bc

HELVERIA UNIVERSITY

book_age16+
408
FOLLOW
1.1K
READ
brave
bxg
serious
brilliant
female lead
campus
realistic earth
school
punishment
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhan ng tita niya na makuha ang nakakarapat sa kaniya. Pinilit si Demiree na ipasok sa Helveria University para doon ipagpatuloy ang naudlot niyang pag-aaral.

Buong akala niya ay natauhan lang ang tyahin niya kaya pinag-aral siya ulit neto. Ngunit nang nasa Helveria na siya doon niya natuklasan ang lahat. Nalaman niya lahat ng sekreto tungkol sa pamilya niya at ang totoong nangyare sa magulang niya kung bakit siya neto iniwan sa pangangalaga ng tyahin niya. Nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan.

Nakilala niya ng iba't-ibang uri ng tao at ugali ng mga ito. Natuto siyang mas pahalagahan ang sarili at mga taong nagbigay din ng halaga sa kaniya. Natuto siyang lumaban at huwag basta umasa sa tulong ng iba.

Natutong magmahal, at ipaglaban ang taong mahal niya kahit ikapahamak niya pa.

Samahan natin si Demiree sa journey niya sa loob ng Helveria University.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ipinamana sa dalawang magkapatid na Salvera at Sylvia ang eskwelahan na pinaghirapang itayo ng mga magulang nila. Si Sylvia ang bunso. Maganda, matalino at may talento. Magaling si Sylvia sa lahat kaya naman hinahangaan siya ng lahat. Samantalang si Salveria naman ang panganay. Tahimik, may angking ganda rin tulad ni Sylvia. Matalino pero mas matalino ang bunso niyang kapatid. Sa kanilang dalawa ay si Sylvia ang paborito ng mga magulang nila. Hindi naman siya naiinggit dahil alam niyang proud din sa kaniya ang mga magulang niya. Nang magtapos silang dalawa sa koleheyo sa kursong medisina ay nagpasiyang mag-aral ulit si Sylvia bilang isang guro. Matapos ang apat na taon ay napagtagumpayan niya ito. Naging guro siya sa Helveria dahil gusto niyang ituro sa iba ang natutunan niya hindi lang bilang isang doctor. Samantalang si Salvera naman ay piniling patakbuhin ang eskwelahan. Nang mamatay ang mga magulang nila ay doon lang nagbago ang lahat. Naging sakim si Salvera sa lahat. Gusto niyang angkinin ang buong Helveria at walang ititira para sa kapatid niyang si Sylvia. Pero hindi iyon naging dahilan para magalit si Sylvia sa kaniya bagkos ay binigay ni Sylvia lahat ng mana niya kay Salvera. Iyon kasi ang turo sa kaniya ng magulang niya noon. Na huwag ipagdamot kung anong meron ka kahit wala ng matira sayo. Sa kagustuhan niyang sumaya ang kapatid ay iyon ang ginawa niya. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat.Pero nagkamali siya, nang makilala ni Sylvia si Benedict na tulad ni Salvera sakim din. Isa siya sa mga magagaling na guro ng Helveria. Niligawan niya si Sylvia pero hindi siya ang gusto nito. Kaya ginawa ni Benedict lahat para mawala lahat kay Sylvia iyon lang ang paraan niya para makuha si Sylvia pero nabigo pa rin siya. Nilisan ni Sylvia ang Helveria nagpakalayo-layo hanggang sa nakilala niya si Alfredo na tulad niya ay galing Helveria. Nagkagustuhan silang dalawa hanggang sa nagpakasal. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Si Desiree ang panganay, at si Demiree ang bunso. Bumalik si Sylvia sa Helveria para doon pag-aralin si Desiree. Iniwan niya sa pangangalaga ni Salvera si Desiree. Naniniwala siyang kaya ng kapatid niyang alagaan ang anak niya. Habang ang isa pa nitong anak ay iniwan niya sa kapatid ni Alfredo na si Faola. Bumalik silang dalawa ni Alfredo sa Helveria para sa isang dahilan ang ayusin ang eskwelahan. Nagkaroon ito ng matinding problema nang mabalitaan nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng hindi matukoy na sakit ang mga estudyante doon. Gumawa si Alfredo ng gamot dahil kapwa sila doctor tinulungan niya ang asawa lingid sa kaalaman ni Salvera. Kahit kapatid niya ito ay wala siyang tiwala sa pamamalakad nito sa Helveria. Nang maging maayos ang lahat ay bigla nalang silang naglahong mag-asawa ni isa man sa mga nakakakilala ay walang nakaalam sa nangyare. Pinasok ni Faola si Demiree sa Helveria. Hindi dahil sa hindi na niya ito kayang alagaan kundi dahil alam niyang higit kanino man ang mga anak ni Sylvia ang may karapatan sa Helveria. Ito rin ang huling habilin ni Alfredo at Sylvia kay Faola. Kapag dumating na sa tamang panahon ay kinakailangan ni Demiree pasukin ang Helveria. Sinuguro nito na magiging maayos ang kalagayan ni Demiree sa Helveria. Naniniwala siyang kaya nitong bawiin lahat ng kinuha sa kanila ni Salvera ang kapatid ng Ina niya. Sa pagpasok ni Demiree sa Helveria, may mga sekreto siyang malalaman na hindi niya inaasahan. Maraming nangyaring kababalaghan, mga pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi niya naisip. Isang mahalagang bagay ang mag-uugnay sa kaniya na siyang magiging dahilan para dalhin siya sa katotohanan na dapat niyang malaman. HELVERIA, Isang magandang Unibersidad sa bansa, kilala ito noon dahil sa kalidad ng edukasyon na meron ang paaralang ito. Ngunit dahil sa isang pangyayaring hindi mapaliwanag ay bigla nalang naglaho sa mapa ang paaralang ito. Iilan lamang ang may alam kung paano makakapasok. Pero walang makakapagsabi kung paano makakalabas. Walang makakapagsabi, kung ano talaga ang totoong nangyari hanggang sa kasalukuyan ang Helveria ay naging isang alamat nalang. "You're one step CLOSER to HELL. Only Devil can make help you out." Ang sabi ng iba, isang tao lang ang may alam saan ang daan palabas. Ngunit hindi rin alam ng lahat sino ito, Sinong siya na magiging daan para makalabas ang lahat sa isang paaralang naging Empyerno na sa kanila

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.1K
bc

His Obsession

read
69.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook