bc

Taste of Love (Scarce Series #2)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
15.8K
READ
revenge
family
independent
brave
self-improved
drama
bxg
heavy
kicking
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Every challenge and hurdle that you cross, take you a step closer to your dream. So, it is important to not give up and push forward even when it feels impossible for you but believe in yourself.

Nova Galang, isang OFW na iniwan ang anak para lang makapag-ipon at maitaguyod ang hirap ng buhay. Ngunit sa kaniyang pagbabalik ay isang masamang balita ang kaniyang matatanggap. Tunghayan ang magiging buhay ni Nova sa kamay ng lalaking si Alfred na una niyang minahal at pinili kapalit ng kaniyang pamilya. Dahil sa matinding kalungkutan at sama ng loob ay darating si Tristan Diaz na siyang magliligtas sa kaniya sa kalungkutan at magbibigay ng bagong pag-asa sa kaniya. Hanggang saan ang kakayanin ni Nova para sa mga anak at sa taong minamahal niya. Makakabalik pa kaya si Nova sa iniwan niyang pamilya gayong alam niyang masama ang loob ng kaniyang pamilya sa kan’ya. Samahan natin ang isang babaeng unti-unting naging matatag ang loob sa reyalidad ng kahirapan at pagkalugmok sa problema.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: PAGBUBUNTIS (NOVA) Warning R18
NANGILID sa luha ang aking mga mata habang hawak ko ang pregnancy test na may dalawang pulang guhit. Mahigpit ang pagkakahawak ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa resulta. “A-Ano’ng resulta, Nova?” kinakabahang tanong ni Alfred. Ang aking boyfriend na mas matanda sa ‘kin ng tatlong taon. Eighteen years old lang ako kaya labis ang aking pag-iyak. Kinuha ni Alfred ang hawak kong pregnancy test at laking gulat noong makita niya rin ang resulta. “B-Buntis ka?” Umiling-iling ako habang sapo ang aking noo at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa bigat ng aking nararamdaman. Kaya pala madalas akong antukin at pakiramdam ko ay parati akong pagod. Dinadaga ang dibdib ko dahil mapapatay ako ni Tatay kapag nalaman n’yang buntis ako at kay Alfred pa na isang construction worker lang ang trabaho. “Ano’ng sasabihin ni Tatay, Alfred? Natatakot ako at baka kung ano ang gawin niya sa ‘kin.” Nanginginig ang mga kamay ko na pinagsalikop ni Alfred. Bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa aking noo. Napapikit ako nang mariin at muling nangilid sa luha ang aking mga mata. Walang tigil sa pagpatak at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Limang buwan na kaming magkasintahan ni Alfred at galing siyang Maynila. Binitbit siya ng kaniyang pinsan na isa ring construction worker sa itinatayong pabrika. “Pananagutan kita, Nova. Ako ang bahala sa ‘yo.” “I-Ikaw ang bahala sa ‘kin? Dapat kasi, gumamit man lang tayo ng proteksyon— nagbunga na ang ginawa natin. Hindi ako nag-iisip. Mapapatay ako ni Tatay!” Napasalampak ako sa sahig at nag-iiyak. Parang ayaw ko na munang umuwi sa bahay dahil nakakaramdam na rin si Nanay na may kakaiba raw sa ‘kin. Nakaraang araw ay direkta akong tinanong ni Nanay kung may nangyayari ba sa ‘min ni Alfred. Pilit nila kaming pinaghiwalay dahil bata pa raw ako at wala akong mapapala sa katulad ni Alfred. Mahirap na nga raw kami ay pumatol pa ako sa mas mahirap pa sa daga. Umupo si Alfred sa aking harapan at kinuha niya ang magkabilang mga kamay ko at hinalikan ang mga likuran nito. “Ilihim muna natin— kapag handa na tayo… s-saka natin sabihin sa kanila.” “Alfred, hindi ka ba nakaiintindi?! Ayaw nila sa ‘yo! Ang alam nila ay wala na tayo! A-Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak ko. M-Mga kaibigan ko at kaklase ko?! Binuntis mo ako at magagalit si Tatay. Nagsinungaling ako sa kanila,” hysterical kong sabi. Nanlumo si Alfred habang nakatitig sa akin at napaupo na rin lang sa harapan ko habang tagaktak ang pawis ng kaniyang noo. Ilang oras kaming ganoon ang posisyon at nag-iisip kung ano na ang gagawin namin. Napagkasunduan naming dalawa na maghihintay kami ng tamang pagkakataon. Ayaw kong mabigla sina Nanay at Tatay at alam kong darating ang panahon na ‘yon. … Kaharap ko sina Nanay at Tatay sa hapagkainan kasama ang dalawa kong kapatid na lalaki. Bunso ako at nag-iisang babae. May edad na ang mga magulang ko at kapwas nasa singkwenta na silang dalawa. Si Kuya Ronie naman ang panganay at si Kuya Edie naman ang pangalawa sa aming magkakapatid. Kapwa sila nagtatrabaho sa tubuhan at pabrika na pagawaan ng asukal. Pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko sa amoy ng pagkain. Hindi ko na matagalan pa at nasusuka na talaga ako. “Kumusta ang pag-aaral mo, Nova? Siguruhin mong hindi ka babagsak dahil masasayang ang iskolarship mo,” ani Tatay Juan na abala sa pagkain. “Wala ka bang tiwala sa anak mo, Juan. Matalinong bata ‘yang si Nova,” singit ni Nanay Carla. Tipid akong ngumiti habang iniiwas ko ang tingin sa kanila dahil sa masama na ang pakiramdam ko. Wala akong pasok dahil araw ng Linggo. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong nalaman kong buntis nga ako. Nangako si Alfred na hindi niya ako iiwan anuman ang mangyari. “O-Okay lang po. M-Malapit na po ang exam namin,” walang gana kong sagot. “Naku, alam mo ba. Ipinagmamalaki kita roon sa mga kasamahan namin sa pabrika. Balang-araw ay magkakaroon ako ng kapatid na nakapagtapos sa kolehiyo at kursong titser!” magiliw na sambit ni Kuya Edie habang malawak ang ngiti. “Kaya kung ako sa ‘yo, Nova. Pag-igihan mo para maipamukha natin sa mga kamag-anak natin na nakapagtapos ka. Hindi ‘yong inaapak-apakan nila tayo!”dugtong ni Kuya Ronie. “H’wag kayong mag-alala, Kuya. Pipilitin kong makapagtapos… s-sandali—” Dali-dali akong tumayo dahil umakyat na sa lalamunan ko ang sama ng sikmura ko. “Bakit?” nag-aalalang tanong ni Kuya Ronie. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan akong nasuka sa labas. Wala kaming lababo at sa labas lang kami naghuhugas ng plato. Maliit na kubo lang din ang tinitirhan naming na may maliit na silid at ako lang sa magkakapatid ang nakapag-aral sa kolehiyo. Naluha ang aking mga mata dahil sa pait ng lasa na gumuhit sa aking lalamunan. “Nova! Aminin mo nga ang totoo! Buntis ka ba, ha?!” Nilingon ko si Nanay na nakatayo sa aking likuran at nakapamaywang. Bakas sa mukha niya ang galit at magkasalubong ang magkabilang kilay. Napasapo ako sa aking puson at pakiramdam ko ay nanghina ako. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Nanay. Siya rin ang paglabas ni Tatay na nag-iinusok ang ilong sa matinding galit. “Ano’ng kalokohan ‘yan?!” “Juan, sa t-tingin ko ay nagdadalang tao si Nova. Ilang araw ko na siyang napapansin na panay ang duwal— nasusuka…” kinakabahang sabi ni Nanay. “N-Nanay—” Naputol ang sinabi ko dahil biglang lumapit si Tatay at sinabunutan ako sa aking buhok. “Umamin ka! Buntis ka ba?!” “T-Tay, n-nasasaktan po ako!” “Juan, nasasaktan si Nova—” “Isa ka pa! Wala kang kwenta! Nag-iisang babaeng anak mo, hindi mo pa nabantayan!” Lumabas na rin ng kubo ang mga kuya. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang pagkadismaya sa ‘kin. Puno ng pagmamakaawa ang mga titig ko sa kanila na tulungan ako. “Papatayin ko ang lalaking ‘yon, kapag nakita ko s’ya!” sigaw ni Tatay na galit ng galit. Dali-dali akong lumuhod sa harapan ni Tatay noong bitiwan niya ako. Umiiyak ako at labis na nagmamakaawa. “H’wag po… m-mahal na mahal ko po si Alfred. P-Pananagutan n-niya raw po ako, ‘Tay. Kuya, Nanay, pakiusap!” “Ang kapal talaga ng mukha niyang si Alfred. Binalaan ko na ang lalaking ‘yon na layuan ka pero binuntis ka pa!” dagdag ni Tatay. Tumalikod si Tatay para kuhanin ang nakasabit na itak sa may kawayan. Dumarubdob ang kaba ko sa aking dibdib. Kapag hindi ko siya pinigilan ay mapapatay niya si Alfred at pareho silang mapapahamak. “Hindi! H’wag po, Tatay!” Gumapang ako at niyakap ang mga binti ni Tatay habang humagulgol nang iyak. Nagsisigaw ako dahil pilit na inaalis ni Tatay ang mga kamay ko habang si Nanay ay umiiyak na rin sa takot. “Kuya! ‘Nay! Pigilan ninyo si Tatay!” buong lakas kong sigaw. “P-Pag-usapan na lang natin ‘to, ‘Tay. Baka mapahamak ka pa,” ani Kuya Ronie habang nag-aalala. “Kuya, binuntis ng lalaking ‘yon si Nova. Sinira niya ang pangarap at pag-aaral ni Nova!” singhal ni Kuya Edie. “Huwag mo akong sigawan! Mas matanda ako sa ‘yo!” singhal ni Kuya Ronie. “Totoo lang ang sinasabi ko! Dapat ay makatikim ang lalaking ‘yon. Masasapok ko ang lalaking ‘yon!” “Tumigil na kayong dalawa!” hiyaw ni Nanay habang umiiyak. “Ang tigas ng ulo mo, Nova!” singhal ni Tatay. “Kasalanan ko, ho! Kasalanan ko. Hindi lang si Alfred ang may kasalanan!” Pinalis ni Tatay ang mga kamay ko at humakbang palayo. Sumunod naman sina Nanay at Kuya Edie kay Tatay. “Juan, huminahon ka!” hiyaw ni Nanay. Tinulungan ako ni Kuya Ronie na makatayo. Niyakap ko si Kuya Ronie at hinaplos ang aking likuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook