kuwarto ko sa bahay at sa ospital?” “Gusto lang makasiguro ni Dr. Garcia, Rafael,” wika ng tiyuhin niya. “Sayang nga naman kung dahil lang sa isang pagkakataon na natuto kang magmahal ay mawawala ng saysay ang lahat ng ito.” “I don’t care about love! I just wanted to live!” “Hindi mo kailangang sumigaw, boy. Nagtatanong lang naman ako. At kung sigurado ka na nga talaga…” The doctor opened the door for them. “This way to your new life, Mr. Rafael dela Merced.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

A Night With My Professor

read
495.4K
bc

His Property

read
945.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook