bc

Let's Count 1 2 3

book_age0+
36
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
badboy
goodgirl
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

ang aking kwento ay isang kathang-isip lamang. Kung ikaw ay napaka matatakutin sa mga kwentong kababalaghan maaaring wag mo ng ituloy basahin ang aking kwento sa pagkat hindi ko masasabi kung ano ang magiging epekto sayo pag katapos mong basahin ito. At kung ikaw ay malakas ang loob. Hali ka't simulant ang aking horror story . . .

chap-preview
Free preview
Let's Count 1 2 3
Paalala: ang aking kwento ay isang katang isip lamang. Kung ikaw ay napaka matatakutin sa mga kwentong kababalaghan maaaring wag mo ng ituloy basahin ang aking kwento sa pagkat hindi ko masasabi kung ano ang magiging ipekto sayo pagkatapos mong basahin ito. At kung ikaw ay malakas ang loob. Hali ka't simulant ang aking horror story . . . "MA! Pakibilisan naman malelate nako sa klase, mapapagalitan na naman ako nito" pasigaw kung sabi sa aking ina. Agad namang nagmamadaling bumaba si mama dala ang aking rosaryo. "Oh nak! Nakalimutan mo to. Diba sabi ko naman sayo wag na wag mo tong huhubarin alam mo namang bagong lipat tayo dito sa lugar na to" isinuot naman sa 'kin ni mama yung rosaryo na hawak niya. Nakatungo na may halong simangot sa 'king mukha habang sinusuot ni mama ang rosaryo sa leeg ko. Pinatay ni mama ang ilaw sa loob ng bahay kasunod nito ang pagsara ng pinto at agad na kaming sumakay sa sasakyan ni mama. Ako nga pala si Brenda Gonzales. 24 years old masasabi kong "NPA" as in No Permanent Address kami ni mama. Kada taon lumilimat kami, siguro pang limang bahay na namin to na nilipatan. Ewan ko ba dito kay mama kung anong trip sa buhay. Bago kami lumipat dito nasabi ko sa sarili ko na sana ito na yung last na bahay na lilipatan namin. Pero nung Nakita ko yung itsura ng bahay na pa OMG ako. Isipin mo puro puno ang nakapagilid samin. Yung wala kaming kapit bahay. Kung masusunog nga yung bahay namin for sure luto kami ni mama sa sobrang wala kaming kapit bahay. Sobrang nakakatakot yung itsura ng bahay. Medyo sira sira yung bubong. Yung haligi ng bahay namin Sira sira yung pintura tapos yung mga bintana pulos kalawang. So creepy talaga. Habang nagmamaneho si mama. "Ma baka naman pwde tayo lumipat" banggit ko kay mama habang nakahawak sa braso niya. "Ano kaba nak" lingon niya sa 'kin "Ang mura ng bahay na yun. Laking tipid yun para sa 'tin. Alam mo naman na nagtitipid tayo diba?" banggit ni mama sa 'kin. Agad akong bumalik sa pagkakaupo ko habang nakasimangot. Napapa-tingin sa 'kin si mama pero dedma lang siya. Sa ilang saglit lamang nakarating na kami sa school kung saan ako mag-aaral. "Ano ba naman to!" pasigaw kong banggit "ang creepy na nga ng bahay ang creepy pa ng school!!" banggit ko habang naka taas ang isa kong kilay "Pag-tsagaan mo na" banggit ni mama na may kasamang paghawak sa balikat ko. "Ano ba nga ba magagawa ko!" irap na pagka banggit ko kay mama. Lumabas nako ng sasakyan. Pero bago ako tuluyang pumasok sa loob ng school tinignan ko muna ito simula sa taas ng building hanggang sa baba. "Napaka creep talaga dito" banggit ko habang naka hawak ako sa braso ko. Ng biglang may bumangga sa likuran ko. "ARAY!!!" pasigaw kong banggit. Isang grupo ng mga lalaki at babae ang bumanga sa 'kin "Sorry naman entrance kasi to ng School hindi mall" pang aasar na sinabi ng lalaki at nagtawanan silang lahat. "Hindi nyo ba Nakita na nakatayo ako dito?! Kumpleto naman siguro kayo ng mata diba?" pa taray kong banggit sakanila. Lumapit yung isa sa mga ka grupo nilang lalaki. "Alam mo miss ang ganda mo pag nagagalit" pabulong na sambit ng lalaki, Napa hawak ako sa bewang ko. "Ang BASTOS!" pa sigaw kong sabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng school. Napakalaki ng school. Mukhang hindi ata to school mall ata to sa sobrang laki at lawak. Habang naglalakad ako ginagala ko ang mata ko sa loob ng school. Bawat dingding may santong naka sabit. Pati sa hallway mayroon ding mga santo mapa cr, hagdanan, classroom, canteen ultimo mga pinto may mga santo. At lahat ng prof nila may mga rosaryong suot. Agad ko naman kinapa yung rosaryong sinuot ni mama sa 'kin sa leeg. Kinuha ko ang aking list sa bag para tignan kung saan ang room ako papasok. ng biglang may nakabangga na naman sa 'kin. "ARAY NAMAN!" pasigaw kong sabi sa kaniya. "Sorry miss. Hindi ka kasi na tingin sa dinadaanan mo e" banggit niya sa 'kin namahinahon "AH AKO PA PALA ANG HINDI---" napatigil ako nung pagtayo ko gwapong lalaki ang nakabangga sa 'kin. omgiiieee ang swerte ko naman. Kung mukhang halimaw yung nakabunggo sa 'kin kanina. Ito naman mukhang angel sa sobrang gwapo. "Miss ok ka lang?" banggit ng lalaki habang nakatingin sa 'kin at nagtataka. Matangkad may tattoo ang katawan. Matangos ang ilong at ang bago niya. "Ah eh o-oo okay lang ako" banggit ko sakaniya habang kinukuha ko yung mga gamit kong nalaglag. Nakita niya yung papel na hawak ko. Mukhang nahalata niya na bagong lipat ako sa school na ito kaya naman tinulungan na niya ako kunin ang mga nalaglag kong gamit. "Transferee?" banggit niya sa 'kin. May kinuha siya sa bag niya at inabot sa 'kin. Isang mapa ng school nakakaloka sa laki ng school at lawak mayroon silang mapa??. Hindi ko alam bakit ang laki ng school na ito. Hindi naman mahal yung tuition fee dito. Infact napaka mura nga. "Oo hehe. Para saan itong mapa na to?" banggit ko sa kaniya na may halong pagtataka. "Mapa ng school yan. Lahat ng studyante mayroong mapa. Kasi kung bagohan ka lang dito at wala kang mapang dala baka hindi kana makalabas dito. At ang nakaka gulat pa dito isa lang ang extrance at exit" Habang nagsasalita siya napatingin ako sa gilid ng cr ng babae. na may batang nadapa. Sobrang nakakatakot yung itsura. Para siyang pulubi. Dahan dahan siyang lumilingon sa 'kin. nang maipikit ko ang aking mata, pagdilat ko wala na yung bata. Kasabay nito ang pagdarting ng malakas na hamgin. "Miss nakikinig kapa ba" banggit niya sa 'kin. "May ba-bata du-dun sa cr ng babae" takot kung banggit sa kaniya. Lilingonin na niya sana kaso ng bell na. Halos lahat ng studyante nagmamadali pumasok sa mga kaniya-kaniyang silid aralan. Agad naman akong tumakbo papunta sa silid aralan ko. Ng maabutan kong kakadating lang ng prof namin sa klase. Patago akong pumasok ng sa 'king silid aralan. At dahil bago ako sa gitna ako naka upo. Nakakatakot yung itsura ng Prof namin. Naka suot siya ng mahabang itim na tela. Mapa babae o lalaki ganun ang suotan nila dito. Hindi ko alam pero yung pakiramdam ko kakaiba. Tinataasan ako ng balahibo sa katawan ko. "Kumuha kayo ng note book at isulat ang mga sumusunod" banggit ng prof na may nakakatakot na boses. May ibang studyante na nagsusulat sa note book nila mayroon namang pinipicturan lang nila. Maya maya lamang may bumato ng papel sa ulo ko. nung paglingon ko. yung grupo na naka bangga ko sa labas sila din pala yung magiging classmate ko.  Nako nakakabwisit talaga tong araw na to!! Sa dami-rami na magiging classmate ko sila pa!! ng matapos na kaming sumulat. "Dahil new year or school ngayon isa isa tayo magpapakilala" banggit ng prof. "Mauuna ang mga nasa likod" pahabol ng prof. "Ano ba yan Prof ang baho talaga ng trip mo kahit kailan" nagtawanan silang lahat. Habang naka titig lang ang prof sa kanila. "Okay ako na mauuna. Ako nga pala si Jerson" matangkad siya medyo ma chubby ng unti pero sabi nila may jowa daw yan. "Hi ako naman si Alex. You can call me lex but you're not my friend so don't call me lex duuh!?" medyo kikay na marte si Alex. Nga pala si Jerson ang jowa niya. Perhas silang kalog kaya siguro nagtatagal sila. "Watzaap madling pipoooool! Akala nyo si vhong Navarro no? pango lang ilong ko. ako nga pala si Leo" siya si Leo makulit at sobrang kalog at laging binubully ng grupo nila. "Hello from the other siiiiiiiiide! Oh akala nyo si adele jusko ako lang to guys. Ako nga pala si Winnie hindi kapatid ni pooh pero anak ni wenaaaa" siya si Winnie parehas sila ng ugali ni Leo makulit at laging na bubully ng grupo. One of the boys siya astig diba. "Teka teka asan na si--" banggit ni Jerson habang may hinahanap. "Hi sir ako nga pala si James" omg!!! siya yung naka bunggo ko!! magiging classmate ko siya haha!!. At ka grupo pala siya ng mga panget nakakaloka. Pero okay lang atleast classmate kami haha!! Nagulat ako ng lahat ay naka tingin sa 'kin habang naka tingin ako kay James. Hindi mo naman kasi maiiwasang mapatingin sa kaniya dahil sa magandang itsura nito "Ah eh ako nga pala si Brenda" banggit ko habang nakamot sa ulo ko. Nagtawanan sila ng malakas. Umupo na kaming lahat at bumalik sa pagsusulat ng marining ko sila Jerson naguusap sa likod. "Uy pre! Brenda pala pangalan ng bagong transferee dito" banggit ni Jerson ng pabulong "Oo nakita ko nga yan kanina sa hallway e. buti nalang binigyan ko ng mapa ng school kundi hindi makakalabas ng buhay yan dito" narinig ko silang nagtatawanan. Maya maya lamang tumunog na ang bell para magrecess. Hinintay ko muna mawala yung tao sa loob ng class room bago ako lumabas. nang akala kong wala ng tao tumayo nako para lumabas. "Miss Brenda miss Brenda!" banggit ni Leo habang nalapit sa 'kin. Medyo kinakabahan ako sa posibleng gawin nila sa 'kin pero hindi ako nagpaparamdam na natatakot ako kaya inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilaang bulsa. "Yes Leo" maarteng banggit ko kay Leo. "Sumabay kana sa 'min magrerecess din kami" "Aba why should i?" maarteng na may pagirap na banggit ko sa kaniya. "Ito naman mababait kami. Hindi ka naman namin kakainin" banggit ni Winnie sa 'kin. "Ano tara?" yaya ni Winnie. Mukhang mababait naman sila mukha nga lang silang mangangain pero mababait naman. Agad naman akong sumama sa grupo nila. Pakiramdam ko makakasabay ako sakanila. Kasi kung mas bully sila mas bully ako haha. Nang makababa na kami sa canteen may iba akong naramdaman. Biglang lumakas ang simoy ng hangin. Napahawak nalang ako sa aking braso. "Malamig ba?" banggit sa 'kin ni James. omg ang gwapo niya talaga haha!! At mas lalong nagiba yung pakiramdam ko nung nakapasok na kami sa canteen. Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko. "Ano bang schoo, to? Seminaryo ba to" banggit ko na may halong pagtataray. "Haha ganito talaga dito masanay kana" wika ni Alex sa 'kin. Nang makabili na kami ng makakain namin agad na kaming umupo, kasabay nito ang pag kuwento ni Leo tungkol dito sa school. "Alam mo ba Brenda? Ang sabi sabi ng mga tao. Isa tong bahay ampunan na kung saan lahat ng nakatira sa bahay ampunan ay mga bata. Bali-balita daw na isang araw napansin nila na isa isa nawawala ang mga bata sa loob ng bahay ampunan. Halos nagtataka sila kung bakit nawawala ang mga bata. At hindi rin lubos maisip na bakit bata ang purtirya niya. Halos gabi gabi nalang daw na may umiiyak. walang tigil ang pagiyak. Tanging "mama papa" ang binabanggit nila sa tuwing umiiyak. hanggang sa dumating ang isang araw na wala ng bata sa bahay ampunan. Halos nagtaka sila kung paano nangyari yun. Pero nun may naglakas loob para pumasok sa loob ng bahay ampunan. may nakita siyang matandang lalaki na nakasuot na pang saka at may dalang pala. Sinundan niya ito ng dahan dahan. nang makarating na siya sa labas ng kwarto. Napalingon ang matandang lalaki sa likuran niya at agad naman siyang nagtago sa gilid ng pintuhan. Nang paglingon niya sa gilid may na kita siyang bintana na siyang pumukaw ng atensyon. Agad niya tong pinuntahan ng dahan dahan habang lumalakad ng nakauyo. nanlaki ang mga mata niya ng Makita niya na ang mga bata ay naging bangkay at pira piraso. Napa-atras siya ng lakad nang maramdaman niyang may tao sa likod niya. Dahan dahan siyang lumilingon ng Makita niya yung matandang lalaki na may hawak na pala. Pinatay siya nito at kinain. Dahil sa pangyayaring yon minabuti nilang sunugin nalang ang bahay ampunan at patayuan ng school. "Pero bakit may mga nageenroll pa din dito kung ganun yung naging history nito?" banggit ko sa kaniya "Kasi mura lang tsaka ito lang yung malapit na school dito sa bayan" banggit ni Winnie sa 'kin. Hindi naman ako matatakutin na tao pero pagnakikita ko at nararamdaman ko doon ako na tatakot. "Nung minsan nga may nakapag sabi sa 'min. Na may nagpakamatay daw na studyante sa may hallway" kwento ni Leo "Bakit naman? Ano daw nangyari" banggit ko na na para bang interisado ako sa mga kinukwento niya "Ang dahilan ng pagkamatay ng studyante ay nagbigti sa hallway. Dahil ni rape siya ng dating presidente ng school. at usap usapan pa 3:00 ng hapon nangyari ang pang re-rape sa kaniya. Halos kumalat daw ang issue nun sa school. Kaya walang na daan sa hallway pag 3:00 ng hapon kasi don daw nagpapakita ang nasabing babaeng na rape." Kwento ni Leo. "Hoy! Leo tigil tigilan mo na nga yan. Tinatakot mo lang si Brenda e." banggit nito ni James kay Leo. Hindi ko alam pero parang unti unti ako na niniwala sa mga kwento ni Leo. Maya maya lamang nagaya si Jerson at Alex na bumalik sa class room. Nang makarating na kami sa class room. Ginala ko ang aking sarili sa loob ng room. Pinagmamasdan bawat gamit na mayroon doon. Nang pumukaw ng atensyon ko ang isang bintanang naka bukas. Dahan dahan akong lumalapit habang busy ang lahat sa pagsusulat. Sa aking pagkakasilip may natanaw akong pintuaan na may dalawang kahoy na nakaharay sa pinto. Hindi maalis sa paningin ko ang pinto na yun. Nililit ko ang aking mata para maaninag ang pintong yun nang biglang tinawag ako nila Jerson. Agad naman ako lumakad papunta sa kanila. "May gagawin kaba after nito?" yaya ni Jerson "Hhmm. Wala naman" banggit ko sakaniya. "Magkakaroon kasi ng house party sa bahay namin. Tutal tropa ka nanamin kaya iimbitahan na kita. Ano G ka!?" banggit sa 'kin ni Jerson habang nagaantay sila ng isasagot ko sakaniya. "Ahm sure! Pero kailangan ko pa magpaalam kay mama" banggit ko sa kaniya. Medyo kinakabahan ako kung papayagan ako at kinakabahan ako kasi ito yung unang araw na makakabonding ko sila. Sana maging ok. Tsaka makakasama ko din naman si James kaya oks lang.  Maya maya lamang nagbell na at lahat ng studyante ay kaniya kaniyang uwian na. Sabay sabay na kaming naglalakad nila Jerson Alex Winnie Leo at James sa hallway. Nung papalapit na kami sa hallway naalala ko yung kinuwento ni Leo sa 'kin. Yung babaeng nagbigti dahil ni rape siya. Naimagine ko yung itsura ng babae. naka school uniform. Gusot gusot ang damit gulo ang hubok at duguan. At habang naiimagine ko yung itsura niya. "Brenda!" sabi sa 'kin James. "Ah guys bakit?!" banggit ko na may pagka gulat. "Ano bang nangyayari sayo? naka tulala ka diyan? Kanina kapa kaya namin kinakausap pero naka tulala ka diyan" banggit ni Alex na may kasamang tawa. "Paano na alala niya ata yung kwento ni Leo tungkol sa babaeng nagbigti HAHAHA!" banggit ni Jerson na may pagaasar. "wag ka kasi maniniwala sa mga kwento niyan ni Leo HAHA!" pahabol niyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo at tuloy ang lakad. Nung nasa labas na kami ng school agad namang pinaalala ni Jerson yung lakad namin mamaya. "Oh Brenda mamaya? Magtext ka kay James kung makakasama ka o hindi para masundo ka niya." nagkapalitan na kami ng number ni James. Omgie may number na niya ko haha. Habang naglalakad ako sa gilid ng school. naramdaman kong parang may nakatingin sa 'kin sa bintan ng school kaya naman agad kong nilingon ito. Pero wala namang naka tingin sa 'kin. Kinusot ko ang aking mata at patuloy sa paglakad. Bumalik ulit yung pakiramdam kong may nakatingin sa 'kin sa bintana. Bago ko lingunin huminga muna ako ng malalim. Pinagpapawisan ako tapos unti unting bumibilis yung t***k ng puso ko sabay lingon. Pero wala ulit akong nakitang nakatingin sa 'kin. Nung binalik ko yung tingin ko sa dinadaanan ko nagulat nalang ako nung nasa harapan ko na si mama. "JUSKO! NAMAN MA!" pa sigaw kong sabi kay mama "Aba! Kailan ka pa naging magugulatin?" wika ni mama sa 'kin "kanina pa kita binubusinahan pero hinid moko na ririnig kaya bumaba nako ng sasakyan para habulin ka" pahabol na banggit ni mama. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin baka dala lang to ng mga naikwento ni Leo sa 'kin. Tama nga si Jerson dapat hindi ako naniniwala sa mga kwento ni Leo nakakasira lang to ng bait kakaloka. agad naman kami sumakaw ni mama sasakyan niya at umuwi na. 5:30 na ng hapon. Madalim na sa daan tanging mga ilaw lang sa poste at ilaw ng sasakyan namin ang nakikita ko sa daan. Ang creepy sa daan pag ganong mga oras. Tapos may mga dahong lumilipad pa sa daan. Agad ko naman na open up kay mama yung tungkol sa house party ni Jerson. "Ma" Banggit ko kay mama "Ano yun nak" tingin na banggit sa 'kin ni mama habang nagmamaneho "Niyayaya kasi ako ng mga classmate ko pumunta sa house party. Magpapaalam sana ako" Banggit ko kay mama habang nakatungo ako. "Ok sige basta magiingat lang ha?" nagulat ako nung pinayagan ako ni mama. Siguro ramdam niya yung pagka bagot ko sa school at sa bahay kaya naman pinayagan na niya ako. "YEY!" nagagalak kong banggit sa kaniya at sabay yakap sa kaniya habang nagmamaneho siya. Maya maya lamang nakarating na kami sa bahay. Agad akong pumasok sa loob ng bahay para umakyat sa kwarto. Pero na tigil akong tumakbo nung may napansin akong bata sa sala. Agad ko naman ito nilingon. Naabutan ako ni mama nakahinto at nakatingin sa sala. Dahan dahan naman sinundan ni mama yung tingin ko sa sala. "HOY!" banggit na gulat sa 'kin ni mama "ANO BA MA!" banggit ko na pasigaw. "Ang hilig mong mangulat" pahabol kong sabi. "Aba'y para kang naka kita ng multo sa pagka tulala mo diyan." Banggit sa 'kin ni mama habang naka pamewang siya sa 'kin. Kinusot ko ang aking mga mata at muling tumingin sa sala kung andun pa yung bata pero wala na. Nakita ko talaga yung bata. Siguradong sigurado ako. Agad akong umakyat sa taas para magpalit ng damit. Nagtext nako kay James para sunduin ako. Matapos akong magbihis ako'y bumaba na ng kwarto at nagantay sa labas. Biglang lumakas ang hangin sa paligil ko. iginala ko ang aking mga mata sa paligid ngunit walang katao tao. Nang maramdaman ko na parang may naka tingin ulit sa 'kin sa bintana ng kwarto ko. Pinipilit kong wag lingunin ngunit para may naguudyok sa 'kin na lumingon ako. Nang dahan dahan kong lingunin biglang dumating naman si James. PEEP! PEEP! At laking gulat ko sa busine ng sasakyan ni James. "Ano tara!?" banggit sa 'kin ni James habang naka silip siya sa bintana ng sasakyan. Agad naman akong sumakay at umalis na ng bahay. Habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi pa din maalis ang pakiramdam ko na parang may nakatingin sa 'kin. Panay ang tingin sa 'kin ni James nahahalata niya siguro na may kakaiba sa 'kin. "Brenda are you ok?" banggit ni James na may halong pagaalala. "Ah o-oo hehe." Pakiramdam ko talaga mayroon. Mayroong nakatingin sa likod ng sasakyan ni James. Dahan dahan akong lumingon sa back seat ng sasakyan ni James. Nang makita ko ang bumungad sa harap ng mukha ko ang batang duguan na may saksak sa leeg habang umiiyak. "AAAAAAHHHHHHHH!!" pasigaw kong sabi. Nagulat naman tong si James kaya gumewang gewang yung sasakyan. "BRENDA! Ano problema!? Okay ka lang ba!?" pagkatarantang banggit sa 'kin ni James. "May nakita kasi akong bata sa likod ng sasakyan mo" paglabis na takot kong banggit kay James. Nilingon naman to ni James pero wala naman siyang nakita. "Chill! Brenda guni-guni mo lang yun" mahinahon niyang sinabi sa 'kin. Bumalik nako sa pagkakaupo ko at dumeretsyo na sa house party ni Jerson. Makalipas ang ilang minute nakarating na kami sa bahay ni Jerson. Sobrang laki ng bahay ni Jerson. Hindi ko aakalain na mayaman pala tong mokong na to. Malaki ang bahuran may garden, may malalaking bintana at pinto. Yun totoo mall totoo bahay?. Pumasok na kami sa loob ni James. Pagbukas namin ng pinto maingay na togtug, magagarang mga ilaw masasarap na pagkain, sari saring mga inumin at madaming tao. ginagala gala ni James yung ulo niya para hanapin si Jerson. "JAMES DITO!" sigaw ni Jerson habang nakataas ang kamay nito. Lumapit naman kami agad ni James. Sa bandang kanan ko na kita ko si Winnie Mukhang may tama na tong si Winnie. "PARTE! PARTE! WWOOOHHHH!!" galak ni Winnie habang hawak niya yung bote ng alak. Sobrang nagkakasiyahan ang lahat. Sayaw dito sayaw doon. Inom dito at inom doon. "Pre wait lang ha? Cr lang ako." Banggit ni James kay Jerson. "Uy Brenda inom tayo masarap to" yaya ni Alex sa 'kin. Nainom naman ako ng alak pero minsan lang. "Hehe sige lang maya maya." Banggit ko sakaniya. "May boyfriend kaba Brenda?" banggit ni Jerson habang naka ngiti sa 'kin. "Ah wala. Bakit mo na tanong??" banggit ko sa kaniya. Actually hindi pa talaga ako nagboboyfriend mahirap kasi sa istado ng buhay namin. Kada taon nalipat kami ng bahay e ayaw ko din naman ng LDR nakakapraning. "Ayun sakto! Haha" tawang banggit ni Jerson "si James single yun and panigurado magugustuhan ka nun" pahabol na sabi sa 'kin ni Jerson. "Haha abnoy!!" banggit ko sa kaniya. Kinuha ko na yung alak na binibigay ni Alex sa 'kin. Medyo mapakla ang lasa pero habang tumatagal sumasarap naman haha!. Nang maigala ko ang mata ko sa bandang kaliwa ng bahay nakita ko si James na naglalakad papunta samin. Ang gwapo niya talaga. Bad boy na badboy ang dating. Mukang malabong magka gusto to sa 'kin "James! Sayaw daw kayo ni Brenda" agad namang tinulak ako ni Alex papunta kay James at na salo naman niya ako. OMGIEE!! Nahawakan ko yung dibdib niya at ang lapit lapit ng muka namin sa isat isa. Para na kaming maghahalikan nito! "Sayaw tayo?" banggit ni James sa 'kin habang naka ngiti. Agad naman niya ko dinala sa dance floor at nagsayaw. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa mga ilaw na tumatama sa kaniya. At lalo siyang sumexy nung naka bukas yung polo shirt niya. "Enjoy ba!?" banggit ni James sa 'kin. "Oo hehe ikaw ba?" ng biglang namatay ang ilaw at nagsigawan ang lahat. Sobrang dilim sa lugar halos wala ako maaninag na ilaw napakadilim. Nang maramdaman kong may yumakap sa 'kin at alam kong si James yun kaya yumakap na din ako, Napakahigpit ng yakap ko kay James kasi sobra akong na tatakot. Nang biglang bumukas ang ilaw lahat kami nakatingin sa taas ng bahay nila. "Anong mayroon? Bakit kaya namatay ang ilaw" sambit ng mga taong nasa loob ng bahay Biglang binalik ko yung lingon ko kay James laking gulat ko na ang kayapak ko pala ay isang matandang lalaki na duguan sugatan at puro saksak sa katawan. "AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" sigaw kong pagka sabi. Agad kong naitulak ang yung matandang lalaki na kayakap ko. Bigla ulit na matay ang ilaw. Sa loob ng tatlong sigundo bumukas ulit ang ilaw. Nang laking gulat ko ang daming batang nakapagilid sa 'kin duguan puro saksak sa katawan. Sobrang nakakatakot ang itsura nila. Ang sinasabi nila sa 'kin habang lumalapit. "MAMAMATAY KA! MAMAMATAY KA!" palakas ng palakas hanggang sa napaluhod ako at tinakpan ko ng kamay ko ang tenga ako sabay nun ay ang pagsigaw ko na malakas "TAAAMAAAAAAAA!!!!!!" at biglang bumukas ang ilaw at ang lahat ay naka tingin sa 'kin na akala mo naka kita ng multo. Agad na lumapit sa 'kin sila Jerson Alex at James. "BRENDA! OK KA LANG!?" pasigaw na sabi ni James sa 'kin. Bigla niya kong niyakap. Pinagpasiyahan ni James na iuwi nalang ako sa bahay namin. Lumabas kami ng bahay at sumakay sa sasakyan ni James para ihatid ako. "Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang sumigaw? Tapos bigla mo nalang din ako tinulak." Banggit ni James na habang nagdadrive at pasulyan na tumitingin sa 'kin. "Sorry James. Wala to dala lang siguro ng alak" banggit ko sa kaniya habang naka tungo ako. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Kung may problema ka andito lang ako" banggit sa 'kin ni James. Nang makarating nako sa bahay. "Oh bukas nalang ulit." Banggit ni James at sabay halik niya sa pisngi ko. pumasok nako sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Halos hindi pa din ako maka paniwala sa nakita ko kanina. 12 na pala ng madaling araw matutulog nako. . . . naalipungatan ako ng gising binuksan ko ang aking cell phone para icheck kung anong oras na. "3:00am palang" banggit ko habang kinukusot ang mata. Halos patay na ang ilaw sa buong bahay. Tanging mga dim light na kulay green ang nakabukas. Bumangod ako sa aking kama upang magcr. Dahan dahan akong lumalakad paba ng hagdan habang dala ko ang aking cellphone na siyang pinagkukuhanan ko ng ilaw. Nasa loob nako ng cr at naka upo na sa inidoro sinara ang kurtina. Medyo transparent lang yung kurtina namin. Pagmay dumaan na tao maaaninag mo agad. Habang naka upo ako sa inidoro may na rinig akong mga kutsarang na laglag. Agad akong nagulat. Binuksan ko lang yung pinto ng cr namin. "Ma!? Ikaw ba yan?" banggit ko na may halong pagkatakot. Nakatitig lang ako sa kurtina namin. May nakita akong batang tumatakbo ng mabilis. Agad ko namang hinawe yung kurtina para tignan ko kung sino yun. "MA! Ano ba!?" banggit ko sa kaniya na natatakot na ko. Pagkatapos ko magcr dahan dahan akong lumalabas ng cr habang sinisilip ko kung may tao. hanggang makarating ako sa hagdanan namin. Napalingon ako sa sala ng makita ko ang batang nakita ko sa house party. Agad kong pinikit ang sa 'kin mga mata. At dahan dahang dinilat. Pagtingin ko sa sala wala na yung bata. Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto. Bumalik ako sa kama kasunod nito ay ang aking pagtaklob ng kumot. Habang naka taklob ako ng kumot naaninag ko na may batang dahang dahan na lumalapit sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdasal ako. Hindi ko alam pero habang nagdadasal ako may na ririnig din akong nagdadasal. Pakiramdam ko nasa loob din ng kumot yung bata. Dahan dahan ako lumilingon ng bumungad sa 'kin ay batang nanlilisik ang mata at duguan. Bigla siyang sumigaw na "MAMAMATAY KA!!" "AAAAHHHH!!" pasigaw kong sabi. At nagising ako na hingal na hingal. "Omg panaginip lang pala" hingal kong pagka sabi. Agad ko naman kinuha yung phone ko para tignan kung anong oras na. nang laki ang mata ko ng makita ko na 3:00am palang. Napalunok ako ng dahan dahan. Bumangon ako sa aking kama para magcr. Tanging dim light at ilaw lang sa cellphone ang pinagkukuhanan kong liwanag. Bago ako makarating sa cr may nakita akong batang naka upo at naka talikod sa cr. Nililit ko ang aking mata para maaninag kung sino ang bata na yun. Habang papalapit ako ng papalapit bigla naman tong lumingon sa 'kin at ang sabi sa 'kin "MAMATAY KANA!!" at aambahan ako ng kutsilyo "AAAAAHHH!!!" pasigaw kong sabi. Pinagpawisan ako ng husto. Panaginip lang pala. Agad kong kinuha ang aking cell phone para tignan kung anong oras na. nang laki ang mata ko ng malaman kong 9:30am na pala. Agad akong pumunta ng banyo para maligo. "Jusko malelate nako sa school!!" pagmamadaling sabi ko sa sarili ko. bumaba nako ng kwarto. Nang palabas nako ng pinto ng bahay may nakita akong sulat na galing kay mama. letter from mama Oh nak maga-out of town muna ako magkakaroon kami ng training gustohin ko man na isama ka kaso hindi ako pinayagan ng boss ko. Bumili nako ng makakain mo diyan nagiwan na din ako ng allowance mo kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. "HAYS!! Alone na naman!" banggit ko sa sarili ko. Agad nako lumabas ng bahay at pumasok sa school. . . . "Brenda Gonzales YOU'RE LATE!" sigaw na banggit ng prof namin. Halos lahat sila naka tingin sa 'kin. Agad naman ako umupo kung san naka upo sila James. "Uy Brenda anong eksena mo kagabi? Nabahuan kaba sa kaniya kaya mo siya tinulak?" pabulong sabi sa 'kin ni Alex at sabay tawa. Inirapan ko lang siya tapos dedma na. "Pero ano ba ang nangyari?" banggit ni Jerson. Nung una ayaw ko pang sabihin yung na nakita ko kasi baka hindi lang nila paniwalaan. "Sabihin mo na! nakikinig kami" pabulong na sabi ni Leo habang nakatingin sa 'kin nila James Jerson Winnie at Alex. "Promise pagsinabi ko wag kayong tatawa?" banggit ko sakanila ng pabulong. At nagpromise naman sila sa 'kin. "Nung pagka matay ng ilaw may nakita akong mga bata na puno ng saksak at duguan at matandang lalaki na may mga saksak din at duguan. Tapos nagulat nalang ako na pagtingin ko kay James yung matandang lalaki na yung kayakap ko. kaya naitulak ko siya." Banggit ko habang nagkukwento ako. "Huh?!" gulat na pagkasabi nilang lahat sa 'kin. "Anong namatay ang ilaw? Brenda hindi namatay ang ilaw the whole party" at ng laki ang mata ko nung narining ko yung kay Jerson. "Posibleng hindi namatay. Promise dalawang beses namatay ang ilaw" banggit ko na may halong kaba. "Tama si Jerson Brenda. Hindi namatay ang ilaw buong gabi simula na nagumpisa ang party" muli akong pinagpawisan ng lamig sa mga na rinig ko sa kanila. "Alam mo Leo kasalanan mo to e. tignan mo ipekto kay Brenda" banggit ni James kay Leo. Bigla ako napahawak sa rosaryo ko ng mahigpit. "Haha okay lang yan Brenda mawawala din yan" tawang pagkasabi ni Jerson sa 'kin. Tama nga si Jerson mawawala din to. Tsaka hindi dapat ako matakot sa patay mas matakot ako sa buhay. Maya maya lamang nagclass dismiss na kami at naisipan nila Jerson na tumambay sa library. Agad naman kaming pumunta sa library. Ang laki ng library nila. Ang daming libro Mukhang matatagal na ang mga ito. Yung ibang libro kasi puro alikabok na. pumwesto kami sa dulong sulok ng library. Kaniya kaniya kaming kuha ng babasahin namin. Nang bumalik na kami sa aming pwesto bigla namang may sinabi si Leo. "Guys ito maganda to basahin. True story daw to e" banggit ni Leo samin. "Nako Leo mananakot ka na naman" banggit ni James. Hindi ko alam pero may naguudyok sa 'kin na makinig sa mga kwento ni Leo. "Hindi okay lang James" bigla akong hinawakan ni James at nilapit sa tabi niya. At nagsimula ng magkwento si Leo ng nakakatakot. Leo's story grab taxi Isang madilim na gabi. May isang grab taxi na papuntang sa hindi kilalang building. Para magsakay ng mga pasahero. Tinawagan ng grab driver ang nagbook sa kaniya para sabihing andoon na siya. "Good evening po Ma'am andito na po ako sa tapat ng building" wika ng grab driver. "Sure kuya pa-antay nalang kami pababa na rin naman kami." Wika ng babaeng nagbook sa kaniya. Hinintay naman ng grab driver ang kaniyang pasahero. Maya maya lamang dumating na sila. Habang tinatanaw ng grab driver ang mga pasahero binibilang niya ito sa isip niya. "1 2 3 4 5 6. Sakto amin sila" wika ng grab driver sa kaniyang sarili. Maya maya lamang ay sumakay na ang kaniyang pasahero. Pero para makasigurado binilang niya ulit kung tama ang biling niya. "1 2 3 4 5 6. Sure akong amin sila" Banggit ng grab driver sa kaniyang sarili. Habang umaandar ang sasakyan. Nagtatawanan ang lahat at nagkakaasaran. Sa ilang saglit lamang huminto na sila sa paguusap nila. Maya maya lamang nakarating na kami sa aming distinasyon. "Ma'am dito nalang po ba?" banggit ng grab driver "Ipasok mo nalang sa dulo kuya" wika ng pasahero. Nakakatakot ang lugar. Napakadilim ng pagilid tanging ilaw lang sa mga poste at ilaw sa sasakyan ko ang nakikita ko. "Boss pa log in nalang po ng mga pasahero niyo" wika ng gwardya ng matapos nila maglag. Dumaretsyo na kami sa loob. Nakakatakot ang loob ng boarding house na to. Mukang sinaunang panahon pa to. "Kuya dito nalang po kami" wika nito sa grab driver habang naka ngiti ito sa kaniya. "kuya magiingat ka nuway maka uwi ka ng ligtas" pahabol nitong sabi. agad naman kinabahan at nagtaka ang grab driver. "Bakit niya ko sinabihan ng ganun. Mukhang may kakaiba ha?" wika ng grab driver habang na ngangatog na sa kaba. "Teka teka amin sila? Bakit lima lang yung lumabas ng sasakyan ko?" wika ng grab driver na may halong kaba at pagtataka. Halos hindi mapakali ang grab driver habang nagda-drive. Nang unti unti niyang sinisilip yung back seat niya sa salamin. May naiwang pasahero na naka tingin sakaniya habang naka ngiti. "Pucha! Ano ba tong pinuntahan ko." wika ng grab driver na pinagpapawisan na. Nang makarating sa gate. "Boss pa check naman ng back seat ko kung may naiwang pasahero" wika ng grab driver. "Bakit boss?" "May nakita kasi akong isang pasahero sa likod ko." "Ah normal lang yan dito" "Boss pa check ng log book kung ilan yung pasaherong sakay ko." nagulat ang grab driver na lima lang ang sakay niyang pasahero. "Anak ng pucha! Gusto ko ng bumaba sa sasakyan ko." habang nagmamaneho siya na patingin ulit siya sa salamin ng sasakyan niya para tignan kung andun yung babae naka tingin sa kaniya. Nang magulat siya nasa tabi niya yung isang babae. "AAAAHHH!!" nagulat at gumewang gewang ang sasakyan hanggang sa mabungo sila sa poste. Nabalitaan nila namatay ang grab driver. The end. . . "More!" banggit ni Winnie at Alex kay Leo. "Haha mukhang enjoy na enjoy kayong dalawa sa mga kwento nito ni Leo ha?" banggit ni Jerson habang na tawa. "Okay ka lang?" banggit sa 'kin ni James. "Oo okay lang ako. Medyo nageenjoy naman ako sa mga kwento niya hehe" Agad na nagsimulang magkwento ulit si Leo ng ibang nakakatakot na kwento. Leo'ss story school. May isang studyante napapasok sa school. Itago natin siya sa pangalang Jobert "Ma pasok nako sa school." Agad naman tumakbo ang studyante dahil late na daw siya. Nang makarating si Jobert sa school. Agad naman niyang nilapitan ang kaniyang tropa na si Nick. "Uy Nick kamusta? Nalaro mo na ba yung pinahiram ko sayo na bala?" wika ni Jobert kay Nick. "Hindi pa nga e. si mama kasi daming pinapagawa kaya hindi ko malaro. Excited pa naman akong laruin yun." Banggit ni nik kay Jobert. "Ah sige haha" wika ni Jobert. "Nga pala wala pa ba yung magtuturo satin? Anong oras na ha?" habol niyang sabi kay Nick. "Ewan ko ba bakit kasi tayo lang yung may pasok ngayon samantalang yung ibang studyante bukas pa magkakaroon" wika ni Nick kay Jobert. "Oh siya balik na muna ako sa upuan ko. gagawin ko pa yung assignment na pinapagawa ni teacher e" agad namang bumalik si Jobert sa upuan niya habang ang buong klase e maingay na naglalaro. Nang napatingin si Jobert sa labas ng bintana ng school. May nakita siyang isang studyante na naglalaro sa labas. Agad naman tong nagtaka at lumabas ng classroom para tignan kung may mga ibang studyante maliban sa section nila. "Asaan na yung studyante? Biglang nawala." Napaisip si Jobert kung sino yung nakita niya. Bumalik ulit siya sa upuan niya habang nagiisp. "Wala dapat na studyante dito maliban sa section namin." Wika ni Jobert sa kaniyang sarili. Hindi na lamang niya ito pinansin at tuloy sa paggawa ng assignment. Makalipas ang isang oras na pagaantay nila sa teacher nila. Lumapit na si Nick sakaniya para sabihin. "Jobert puntahan mo naman si teacher sa faculty baka andun na yun. Kasi anong oras na wala pa din siya dito." Wika ni Nick kay Jobert "Oh sige sige. Puntaha ko lang." lumabas at naglakad na si Jobert papuntang faculty ng maaninag ng mata niya ang isang babae na umiiyak habang naka yuko ito. Agad naman nilapitan ni Jobert ang babae. "Pst! miss okay ka lang ba?" wika ni Jobert. Hindi siya sinagot ng babae at patuloy pa din sa pagiyak ang babae. nang hahawakan sana ni Jobert ang babae bigla siyang tinawag ni Nick "Jobert sa ka pupunta? Hindi diyan ang papuntang faculty" wika ni Nick kay Jobert "Hindi may nakita kasi akong babae na naiyak" Paglingon ulit ni Jobert nagulat nalang siya na wala na yung babae. "Sinong babae?" wika ni Nick na may halong tanong kay Jobert. "Ah wala wala. Baka guniguni ko lang yun." Agad namang pumunta si Jobert sa faculty room para tignan kung nakarating na ba yung teacher nila. Ng maabutan niya na andun yung teacher nila nagaayus ng mga ituturo. "Teacher tara na po kanina pa po kami nagaantay dun" wika ni Jobert "Sige na bumalik kana dun susunod nako." Wika ng teacher kay Jobert. Ng magulat si Jobert na pagbalik niya sa classroom walang tayo. Bigla siyang pinagpawisan ng lamig at na ngatog. Agad niyang pinuntahan yung teacher niya ngunit wala din dun. "Hibig sabihin simula ng pagpasok ko sa school ako lang magisa?" wika na sabi niya sa sarili niya. Agad siyang tumakbo ng mabilis papunta sa gate ng school. Nang makasalubong niya yung gwardya. At laking gulat ng gwardya kay Jobert. "Bakit andito ka?" "May school po kami ngayon" "Iho walang school ngayon" napaisip ulit si Jobert na kung walang school ngayon sinong Nick yung kausap ko kanina. RRRIIINNNGGG!!! RRRIIINNNGGG!!! RRRIIINNNGGG!!! "Uy pre asan ka andito ako sa labas ng bahay niyo" at dun simulang taasan ng balahibo si Jobert sa katawan. . . the end. "Grabe naman yun. Sobarang nakakatakot. Siguro kung sa 'kin nangyari yun baka na baliw na ako" banggit ni Winnie samin. "Nako tama na yang kalokohan na yan." Banggit ni James sa 'kin. "More pa haha" banggit ni Alex habang natawa. "Alam mo kung seseryosohin mo yung mga kwento ni Leo matatakot ka talaga pero paghindi naman lamang hindi ka matatakot. Mind over body yan lang" banggit ni Jerson samin. Napaisip ako na tama nga si Jerson. Mind over body lang to. "Ano gusto niyo pa ng isa pa?" banggit ni Leo samin habang naka ngiti siya. Lahat kami sumangayon maliban lang kay James. "Ano James? Tahimik ka dyan. Baka naman ikaw na yung natatakot dyan?" wika ni Jerson na may pagtawa. "Nagaalala lang ako kay Brenda" sabay tingin sa 'kin ni James. Naghiyawan sila. Agad naman kami sinita ng nagbabantay sa library kasi masiyado na kaming maingay. "Sha sha sha uumpisahan ko na ang kwentong nakakatakot" Leo's Story reunion Ang lalaki sa likod ng story na ito ay itago natin sa pangalang Max. nakatanggap si Max ng email galing sakanilang prof dati na si prof agwas. Email from Agwas Cruz Ikinagagalak kong ibahagi sainyong lahat na ang ating block section ay magkakaroon ng reunion sa october 8 2019 6:00pm. Inaasahan ko na lahat ay dumalo sa nasabing event. Kung may mga katanungan pa kayo maaari niyo kong kontakin or tawagan sa aking numero. Nang matapos basahin ni Max ang email mula kay prof Agwas. Labis naman siyang natuwa sa pagka't muli niyang makikita ang kaniyang matalik na kaibigan na si Sarah. Si Sarah ang kaniyang matalik na kaibigan. Halos lahat ng lihim ng isat isa ay alam nila. Sinubukang palalimin ni Max ang relasyon nila ni Sarah ngunit tutol ang kanilang mga magulang kaya naman mas minabuti nalang nila na hanggang matalik na kaibigan lang sila. Maya maya lamang nagsimula ng umingay ang cell phone ni Max dahil sa mga classmate niya. Jun: oh guys walang mawawala ha? Minsan lang magset si sir agwas. John: nako pre masayo to magkikita kita ulit tayo haha Leigh: haha ang papanget nyo!! Angel: mas panget ka!! Haha Max: haha nakakamiss kayo. Oh pano see you soon guys :) Rex: hoy wag pa seen seen yung iba dito. Pumunta kayo magpakshet!! Haha.  Makalipas ang tatlong araw October 8 2019 ito na yung araw na magkikita kita na sila. Agad namang na ligo at nagbihis si Max para makapunta na sa reunion. Ng makarating na si Max sa venue. Agad naman niyang sinalubong yung mga tropa niya. Habang nagtatawanan sila. Napalingon si Max sa likuran. Ng makita niya si Sarah. Kulay blue ang damit mahaba ang buhok. Nakanganga si Max nung nakita niya si Sarah. Agad naman niya tong nilapitan . "Hi sa-Sarah." Banggit ni Max na may halong hiya. "Uy Max kamusta kana?" banggit ni Sarah kay Max. Sa ilang saglit lamang may tumugtog na bamagal na kanta at niyaya niya si Sarah magsayaw. "Hi Sarah kamusta kana pala ngayon. Taon din yung hulin nating hindi pagkikita" banggit ni Max habang nakahawak si Max sa bewang ni Sarah at naka hawak naman si Sarah sa balikat ni Max. "Oo nga e long time no see din no?" wika ni Sarah "Alam mo sana naging tayo nalang. Sana mas pinili kong pakinggan ang sigaw ng puso ko kesa kila mama" pahabol na sabi ni Sarah kay Max. Nanlaki ang mata ni Max nung narining niya yun kay Sarah "Pwde naman nating umpisahan ulit yung naiwan natin" banggit ni Max. "Kaso hindi na pwde" banggit ni Sarah ng biglang yumuko ito. "Bakit hindi pwde" ng biglang tinawag si Max ng mga tropa niya. At agad naman tong lumapit. "Hoy Max sino kausap mo dun para kang tanga!" wika ni John na may kasamang tawa. "Si Sarah kausap ko pre" at ng marining ng mga tropa niya yung sinabi ni Max. tumawa nalang ng malakas ang tropa niya. "HAHAHAHAHAHAHAHAH gago kaba!?" halakhak na banggit ni Rex kay Max. "Bakit pre anong nakakatawa dun" banggit ni Max na may halong pagtataka. "Hindi mo pa ba alam pre?!" wika ni John sakaniya. "Pre matagal ng patay si Sarah" Pahabol na sabi ni John kay Max. "Pre paanong patay na e kausap ko pa si Sarah" agad naman kinuha ang phone ni John para ipakita ang picture ni Sarah. Nanlaki ang mata ni Max ng makita niya yung larawan ni Sarah na nakahalundusay kalsada na hubod hubad at madaming tama ng saksak sa katawan. "Pre matagal ng patay si Sarah. Rape ang ikinamatay niya" biglang pinagpawisan ng lamig si Max at napalunok ng dahan dahan. Nang dahan dahan niyang lilingunin kung saan niya iniwan si Sarah. Nagulat nalang siya ng nasa harapan na niya si Sarah na walang damit duguan at puro saksak sa katawan. "Ako nalang ang mahalin mo Max tayo nalang ang magsama" wika ni Sarah habang naka tingin kay Max "AAAHHHHHHHHHH!!!!" at napasigaw nalang si Max sa gulat. The end. . . "Grabe naman yun. Sobrang nakakatakot naman yun." Banggit ni Winnie. "Oh sha sha sha akoy na gugutom na baka naman pwde na tayong kumain niyan" banggit ni Jerson saming lahat. at ang lahat ay nagka yayaan ng pumunta ng canteen para kumain. Habang naglalakad kami papuntang canteen hindi pa din maalis yung pagkakaakbay ni James sa balikat ko. "James baka na ngangalay kana ha?" wika ko sakaniya. "Hindi ok lang nakaka relax nga e" banggit niya sa 'kin habang naka ngiti. At binulyawan naman kami nila Winnie Jerson Alex at Leo. "Ayyiiee alam nyo bagay kayong dalawa bakit hindi nalang maging kayo hahaha" Lahat sila naghiyawan at nagtawanan. Nang malapit na kami sa canteen. May naainag akong bata sa gilid ko. Agad ko naman to nilingon. Napasigaw ako ng bumungad sa 'kin yung batang lagi ko na kikkita sa bahay. "AAAAHHHH!" napakapit ako sa kay James ng mahigpit ng mahigpit. "oh anong nangyari sayo!?" gulat na sabi sa 'kin ni James "Wala wala" banggit ko habang naka tungo ako. Mas minabuti ko nalang wag sabihin kay James ang nakaita ko. patuloy kami sa paglalakad at ng makarating kami sa canteen. Halos walang katao tao. bumili na kami ng kami ng makakain. Habang kumakain kami naisipang magaya nila Jerson at Alex sa isang rest house. "Guys baka gusto niyo sumama samin Jerson bukas sa rest house namin sa baguio" ayang sabi ni Alex samin. Naisipan ko namang sumama gawa ng wala din naman si mama sa bahay. Sa susunod pa naman uuwi si mama galing out of town. Agad akong sumangayon. "I'm in!" wika ko sa kaniya habang naka taas ang sa 'king kamay. "Kung sasama ka Brenda lamang sasama na din si James diba James?" aya ni Jerson kay James. "Oo naman sasama ako no" banggit ni James kay Jerson. At syempre sasama din si Leo at Winnie. Mukhang masaya ang mangyayari kasi lahat kasama. Tsaka para na din maka layo layo sa nakakatakot na lugar na to. "Teka teka nagpaalam kana ba sa magulang mo Alex?" banggit ni Winnie "Kahit naman hindi ako magpaalam papayagan ako nun. Mas gusto nga nila na may bumibisita dun kasi matagal na panahon ng walang bumibisita sa bahay na yun." "Yown! Maganda to haha" banggit ni Winnie at Leo kay Alex. Maya maya lamang ay nagbell na. Kinuha nanamin yung mga bag namin at agad ng umuwi. Nang nasa labas na kami ng school na pansin ni James na parang may hinihintay ako kaya naman kinausap niya ko. "Brenda tara na ihahatid na kita sa inyo" aya ni James sa 'kin. Hindi nako nagdalawang isip kasi wala naman talaga akong masasabayan. Habang nasa loob kami ng sasakyan naguusap lang kaming dalawa. "Oh baka naman maniwala ka sa mga pinagkukwento ni Leo kanina ha? Wag kang ma niniwala dun lahat ng kinukwento niya lahat yun hindi totoo" banggit niya sa 'kin sabay kindat. Pakiramdam ko safe ako pagkasama ko si James. "Hehe oo naman alam ko naman na hindi naman lahat yun totoo hehe" banggit ko sakaniya. "Brenda wala ka bang boyfriend" at nagulat ako sa sinabi ni James sa 'kin. "Ah eh wala e." banggit ko sakaniya na parang na hihiya. "Bakit naman? Sa ganda mong yan posibleng wala kang boyfriend" banggit niya sa 'kin habang sumusulyap ng tingin sa 'kin. "Hindi lang ako sanay ng LDR." Sabi ko sakaniya. "Huh?! LDR? Bakit?" patanong niyang banggit sa 'kin. "Every year kasi lagi nalang kami na lipat ng bahay. Hindi ko din kasi alam dito kay mama kung bakit kada taon nalipat ng bahay." Banggit ko sakaniya "E asan papa mo?" "Ah yun? Wala na siya na sa ibang puder ng babae haha!" patawa kong banggit sakaniya. "Ah sorry na open ko" "Hindi ok lang hehe. Kaya mahirap para sa 'kin magka boyfriend." "Malay mo naman ito na yung last na lipat niyo ng bahay" at biglang tingin sa 'kin ng nakangiti. "Nako yan din hinihiling ko" banggit ko sakaniya. Nararamdaman ko si James na may gustong sabihin sa 'kin na hindi niya matanong. "Brenda may gusto kasi akong sabihin sayo." Banggit ni James na medyo na hihiya "Go lang ano yun?" banggit ko sakaniya habang nakatingin sakaniya. "Puwde ba kitang---" hindi napatapos ni James yung sasabihin niya gawa ng may tumakbo na mabilis sa unahan namin. Kaya naman agad niyang pinreno ang sasakyan. Lumabas siya para tignan kung ano yung muntik niyang masagasaan. "Wait lang Brenda ha. Tignan ko lang." banggit niya na medyo hinihingal. Habang nakikita ko siya sa labas na sinisilip yung ilalim ng sasakyan. May kita akong matandang lalaki sa likod ni James. Duguan at puro saksak ang katawan. Agad naman akong sumigaw. "JAMEEES!!!" pasigaw kong sabi kay James. agad naman lumapit si James sa 'kin. "Oh ano yun bakit ka sumigaw?" hingal niyang sabi sa 'kin. "Ma-may na-nakita a-akong matandang la-lalaking nakatayo sa likod mo" pagka utal kong sabi sakaniya. Iginala ni James yung ulo niya sa paligid kung may tao nga pero wala naman siyang nakita. Pumasok na si James sa sasakyan at pina andar. "James promise may nakita akong matandang lalaki duguan siya at puro saksak ang katawan. James papatayin niya tayo" pagkatakot kong sabi sakaniya habang na nginginig ako. "Wala tao Brenda okay? Relax ka diyan" banggit ni James habang nagmamaneho. Naramdaman kong may nakatingin ulit sa 'kin sa back seat at dahan dahan ko ito tinig na sa salamin. Nang makita ko ang bata na lagi kong nakikita sa bahay. "HAHAHAHAHAHAH!" demonyong tawa ng bata. "KATAPUSAN MO NA!!!" napasigaw ako sa takot "AAAAAAAHHHHHHHHH!!!" ng magulat si James sa sigaw ko. nataranta siya at pilit niyang pinipreno ang sasakyan ngunit ayaw huminto. kaya na banga kami sa poste. Nang maimulat ko ang aking mga mata. Nakita kong patay na si James yung kalahati ng katawan niya lumabas sa sasakyan. Ang daming dugo sa loob ng sasakyan. Sinubukan kong lumabas ng sasakyan ngunit hindi ako makagalaw. Paglingon ko sa likod ng sasakyan at bumungad sa 'kin yung muhka ng bata. "TAMAAA NAAA!" "Brenda!" banggit sa 'kin ni James. "Jusko panaginip lang lang pala. Akala ko totoo" pabulong kong sabi sa aking sarili. "Mukhang ang sarap ng tulog mo ha? Haha?" patawang sabi ni James sa 'kin. "Nakatulog pala ako hindi ko na malayan." Banggit ko kay James habang kinukosuot ko yung mata ko "Oo kanina ka pa tulog. Siguro 5 mins after mo makasakay sa 'kin naka tulog kana" banggit sa 'kin ni James habang naka tingin sa 'kin "alam mo ang ganda mo pagtulog" pahabol na sabi sa 'kin ni James. Andito na din pala kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba nako ng sasakyan. "Oh paano Brenda bukas ng umaga sunduin kita dito ha?" banggit ni James sa 'kin. "Sige sige. Salamat pala sa paghatid" sabay ngiti kay James. agad naman akong pumasok ng bahay at umakyat ng kwarto. Napahiga ako at napaisip. "Panaginip lang din kaya yung sasabihin niya na manliligaw siya?" sabi ko sa aking sarili. BEEP! BEEP! from mama Nak kamusta ka dyan? Naka uwi kana ba? Kung may kailangan ka magsasabi ka sa 'kin ha? Sige na babalik na ulit ako sa training i love you. Messenger pop sound : James added you to this group Alex: hi Brenda welcome to the club haha Brenda: hehe thanks James: kamusta naman ang tulog mo Brenda? Jerson: ayan ha? May pagtulog ng nagaganap haha. James: haha loko naka tulog kasi siya sa sasakyan ko. Alex: ayyiee haha Alex: huy Leo at Winnie panay seen lang ha? Winnie: ay sorry naman busy lang sa mga everything haha Alex: ang hayop ng everything haha Alex: guys bukas kitakits nalang ha? Walang talkshitan ang mang talkshit mababaog habang buhay haha James: haha grabe. Makakaasa Winnie: go for the gold Leo: laban haha Brenda: ok see you guys haha Jerson: ayus mukang masaya ang mangyayari bukas haha.  Makalipas ang ilang oras na paguusap naming sa chat.Pumunta ako ng cr para maligo. Habang na liligo ako nagpapatugtug ako ng kanta sa cell phone ko para naman may kunting ingay sa cr. NOW PLAYING RISE YOUR FLAG by KZ Tandingan What do you wanna be? Will you believe me if I tell you You can be anything you want? Where do you wanna go? Will you believe me if I tell you That you'll see the silver lining with your dreams? 'Cause when they say we can't, we have to be braver Together we'll reach for the impossible Even when you think that it's crazy The longest journey begins with a single step from you and me Raise your flag For the ones who think they can't get somewhere Raise your flag For the ones who think no one believes in them Raise your flag For the ones who already feel like giving up I stand here, not as one For we're all in this together Reach high and raise your flag Raise your flag Raise your flag, oh oh Raise your flag Habang sinasabayan ko ang kanta. Bigla nalang huminto yung pinapatugtog ko. kuniha ko ulit yung phone ko. Bakit biglang nag pause? Pinlay ko ulit yung tugtog sinasabayan ko ulit yung kanta ng biglang huminto ulit yung tugtog. Nang kinuha ko yung phone ko para iplay ulit. Pero laking gulat ko nun pagka play ko sa tugtug. Ang narinig ko ay iyak ng bata. Nahagis ko yung phone ko at napalakad ako ng paatras. "AAAHHH!!!!" pasigaw kong sabi at agad na tumakbo papuntang kwarto ko. nakakatkot yung iyak ng bata. Yung iyak na hikbi. Yung iyak na nakakatakot. Agad nakong humiga sa kama ko para matulog. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. . . . BEBEEP! BEBEEP! BEBEEP! "Hhhmmm sino yun?" pahikab kong sabi habang kinukusot ko ang aking mata. Agad akong bumangon at sumilip sa binta. Ng magulat ako si James pala nasa labas ng bahay. Agad akong bumaba ng hagdag at bubuksan ang pinto. Pero bago ko buksan ang pinto. Bigla ako napatingin sa sarili ko. naka hubad pa pala ako. Dali dali akong bumalik sa kwarto at nagbihis. Pumunta sa cr para kunin yung cell phone ko. nang buksan ko yung pinto ng bahay namin. "James! tara pasok ka muna" pagka aya kong sabi sakaniya. Agad naman siyang pumasok sa bahay. "Kanina kapa" banggit ko sakaniya. "Hhmm medyo hehe" sabi niya sa 'kin. "Hehe sorry hindi ko na pansin hehe" ng napatingin si James sa cellphone ko "Oh anong nangyari sa phone mo? Bakit nabasag yan??" dali naman ako napatingin sa cellphone ko. Lumaki ang mata ko ng makita ko na basag ang cellphone ko. nagdahilan nalang ako kay James na nalaglag ko ang cellphone ko kagabi. "Ah nako ingat ka next time" sabi sa 'kin ni James. Nagmadali nakong kumuha ng mga damit ko at mga kailangan ko. Sa ilang minuto lamang akong natapos na din. Lumabas ng bahay at isinara ang pinto. "Ano tara na?" banggit sa 'kin ni James habang naka ngiti. Umalis na kami ng bahay at pumunta na sa kitaan namin. Maya maya lamang nagpa tugtug si James ng kanta. NOW PLAYING ALL STAR by smash mouth Somebody once told me the world is gonna roll me I ain't the sharpest tool in the shed She was looking kind of dumb with her finger and her thumb In the shape of an "L" on her forehead Well the years start coming and they don't stop coming Fed to the rules and I hit the ground running Didn't make sense not to live for fun Your brain gets smart but your head gets dumb So much to do, so much to see So what's wrong with taking the back streets? You'll never know if you don't go You'll never shine if you don't glow Hey now, you're an all-star, get your game on, go play Hey now, you're a rock star, get the show on, get paid And all that glitters is gold Only shooting stars break the mold It's a cool place and they say it gets colder You're bundled up now, wait till you get older But the meteor men beg to differ Judging by the hole in the satellite picture The ice we skate is getting pretty thin The water's getting warm so you might as well swim May world's on fire, how about yours? That's the way I like it and I never get bored "Ayus yung tugtugan mo James ha" banggit ko sakaniya "Haha bakit" tawang banggit sa 'kin ni James. "Mahilig ka din pala sa mga ganiyan tugutg" "Haha oo naman yan nga yung mga paborito ko e ayus ba?" banggit ni James sa 'kin. "Gusto kong tanungin si James kung may tinatanong siya bago ako makatulog." Banggit ko sa aking sarili. "Ah James.. may tanong ako" banggit ni ko kay James. "Sure ano yun?" "Bago ako maka tulog kagabi may tinatanong kaba sa 'kin?" banggit ko kay James na may halong hiya habang nakatungo ako. "Ah oo mayroon kaso nakatulog kana e hehe" bigla ako nabuhayan nung narinig ko yun. "Bakit ano ba yung itatanong mo?" sabi ko na nahihiya at nakatungo. "Gusto ko sana tanungin sayo kung pwde bang---" hindi na tuloy ni James yung sasabihin niya kasi may dumaan sa harap namin. Agad naman pinreno ni James. bigla ako dinalaw ng kaba. "s**t! Parang nangyari na to????" banggit ko sa aking sarili habang tumitibok ang puso ko ng mabilis. Bumaba si James ng sasakyan para tignan kung ano yun. "Diyan ka lang Brenda tignan ko lang. mukhang may nasagasaan ata ako" Banggit sa 'kin ni James. nang binuksan na niya yung pinto ng sasakyan niya bigla ko siyang pinigilan. "WAG!" pasigaw ko pigil sakaniya habang hawak ko ang kamay niya. "Huh? Bakit? Okay ka lang?" banggit sa 'kin ni James na may halong pagtataka. "Aahhm wa-wala" nahimasmasan kong sabi sa kaniya. At ng tinitignan na ni James yung ilalim ng sasakyan niya. Hindi ko mapigilang matakot. Nakatingin lang ako kay James. pagyuko ni James ang tagal niyang tumayo. Labis akong kinabahan. Nang magulat ako biglang kumatok si James sa binta ng sasakyan kung saan ako naka upo. "Brenda paabot naman ng tools ko diyan." Wika sa 'kin ni James habang nakatok sa salamin ng sasakyan niya. "ANO ba James! nakakagulat ka naman!" pagkagulat kong banggit sakaniya. "HAHA! Alam mo lately nagiging magugulatin kana. Magugulatin kana ba talaga?" banggit ni James sa 'kin. Inabot ko na kay James yung tools at tinaggal yung pusang nasa gasaan niya. Bumalik na agad si James sa sasakyan at umalis na. panay sulyap ng tingin sa 'kin ni James habang nagdadrive siya. "Brenda okay ka lang ba talaga?" pagaalalang sabi niya sa 'kin. Napatingin ako kay James. "Oo ok lang ako.. sorry kanina ha?" banggit ko sakaniya. "Ano nga pala ulit yung itatanong mo sa 'kin?" pahabol kong sabi sakaniya. Hininto ni James yung sasakyan niya at nagsalita. "Gusto ko sana sabihin sayo kung pwde ba kitang---" "JAMES BRENDA!!!" sigaw na sabi ni Alex samin habang nakaway. "Hhmm siguro next time ko nalang sasabihin" banggit ni James at napakamot ito sa ulo niya. Lumabas na kami ng sasakyan. Sinalubong kami ni Winnie at Alex "Gurl ang tagal niyo" banggit ni Winnie sa 'kin. "Nga pala James dito mo na iwan yung sasakyan mo. Safe naman dito yan." Wika ni Alex kay James. agad naman na pinark ni James ang sasakyan niya at sumakay na kaming lahat sa van. Halos mahaba habang byahe ata ang pupuntahan namin. Pagka pasok sa sasakyan. Kaniya kaniya sila labasan ng pagkain. "So guys ganto ganto lang tayo?" banggit ni Jerson saming lahat. "Alam ko na Leo magkwento ka nalang ulit ng mga nakakatakot mong kwento" banggit ni Winnie na tila excited. "Nako hanggang dito ba naman horror story pa din?" banggit ni Jerson.  "Alam ko na maglaro nalang tayo ng spin the bottle HAHA!" banggit ni Jerson samin. At ang lahat naman ay sumangayon sa larong nasabi ni Jerson. Kumuha ng water bottle si Jerson sa bag niya at inilagay sa gitna. Magkakatabi kami ni James, magkakatabi naman si Jerson at Alex at si Winnie at si Leo. "Oayk so basic na basic na laro lang to. Kung sino ang matapatan ng ulo ng bottle siya yung tatanungin at kung sino yung matapatan ng pwet ng bottle siya yung magtatanong ok gets?" "GETS!" banggit namin lahat. at sinimulan ng paikutin ni Jerson ang bottle lahat kinakabahan at nakaabang kung sino yung inang magtatanong at tatanungin. Dahan dahang bumabagal ang ikot ng bottle ng tuluyang huminto ang natapatan ay si Winnie at Jerson. At ang lahat ay nahiyawan. "Okay at dahil ako ang natapatan ng pwet ng bottle ako ang magtatanong" tila lahat kinakabahan at excited sa itatanong ni Winnie kay Jerson. "ok Jerson magaling ba sa kama si Alex?" ang lahat ay naghiyawan ng malakas. "SOBRAAANG GALING!!" pasigaw na sabi ni Jerson sabay tawanan ang lahat. muli pinaikot ni Jerson ang bottle. Dahan dahang bumabagal ang bottle. Ng tuluyang huminto ang bottle. Natapatan si Alex at ako. Halos mabingi ako sa hiyawan nilang lahat. at si James nakangiti lang sa 'kin. "Okay Brenda ako ang magtatanong" kinakabahan ako kasi nagiisip siya ng itatanong sa 'kin. "Kung bibigyan ka ng pagkakataon na manligaw sayo si James. sasagutin mo ba?" at nagapiran silang lahat. halos nagaantay sila ng sagot ko. "Oo" sabi ko habang nakatingin ako kay James at naka ngiti. Bigla naman binulyawan ni Jerson si James. "Oh paano ba yan pre. Sasagutin ka naman pala ni Brenda e ligawan mo na HAHAHA!" bulyaw na sabi ni Jerson. Muli pinaikot ang bottle. Excited ang lahat kung sino ang next na matatapatan. Dahan dahang bumabagal ang bottle. At ng tuluyang huminto. natapatan si Leo at James. si Leo ang magtatanong kay James. "Okay James kaya mo bang protektahan si Brenda magkapatayan man?" ang lahat ay na gulat sa tanong ni Leo. Ang weird lang ni Leo. Minsan ok siya minsan ang tahimik niya. Hindi ko mahuli yung ugaling mayroon si Leo. "Ano bang tanong mo pre" banggit ni Jerson kay Leo. At agad namang sinagot ni James yung tanong ni Leo. "OO naman! Kaya kong protektahan si Brenda." ang lahat ay naghiyawan. Bigla ako inakbayan ni James at naka tingin sa 'kin habang naka tingi. "Akong bahala sayo Brenda" pabulong sabi ni James sa tenga ko. hindi ko alam pero kinilig ako ng bahagya hahaha. Habang naglalaro kaming bigla nalang napa preno ang driver namin. At lahat kami nagsiksikan. "Kuya ano bayan!!!??" gulat na sabi ni Alex sa driver. "Sorry ma'am Alex. Mukhang may nasagasaan ata ako e." agad naman bumaba kaming lahat para tignan kung ano yun. At nagulat kami sa aming pagbaba. Nang nasa tapat kami ng bahay na maliit. Parang yung bahay na tinitirhan namin. Pero mas nakakatakot yung bahay na to. Sira sira yung bubong. Butas butas ang dingding. Puro puno sa paligid. "Guys look oh! So creepy. Parang bahay sa mga horror movie." Banggit ni Winnie. Bigla naman pinuntahan ni Leo yung bahay para tignan kung may tao. habang tinitignan ng driver pumasok kami sa bahay. At bago kami pumasok sa bahay may nakasulat na "no trespassing" luma na ang sign board. "Guys wag na kaya tayo pumasok. Baka may makakita satin dito e." takot na pagka sabi ni Winnie samin. "Tao po? Tao po?" pahinahong sabi ni James. habang kumakatok si James iginagala namin yung ulo namin sa paligid ng bahay. "Uy pre bukas naman pala yug pinto." Banggit ni James. "Guys wag na tayong pumasok" takot na takot na bingit ni Winnie samin. "Winnie kung na tatakot ka pwde ka naman hindi sumama hintayin mo nalang kami dun sa sasakyan" "Kasama ni manong driver!? Hindi na uy!" tuluyan na kami pumasok ng bahay. Puro alikabok na yung loob ng bahay. Gulo gulo yung mga gamit sa loob. Parang may dumaan na gera dito sa sobrang gulo. At bawat hakbang namin tumutunog yung sahig sa sobrang luma na. ng makarating kami sa sala may mga naka display na ulo nga mga hayop. May naka display na ulo ng baka. Ulo ng asa ulo ng pusa at ng magulat kami may naka sabit na bungo "AAHH! MAY BUNGOO!" pasigaw na sabi ni Winnie "HOY! Winnie wag ka ngang maingay dyan" banggit ni Jerson. Ng makaramdam si Winnie "Brenda samahan mo naman ako magcr. Naiihi kasi ako" yayang banggit sa 'kin ni Winnie. Nilakasan ko ang loob ko at sinamahan si Winnie. "James sasamahan ko lang si Winnie magcr ha?" banggit ok kay James. at habang nasa sala sila. Hinahanap naman namin ni winni yung cr. "Winnie andito yung cr" ang baho ng amoy ng cr. Puro putik yung loob ay alikabok. At sa sobrang takot ni Winnie pumasok magisa ng cr. Sinamahan ko na siya sa loob. "Brenda dyan ka lang ha? Wag mo kong iiwan dito." Banggit na takot ni Winnie sa 'kin. At habang nasa loob ng cr si Winnie. "Brenda andyan kapa" "Oo andito pa ko." ng tumingin ako sa salamin. May nakita ako sa likod ko na tumakbo. Hindi ko alam pero parang anino na tumabko ng mabilis. At agad ko naman tong ni lingon. "Brenda andyan kapa?" "O-oo andito pa ko" kabang banggit ko sakaniya. Ng bigla akong lumingon sa salamin. Bumungad sa 'kin ang isang matandang lalake na duguan at nanlilisik ang mata sa 'kin "MAMAMATAY KAYONG LAHAT!" napaatras ako ng lakad. Habang sinabi "TIGILAN MOKO!!" nang aambahan na niya ko ng saksak bigla naman lumabas si Winnie habang sumisigaw. "BRENDAAA! Ano ba yun!? Ginulat moko ng husto!" pasigaw na sabi sa 'kin ni Winnie. Agad naman nagsipunta sila Leo Jerson Alex at James. naabutan nila akong naka upo. "Brenda anong nangyari sayo!?" pagaalalang sabi niya sa 'kin. "Anong nangyari bakit sumigaw kayong dalawa?" patanong na sinabi ni Alex. "Hindi ko alam nagulat ako sa sigaw ni Brenda kaya napa sigaw na din ako. Tapos nung paglabas ko ng cr nakita ko nalang si Brenda nagsisigaw at naka upo na." kwento ni Winnie habang takot na takot. "Ano bang nangyari sayo Brenda?!" Alalang sabi ni James. "Na nanalamin ako. Ng may naainagakong tumakbo sa likod ko. tapos pagharap ko ulit sa salamin. Nagulat ako bumungad sa 'kin yung matandang lalake na duguan tapos may sinasabi siya sa 'kin" "Ano sinasabi niya" banggit ni Jerson. "MAMAMATAY KAYONG LAHAT!. nung pagka sabi niya nun sumigaw na ko na sumigaw." Takot na takot kong kwento. "Ako din may nakita bago pumasok dito sa bahay. May nakita akong bata at matandang lalake. Hindi ko nalang pinansin. Ng pumasok na tayo sa loob ng bahay. Ma nakita akong pinta malapit sa kusina at pinuntahan ko ito. May nakita akong ilog ng pagtingin ko sa ilog may nakita akong mga bangkay ng isang matandang lalaki at bata. At yung mga hayop na walang ulo. Yung nakita natin sa sala. Totoong mga hayop yun." Lahat kami na gulat sa nalaman ni Leo. "Guys umalis na tayo dito!" takot na sabi ni Winnie. Ng marinig nila na biglang sumara ang pintuan at agad silang tumakbo palabas ng cr pero ng maabutan nila na naka sara na ito. Halos hindi maipinta yung mga muka naming lahat sa takot. Piwag papawisan kaming lahat. ng mapalingon si Winnie habang ang lahat ay tarantang binubuksan ang pinto. "Ga-guys" takot niyang sabi habang kinakalabit niya kaming lahat "ga-guys ti-tignan ninyoo" ng paglingon ni Alex nakita niya yung mga kutsilyong nakalutang. "AAHHHH!!!!" pasigaw niyang sabi. At ang lahat ay nagpanic sa nakita nila. Ng sabay sabay nilang sipain ang pinto. Agad naman tong bumukas. At dali dali silang sumakay sa sasakyan. "KUYA TARA NA!!" hingal na banggit ni Alex sa driver. Ng makaalis na kami dun sa lugar na yun. Lahat kami ay naka hinga na. "Grabe bakit naman ganun yung bahay na yun" takot na banggit ni Winnie "Hindi ko alam pero nakakatkot talaga siya" banggit ni Alex. "Nakita nyo ba yung mga kutsilyo na lumulutang!?" takot na banggit ni Winnie. "Buti nalang nakaalis tayo agad dun" banggit ni Jerson. Agad naman ako niyakap ni James "Okay ka lang?" banggit sa 'kin ni James. agad naman kaming nagpahinga. Hawak hawak lang ni James yung kamay ko habang naka sandal ako sa tagiliran niya. Nagpatugtug nalang kami para kahit papaano mawala yung takot na naramdaman namin. NOW PLAYING  ALL STAR by smash mouth Somebody once told me the world is gonna roll me I ain't the sharpest tool in the shed She was looking kind of dumb with her finger and her thumb In the shape of an "L" on her forehead Well the years start coming and they don't stop coming Fed to the rules and I hit the ground running Didn't make sense not to live for fun Your brain gets smart but your head gets dumb So much to do, so much to see So what's wrong with taking the back streets? You'll never know if you don't go You'll never shine if you don't glow Hey now, you're an all-star, get your game on, go play Hey now, you're a rock star, get the show on, get paid And all that glitters is gold Only shooting stars break the mold It's a cool place and they say it gets colder You're bundled up now, wait till you get older But the meteor men beg to differ Judging by the hole in the satellite picture The ice we skate is getting pretty thin The water's getting warm so you might as well swim May world's on fire, how about yours? That's the way I like it and I never get bored "Brenda gising andito na tayo" banggit sa 'kin ni James. kinukusot ko ang aking mata habang naunat. Tumingin ako sa aking paligid. Nakita ko sila Alex at Jerson nagbababa na ng mga gamit. "Brenda asan na gamit mo? Ako na magdadala?" banggit sa 'kin ni James. sinabi ko naman agad kung asan yung mga gamit ko. lakas ang simoy ng hangin malamig at medyo pagabi na. niyaya nako ni James na pumasok ng bahay. "Oh guys tatlong kwarto mayroon dito actually apat pero yung isa naka lock." Banggit ni Alex samin. "James at Brenda magsama na kayo sa isang kwarto. Leo at Winnie kayo naman magkasama" Agad naman kami hinatid ni Alex sa mga kaniya kaniya naming kwarto. Ng nakapasok na kami ni James sa kwarto agad naman niya tong ni lock. "Brenda handa ka na ba" banggit ni James sa 'kin habang unti unti niyang hinuhubad yung polo niya. "Ah ja-James. parang ang bilis ata" banggit ko na nahihiya. "Ano kaba okay lang yan" at lumapit siya sa 'kin na naka topless nalang siya. "James wait lang maliligo lang ako" "Wag kana maligo ok lang yan." "Pero James. maliligo na muna ako." Agad namang sumangayon si James sa 'kin. Ako ang unang na ligo saming dalawa. At ng matapos ako si James naman yung sunod na naligo. Nakahiga ako sa kama nakatagilid yung position ko at nakaharap sa dingding. Maya maya lamang naramdaman kong tapos ng maligo si James. pinikit ko ang aking mata para kunwai nagtutulugtulugan ako. Ng maramdaman ko ng nakatabi sa 'kin si James. dahan dahan niyang hinahalikan yung balikat ko. hindi ko namn to na pigilan at agad akong humarap sakaniya. Ng pagharap ko sakaniya. Halos hindi ako makagalaw at makapagsalita sa nakita ko. "Te-teka hi-hindii- to s-si- je-James" ang makita kong matandang lalaki na duguan at puno ng saksak at walang mga mata. Halos isang dangkal ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at Halos dumaloy ang dugo sa kama ko. agad naman akong napaatras sa nakita ko at napasigaw. "JAMEEESS!" pasigaw kong sabi. Agad namang lumabas ng cr si James habang hinihingal. "BRENDA UMALIS NA TAYO DITOO!" takot na pagkasabi sa 'kin ni James at hinihingal. "May nakita ka din ba!?" takot kong pagka sabi kay James. "MAY NAKITA AKONG MATANDANG LALAKI NA WALANG MATA DUGUAN AT PUNO NG SAKSAK SA KATAWAN!" agad naman kami tumakbo papunta sa pinot. At ng pagbukas namin ng pinto andun yung matandang lalaki na nakita namin. "MAMATAY KAYONG LAHAAAAAAT!" sigaw ng matandang lalaki at napa sigaw kami ni James "AAAAAHHHH!!!!" "Brenda!! Gising na andito na tayo" nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong panaginip lang pala. Hingal na hingal ako ta pawisan sa napanaginipan ko. "Napasarap na naman tulog mo ha?" banggit ni James sa 'kin habang naka ngit siya sa 'kin "Kaya nga e hehe" banggit ko sakaniya na nahihiya. Gusto kong ikwento yung napanaginipan ko pero naisipan ko nalang na wag nalang. "Brenda tara na magpapark na si kuya" aya sa 'kin ni Winnie. Lumabas na kami van dala dala ang mga gamit namin. Nang bumungad samin ang malaking rest house ni Alex. Malalaking bintana malaking pinto. Puro puno din sa paligid ng bahay nila. Lumapit sa 'kin si James at hinawakan ang kamay tapos pumasok na kami sa loob ng bahay. Grabe yung mga gamit nila sa bahay. Mga antique. Parang galing pato sa mga sina unang panahon. Lahat kami na mangha sa laki ng rest house nila Alex. "Grabe Alex andito pala kalaki rest house nyo" banggit ni Winnie kay Alex. "Buti naaalagaan nyo to" pahabol na sabi ni Winnie. "Oo naman kasi kung sakaling mawala si mama at papa ako ang magmamana nito" galing sa mayamang pamilya si Alex. Ng mapansin ko si Leo na pinagmamasdan talaga niya yung bawat display sa bahay nila Alex. "LEO! Tara dito." Pasigaw na sabi ni Jerson. Ng makarating kami sa sala nila at upo. Dumating naman ang taga pangalaga ng bahay na si Mang Jose. "Guys ito nga pala si Mang Jose siya yung taga pangalaga ng bahay nato." Banggit ni Alex samin. "Kung may kailangan kayo wag kayong magtanong sakaniya kasi siya lang naman nakakaalam ng pasikot sikot dito sa bahay na to." Mukhang mabati naman si Mang Jose pero medyo nakakatakot parang nanlilisik yung mga mata niya. "So guys ihahatid ko na kayo sa mga kaniyan kaniyang kwarto nyo. Then after nito may pupuntahan tayo." "Saan naman tayo pupunta?" banggit ni Winnie "Mangingisda tayo para sa uulamin natin mamayang gabi." At lahat at naghiyawan. At excited na. "Teka parang ngyari na to?" banggit ko sa aking sarili. "Nga pala apat yung kwarto dito.. pero dahil anim tayo. Tatlo tatlo sa bawat room para naman masaya haha. So kaming tatlong girls ang magkakasama at kayong tatlong boys ang magkakasama ok ba yun?" at lahat ay sumangayon sa pagkakaayus ni Alex. Umakyat na kami at pumunta sa mga kwarto namin. "Uy Brenda bakit ayaw mo pa sagutin si James. e mukhang kayo na nga e" banggit ni Winnie sa 'kin habang naka ngiti sa 'kin. "Oo nga gurl tsaka bagay naman kayong dalawa" sabat naman ni Alex. "Hindi pa nga nanliligaw e haha" tawa kong sabi sakanilang dalawa. "Alam mo medyo may pagkatrope kasi yung lalaki na yun. Pero hintayin mo malay mo magask naman siya diba?" bulyaw na sabi sa 'kin ni Alex. "Tsaka daks yun si James kung alam mo lang HAHAHAHA!" banggit ni Winnie sa 'kin habang natawa. "HAHA loko ka Winnie. O sha bababa na muna ako ha. Pagtapos nyo magayus baba na din kayong dalawa". At bumaba na si Alex ng kwarto para magcr. At habang naglalakd si Alex papuntang si naramdaman ni Alex na parang may sumusunod sakaniya. At nilingon naman niya to. Ngunit wala naman na sunod sakaniya. At muling naglakad si Alex sa ilang saglit lamang muli niyang naramdaman na may sumusunod sakaniya. Muli niyag nilingon ngunit wala siyan nakita. Alex POV "Sino yan!?" banggit ni ko. Dahan dahan akong lumalakad ng paatras. Nang magulat ako ng bigla akong hinila ni Jerson papunta sa cr at hinalikan sa labi. "Babe ano ba!? Ginulat moko" takot na sabi ko kay Jerson. "Okay lang yan babe. Ngayon masosolo na kita." agad naman bumalik si Jerson sa pagkakahalik niya sa 'kin. Nagsimula ng maghubad si Jerson ng tshirt at ganun din ako. Dahan dahan Napababa si Jerson ng halik at hinila ko naman agad to pataas. Laking gulat ako na makita ang batang duguan at puro saksak ang katawan. Naitulak ko si Jerson at napasiigaw. "AAAHHH!!!" pasigaw nakong sabi. Agad naman lumapit si Jerson sa 'kin "ALEX! Anong problema!?" banggit ni Jerson sa 'kin "May nakita akong batang duguan at puro saksak ang katawan" takot na sambit k okay Jerson "Ha? Sang bata? Wala akong nakikitang bata dito sa loob ng cr." Banggit ni Jerson habang ginagala niya yung mata siya sa loob ng cr. Maya maya lamang kumalma na ko at lumabas na sila ng cr na parang walang nangyari. Brenda POV Nang nasa labas na ulit kaming lahat para mangisda napansin ko si Alex na  parang may kakaiba sakaniya. "Alex ok ka lang ba?" pabulong kong banggit kay Alex. Napatingin lang siya sa 'kin habang yakap yakap niya ang sarili niya. "Oo Brenda ok lang ako" Agad naman ding lumabas si Mang Jose at sinundan namin siya. Dumaan kami sa gubat. Mataas ng puno. Lang ang aming na tatanaw. "Mang Jose buti natatagalan kayo dito?" banggit ni James "Oo naman ho sir. Medyo sanay na din naman ako dito" "Mang Jose may nakikita ba kayong mga multo dito o nararamdaman?" banggit ni Jerson. Napatigil maglakad si Mang Jose at dahan dahan tumingin samin. "Mayroon akong nararamdaman at mayroon din akong na kikitang multo. Lalo na sa loob ng bahay" Panakot niyang sabi samin. Nagulat kami sa sinabi ni Mang Jose. At muli kami lumakad sa kagubatan. Maya maya lamang nakarating na kami. Kung saan pwde kami mangisda. Bumalik na muli ang sigla ni Alex. Ang sarap ng lugar. Nakaka relax. Si Alex at Jerson ang magiihaw. Samantalang kami ni James ang mang huhuli ng isda at si Winnie at Leo naman ang maghahanap ng kahoy. Nagumpisa na kaming pumunta ni James sa pangpang para mang huli ng isda. "James turuan moko hindi ako marunong nito hehe" banggit ko sakaniya. Lumapit naman si James sa 'kin para turuan ako. Nasa likod ko si James habang hawak hawak niya yung pamingwit ng isda. Hindi ko alam pero iba yung pakiramdam ko pagnagdidikit yung mga balat namin ni James. pakiramdam ko lumulutang ako. Ang sarap pala ng gantong pakiramdam. nang naihagis na namin yung pisi sa pagpagumupo kami at nagusap. "Masaya ka naman ba?" banggit sa 'kin ni James habang naka tingin sa 'kin. "Oo naman sobrang saya ko hehe" bigla siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. "Brenda" banggit ni ni James sa 'kin. Bigla kami nagkatinginang dalawa. "I really really like you." Pahabol na sabi sa 'kin ni James. pakiramdam ko pulang pula yung mukha ko. "Gusto din naman kita James." hiyang pagka sabi ko habang nakatingin sakaniya. Naka ngiti lang sa 'kin si James. halos hindi mabura yung mga ngiti niya sa labi. "Puwde ba kitang ligawan?" banggit ni James. "Oo na sinasagot na kita." Banggit ko sakaniya. Biglang natulala si James ng mga ilang segundo. "Uy James okay ka lang?" banggit ko sakaniya "Tama ba yung na rinig ko?" "Haha oo James tama yung na rinig mo. Hindi ka pa nanliligaw sasagutin na kita." Ngiting banggit ko sakaniya. "YES!!! WOOH!! I LOVE YOU BRENDA" pasigaw niyang banggit sa 'kin. Bigla niya kong inakbayan at inilapit sa mukha niya. Halos wala pa sa isang dangkal ang lapit namin sa isat isa. Unti unting lumalapit yung labi ni James sa labi ko. Kaya pumikit ako. Ng hinalikan ako ni James sa labi ng matagal. At ng naglayo ang mga labi namin "I love you Brenda" banggit sa 'kin ni James. ang sarap sarap ang pakiramdam at ang saya saya. "I love you too James" banggit ko sakaniya. "Promise hinding hindi kita iiwan at sasaktan. Lagi kitang poprotektahan" Hinalikan niya ko sa noo at sa labi. Maya maya lamang pumunta na kami kila Alex para ibigay tong isdang na huli namin. Marami din kaming nahuli mga limang isdang malalaki din. "Oh bat ganiyan ang mga ngiti niyong dalawa." Banggit ni Alex saming dalwa ni James. "AHA! Pakiramdam ko kayo na?" banggit ni Alex sa 'kin. Itinaas namin ni James yung kamay naming naka holding hands. "PAAAAKSHET!! BABE SILA NA NI BRENDA!!" pasigaw na sabi ni Alex at naghiyawan silang dalwa ni Jerson. Ng biglang dumating sila Winnie at Leo. "Hoy hoy hoy anong kaingayan yan?!" banggit ni Winnie samin habang naglalakad sila papalapit samin. "HULI KANA SA BALITA SILA NA NI JAMES HAHAHA!" nagulat si Winnie sa ibinalita ni Alex sakaniya. "AY PUCHA NAMAN OH!" sipagaw na sabi ni Winnie at nag-apiran silang dalawa. Lahat ay masaya ng mga oras na yun. Masayang nagiihaw ng isda. Halos napagod sila Winnie maghanap ng kahoy. Maya maya lamang na luto na ang mga isda kaya pinagpasiyahan namin na bumalik na ng bahay. Na banggit din ni Mang Jose na delikado maglakad sa kagubatan pagmadilim na. kaya agad agad kaming bumalik ng bahay. Ngan makarating na kami sa bahay. Inihanda na ni Mang Jose ang aming makakain. "Mang Jose sumabay kana samin kumain" banggit ko sakaniya. "Oo nga Mang Jose sumabay kana samin" banggit ni James sa 'kin. kumuha si Mang Jose ng pinggan at sumabay na din sa pagkain namin. Sa kalagitnaan ng aming pagkain napatanong si Jerson kung anong history ng bahay na tinutuluyan namin. Napatingin lang si Mang Jose kay Jerson. Pero sa ilang saglit lamang ay nagkwento na to. "Masaya ang bahay na to dati. Pangarap ng magasawa na magkaroon ng anak. Dahil ilang taon na din sila nagsasama pero wala pa din silang anak. Nang may nakapagsabi sakanilang magasawa na magbigay ng alay sa malaking puno sa tabi ng bahay nila. At agad naman nilang sinunod ang nasabing kasabihan. Nagdasal na nagdasal ang babae na sana magkaanak na sila. Araw araw gabi gabi nagdadala ng alay ang babae sa puno. Nang dumating ang ilang araw nagulat nalang ang asawa niya na buntis na ito. Hindi makapaniwala ang magasawa sa nalaman nila. Kaya naman Pinaulit ulit nila ang pagPT" "asawa ko buntis nga ako" sabi ng babae sa lalaki. Nagsisitalon ang lalaki sa tuwa. "salamat sa Diyos pinakinggan niya ang ating dasal" Mas lalong naging masaya ang magasawa nung isinilang na ang bata. Napaka gwapong bata. Pero may isang araw na bumago sakanilang pamilya. "mama papa maglaro tayo ng tagu taguan" Wika ng bata sa kaniyang magulang. Ngunit hindi siya pinapansin kasi busy ang kaniyang mga magulang tungkol sa mga business nila. "mama papa sige na po maglaro na po tayooo" yaya ng anak nila sakanila. Nang mahila at mapunit ng bata ang papel na hawak ng papa niya agad naman nagalit ang papa niya at pinalopalo. "ANG TIGAS NG ULO MONG BATA KA" pasigaw niyang banggit sabata habang pinapalo ang bata. Walang pakeilam ang mama niya habang pinapalo niya ito. Halos araw araw naging maiinitin ang ulo ng magasawa kaya naman lagi ito napapalo. Dumating pa sa punto na binubugbog na nila ang kaniyang anak dahil sa kakulitan nila. Ngunit dumating ang isang gabi na siyang ikinatakot ng magasawa. "mama papa" banggit ng bata habang lumalapit sakanila. "wala kaming oras para makipaglaro sayo!!!" galit na pagkakasabi ng papa niya. At ng nasa likod na nila yung anak nila. bigla nalang sinaksak ng kutsilyo yung papa niya. "pagsinabi kong maglaro tayo maglalaro tayo" banggit ng bata habang nakataas ang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Agad namang napa luhod ang papa niya dahil sa pagkakasaksak nito. "JUSKO KANG BATA KA!!!" pagkagulat niyang sabi sa bata. at binato siya ng anak niya ng kutsilyo tinamaan siya sa gilid ng tyan niya. "HAHAHA mga kawawang magulang. Hali ka't maglaro tayo ng tagutaguan" "TAMAAA TIGILAN MO YAAAN!!" sigaw ng kaniyang mama kasabay nito ang pagdaloy ng dugo sa katawan. Ngunit tumatawa lang ng tumatawa ang bata. nakakatakot ang naging itsura ng bata. puro bugbog sakatawan at puro sugat sa katawan. At ng makita ng bata na kumukuha ng telephono ang kaniyang ama para tumawag ng saklolo agad naman niya tong binato ng kutsilyo at natamaan sa kamay. "AAAGGGHHH!" sigaw ng kaniyang papa. Pilit na lumabas ang magasawa sa loob ng kwarto. Madaming dugo ang lumalabas sa katawan nila. "Takbo! Ngayon tayo maglaro ng tagu taguan HAHAHA!" tawang banggit ng kanilang anak. "Tagutaguan maliwanagang buwan wala sa likod wala sa harap pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa dalawa tatlo" Agad na lumabas ang bata sa kwarto at hinanap na ang kaniyang magulang. Patuloy na naglalakad ang bata. ng may nakita siyang gumalaw sa likod ng aparador agad naman niya tong pinuntahan. Ng laking gulat ng papa niya na nakita siya ng anak niya. At pinagsasaksak niya ito hanggang sa mamatay. Muli nagsimula ulit maghanap ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Muli naglakad ang bata para hanapin ang nanay niya. Ng makita ng bata yung bakita ng nanay niya naka silip sa pinto. At agad naman niyang binato ng kutsilyo. At natamaan yung nanay niya. Tumakbo ng tumakbo ang nanay niya hanggang sa makatago ulit. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Muli naglakad ang bata. ng mapansin niya yung dugo ng nanay niya sinundan niya naman to. At sa ilang saglit lamang habang naka talikod ang bata agad namang tumakbo ang mama niya papunta sakaniya para saksa 'kin. "WALANG HIYA KANG BATA KA PAPATAYIN KITA!" banggit ng mama niya habang sinasaksak niya ang kaniyang anak. Iyak siya ng iyak pagkatapos niyang patayin ang kaniyang anak. Lumabas siya ng bahay at dun niya inilibang ang kaniyang anak sa malaking puno. Malakas ang hangin ng mga panahon na yun kasabay ang paglakas ng ulan. Ngunit magulat nalang ang kaniyang mama na biglang nagsalita ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" At pinagsasaksak ng bata ang kaniyang mama. Ngunit pagkatapos niyang patayin ang mama niya kumidlat ng malakas at tumama sa puno at natumbahan sila ng malaking puno.  matapos maikwento ni Mang Jose ang history ng bahay na yun. Halos lahat kami nakanganga at nakatulala. "Mang Jose! Tama na nga yan! Tinatakot mo lang kami e" takot na pagka sabi ni Alex kay Mang Jose. "Sabi na nga ba't may history ang bahay na to" banggit ni Leo samin at lahat kami napatingin sakaniya. "Guys mga kwento lang naman yan ni Mang Jose bakit ba kasi kayo na niniwala?" banggit ni Jerson. "Guys nakakatakot na parang gusto ko ng umalis dito." Banggit ni Winnie habang na nginginig. "Oh siya siya iinom nalang natin yan para naman mawala yang takot niyo" agad naman kami pumunta sa sala para magsaya at maginom. Kinuha na nila James at Jerson yung alak sa ref. habang kaming naman ni Alex ay kumuha ng pulutan. Habang nakakasarapan ng inom. Nakatanggap ako ng text na galing kay mama BEEP! BEEP! BEEP! from mama nak kamusta ka naman dyan? Pauwi nako sa susunod na bukas. Medyo napaaga ang uwi namin. Pero kung maaga matatapos tong training namin baka bukas pwde na din kami maka uwi. Magiingat ka dyan i love you. "Sino yan" banggit ni James sa 'kin. "Si mama nagtext na miss lang ako hehe" banggit ko kay James. at inabutan kami ng alak ni Jerson. "Oh guys magWALWAL TAYONG LAHAT ENJOYIN NATIN TONG ARAW NA TO!!" pasigaw ni Jerson habang winawagayway niya yung alak. Ang lahat ay naghiyawan. Maya maya lamang nagaya maglaro si Jerson. "Guys maglaro tayo ng truth or dare masaya to!" at lahat ay sumangayon. "Ganun ulit ang instruction. Kung sino ang matatapatan ng nguso ng bote siya yung tatanungin ng truth or dare at kung sino naman yung matapatan ng pwet ng bote siya yung magtatanong ng truth or dare" at sinimulan na ni Jerson ang pagikot ng bote. Maingay na tugtugin habang na ikot ang bote. Nang tuluyang huminto ang bote ang natapatan ng bote ay si Alex at Winnie. Nagpatugtug ng maingay si Jerson. NOW PLAYING BAD GUY by: Billie Eilish White shirt now red, may bloody nose Sleeping, you're on your tippy toes Creeping around like no one knows Think you're so criminal Bruises, on both may knees for you Don't say thank you or please I do what I want when I'm wanting to May soul? So cynical So you're a tough guy Like it really rough guy Just can't get enough guy Chest always so puffed guy I'm that bad type Make your mama sad type Make your girlfriend mad tight Might seduce your dad type I'm the bad guy, duh I'm the bad guy I like it when you take control Even if you know that you don't Own me, I'll let you play the role I'll be your animal May mommay likes to sing along with me But she won't sing this song If she reads all the lyrics She'll pity the men I know "Hi Winnie" pang aasar na banggit ni Winnie kay Alex "Gago ka ayus mo yan ha?" at nagtawanan naman sila "Alex truth or dare" "Dare" banggit ni Alex "I-lap dance mo nga si Jerson ng nakatanggal ang bra" agad naman naghubad si laex at sinimulan ang dare ni Winnie. Habang naglalap dance si Alex naghihyawan kaming lahat. Nang matapos na gawin ni Alex. Muli ito nipaikot ni Jerson. Nang tuluyang huminto ang bote. Ang natapatan ng bote ay si Alex ay si James. "WOOOHH!! MASAYA TOOOO!" pasigaw na sabi ni Alex saming lahat. "Okay James truth or dare" "Dare" banggit ni James. "Ow! matapang haha. Ok halikan mo si Brenda ng dalawang minuto" Naghiyawan silang lahat. pero bago gawin ni James yun. Tinanong niya muna ako "Ano Brenda handa ka na ba?" pang aakit na sabi sa 'kin ni James kasabay ang pagkindat nito sa 'kin. agad naman ako hinalikan ni James. Habang nagpapalitan kami ng halik naghihiyawan sila at na sisistalon na akala mo parang namalo sa lotto. Ng matapos ang dalawang minuto. Naglayo na ang mga labi namin. "Sarap ba?" banggit sa 'kin ni James sabay kindat. Hindi na namin tinuloy ang larong yun naginom nalang kami na naginom. Hindi namin namalayan na huminto na pala ang tugtug. At biglang nagaya tong si Jerson. "How about lets play count 1 2 3" banggit ni Jerson samin. Halos walang umagree kay Jerson nung sinabi niya yun. "Ano tara! Laro lang naman to e" pahabol na sabi ni Jerson. "Wag na yan pre ibang laro nalang" banggit ni James. "Oo nga Jerson wag na yan" sabat ni Winnie "Guys one game lang nito tapos end na natin." Para matapos lang yung demand ni Jerson sumangayon nalang kaming lahat. muli pinaikot ni Jerson yung bote na kung sino ang matapatan ng nguso nito siya yung taya para maghanap. At sinimulan ng paikutin ni Jerson yung bote. Halos lahat kinakabahan kung sino yung matatapatan. At habang dahan dahang humihinto ang bote hindi maipinta yung mga mukha naming lahat. ng tuluyang huminto ang bote. Ang natapatan ay si Leo. "BOOM! Nice one Leo!!" sabay tapik sa balikat ni Leo. Tumayo kaming lahat at habang nakatayo kami. Iginagala namin yung mga paningin namin sa loob ng bahay para maghanap ng matataguan. At nagsimula ng magsalita si Leo "Okay let's play count 1 2 3. tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" At ang lahat ay nagsitago na. unti unti ng lumalakad si Leo para hanapin kami. "Winnieeee ikaw ang uunahiiin ko" pang asar na banggit ni Leo habang ng lalakad. Nagsimula maghanap si Leo sa kusina. "Winniiiieee alam kong andito kaaa" banggit ni Leo kay Winnie. Ng may marinig na tumakbo si Leo sa may sala at naainagniya yung damit ni Winnie agad naman niya tong sinundan. ng makita niya yung paang nakasilip sa gilid ng mahabang upuan. "Wiinniiee mahuhuli na kitaaaaa" pang asar na banggit ni Leo. samantalang nakatago si Winnie sa ilalim ng kusina. Ng lapitan ni Leo yung paang nakita niya sa sala. Agad naman niya tong hinawakan. Ng magulat siya na ang paang nahawakan niya ay paa ng bata. Pinagsasaksak ng bata si Leo sa mata at sa katawan. Na ang akala ng lahat si Leo pa din ang naghahanap pero hindi yung bata na pala yung nakikipaglaro samin. Muli nagsalita ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata habang naglalakad. Lumakad papuntang kusina ang bata habang may dalang kutsilyo. Para hindi nila mahalata na hindi na si Leo ang naghahanap sakanila. Ginaya ng bata yung boses ni Leo. "Winniee asan kanaaa!" banggit ng bata habang naglalakad ng dahan dahan. Halos ipagsisikan ni Winnie yung katawan niya sa ilamin ng kusina para lang hindi siya makita. Ng nanlaki ang mata ni Winnie nung makita niyang hindi na si Leo ang naghahanap sakanila. Tinakpan ni Winnie ang bunganga niya ng dalawa niyang kamay. Ng akala niya wala na ang bata sa kusina. Agad naman tong umalis sa pwesto niya para hanapin kami at sabihin hindi na si Leo yung naghahanap. Ng paglingon ni Winnie sa likod andun yun bata at sinaksaksiya nito. Hindi naman ganun alala yung tama ni Winnie at agad tong naka takbo. Ng makarating si Winnie sa sala napasigaw siyang nakita niya si Leo may tadtad ng saksak sa katawan. "LEEEEOOO!!" pasigaw na sabi ni Winnie. Agad naman tumakbo ng tumakbo si Winnie ng makataring sa sa taas ng bahay na puro kwarto. "Alex Jerson Brenda James asan kayo!" banggit ni Winnie habang umiiyak at duguan ang likod. Nagulat nalang siya ng may humila sakaniya. "Sshhh!!" banggit ni James sakaniya. nagulat kami ni James dahil nakita namin na may dugo si Winnie sa likoran niya. "ANO NANGYARI SAYO WINNIE BAT KA MAY DUGO SA LIKOD!?" pasigaw na sabi ni James kay Winnie. "SSHHHH! Wag kayong maingay. Patay na si Leo" banggit niya habang umiiyak. "Huh!? Anong patay?" "Wala na si Leo James pinatay siya ng bata. at yung bata may gawa sa 'kin nito." "ANO!? Sigurado ka ba dyan sa sinabi mo?!" banggit ni James. "Oo James sigurado ako sa nakita ko. tsaka ginagaya niya din yung boses ni Leo. Si Leo yung nakita ko sa sala na duguan at puno ng saksak sa katawan" halos ma ngiyak ngiyak si Winnie habang kinukwento niya yung nakita niya. At muli nilang narinig yung bata . "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit nung bata "winniiee asan kana lumabas kana ditooo" ng sinilip ni James kung asan yung bata. ng makita niya naka baba na yung bata. Dahan dahan sila lumabas ng pinto at lumabas. "Wag kayong hihiwalay sa 'kin hahanapin natin sila Alex at Jerson para makaalis na tayo sa lugar na to" Banggit ni James samin ni Winnie. Muli na rinig nila na nagSali ang bata "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. habang dahan dahan silang bumababa ng hagdan bigla nalang npasigaw si Winnie. "AAHHHHHH!!!!!" ng makita nila si Winnie putol na ang paa. At pinagsasasaksak sa katawan habang tumatawa ang bata. "WINNIIIEEE!!" pasigaw kong banggit sa kaniya. Hindi na namin siyang magawa iligtas kaya tumakbo nalang kami. Ng makarating kami pinto hindi namin ito ma buksan. Nang silipin ni James yung butas sa gitna ng pinto nakita "PUCHA! Naloko na!" galit na banggit ni James "Bakit James anong mayroon!?" "May nagkulong satin dito. At isa lang ang gagawa nito satin. Si Mang Jose lang" ng marinig nila na ag salita ang bata agad na silang nagtagu. "Hhm mukang may nahuli na ata si Leo" banggit ni Jerson at nagtatawanan sila ng pabulong. Nakatago sila Alex at Jerson sa loob ng cr. Habang nagtatago si Alex at Jerson sa loob ng cr. hinahawakan ni Jerson yung bewang ni Alex. Agad naman naramdaman yung motibo ni Jerson. Agad naman sila naghalikang dalawa. Nang marinig nila na nagsalita yung bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. at habang naghahalikan si Alex at Jerson napadilat naman ng mata si Alex. At ng makita niya ay ang batang may hawak ng kutsilyo duguan at panay saksak sa katawan. Napasigaw at naitulak niya si Jerson sa gulat. Ng napahiga si Jerson sa sahig nakita niya yung bata sa uluhan niya at pinagsasaksak siya nito sa mukha at sa katawan. Agad naman lumabas si Alex at tumakbo. "JAMEEESS BRENDDAAAA WINNIIII LLEEOOO!!!" sigaw ni Alex habang tumatakbo. Nakarating siya kung saan napatay si Winnie. Laking gulat niya ng makita niya si Winnie na putol na ng mga paa at panay tadtad ng saksak. "AAAAHHHHHHH!!!!" pasigaw ni Alex. Agad naman to na rinig ng bata at hinabol siya. Ng makababa si Alex. Hinila siya nito ni James. "SSHHHH!!! Wag kang maingay" pa bulong na sabi ni James. "Asan si Jerson???" banggit ko kay Alex. Niyakap ako ni Alex habang umiiyak. "Wala na si Jerson. Pinatay siya ng bata" banggit ni Alex habang humahagulgol ng iyak. "ano bang nangyayari" pahabol na sabi ni Alex. "Hindi din namin alam. Si Winnie ang unang nakakita sa bata. ginagaya niya yung boses ni Leo" "So totoo nga yung kwento ni Mang Jose" banggit ni Alex. "Totoo man o hindi pakshet siya!!" galit na pagkasabi ni James. "Asan si Mang Jose" "Wag mong hanapin yung tarantadong yun. Alam mo ba ginawa niya? Kinulong niya lang naman tayo dito" banggit ni James. "Huh!? Paano!?" banggit ni Alex. "Pumunta kami sa baba para buksan yung pinto pero nagulat nalang kami ng biglang ayaw bumukas. Ng silipin ko ayun may nakaharang sa pinto. Ang galing ni Mang Jose diba!?" banggit ni James kay Alex "PUCHANG BUHAY TO!!" banggit ni Alex "So pano tayo makakalabas dito" Pahabol niyang sabi sa 'kin. "Wala pa kong na iisip na paraan kung pano tayo makaka alis dito. Basta wag tayong maghiwalay hiwalay" Banggit ni James "Naalala nyo ba yung kwento ni Mang Jose? Hindi naman niya na banggit na bendisyunan ang bata. isang paraan lang ang magagawa natin. Kailangan natin mapatay ang bata at dalhin ang katawan niya sa may natumbay puno at dalasan natin. Baka yun ang paraan para matahimik na ang bata" banggit ko sakanila. "Kailangan natin humanap ng krus at holy water" Banggit ni James. "Kami na baha ni Alex kunin yung krus at holy water sa altar" Banggit ko sakaniya. "Sige ako na bahala lituhin ang bata" banggit ni James. naka handa na yung plano namin. Maya maya lamang nagsalita na ulit ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. ng matapos na magsalita ang bata dahan dahan na kaming naglalakad ni Alex papunta sa altar. "HOY BATA DITO!!" banggit ni James agad naman lumingod ang bata at hinabol na siya. Ngayon ito na yung pagkakataon namin para ma kuha yung krus. Halos hindi namin makita kung asan yung altar. "Brenda may isa room dun kaso sarado baka andun yung altar" agad namin binuksan ang pinto pero hindi namin ma buksan. "Naka lock ang pinto Alex" iginala namin ang paningin namin sa paligid para maghanap ng gamit ba pwdeng i bang bukas sa pinot. "Brenda ito may kutsilyo" Agad naman na inabot sa 'kin ni Alex ang kutsilyo. Inilusot ko sa gilid yung kutsilyo para ma buksan. Muli na rinig namin ang boses ng bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata "Brenda!! Biliis!!" tarantang takot ni Alex habang natingin sa paligid. Nang ma buksan na ang pinto naaninag ni Alex yung bata na paakyat ng hagdan. Bago pa kami makita nito agad naman kami pumasok sa loob. Nang laki ang mga mata namin ng makita namin ang bungo ng magulang ng bata. Napakabaho sa loob ng kwarto. "Kailangan na natin mahanap yung krus at holy water" banggit ko habang na nginginig sa takot. Muling nagsalita ulit ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. "HOY!! BATA DITO!!" at muling hinabaol si James ng bata. Ng nahanap na namin ang krus at ang holy water agad naman kaming umalis ng kwarto. Dumeretsyo kami sa kusina para magtago. Naainag namin si James na nagtatago din. Binato ko kay James ang krus at ang holy water. Muling nagsalita ang bata. "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. Nagpagkatayo nila sa kusina para puntahan si James. "AAAHHH!" panasigaw si Alex dahil hindi namin namalayan na nasa likod na pala yung bata. Nakakuha ng dalawang saksak si Alex sa katawan. agad akong hinila si Alex para makatakas. Nung lingunin ko si James sa pwesto niya wala na siya dun. Nadapa kami parehas ni Alex. Habang umaatras kami patalikod naglalakad ng dahan dahan ang bata papunta samin. Pinalutang ng bata ang mga kutsilyong hawak niya. "HAHAHAHAHA" tawang demonyo ang bata habang lumalapit samin. At pinaulanan niya ng kutsilyo si Alex sa katawan habanggang sa mamatay ito. "ALEEEXX!" pasigaw kong banggit sakaniya habang na iyak. Muli nagsalita ang bata. "tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ng bata. "TAMA NAA!!" banggit ko sa kaniya ng papalapit ng papalapit sa 'kin ang bata biglang dumating si James para saksa 'kin sa likod ang bata. "AAAAAGGGHHHHHHH!!" pasigaw na sabi ni James. at walang awang pinagsasaksak ni James ang bata. Halos hindi mabilang sa kamay ko kung ilang saksak ang ginawa ni James sa bata. Agad ko naman nilapitan si James. "Tama na James!!" banggit ko sakaniya habang pinipigilan ko siya. Ng naka bulagta na ng bata. Agad kaming humanap ng paraan para ma buksan ang pinto. Ng may nakita si James na lagare kinuha niya ito at inulusot sa pagitin ng pinto. Ng maputol na ang kahoy na nakaharang sa pinto. Bunuksan naman agad to. Nanlaki ang mga mata namin na pati ang driver namin pinatay at pinagsasaksakdin. agad namin kinuha ang bata. dinala naming sa punong malaki para ilibing at ma bindensyunan. habang naglalakad kami papunta sa puno may sumabunot kay Brenda. "JAMEEESS!!" ng magulat kami si Mang Jose ang sumabunot sa 'kin. "BAKIT NYO PINATAY ANG BATA!!?" sipagaw na sabi ni Mang Jose samin. "HINDI NYO ALAM ANG GINAGAWA NIYO!!" pahabol niyang sabi . "Mang Jose bitawan mo si Brenda please!" nagmamakaawa niyang banggit kay Mang Jose. "DAHIL SAINYO HINDI MA MULING MABUBUHAY ANG PAMILYA KO!" pasigaw na sabi ni Mang Jose. "Ano!? Anong pamilya?" banggit ni James. "OO PAMILYA KO!. inalay ko sa demonyo ang bata kapalit ng pamilya ko. namatay ang pamilya ko dahil sa mga taong pinaniniwalaan nilang demonyo kami! Wala silang awang pagsasaksakan ang pamilya ko at hindi lang yun ang ginawa nila. Sunog pa nila ito. Kaya simula noon humingi ako ng tuloy sa demonyo para muling maibalik sa 'kin ang pamilya ko. siyam na buhay ang kailangan para ma buhay ulit sila!. Dalawang buhay nalang ang kailangan ko pero HINARANGAN MO NIYO PA ITO!!" galit na galit na kwento ni Mang Jose samin. "at dahil hindi ma muling matutupad. Ako nalang ang kukuha ng buhay nyo!" "Maawa ka Mang Jose please" iyak kong sinasabi kay Mang Jose. "Huli na ang lahat! sinira nyo ang plano ko!" banggit ni Mang Jose. At kinagat ko yung kamay ni Mang Jose para makatakas ako. Tumakbo kami ni James sa kagubatan. Ng makatago kami sa isang malaking puno. "Brenda makinig ka sa 'kin. Ganto ang plano. Magpapakita ako kay Mang Jose para sa 'kin ma punta ang atensyon niya. Pagnakuha ko na yung atensyon niya saksa 'kin mo siya sa likod niya?" banggit ni James na pabulong sa 'kin habang hinihingal. "James na tatakot ako" banggit ko sakaniya. "Wag kang matakot andito ako hindi kita papabayaan" "Paano kung mapatay ka ni Mang Jose" "sshhh. Hindi mang yayari yun Brenda. May pinangako ako sayo diba? Poprotektahan kita kahit anong mangyari" Banggit ni James sa 'kin at narinig nila ang boses ni Mang Jose na nagsalita. "HHMM mukhang na gustuhan niyo yung laro ha? O sige maglaro tayo. tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo." Banggit ni Mang Jose habang lumalakad at hinahanap kami. "Jamees at Brendaa hindi kayo makakapagtago sa 'kin HAHAHAHA" banggit ni Mang Jose habang natawa. Agad naman tinuloy ni James ang plano niya. Agad na tumakbo si James at nagtago sa kabilang puno. At muling nagSalita si Mang Jose "Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Banggit ni Mang Jose. "HOY TANDA DITO!!" pasigaw na sinabi ni James kay Mang Jose at agad naman hinabol ni Mang Jose si James. habang hinahabol ni Mang Jose si James sinusundan ko sila ng tingin. ng mahulog si James sa butas agad naman tong tinawanan ni Mang Jose. "HAHAHAHA. Ano sabi ko sa inyo? Mahuhuli at ma huhuli ko kayong dalawa. Masiyado niyo lang pinapagod ang mga sarili niyo" Habang may sinasabi si Mang Jose kay James agad naman ako tumakbo para saksa 'kin si Mang Jose. Pinagsasaksak ko si Mang Jose hanggang sa mamatay siya. Halos maligo si Mang Jose sa sarili niyang dugo. Agad ko naman tinulungan si James maka alis sa butas kung san siya na hulog. Nagmakaalis na si James. dali dali naming binalikan yung bata. Naghukay kami sa tapat ng malaking puno at inilibing namin siya. Bago namin siya tuluyan tabunan ng lupa dinasalan namin siya at binasbasan ng holy water. Ng matapos namin ilibing ang bata bigla nalang ako ng hina. "Brenda?" wika ni James sa 'kin "tapos na James. natapos din sa wakas" banggit ko sa kaniya habang umiiyak. "Oo Brenda tapos. Uuwi na tayo aalis na tayo sa lugar na to" Agad kaming bumalik sa sasakyan at umalis na sa lugar na yun. . . . THE END.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
478.7K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Payment of Debt

read
87.3K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.0K
bc

My Favorite Subject

read
216.0K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook