bc

Only Be Pretending

book_age18+
308
FOLLOW
1.5K
READ
revenge
possessive
dominant
gxg
campus
enimies to lovers
civilian
like
intro-logo
Blurb

She's Jemimah. One of the precious students of Mhie Zhou University. A member of the elite Reyes family. She gets what she wants with all the money she has. She believes that man is only for woman. But, what if her heart beats the weirdest thing she'll ever feel? How can she ignore the person who makes her feel secured and loved?

chap-preview
Free preview
OBP 1 - @McCafee
@McCafee Dana's Pov First day of part-time job! Dana the pretty barista! Hihi. Good thing tapat lang ng university 'tong café. Pwedeng sumibat agad kapag klase ko na. Nakakaindak ang tugtog, Palusot ko'y Maybe. "Dana girl, dalawang choco milktea and dalawang blueberry cheesecake sa table 15." "Right away boss!" Dali-dali akong nagtimpla. Unang timpla ko ito! "Boss ilang percent ang sugar?" "Oo nga pala. 25 lang. I-deliver mo na rin and prepare yourself." "Po? Saan?" "For the worst." Inakbayan niya ako. "Regular customer natin 'yon. Be good to her." Parang kinabahan ako bigla. Dana? Baka first and last day mo na ngayon. Huminga ako nang malalim bago ako lumapit sa table 15. Nasa last table siya. Naka-hoodie at face mask pa. Nagbabasa ng libro. "Here's your order po." Nag-angat siya ng tingin. "Maupo ka." "Po?" Tinuro niya ang katapat na upuan. "Dalawa ang orders ko. Hindi ko mauubos 'yan." "Pero..." "Maupo ka. Samahan mo lang ako dito." Naupo na rin ako. Nagtanggal siya ng facemask. Oh my Gosh! 'Yung sikat na vlogger! Si Jemimah! Fina-follow ko kaya siya. Pero hindi na siya active. Ilang buwan na. Na-starstruck tuloy ako. "You're new here?" "Yes po." "Ah ok. Kumain ka. Para kang nakakita ng multo." "Hindi na po. Busog pa ako." She ignored me. Kinuha niya ang straw saka itinusok sa milktea. "Kumain ka. Alangan panoorin mo lang ako. Magagalit sa'yo si manager kung hindi mo ako sasaluhan." No choice na. Nakaka-tense. Okay na ako sa milktea. Siya busy pa rin nagbabasa. Paano ako makakapag-work nito kung mabagal siyang kumain? Panay ang tingin ko sa relo ko. Thirty minutes na ako dito. "Don't worry. Regular customer ako dito. Hindi magagalit ang manager mo." Sabi nito kahit nasa libro ang atensyon. Nahiya tuloy ako. Nakalahati ko na ang milktea. Tense na tense pa rin ako. Namamawis na nga ang mga palad ko. Hay! "Masarap ang blueberry cheesecake. Subukan mo." Para akong robot na sumunod lang sa kanya. "Anong oras ang duty mo dito?" "M-W-F 8:00 to 11:00. T-TH 3:00-6:00 po." "Ah, I see. Ubusin mo 'yang food mo." Isang oras na ang nakalipas. Masakit na ang puwet ko. Nakaupo lang ako. Mas gusto ko 'yong nagtatrabaho ako kaysa ganito e. Nakakahiya sa may-ari ng café. Hay sa wakas! Ubos na niya ang milktea at cake. Sinara na rin niya ang libro! 9:30 na! Huminga siya nang malalim. "Nakakarelax talaga ang magbasa. Anong hobby mo?" "Kumanta. Maggitara. Maglaro ng badminton." "Ah..." napatingin siya sa Baller ID ko. "Varsity ka ng MZU? Parang ngayon lang kita nakita." "Transferee. Na-scout lang ako ng team sa Palarong pambansa." Tatango-tango lang siya. "Anggaling naman. Anong name mo?" "Dana Ermino." Tsk! Bakit para kasi siyang mayroong hipnotismo na hindi ako makatangging sumagot. "Nice ng name mo." Chineck niya ang relo niya. "Uhm kailangan ko nang umalis. See you around Dana." "Sige po maam." Nang makaalis na siya ay nakahinga ako nang maluwag. Makakapagtrabaho na ako nang maayos! Hoooh! Niligpit ko na ang kinainan namin saka pumunta sa counter. "Angtagal nun ha."sabi ni Manager. "Usually thirty minutes lang pinapaalis na niya ang waitress." "Ha? Bakit? Anong meron?" "Madali kasing ma-bored 'yon si Mimah. Anong pinagkwentuhan niyo naman?" "Wala. Hindi nga ako umiimik kasi natetense ako. Namawis nga ako nang sobra." Naglagay ako ng panyo sa likuran ko. Kahit airconditioned na tong café sobra akong nagpawis. "Naku mabait 'yon. Kalma ka lang. Basta kapag sinabi niyang stay put. Stay put ka lang." "Ano ako aso? Uutusan lang niya?" "Grabe siya. Baka naman pwedeng listener lang ang peg ano? Oh siya. Mag-out ka na. Bayad na ni Young Lady ang oras mo dito." "Ha? Sinong Young Lady?" "Si Miss Jemimah. Kaya mag-out ka na. Gorabels Dana Girl. Jackpot ka ngayon." --- Anong jackpot naman ang sinasabi niya? Hay naman! Angcool ng tawag sa kanya. Young Lady. Bagay din kaya sa akin 'yon? Young Lady Dana. Haha. Yayamanin! Kapag mayaman na ako gusto ko tawagin din akong pangmayaman. Kaso baka matanda na ako nun? Old lady na. haha. Apakapangit! Papunta na ako sa gym. 2:00 pa ang klase ko kaya manonood muna ako ng Practice game. Nakagawian ko na ito kahit noong nasa probinsya pa ako. Free time is panonood ng trainings time or kahit anong meron basta sports. Anong schedule sa gym ngayon? Check-check sa nakapaskil sa entrance. "Basketball? Tsk. Maingay 'yon panigurado. Di bale na nga lang." "Anong ginagawa mo?" "Anak ng!" Napatalon ako sa gulat. Pagtingin ko ay si Miss Jemimah. "Miss Mimah! Ginulat mo naman ako." Tiningnan din niya ang schedule. "Hmm. Basketball. Manonood ka?" I nodded. "Free time ko kasi." Tumango-tango lang siya. "Okay. Maraming tao diyan. Mga fan girls and stuffs. Hind ka makakasingit." Pinakita ko ang wrist ko. "Pwede daw kasi may baller ID ako." "Makakapasok ka pero hindi ka makakaupo kasi occupied na ng mga fangirls ang bench. Ayaw mong maniwala? Tara pasok tayo." Sinundan ko siya. Halla! Nag-eecho ang chants pagkapasok na pagkapasok namin. Practice game lang pero puno ang gym! At mga women's division ang naglalaro huh pero maraming fangirls! Gosh! Oh my Gosh! This is so new to me! Nakaka-culture shock! Wala ngang maupuan. "Nakakabingi," reklamo ko. "Ganitong-ganitong crowd din naman ang maririnig mo kapag naglaro ka na. Lalo kung Mamuru na ang kalaban ng school natin. Pressure will hit you." Dito rin siya nag-aaral? Oh my Gosh! Ilan kaya ang sikat na vloggers ang nag-aaral dito? Hindi na kami nagtagal. Nabibingi talaga ako. Parang natanggal ang tutuli ko nga. Saan ako tatambay nito? Kapag uuwi ako ng boarding house aantukin naman ako. Hay. May dalawang oras pa ako. Nakalabas na kami ng Gym. Nakaphinga din ang tainga ko. "Jem!" Pareho kaming napalingon ni Miss Mimah. Oh my Gosh! Another sikat na vlogger! Siya 'yong laging kasama ni Miss Mimah sa vlogs niya noon. Hot niya sa pawis-pawisan in a jersey look! Kasama siya sa mga nagpapractice game. "Uy, Gabb. Bakit?" "Anong bakit? Hindi mo man lang kami susuportahan? Grabe naman." Isinuklay niya ang mga daliri niya. "Support naman diyan." Napatingin siya sa akin. "Dana? Badminton team, right?" Tumango ako. I shyly smiled. "Hi..." "Nice to see you. Trending ka kaya sa campus. Palarong pambasa gold medalist. So cool. Buti getting to know each other na kayo. Good for the team na yan." "Angdaldal mo, Gabb. Balik ka na nga doon. Sunod na kami." "Okaydokey. Byei!" "Magka-team? Tayo?" "Depende kung maglalaro na ako. Balik tayo sa loob." In-escortan kami ng dalawang lalaking nakaitim na suit. Men in black ang datingan! Feeling ko nasa movie ako na anytime may alien na lilitaw! Haha! Sa likod ng team A kami umupo. VIP ang feeling. Kung sa national tv, mga kapamilya o kaya part ng team ang nauupo sa part na ito e. Grabe 'yong pag-chant ng mga girls. May mga placards pa. Paano pa kung totoong laro na. Baka mapaos-paos na sila. Si Miss Mimah napakaseryoso naman. Nakapamulsa siya sa hoodie. Walang gulat factor kapag nakaka-steal si Gabb o kaya happy kapag nakakashoot ang team A. May emotion ba to? Haha! Joke lang. Pinalitan si Miss Gabb. Hinihingal siyang naupo. Katapat lang siya ni Miss Mimah. Pagkapunas niya ng pawis ay nilingon niya kami. "So? How's my game?" Pasigaw nang tanong niya dahil maingay pa rin ang crowd. Sasagot sana ako nang okay lang pero nag-thumbs down si Miss Mimah. "Mabagal ka by .5 seconds sa bantay mo. Muntik ka nang maagawan. Calculated ang dribble mo. And madali kang hingalin. You can't surpass your cousin sa klase ng laro mo." "Grabe siya. Naku. Kapag nalampasan ko stats ni Ate Rhyck libre mo ako ng trip to Boracay!" bumaling sa akin si Miss Gabb. "Ano Dana? Okay ba 'yong laro ko?" "Okay na okay." Nag-two thumps up ako. "Ohryt!" naki-high five siya sa akin. "Buti pa si Dana. Nakaka-apreciate." Hindi umimik si Miss Mimah. Nasa laro na ang atensyon niya. Lumapit sa amin 'yong isang Man in Black. "Miss Mimah, pinapatawag po kayo ni Miss Vio." Bumuntong-hininga siya. "Tara..." "Kasama ako?" Tumango siya. "Kung iiwan kita dito baka hindi ka malabas ng buhay dahil kinausap ka ni Gabb." Huh? Anong ibig niyang sabihin? Bakit hindi ako makakalabas ng buhay? Sinundan namin 'yong lalaki. Bakit parang hindi nakakatuwa ang pakiramdam ko ngayon? Parang lahat kasi ng madadaanan namin e nagbubulungan. Narinig ko pang malanding transferee? Titigil sana ako sa paglalakad para komprontahin 'yong nagsabi e pero hinigit ako ni Miss Mimah sa kaliwang kamay. Tsk! Nakakainit ng ulo e! Ako lang naman ang dumaan sa harapan nila. Alangan si Mimah 'yong tinawag ng transferee?! Nilingon ko pa rin sila. Pakatatandaan ko ang mga mukha ninyo. Tsk! Nang makalabas kami ng gym ay binitawan na niya ang kamay ko. Sakit ha. Napakapayat na babae pero anglakas ng grip. Tsk tsk. "Anong sabi ni Miss Vio? Bakit niya ako pinapatawag?" "Hindi ko po alam Young Lady. Basta ang sabi niya pumunta kayo sa Building 5." "Okay. Pwede ka nang umalis." Umalis na si Man in Black. "Uhm so pa'no? Segway na ako. Pupunta ba akong library." Paalam ko sa kanya. "Samahan mo muna ako. Wala kayong prof kasi kakatanggal lang niya sa univ." "Ha?! Paano mo alam?" Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. "Professor Roldan was caught leaking answers to students..." "Halla. Grabe naman 'yon..." Umismid siya. "Ganon talaga..." Buti na lang may elevator tong building. Kun'di baka pudpod na ang swelas ng sapatos ko. Grabe din 'yong awra ni Miss Mimah parang lahat ng nakakasalubong namin nagbibigay galang sa kanya. Ako siyempre parang bodyguard lang ang peg. Haha! Fifth floor pa kami pupunta. Kaming dalawa lang sa elevator pinauna kami nung mga estudyante. Ang-preveliged naman niyang estudyante. Nasa tapat ng isang kwarto. 'Yung pinto parang sa mga palabas ko lang sa interne nakikita, sa mga kdrama ba. 'Yung mamahalin tapos dadalhin ka sa ibang lugar. Magic! Haha! May tinapat siyang ID sa sensor. Hi-tech! Totoo nga! Dadalhin ka sa ibang lugar! Parang living room na yayamanin ang interior design! Mayroon pang itaas. Anggaling! "Good morning Mimah..." Pogi! Pero boses babae. Halla! Babae ba siya? Napatingin siya sa akin. Nahihiya akong nag-hi sa kanya. "She's Dana," sabi ni Miss Mimah. "Wala kasi siyang kasama. Kawawa." "Anong kawawa? Kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw 'tong nagpasama sa akin." Natutop ko ang bibig ko kasi nag-abot na nag kilay niya. "Totoo naman." Mahina ko nang sabi. Sarili ko na ang kausap ko. Sino bang nagyaya dito? Siya naman diba? Bakit kasi hindi ako tumanggi. Shunga mo Dana! Inirapan niya ako. Bipolar. Kanina medyo mabait tapos ngayon iirap-irap. May regla ka sis? "Alright, tama na 'yan." Saway sa amin ni Miss Vio. Confirm ko kasi babae siya. Haha! "Maupo muna tayo." Siyempre upo. Alangan hindi ako sumunod. Pero si Miss Jem nanatiling nakatayo. "Gusto kitang makausap dahil nakahanap na ako ng magiging kaibigan mo." Huh? Pinapahanap na ngayon ang friend? "Same age lang kayo. Hindi siya madaldal at willing siyang maging part ng mga vlogs mo." "No need," sagot ni Miss Mimah. "Nagpahanap ba ako? Wala naman akong sinabing hanapan niyo ako 'di ba?" "Pero 'yon ang utos ni Miss Mika. Kailangan mo ng kasa-kasama." "Look, okay na ako. Hindi ko kailangan ng susunod-sunod sa akin. Saka kaibigan? E suswelduhan niyo kaibigan pa 'yon o alalay? O baka bodyguard 'yan. Lumabas ka na nga." Teka? Ano bang role nila sa buhay ni Miss? Di-hamak na mas matanda si Miss Vio pero kung kausapin niya parang utusan lang. "Alis!" pati ako nagulat. Aalis na rin ba ako? Baka gusto niyang mapag-isa. Tatayo na sana ako pero masama na naman ang tingin niya sa akin. "Sinabi ko bang ikaw ang umalis?" Parang normal lang kay Miss Vio 'yong ganung attitude ni Miss Mimah. Umalis nga siya. Miss! Iiwan mo ako sa tigreng to? Pero maliit siya. Matapang na pusa na lang. --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook