bc

My Grumpy Boss (SPG/R18)

book_age18+
47.7K
FOLLOW
208.6K
READ
billionaire
revenge
dark
possessive
escape while being pregnant
dominant
heir/heiress
bxg
sassy
virgin
like
intro-logo
Blurb

C O M P L E T E D

WARNING: Contains mature contents and detailed bed scenes. Read at your own risks...

How will you react when the bodyguard you're always bullying is far more powerful and wealthier than you?

This is what happened to Leahbel Hendarez when she found out that her bodyguard is richer and more influential than she is. She discovered everything after falling in love with him and learned that he's only up for revenge.

Can she handle such a tragedy when she already surrendered everything to him?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 Bad Day
Leahbel’s POV “Bel, anak, bilisan mo na riyan dahil male-late ka na! Baka mapagalitan ka na naman ng boss mo niyan!” pasigaw na tawag ni mommy habang nagbibihis ako. Naiinis ako dahil hindi ko maayos-ayos ng mabuti itong uniform ko. Medyo lumuwang na sa akin dahil sa laki ng ipinayat ko. “Palabas na po, my!” tugon ko naman. Nang sa wakas ay masuot ko na ang coat na ipapatong sa uniform ko ay itinali ko na pataas ang mahaba kong buhok. Kahit mas gusto kong nakalugay ang buhok ko dahil sa natural na malalaking alon nito na sinabayan pa ng makikintab niyang hibla ay hindi puwede dahil naaabala ako sa trabaho ko. “Ano na naman ba’ng ipinagtagal mo sa pagbibihis, anak?” tanong ni mommy nang makalabas na ako sa kuwarto ko. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa at mukhang satisfied naman siya sa itsura ko. “Medyo tinahi ko lang po iyong gilid nitong blouse ko sa loob dahil medyo maluwang po. Hindi magandang tingan kapag hindi semi-fit sa katawan,” magalang na sagot ko. Bumuntong hininga ito saka tumango. “O, siya kumain ka na at mahuhuli ka na,” aya nito sa akin pero mabilis akong umiling. Nangunot ang noo nito sa tugon ko. “Sa opisina na po ako kakain, mommy. Late na po kasi ako. Baka malintikan pa kapag maabutan ako ng traffic,” nagmamadaling paalam ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang mga sinabi ni mommy. Marami na ring nag-aabang sa sakayan nang marating ko iyon. Medyo tinanghali nga ako at siguradong hindi na ako aabot sa tamang oras. Ngayon ay kailangan ko na namang ihanda ang sarili sa panibagong mga insulto at masasakit na salitang ibabato sa akin ng boss ko. Halos mabitiwan ko na ang bag ko dahil sa pakikipag-unahang makasakay sa bus. Hindi ko na pinakialaman kung ano’ng itsura ko habang nakikipaggitgitan sa mga gaya ko ay nagnanais ring makasakay na. Naapakan pa ang paa ko noong isang babaeng sumakay ngunit hindi ko iyon agad inalintana. Nakahinga lang ako ng maluwag noong ganap na akong makapasok sa loob ng bus at nagpalinga-linga upang humanap ng bakanteng upuan. Pero mukhang minamalas yata talaga ako ngayong araw dahil wala akong nakita. Standing ovation ang peg ko ngayon. Saka ko naramdaman ang pagkirot ng paa kong naapakan kanina. Na-sprain yata iyon at napangiwi ako nang madaan sa medyo matagtag na bahagi iyong bus at halos maitangay ang katawan ko sa pagyugyog nito. “Miss, dito ka na, malapit na rin naman akong bumaba,” halos mapapikit ako habang nangingiwi dahil sa makirot kong paa nang marinig ang boses ng isang lalaki. Akmang tatayo na ito para bigyan ako ng daang makaupo sa inuupuan niya kanina. Napangiti ako at tumango nang ganap na siyang makatayo. “Salamat!” nakangiting sabi ko sa lalaki. Ngumiti naman ito at tumango. In fairness, may mga gentleman pa pala ngayon. Tapos ang pogi pa! Lihim ko siyang sinulyapan para lang manigas sa kinauupuan nang makitang nakatitig pala ito sa akin. Nahihiya akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. s**t! “Naku, kapag maganda o-offrer-an ng upuan. Ang suwerte naman!” bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang matabang babae na halos kaedad lang ni mommy na nakaismid habang salitan akong tinitingnan at iyong lalaking nagbigay ng upuan sa akin kanina. Napayuko na lamang ako at hindi na pinansin ang sinabi niya. Pinagtinginan din kasi ako ng ibang nakasakay kaya lalong nag-init ang mukha ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang marating ko na ang destinasiyon ko. Pagbaba ko ay natapilok pa ako sa pagpapadali kaya lalong sumakit iyong paa kong naapakan kanina. Ngayon ay iika-ika na akong maglakad hanggang sa marating ang entrance ng RC Tower. Sinilip ko ang paa ko at mukhang namamaga na iyon. Malas naman talaga! Inayos ko ang sarili habang nasa loob ng elevator. Kaya lang paglabas ko ay talagang masakit na masakit na iyong paa ko. Lalo pa nga yatang lumala dahil sa paglalakad ko. “Damn it! Nasaan na ba si Leahbel?!” napasinghap ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Ram, este Sir Ram pala. Ang galit na galit na mukha niya ang bumungad sa akin pagpasok ko sa opisina niya kaya napalunok ako. Mabilis na lumabas iyong sekretarya niya nang makitang narito na ako. Alanganin itong ngumiti sa akin kaya tinanguan ko lang siya. Pinilit kong lumakad ng maayos para hindi mahalata ang pamamaga ng paa ko. “G-good morning, s-sir,” medyo nauutal na bati ko sa kaniya. Pero lalo lang tumalim ang tingin nito sa akin. “Bakit ngayon ka lang? Do you have any idea how late you are, today?” ngayon lang naman. Isasagot ko sana pero pinigil ko ang sarili ko. “N-ahirapan kasi akong sumakay kanina tapos traffic pa kaya–” “Bakit, ngayon lang ba nagka-traffic? Dati ng mayroon noon at alam mo iyon! Sana kasi gumising ka ng mas maaga para makapasok ka ng mas maaga!” pasinghal na putol nito sa paliwanag ko. Muli akong mariing napalunok. “E, sir kasi–” “I don’t want to hear your excuses, Ms. Hendarez! Palibhasa kasi noong nag-aaral ka puro pagpapasosyal at pagpapaganda lang ang ginagawa mo kaya ngayong nasa trabaho ka na ay hindi mo magawa ng maayos!” pang-iinsulto niya sa akin. Nangilid ang mga luha ko dahil kumirot ang puso ko sa mga sinabi niya. Nanginig din ang mga labi ko dahil sa paglunok ko ng masakit na bara sa lalamunan ko. I swallowed the pain and humiliation from the man I love. The man who used to love me, too. Mali! Dahil hindi nga pala niya ako totoong minahal. “S-sorry, sir, hindi na po mauulit,” garalgal ang boses na tugon ko. Pinagtagis ko ang mga ngipin ko upang pigiling pumiyok. Ilang beses ko ring ikinurap ang mga mata ko para pigilin ang mga luha ko. “Look at me when I’m talking to you!” mataas ang boses na utos niya kaya nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang galit na titig niya. Those beautiful eyes. Ang mga matang iyon na madalas tumingin ng may pagsuyo noon ngunit ngayon ay puro galit at pagkasuklam na lang para sa akin. “Where are the files for the Escala Development Project? ‘Di ba sinabi kong dapat ay ready na iyon for today dahil gagamitin iyon para sa board meeting mamaya?” halos pasigaw na tanong niya. Namutla ako dahil hindi ko pa nga pala iyon natapos kahapon dahil may ipina-rush siyang ipa-encode na mga reports. “Tatapusin ko po ngayon, sir. Nag-over time po kasi ako para tapusin iyong report na pinagagawa ni’yo kahapon,” hindi na ako makahinga ng maayos dahil nagsisimula nang manginig ang buong katawan ko, “Tatapusin pa lang? Hindi pa tapos? The meeting is at ten o ‘clock tapos hindi pa tapos?” namumula na siya sa galit at halos hindi ko na mapigil ang sariIi kong hindi maiyak. Parang sasabog na ang dibdib ko sa uri ng pagtrato niya sa akin. Halos hindi na nga ako nakakain kahapon para lang matapos iyong pinapagawa niya. “Gagawin ko na po ngayon, sir,” ngayon ay talagang nanginginig na ang boses ko. “Damn it!” he yelled in frustration. Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko ay mabilis akong lumakad patungo sa lamesa ko pero hindi napigilang kumawala ang daing sa bibig ko nang sumigid ang sakit mula sa namamaga kong paa. Kagat ang pang-ibabang labi ay narating ko rin sa wakas ang puwesto ko. He’s staring at me. Alam ko iyon, pero hindi ko na siya pinansin at inumpisahan nang gawin ang ikinagagalit niya. Gustong-gusto kong umiyak dahil maliban sa matinding hapdi sa dibdib ko ay masakit na masakit na rin ang paa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook