bc

LUST ISLAND

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
goodgirl
independent
humorous
lighthearted
campus
small town
school
like
intro-logo
Blurb

Siya si Cassy, matalino,humble,God-fearing at may mataas na pagpapahalaga sa kahalagahan ng pamilya. Lumaki sa isla ng San Antonio sa isang malaparaisong lugar sa Mindoro, ang Puerto Galera.

Napakasimple ng pamumuhay niya sa isla kasama ang pamilya at ang mga bestfriends niyang sina Badong at Boninay.

Kontento na at masaya ang tatlo sa araw-araw nilang pamumuhay. Basta't magkakasama ay walang problemang hindi nila kayang lutasin.

Hanggang sa dumating ang anak ng isang mayamang predisidente ng yacth club sa isla, si Bradley Miguel Suarez.

Paano kaya makakaapekto ang isang tulad ni Brad sa kanilag samahan?

Halina at ating tunghayan ang pagkakaibigan na nauwi sa pagkakaibigan.

chap-preview
Free preview
ISLAND GIRL PART 1
Lumaki si Cassandra Montiel sa isang napakagandang isla ng Puerto Galera sa Mindoro,ang San Antonio. Dahil sa malaparaisong dalampasigan ng Puerto Galera kung kaya naman dinarayo ito ng mga turista araw-araw mula sa iba't ibang panig ng mundo. Wala ka nang hahanapin pang iba, kung bakasyunan din lang naman ang pag-uusapan. Napakaraming beaches dito na talaga namang mapuputi ang mga buhangin at bukod pa riyan ay ang mga corals at magagandang isda na maaari mong pakainin sa iyong mga palad. Umaabot sa 33 ang dive sites dito na siyang dinarayo ng mga turista, nariyan pa ang mga breeded giant clamps at mga pawikan na nagkalat sa lugar na siyang nagbibigay din ng magandang atraksiyon sa mga turista. Dahil sa kagandahan ng lugar kung kaya naman bawat pamilya sa bayan na ito ay may naiihaing masasarap sa kanilang mga mesa. Malaking biyaya ang pagkakaroon ng ganitong klaseng lugar para sa mga taong naninirahan dito. Mataas man ang pinagaralan o hindi,lahat ay kumikita sa mga turista sa iba't ibang paraan. Napakarami ng activities na maaaring gawin sa isla. Nariyan ang snorkling,banana boats,jet ski ,underwater cave at iba pang activities na napapanood sa telebisyon. Dito nabubuhay ang pamilya nila Cassy,ang ama niya na si Mang Simon ay nananamahan sa isang malaking bangkang pangisda na bumabyahe sa kabilang isla. Ang mga isdang nahuhuli nila ay ibinebenta nila sa iba't ibang resorts sa isla,katulad ng resort nina Brigette Monleon,ang kaibigang tinatawag niyang Boninay. Malawak ang resort nila Brigette, meron itong 100 rooms at kilala ito bilang 3-star resort. Dito nagtratrabaho bilang dining supervisor ang nanay niyang si Aling Juana. Matagal nang magkaibigan ang pamilya nila kung kaya naman malaki ang tiwala nila Mr. Gerard at Mrs. A Monleon sa kanyang ina. Habang ang kuya naman niyang si Daniel ang namamahala sa mga tours ng resort. Nagpagawa ito ng dalawang bangkang panghabal-habal para dagdag kita na rin kung may beach hopping sa tour packages nila. Kapag naman kailangan nila Brigette ng bangka para sa private pick-up at check out ng mga guests nila ay tinatawagan nila si Mang Delfin Del Rosario,ang ama ni Ivan Dominic o mas kilala bilang Badong. Mayroong pitong malalaking bangka ang mga ito na gawa sa kahoy na bumabyahe sa Batangas City. Mula sa Manila ay dito na sa Puerto Galera naglagi ang pamilya nila Badong nang magustuhan ang lugar,matapos magbakasyon dito. Dahil sa may malaking ipon buhat sa matagal ding pagiging seaman ni Mang Delfin at pagiging ofw ng asawa nitong si Aling Rosita ay naisip nilang magpundar ng isang pampasaherong bangka. Dahil sa pagdagsa ng mga turista taon-taon dito kung kaya't gumanda ang kita nila sa byahe at nakapagdagdag pa sila ng anim pang mga bangka at naitayo ang Del Rosario's Shipping Lines. ....... Sa San Antonio Elementary School nagtapos ng elementarya ang tatlong magkakaibigan. At dahil sa sikap at tiyaga ni Cassy kung kaya naman siya ang itinanging Valedictorian ng klase. Proud na proud ang mga magulang ni Cassy sa kanyang nakamtang mga medalya kung kaya naman maraming inihanda ang mga ito para sa selebrasyon. "Boninay, Badong ,tara sa bahay mamaya,naghanda kase sina inay eh," yaya nito sa mga kaibigan. "Sige Cassy basta may spaghetti at hotdog ha?" sang-ayon agad ni Badong. "S'yempre naman Badz,masarap 'ata magluto si inay, eh ikaw Boninay sasama ka ba?" ulit nito kay Brigette. "Magpapaalam pa ako kina Mommy eh, naghanda rin kasi sila ni Daddy," sagot nito. "Ay basta maghihintay ako sa inyong dalawa ha, uuwi na rin naman tayo," bilin pa ni Cassy. "Basta ako okay na ako sa regalo ni Papa kahit walang handa," pagmamayabang ni Badong. "Ano bang regalo n'ya?" sabay na tanong ng dalawa. "Eto oh," sabay pakita ni Badong sa remote control na speed boat. "Ang panget, haha," asar ni Brigette habang papalayo sa mga ito. "Panget ka rin hoy!" asar talong pahabol ni Badong. "Ikaw talaga Badong, binibiro ka lang ni Boninay eh napikon ka kaagad," alo ni Cassy. "Maganda naman 'di ba, saka mahal kaya ito," bida pa ni Badong. "Oo naman maganda talaga iyan, hintayin nalang kita mamaya ha,bye," paalam ni Cassy. "Sige bye din," ganti ni Badong. Masaya na nagkakantahan ang mga bisita kina Cassy nang makarating si Badong doon. Kaagad namang sinalubong siya ng kaibigan nang makitang dumating at saka inabutan ng plato. Kinuha naman agad ito ng kababata at saka nagtakal ng spaghetti sa plato. Palibhasa'y 'di kalayuan kina Cassy ang bahay nila Badong kung kaya't nakarating ito mag-isa kahit na silim na. Habang kumakain si Badong ay naitanong ni Aling Juana kung marami rin ba siyang naging bisita. Kahit pa namumuwalan ang bibig sa lakas sumubo ay sumagot ito na may kaunting inuman lamang sa kanila sapagkat wala naman silang iimbitahing mga kamag-anak. Sinabi naman ni Aling Juana na ayos lang iyon,katulad nila Brigette na naghanda rin lang para sa mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Kung tutuusin ay medyo malayo layo rin ang bahay nila Boninay sa mga ito kaya hindi rin nakapunta. Bidang bida ang ama ni Cassy sa mga kainuman nito. Nang-agaw pa ng mikropono at ipinangangalandakang sa kanya nagmana nang katalinuhan ang anak. Nagsitawanan naman ang lahat at napuno ng kantyawan ang maliit.na bulwagan nila Cassy. Maya maya pa ay tinawag nito si Cassy para handugan ng isang awitin ang mga bisita. Magaling kumanta si Cassy, napakalamig ng kaniyang boses,sa katunayan sa tuwing may program sa eskuwelahan ay hindi maaaring hindi siya aawit. Kaagad na pinaunlakan ni Cassy ang ama na lalo naman nitong ikinatuwa.Nang magsimula na ay 'di mapigilang pumalakpak ni Badong. Nagulat pa ito ng biglang inakbayan siya ng kuya ni Cassy mula sa likuran. 'Cause I'm your lady And you are my man Whenever you reach for me I'll do all that I can........ Nagpalakpakan ang lahat matapos umawit ni Cassy. Napahanga ang lahat sa taas ng boses nito,maging ang kababata ay napasigaw kasabay ng mga bisita. "More!!! More!!! More!!!" nagkakagulong requests ng mga ito. "Parang namaligno ka Badong ah," biro ni Daniel. "Hindi naman kuya Dan,nahanga lang,galing eh" ani Badong. "'Sus don't me nga utoy, crush mo si Nini ano," tudyo pa nito. Hindi naman nakaimik si Badong sa tinanong nito lalo na nang muli itong magsalita. "Patuli ka muna boy," muling asar nito kasama ang mga barkada. Kaagad namang dumistansya si Badong sa mga ito at umupo sa bangkong 'di kalayuan sa kanila. Nakatatlong kanta pa si Cassy bago muling naupo sa tabi ni Badong. Tinanong ni Cassy kung okay lang ba ang kanyang kanta at kaagad naman sumagot ng oo si Badong. Maya-maya pa ay nagpaalam na itong umuwi kay Cassy sapagkat dumidilim na rin at kalahating oras lamang ang paalam niya sa kanyang Mama. Ipinagbalot pa siya ni Aling Juana ng spaghetti para sa kanyang mga magulang. Natuwa naman si Badong sapagkat alam niyang siya rin ang kakain ng kanyang paboritong pasalubong. Masigla itong umuwi at nadatnan pa ang mga kumpare ng kanyang Papa na nagiinuman. Tinawag siya ng kanyang Ninong Derrick at tinanong kung anong gusto niya paglaki. Sinagot naman niya ito na gusto niyang maging kapitan ng barko. Tuwang tuwa naman si Mang Delfin sa narinig sapagkat ito ang pangarap niya noong araw. Sa nakikita ni Mang Delfin ay walang dahilan para hindi matupad ang pangarap ng kaisa-isahang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.7K
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook