bc

My Elusive Star

book_age18+
12.3K
FOLLOW
93.7K
READ
manipulative
aloof
kickass heroine
sweet
bxg
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Maihahambing sa Cinderella story ang buhay ni Amelie Sandoval. From squatter girl to instant rich princess. Napangasawa kasi ng kanyang ina si Don Leandro na ubod ng yaman. At nagkataon na dream man pa niya ang anak nitong si Lucas Falcon na isa din business tycoon.

Subalit hindi niya akalain na ang Dream man pala niya ay nuknukan ng suplado sa personal at pinagbentangan pa silang mag-ina na pera lang ang habol nila sa Don.

Bilang pinalaki ng kanyang ina na may dangal at prinsipyo ay hindi siya makakapayag na basta na lang tapak-tapakan. Taas noo, with full confident ay lumaban siya kay Lucas pero ang totoo sa titig pa lang nito nagagapi na siya.

Aasa pa kaya si Amelie na tulad ni Cinderella ay magkakaroon din siya ng happily ever after kung bukod sa mahirap abutin ang taong mahal niya ay natakda na itong ikasal sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Simula ngayon ay dito na tayo titira." sabi ng mama ko habang inaakbayan ako. Bitbit ang isang malaking bag na tanging dala namin. Ngumiti lang ako at muling binalik ang tingin sa mala-mansyong bahay na nasa harap ko. Simula ngayon ay sa mansyon na ito kami titira ng mama ko. Maraming nagsasabi na mala- Cinderella daw ang kuwento namin. Mula sa pagiging mahirap ay biglang yaman dahil nakapag-asawa ang ina ko ng biyudong halimaw sa larangan ng negosyo. Ubod ng yaman. Si Leandro Falcon. Maraming na iinggit sa pag-ahon namin mula sa squatter. Masuwerte raw kami. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ako masaya. Siguro ay dahil alam ko na bukod sa pagkainggit ay hinusgahan rin ng mga tao ang mama ko na pera lang ang habol niya kay Don Leandro. Hindi ko rin alam kung may namamagitan bang pag-ibig sa dalawa. Pero isa lang ang sigurado ako, alam ko na kaya nagpakasal ang mama ko sa Don ay para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. At hindi ako matulad sa mga ka-edad ko sa lugar namin na maagang nagsipag-asawa. Kung ako lang ang tatanungin ay okay na ako sa buhay squatter. Hindi man araw-araw na nakakain kami ng masasarap na pagkain ngunit nakokompleto naman ang three meals a day. Hindi naman sa kontento na ako sa pagiging squatter girl dahil may pangarap din naman ako. Sapat na sana para sa'kin na makapagtapos ng kahit ano'ng TESDA course at makahanap ng regular na trabaho o 'di kaya'y makapagtrabaho sa ibang bansa bilang OFW. Gusto ko kung umasenso man ako ay galing sa pinaghirapan ko. Hindi iyong ganito na instant prinsesa ako. Balita ko pa masasama daw ang ugali ng mga yayaman na never nakaranas na maghirap. Mapangmata daw sila. Baka apihin kami ng nanay ko? Naku! Hindi pa naman ako makakapayag! Lalaban ako. Masama ang ugali ng bunsong anak na babae ni Don Leandro. Confirm. Legit. Na meet ko na kasi sa civil wedding ng mama ko at ng Don noong nakaraang araw lang. Ni minsan ay hindi ngumiti. Pinapakita talaga na ayaw niya sa kasalang nagaganap at parang diring-diri sa amin mag ina. Sinubukan ko nga kausapin no'ng nasa reception na. Hello pa lang nasasabi ko ay tinalikuran na ako. Angel pa naman ang pangalan, hindi bagay! Iyong pinapangarap ko talagang makita ay ang panganay na anak ng Don. Siyempre, hindi naman pwede na sa ilang date lang nila ng mama ko ay nagpasya na silang magpakasal sa rason na hindi na daw sila bumabata kaya nag research kaming magkakaibigan sa internet shop tungkol sa Don. Nakapasa naman siya sa'kin dahil wala naman akong nakitang negatibong article o link tungkol sa kanya. Pero halos mawalan yata kami ng oxygen sa baga ng mga kaibigan ko nang malaman namin na anak pala ng Don si Lucas Falcon! Tilian kaming magkaibigan. Pinagalitan pa kami ng ibang nag-i-internet din. Landi raw namin. Sino si Lucas? At kung bakit ganoon na lang ang reaction namin? Well, hindi naman siya celebrity, hindi actor o modelo. Pero tinaguriang sexiest man alive in Asia dahil sa taglay na karisma. Sinundan niya ang yapak ng ama sa larangan ng pagne-negosyo. Sumikat siya dahil sa hindi matatawaran ang kagwapuhan. Advance kaming mag-isip ng mga kaibigan ko, nakikinita na namin na ma-meet namin si Lucas. Mabibighani raw siya sa ganda namin. Tapos isa lang ang pipiliin niya - ang mga walang hiya in-eject pa ako sa finalist dahil magiging big brother ko raw si Lucas. Sadly, hindi ko siya na meet sa kasal dahil nasa ibang bansa daw siya ng araw na iyon. Siyempre kahit mahirap lang kaming magkakaibigan ay mataas rin naman standard namin kahit papaano. Iyong nga lang na sobrahan dahil magka-crush na rin lang kami doon pa sa taong mahirap abutin. Kumakapit kasi kami sa kasabihang libre lang mangarap. Apat kaming magkakaibigan at wala ni isa sa'min ang nakaapak sa college at hanggang pa sales lady-sales lady lang sa isang department store o 'di kaya'y service crew sa isang fast food chain. May pagkakataon rin na sabay-sabay na na-e-expire ang kontrata namin dahil sabay rin kami naghanap ng trabaho no'n at kapag ganoon ay lagi kaming nakatambay sa sari-sari store ni Aling Sena, umiinom ng softdrink habang hinihintay na dumaan ang isa rin sa crush namin na isang engineering student. Darren ang pangalan. Hindi naman ganoon kagwapo pero siya na pinakamatino sa lugar namin kaya naging ideal man ng kababaehan. Napahigpit ang kapit ko sa braso ng mama ko nang biglang bumukas ang gate at binati kami ng isang babae na katulong yata base sa unipormeng suot. Nakaramdam ako ng pag-alinlangan lalo na at ilang hakbang pa lang ay nahagip na ng mata ko ang malaki at malawak na L-shape swimming pool na may tulay sa gitna at sa tabi noon ay limang nakahilerang poolside bed. At paglipat naman ng mata ko sa kabilang bahagi ay labis ang pagkamangha ko sa isang tila mini maze garden na sa entrada no'n ay may isang water fountain na sa isang eleganteng banga lumalabas ang tubig. Deserve ba namin ng mama ko na dito tumira? Napatitig ako sa kanya ngunit wala akong mabasa sa mukha niya. Malulungkot talaga ako kapag ginagawa niya ang lahat ng ito paraa sa kapanan ko. Higit na mas kaligayahan niya ang iniisip ko. Marami na siyang paghihirap at pagsasakprispisyo sa mag-isang pagtataguyod sa'kin. At ayaw ko ng madagdagan pa 'yon. Sa picture ko na lang nakita ang papa ko. Sanggol pa lang daw ako ng mamatay siya dahil sa sakit na cancer. At kung tutuusin ay bata pa ang mama ko at pwede pang makapag-asawa ulit. Pero nag focus siya sa pag-aalalaga sa'kin. Ayaw daw niya mag-asawa ulit dahil baka raw problema lang daw ang hatid sa kanya. Pero madalas kong naririnig mula sa bibig niya na gusto niya raw ako mabigyan ng magandang kinabukasan. Ito na kaya solusyon ng mama ko? Pinigilan ko ang mama ko sa kamay nang ilang pulgada na lang ang layo namin kay Don Leandro na nakatayo sa entrada ng mala-palasyong bahay. Sa tabi niya ay ang anak niyang babae na pinaglihi yata sa sama ng loob dahil lagi na lang nakasimangot. "Ma..." Puno na pangamba na nasambit ko. Ngitian lang niya ako. Tila binibigyan ako ng assurance. "Okay lang Amelie, wala kang dapat ipag-alala. Nawala ang pangamba sa sa dibdib ko nang pagbaling ng mama ko ng tingin kay Don Leandro ay nakita ko pagmamahal sa mga mata niya. At iyan ang lang importante sa'kin. Pero wait lang, wala yata ang taong pinakakaasam kong makita? Nakakadismaya! Pero hindi bale, alam ko magkikita rin kami ni Lucas Falcon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook