bc

FOURTH DE GRACIA

book_age18+
2.6K
FOLLOW
15.4K
READ
sweet
like
intro-logo
Blurb

Fourth x Almira story

Abot langit ang inis ni Almira nang basta na lang ianunsyo sa publiko ni Fourth De Gracia na mayroon silang relasyon na dalawa, kahit wala naman itong katotohanan.

Pinalagpas niya ang ginawa ng binata sa kaniya at sa halip ay nakipagkasundo pa ito nang hilingin ng binata na magpapanggap silang dalawa na mayroong relasyon.

Ano pa ba ang magagawa niya, nauna nang ikalat ng balita sa lahat na may relasyon sila.

Hanggang saan kaya sila dadalhin ng kanilang kasunduan? Kung may magbabalik mula sa nakaraan na magpapaalala ng sakit ng unang pag-ibig ni Almira.

chap-preview
Free preview
FDG—1
SWEET THIRTEEN "Kuya, sasama ako sa'yo!" Hinabol ko si Kuya Alwin hanggang sa labas ng bahay. Pasakay na siya ng kaniyang kotse, bihis na bihis. "Pupunta ako sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko, Mira. Mabo-bored ka lang doon." "Hindi, Kuya. Mas nakaka-bored dito sa bahay." Isang linggo na ang lumipas mula nang matapos ang school year. Hindi ako lumalabas ng bahay. Hindi din naman ako makapag-mall para mamasyal o mag-shopping kasama ang aking mga kaibigan dahil nakabakasyon sila ngayon. Ang iba ay out of town at ang iba ay umuwi naman ng probinsya. Nabo-bored na ako. Sumasakit na ang likod ko kakahita at ang batok at ulo ko ay makirot na din kakanood ng movie. "Ikaw ang bahala. Basta walang mag-aayang uuwi agad kapag na-bored ka doon." "Hindi iyan, Kuya. Let's go!" Sa bahay ng mga de Gracia kami nagpunta ni Kuya. Ang pangalawang anak ng pamilya ay isa sa pinakamatalik na kaibigan niya. Si Kuya Jetro. "Oh, kasama mo pala si Almira." Tipid kong nginitian si Kuya Jetro dahil ganoon din naman siya ngumiti. Para bang napipilitan lang. May pagkasuplado ang kaniyang datingan. Ito ang pang-akit niya sa mga kababaihan. Ganoon silang lahat na magkakaibigan. Ilan sa mga classmates ko ay may gusto sa kanilang magbabarkada. Matangkad, guwapo at naglalaro ng iba't ibang sports. Bukod doon, they also excel academically. "Nagpumilit na sumama, e. Nabo-bored na sa bahay." "Makipaglaro ka na muna sa kapatid ko," sabi naman ni Kuya Jetro. May gagawin daw sila ni Kuya sa kaniyang kuwarto at hindi daw ako puwede doon. Ano naman kaya ang gagawin nila? Baka manonood lang naman sila ng porn. "Oh, Jariah, nandito si Almira, makipaglaro ka muna sa kaniya." Napatingin ako sa batang babae na tingin ko'y mas bata sa akin ng dalawa o tatlong taon. Mukhang siyang masungit. Magkasalubong kasi ang kaniyang kilay. Pero kahit mukha siyang masungit, maganda pa din siya. Nginitian ko ang batang babae, ngunit hindi man lang niya ako nginitian. "Aalis ako, Kuya. Makikipaglaro ako sa mga kaklase ko." "Saan? Nagpaalam ka ba kay mommy?" "Yes, she know. Sige, aalis na ako." Basta na lang umalis ang babae. Akala ko pa man din makakahanap na ako ng kausap at kaibigan. Sabagay, baka mag-away lang kaming dalawa. Ayaw ko pa man din ng maarte at sobrang maldita. Binilin ako nina Kuya sa katulong. Pinaghanda ako ng meryenda at pinanood ako ng movie. Nagsawa na nga akong manood ng movie, e. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa kanilang garden. Pagdating ko doon nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa may sun lounger. Hindi ko kita ang kaniyang mukha kaya naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa kaniyang harapan. "Hi," bati ko sa lalakeng naka-shades. Tingin ko hindi nagkakalayo ang edad namin. Si Kuya Jetro lang talaga ang kilala ko dito, dahil parati siyang nagpupunta sa bahay namin. Sila ng iba pang kaibigan ni Kuya. Nagulat ang lalake nang makita ako. Inangat niya ang suot niyang shades at saglit akong pinagmasdan. Mukha din siyang masungit gaya ni Kuya Jetro pero mas malambot ng kaunti ang kaniyang facial features. Nginitian ko siya. Napansin ko ang pasimpleng pag-ayos niya ng kaniyang suot na shorts. Kulay pink ito na short? No, palda ito. Inipit lang niya ang gitna para magmukhang palda dahil mukhang nahiya siya bigla. Pero bakit naman siya mahihiya? Bakla ba siya? Bakit ganiyan ang suot niya? Pansin ko ang pamumula ng kaniyang leeg at tenga. Ano'ng nangyayari sa kaniya? "Nice skirt!" Nginitian ko siya. Ayaw ko siyang mailang sa akin. Hindi ko naman siya ija-judge. Nagulat lang talaga ako na mayroong bakla na kapatid si Kuya Jetro. Sayang, ang guwapo pa man din sana niya. Parang mas guwapo pa siya kaysa kay Kuya Jetro. Mas lalo pang namula ang leeg ng lalake—ah bakla. "This is not a skirt!" masungit niyang tanggi. Sinungaling! Bakit niya tinatanggi? Eh, kitang-kita ko naman na palda ang suot niya, e. "Come on, huwag mo ng i-deny. Hindi ba alam ng family mo na gay ka? I can keep a secret." "What? Me? Gay? Of course not!" Nagkamot ako ng ulo. Nagsuot ng palda tapos ngayon ide-deny niya na palda ang suot niya at ginigiit na short. Eh, palda naman talaga 'to! Baliw ba ang lalakeng 'to? "Why are you wearing a skirt then, if you're not a gay?" Nag-iwas siya ng tingin. "Fourth, maligo ka na para malinis natin iyang bagong tuli mong pututoy!" Napatingin ako sa katulong na parating. Nang mapasulyap ako sa lalake buong mukha na niya ngayon ang pulang-pula. "Ah, so you're not gay? Bagong tuli ka?" Hindi siya sumasagot. "Uy, may magandang dalaga pala dito." Nakalapit na sa amin ang katulong. "Hello po, ako po si Almira. Kapatid po ako ni Kuya Alwin." "Oh, kaya naman pala ang ganda-ganda mo. Parehas kayo ng Kuya mo, magandang lahi." Ngumiti ako. "Akala ko bakla ka, sorry, huh? Hindi mo naman kasi sinabi na bagong tuli ka pala. You don't need to be shy." Tumawa ang babae. Si Fourth naman ay hindi nagsalita. Para bang iritable na ito. Hindi din siya gumagalaw. Hindi tumatayo kahit pa sinabi na ng yaya niya na maliligo na ito para malinis iyong ano niya na tinuli. "Ilang taon ka na pala? I'm turning thirteen years old next month." Hindi pa din siya nagsalita. "Mag-thirteen din siya next month," sagot ulit ng yaya niya dahil hindi naman sumasagot si Fourth. "Oh, same pala tayo ng age. At saka bakit ngayon ka lang nagpatuli?" "Natatakot kasi siya," sagot ulit ng maid. "Yaya!" inis na sigaw ng lalake. "Sorry naman, tinatanong ka kasi ng magandang dalaga, pero hindi ka man lang sumasagot." "Si Kuya eleven years old siya nang magpatuli siya." "Sige na, maligo ka na muna. Pagkatpos mong maligo, bababa ka pa ba dito? I'll just stay here." Tinuro ko ang kabilang sun lounger. "Tara na, Fourth," aya ng maid sa kanuya ngunit hindi siya gumagalaw. "Ah..." Nagkamot ng batok ang babae. "Nahihiya siya, be." "Huh? Bakit naman siya mahihiya? Hindi ko naman kita ang pututoy niya dahil may suot naman siyang palda." Nagpigil ng tawa ang babae. "Iyon nga mismo ang dahilan, ayaw niyang makita mo siyang nakasuot ng palda." "Oh. Ano'ng nakakahiya doon? Mas nakakahiya kapag wala kang suot." Masama akong tinignan ng lalake na kinagulat ko. Bakit siya nang-aaway? "Will you shut up? And go away!" Aba, inaaway nga talaga niya ako! Ayaw ko pa man din ng may umaaway sa akin lalo na kapag lalake. "Bakit ka ba naninigaw? Inaano ba kita?" Namewang ako. "Umalis ka nga! Paalisin mo nga siya, Yaya." Nahihiyang ngumiti ang yaya niya. "Almira, baka puwedeng umalis ka na muna. Doon ka na muna sa kabila." Masama kong tinignan si Fourth. "Ang sama ng ugali mo! Takot ka namang magpatuli!" "You!" Lumayo ako ng kaunti saka ko siya binelatan. "Akala mo kung sino ka, ang liit naman ng t**i mo! Kaya ka inabot ng thirteen bago nagpatuli kasi sobrang liit ng t**i mo. Kasing laki lang ng tooth pick!" Tawang-tawa akong tumakbo hanggang sa loob ng bahay. Sakto namang pababa ng hagdanan si Kuya. "Oh, Almira, saan ka galing?" "Kuya, gusto ko ng umuwi." "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayaw kitang isama, e." "Sige na, Kuya. Umuwi na tayo." "Oh, bakit umiiyak iyan?" tanong ni Kuya Jetro habang nakatingin sa kaliwang bahagi ng bahay. Napatingin din kami doon ni Kuya. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Fourth na umiiyak. Tapos nakasuot pa siya ng palda. "Kasi..." Alanganing tumingin sa akin ang yaya niya. "Did you do something?" taas kilay na tanong ni Kuya sa akin. "Wala, ah." Umiling-iling si Kuya. Si Kuya Jetro naman ay nangingiti. "You! I don't wanna see you in our house again!" sigaw sa akin ni Fourth. "Aalis na kami! Bakla! Iyakin! Iyakin!" "Almira!" saway ni Kuya sa akin. Binelatan ko ulit si Fourth na iyakin bagi ako tumakbo palabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Kuya sa labas. Pinapasok niya ako sa loob ng sasakyan. "Hindi ka na sana sumama. And I will tell mom about your behaviour." Sumimangot ako. "Hinding-hindi na kita isasama kahit kailan." "Hindi na ako sasama sa'yo, Kuya. Ang sama ng ugali ng mga kapatid ni Kuya Jetro. Pati na din iyong baklang iyon." "Hindi naman siya bakla. Lalake siya. Bagong tuli siya kaya siya nakapalda." "May lalake bang nang-aaway ng babae. Tapos siya pa ang umiyak. Akala mo, huh..." "Ikaw talaga. Napakasutil mo. Hinding-hindi ka na makakatunton sa bahay nila dahil sa ginawa mo." "Ayaw ko din naman doon sa Fourth na iyon, Kuya." Humalukipkip ako at sumimangot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook