bc

ICARUS: THE GOD HAS FALLEN

book_age18+
235
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
confident
sweet
bxg
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

When Mr. Playboy Meets Miss Palaban, sino ang magwawagi?

chap-preview
Free preview
Simula
Isang malakas na katok ang nagpatigil kay Icarus sa ginagawang pagtakbo sa treadmill sa loob mismo ng private gym niya sa mansion ng mga Vergara. Pinatay niya ang makina at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa unahan. Pinanusan ang tumutulong pawis sa mukha habang naglalakad patungo sa pinto kung saan muli na namang kumatok ang kung sino man ang nasa labas. Napakunot ang noo niya nang mapagbuksan ang kakambal na si Athena. Nakataas ang kilay nito, mukhang naiinip na. "What?" "You have to check the corn field. Alam mo ba ang nangyari kagabi lang?" "Ano’ng nangyari?" tanong niya, walang ideya. Umiling ang kakambal. Kitang-kita ang inis nito sa mukha. They were identical, but Athena got the harder features. Mas matangos din ang ilong nito pero mas manipis naman ang mga labi. Bilugan din ang mukha. Her favourite expression was to crease her forehead. Katulad na lamang ngayon habang naghihintay sa kaniya. She was always the impatient; habang siya naman ay palabiro. Halos pareho man ang kanilang mukha, magkaiba naman sila ng ugali. "Don't stare at me like you want to eat me alive, Athena. Say what you want and leave. May gagawin pa ako.” Tinalikuran siya ng kakambal. Nagsalita ito, "Sa boarder ng mga Guerrero, sa maisan, may baka na binaril ng mga tauhan. Puntahan mo na bago pa lumala ang lahat." "What?! Paano—" Natahimik siya. Kinabahan. Hindi na rin sumagot ang kapatid dahil nakaalis na ito. Mabilis ang kilos ni Icarus. Sinirado niya ang pinto ng gym at sunod na nagpunta sa barn kung saan nandoon ang gamit niya sa bukid. Sinuot kaagad niya ang cargo jeans at boots. Pinaresan ng de-kolor na t-shirt na hapit sa kaniyang katawan. Kita ang kurba nito at naghihimutok na muscle. May kahabaan ang kaniyang buhok ngunit malinis tingnan. Ruggedly handsome. Lumaki man si Icarus sa America, hindi nawala sa kaniya ang pagmamahal sa hacienda. Hacienda Vergara—ang lupain kung saan lumaki ang kaniyang ina at pag-aari ng kaniyang ama. Importante sa kaniya ito dahil dito nagsimula ang kwento ng kaniyang mga magulang. Ito rin ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang alok ng ama na pamunuan ang kanilang lupain. Hinding-hindi niya ito bibiguin. Kailangan niyang matukoy kaagad kung ano ang problema na sinasabi ni Athena. Sakay ng kaniyang 4x4 Pathfinder ay natunton niya ang dulong bahagi ng hacienda, may bagong usbong na mais. Ipinarada niya ang sasakyan at tinungo kung saan naroroon ang kumpulan ng mga trabahante. Maingay at halatang may kaguluhang nagaganap. Ngunit napansin pa rin siya ni Mang Arturo, ang kabo na namamahala sa buong Hacienda Vergara. "Maayong buntag, Señorito." (Magandang umaga) Kinuha nito ang sombrero na gawa sa buri at yumuko. Tumango si Icarus, sa nagkagulong mga tao ang tingin. "Ano po ang nangyayari?" "Nabaril nang 'di sadya ni Berto ang baka ng kabilang hacienda, Señorito. Nag-aagaw buhay po. Nakita niya kasing kinakain ng iba pang kasama nito ang mga pausbong na mais. Malaki na po ang pinsala na nagawa nila " Nag-aalala ang mukha ng matanda. Nagsimulang maglakad si Icarus sa kumpulan ng mga trabahante. Binigyang-daan kaagad siya ng mga ito para makita ang sitwasyon. Nag-aalala ang mga tingin. May nagbulungan. Sa lupa, nakahiga ang isang Brahman na baka. Naghihirap ito sa paghinga. Malaki ang tiyan. Nakumpirma niyang isa itong babae at buntis.   "Buntis," bulong niya—tama para marinig nang kung sino mang malapit sa kaniya. "Opo. Mukhang malapit na rin ang kabuwanan. Ano ang gagawin natin ngayon, Señorito?" nag-aalalang tanong ng isang trabahante. Nilingon ito ni Icarus. "Alam na ba ito ng kabilang hacienda? Kaninong baka ito? Sa mga Guerrero ba?" Umiling ang kabo na ngayon ay nakalapit na kay Icarus. "Nabili na ang kabilang lupain. Ang sabi, pamilya ng De Luna ang bagong may-ari. Haciendero din galing ng Leyte. Pinaalam na rin ng trabahante nila ang nangyari. Hinihintay po nila ang pagdating ng amo nila." "Maayo," (Mabuti) sagot niya. Sinuri ni icarus ang kalagayan ng baka. Umupo siya at hinawakan ito. Alam niyang anumang oras ay mamamatay na ito. May kasalanan ito—may kasalanan din ang trabahador niya. Unang beses na nangyari ang insidente sa hacienda at nahihirapan siya sa kung ano ang dapat gawin. Nais niyang makausap kaagad ang may-ari para sa agarang solusyon sa problema. Nasa ganoon siyang posisyon nang pumarada ang isang Hummer. Bumusina kaagad ito kaya naagaw ang atensyon ng lahat. Maging si Icarus ay napatingin sa nagmamadaling babae na naglalakad tungo sa kanilang direksiyon. Napataas ang kilay niya. Ito ba ang nagmamay-ari ng baka? O isa lamang din itong trabahante ng kabilang hacienda? Hindi niya matukoy. Base sa itsura nito, mukha itong babaeng kabababa pa lamang sa kwarto para mag-almusal. Suot pa nito ang ternong pajama. Buhaghag ang kulot na buhok. Mukhang hindi pa naghihilamos. Ang tsinelas nitong suot ay bunny bear na mukhang gamit nito sa loob ng bahay. Gross! sa isip ni Icarus. Umiral bigla ang pagiging OC niya. Tumayo siya at napailing. Binati ang babae na ngayon ay nakatayo sa kaniyang harapan, "Magandang umaga—" "Walang maganda sa umaga." She cut him off. Yumuko ito at tiningnan ang baka na sa kasamaang palad ay patay na. "Who did this to you, mama cow?" madamdaming saad ng babae. Pinunasan ang pisngi. Lumuluha ba ito? Náwerduhan si Icarus. Napatikhim. "Pasensya ka na sa nangyari sa inahing baka mo—" The woman cut him again using her death glare. "Anong pasensya? Linti! Mabalik ba ng pasensya mo ang buhay ng baka ko?" Nag-init din ang ulo ni Icarus. No one dared to talk back at him, even swear at him. Ano'ng karapatan ng babaeng ito na magalit sa kaniya gayong may kasalanan din ang alaga nitong hayop sa nangyari? "May kasalanan din ang alaga mo. Malaki ang pinsala nila sa maisan namin," he reasoned out. "Tutubo pa ang mais kapag tinaniman ulit. Masyado kayong marahas! Sino ka ba?!" buwelta naman ng babae. Magkaharap ang dalawa. Nagtitigan. Walang magpapatalo. Hindi iniinda ang bulungan ng mga trabahador na saksi sa nagaganap. Mata sa mata. Titig sa titig. Parehong ipinaglalaban ang pinaniniwalaan. "I am Icarus Vergara. May-ari ng hacienda na pininsala ng mga baka mo! Hindi lang ang trabahador ko ang dapat sisihin dito." Matikas ang boses ni Icarus, hindi magpatatalo. Natawa nang sarkastiko ang babae. Umiling. Hindi natatakot sa ipinapakitang tigas ng mukha ng kaharap. Para sa kaniya, ordinaryo lang iyon. "Oh, ano ngayon kung ikaw si Icarus? Paki' ko! Bayaran mo 'tong baka ko!" "Bayaran mo rin ang damage ng maisan ko!" ”'Di magbayaran tayo!" wika ng babae. Tinaas nito ang middle finger at umalis. @sheinAlthea

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook