bc

Gabriela Silang [Completed]

book_age18+
2.1K
FOLLOW
12.6K
READ
spy/agent
second chance
kickass heroine
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
gxg
bisexual
detective
city
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Matatag o Marupok?

Tatanggapin mo pa ba ang taong basta na lang nang-iwan sa'yo sa ere? Babalikan mo pa ba ang taong bigla na lang nawala sa mga oras na kailangan mo sya? Handa mo bang isugal ang buhay mo alang-alang sa taong hindi naman nagpahalaga sa'yo?

Alamin ang istorya ni Yaci kung paano ito magpakamartyr, hindi lamang sa taong minamahal, kundi pati sa bayan na kanyang ipinaglalaban.

+++

P.S.

This is LGBTQIA+ themed story. (Girl's Love | GirlXGirl)

If you are not comfortable reading this kind of genre, please don't proceed.

AN:

Victoria Boarding School Series 3 X Katipunerong Bahaghari Series 1

---

Probinsyana (Proven Sya Na) - VBS Series 1

Dalagita - VBS Series 2

The two first books are under my other account namely Corazone.

chap-preview
Free preview
CH 1: Ang Unang Nakaw
"NANDITO po tayo sa harapan ng DA Bank kung saan kasalukuyang nagaganap ang hostage taking ng umanong sampu o mahigit na bandidong lalake sa mahigit labing limang sibilyan nasa loob ng bangko," sabi ng isang reporter ng GBS Network. "Makakapanayam po natin ang isa sa mga hostages na maswerteng nakatakas sa mga bandido. Sir, ano po ang inyong pangalan?" Nagkalat ang mga pulis at SWAT sa paligid. Ang Chief of police ay makikitang pilit nakikipagnegotiate sa mga bandidong nasa loob ng bangko. Nandoon din ang maraming reporter pero kasulukuyang ang GBS reporter ang nakikipag-usap sa nakaligtas na hostage. "Harold po," sagot ng lalake. "Harold, maari mo bang i-kwento ang nangyari sa loob ng DA Bank?" tanong ng reporter. "Magdedeposit lang po sana ako kaya nandoon ako sa DA Bank, kaso nung nagpifill up pa lang po ako ng deposit slip ko ay biglang pumasok yung mga lalakeng nakabonet ng itim sa mukha tapos sumigaw ng holdap. Pilit pa pong lumaban yung isang security guard pero naunahan na po syang nabaril nung isang lalakeng nakabonet. Nagdapaan na lang po kami at sumunod sa kanila. Kung hindi po ako nagkakamali mga sampu o mahigit po yung mga holdaper," kwento ni Harold. "Paano ka nakatakas sa mga holdaper, Harold?" "Pinalabas po nila ako para mahatid po yung mensahe nilang gustong iparating sa mga kinauukulan," muli ay sabi ni Harold. "Ano naman ang gustong iparating ng mga bandido? Sabihin mo, Harold. Narito ngayon sa tabi namin si Chief Maliksi," sabi ng reporter. Nakatabi naman agad ang sinabing chief ng mga pulis sa hostage. "Sir, bigyan nyo lang po sila ng chopper, hindi na po daw sila manggugulo at hayaan lang silang makatakas para hindi sila papatay ng kahit sino sa hostages," sabi naman ni Harold. "Sir, ano pong masasabi nyo?" Baling ng reporter kay Chief Maliksi at itinuon dito ang microphone. "We are actually working on it. We have negotiated with one of the robbers and we are going to give them what they want," sabi ni Chief Maliksi. "Ayan mga kaibigan, napagpasyahan ng ating kapulisan na ibigay ang gusto ng mga holdaper. Sa ngayon ay yan lang po ang balita dito sa DA Bank. Ito po si Doreen Chu, nag-uulat," pagtatapos ng reporter sa report nya pero hindi pa rin tumitigil ang cameraman sa pag-video sa mga nangyayari doon. Sa isang bahagi naman ay nagsusumikap ang mga kapulisang mapasok ang DA Bank ng hindi namamalayan ng mga holdaper sa loob. Maya't-maya may tumatawag naman kay Chief Maliksi, isa sa mga holdaper, na syang nakikipagnegotiate sa kanila. "Wag kayong magkakamali, Chief. Iisa-isahin namin ang mga hostages dito kung hindi nyo susundin ang napagkasunduan natin. Isang pagkakamali lang, Chief. Katumbas nun ay isang buhay mula sa mga hostages," banta ng holdaper kay Chief Maliksi na ngayon nga ay kausap na nito sa telepono. "Tutupad kami sa usapan. Basta hintayin nyo lang." "Kanina ko pa nirequest yan, Chief. Pinagloloko nyo ata kami. Alam kong binabalak nyo kaming pasukin dito ng palihim." "Hindi. Hindi. Medyo nadelay lang yung chopper." Actually, walang paparating na chopper. Ang plano lang ay hulihin ang mga holdaper at iligtas ang mga hostages. Paano kaya nila nalaman na pinagloloko lang sila ng pulis? "Isang oras, Chief Maliksi. Isang oras. Pag wala pa ang chopper na hinihingi ko, itutumba ko ang dalawa sa mga hostages," at binabaan ng telepono ng holdaper si Chief Maliksi. Hindi nila kakayanin ang isang oras. Hirap na hirap ang mga pulis at SWAT sa pagpasok. Mukhang may espiya pa ang mga holdaper mula sa sibilyang nagkalat ngayon at nanonood sa nagaganap sa paligid ng DA Bank. Wala ng ibang choice si Chief Maliksi kundi humingi ng tulong sa Black Ops ng Military. Kilala nya na kasi kung paano magtrabaho ang grupong iyon at kahit na kalian, hindi pa nag-fail ang mga ito. Ang Black Ops Team na iyon ay tinatawag na mga Katipunero. Hango sa tawag sa mga pilipinong rebelde noon sa Spanish Regime sa Pinas. Pero hindi na sila rebelde ngayon, sila ay myembro ng military. Tinawagan ng palihim ni Chief Maliksi ang mga connection nya at agad namang pinadispatch ang Katipuneros. Wag lang daw maingay si Chief Maliksi at ang Katipuneros na ang bahala sa mga holdaper. +++ "Oryang, Plata, have you identify the suspicious persons among the civilians?" kausap ng captain sa mga kasamahan gamit ng isang maliit na wireless headphone. "This is Oryang. Target identified. He is wearing a blue shirt and a cap. Nagkukunwaring cameraman. Approaching target now." Agad na nalocate ng captain ang sinabi ni Oryang. Nasa lugar kasi ang captain kung saan nakikita nya ang lahat. Nasa isang rooftop ito malapit sa DA Bank. Kitang-kita nito ang lahat sa lense ng Barrett M99 nya. Ang kanyang sniper rifle. "Copy that," sagot ng captain. "Teodoro Plata, status?" "Plata here. Target identified. He's the one who pretended to be the hostage who escaped earlier. Approaching target now." "Roger that. Silang, Diwa and Tecson, what's your status?" "This is Ladislao Diwa. I have identified the robbers. There are only three hold-uppers according to the CCTV's that I am looking at right now." "Mga hinayupak. Sampu pa daw sila," the captain commented. "How many is the hostages?" "Twelve people. Including the tellers and the guard. As far as I can see, wala namang casualties." "They are just making stories para matakot ang mga pulis. Mga walang bayag pala ang mga holdapers na yan," sabi ng Kapitan. "Tandang Sora, this is Silang. Tecson and I are ready to infiltrate the area. Do we have your permission?" Yes, ang code name ng captain nila ay si Tandang Sora. "Go ahead. Diwa, cover them." "Yes, Tandang Sora." Tahimik na gumalaw ang Katipuneros. Ang mga tao naman sa labas ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Mga ilang minuto nga lang ay nakataas ang mga kamay na nagsilabasan ang mga tao sa loob ng DA Bank. Nang mapansin ito ng mga pulis ay nakilala nilang ang mga hostages ito. Nagkagulo na sa labas ng DA Bank dahil sumugod ang mahal sa buhay ng mga nahostage sa mga ito. "Nasaan ang mga holdapers?" tanong ng isang pulis. "Nakatali na po sila sa loob," sagot ng isang hostage. Pagpasok nga nila sa loob ay nakatali na ang tatlong holdaper. Tumunog ang telepono ni Chief Maliksi. Agad naman nya itong sinagot. "Chief, si Tandang Sora po ito. May kasabwat pa ang mga hunghang na yan. Hulihin nyo na lang sila sa sulok ng Starbucks. Nandoon sila at nakatali." "Salamat," nakangiting sabi ni Chief Maliksi sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Sa isip ni Chief Maliksi ay hindi nga sya nagkamaling humingi ng tulong sa mga Katipunero. "Walang anuman po," tsaka naputol na ang linya. Agad na nag-utos si Chief Maliksi sa mga tauhan para hulihin ang natitira pang mga salarin sa bank robbery na iyon. Case solved. +++ MISHAEL "Mums, okay lang po ako," paulit-ulit na sabi ko sa mga nanay kong kanina pa nagtatanong sa kalagayan ko. Nakavideo chat kami ngayon. Nandito ako sa condo na binili nila para sa akin. Nasa Brazil pa rin sila pero nagpasya akong bumalik sa bansa for some personal reason. "Sigurado ka? Nagpaospital ka sana, Hale. Nagpatingin ka sana kung may mga masakit sa'yo," sabi pa ng Mama Micah ko. Natawa na lang ako sa kanila. "Wag kang tatawa-tawa dyan. Hindi biro ang mahostage," si Mom Sheila naman ang nagsalita. "Eh, okay lang nga po ako. Hindi naman po ako nasaktan. Tsaka hindi naman po kami sinaktan nung mga robbers. Nangailangan lang siguro ang mga yun ng pera," paliwanag ko sa kanila. Mukha naman silang narelax. "Sigurado ka?" si Mama Micah. "Opo," nakangiting sabi ko. "Ano bang nangyari? Mabuti na lang hindi kayo nasaktan," tanong ni Mom Sheila. "Ayun po, may dumating na mga rescuers. Mga tatlo lang ata yun pero mabilis nilang nahuli yung mga robbers. Ni hindi nga nakapiyok yung mga robbers tapos sa isang iglap, napabulagta na lang sila nung mga rescuers. Ang galing nga nila eh." Naalala ko pa kung gaano kabilis yung mga rescuers sa paghuli dun sa tatlong robbers. "Balak ko nga po sana silang labanan gamit ng napag-aralan ko sa MMA kaso tatlo po sila at may baril. Delikado din kung susugod lang ako." "Hay naku, anak. Mabuti at hindi ka nagpakahero," sabi ni Mama Micah. Ngumiti lang ako. Malapit na malapit na. Mabuti na lang dumating ang mga rescuers, kung hindi baka nilamayan na ako ngayon. Pero syempre, hindi ko sasabihin yun sa parents ko. "Umuwi ka na lang kaya dito sa Brazil. Masamang pangitain yata ang pag-uwi mo dyan," si Mom Sheila. "Mums, alam nyo naman po kung bakit ako nandito. Bukod sa gusto kong makatulong sa mga kapwa pinoy ko, eh, alam nyo na po yun." "We know, anak. Kaso napakadelikado na pala dyan," si Mom Sheila. "Hon, hindi naman sa pinapabayaan ko ang anak natin pero she's a big girl now. Let her do what makes her happy." Mama Micah defended me. Yan ang gusto ko sa kanya eh. "Okay na nga. Sige na nga," talong sabi ni Mom Sheila. "Thanks, mums," nakangiting sabi ko sa kanila. Nagpaalam na si Mama Micah dahil may trabaho pa ito. Si Mom Sheila na lang ang kausap ko. "Tinawagan mo na ba sya, iha?" "Hindi pa, Mom. Naduduwag ako. What if, huli na pala ako?" "Sa pagkakaalam ko, wala pa namang asawa yun. Girlfriend ang hindi ko sure dahil mismo mga nanay nya ay walang update sa kanya. Eh, ni ayaw ngang sabihin kung anong nangyayari sa buhay ng anak nila ngayon. Ayaw daw ipasabi nung anak nila. I respected their privacy anak kaya hindi na ako nagtanong ulit." "Okay lang yun, Mom. Ako na po ang bahala," nakangiting sabi ko sa nanay ko. "Anak, basta tatandaan mo, kung saan ka masaya, susuportahan ka namin ng mama mo. Basta alam mo din dapat kung saan ka lulugar." "Yes, mom. I know. Salamat po sa mga paalala." Mga ilang minuto pa kaming nag-usap ni Mom Sheila at nagpaalam na din ito dahil magtatrabaho na din sya. Naghanda naman ako para sa first day ko bukas sa bagong trabaho ko. Isa na akong abogado ngayon. Twenty six years old na at masasabing nagmature na. Actually, okay na sana ako sa Brazil kaso isang pangyayari din ang nakakapagparealize sa akin na maikli lang ang buhay at dapat dun ko i-ukol sa mga importanteng bagay ang oras at effort ko. Mahal na mahal ko ang bansang Pilipinas. Kaya bumalik ako dito. Bukod pa dun, nandito rin ang taong gusto kong makasama habang buhay. Sana nga lang ay ganoon din sya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

SILENCE

read
380.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook