bc

SOMEONE YOU LOVE

book_age4+
82
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
boss
drama
others
friendship
Writing Academy
love at the first sight
friends
passionate
like
intro-logo
Blurb

Love is magical and no boundaries.

Kahit saan ka man mapunta at makipagsasapalaran sa buhay hindi nawawala ang PAG-IBIG.

Sa Jeju Island magsisimula ang masaya, masalimoot at magulong pagsasama ng magkaibigan na nabuo habang nagtrabaho sila sa Lotte Hotel Jeju.

Don't dare to love;

Don't risk for love;

If you are not ready to to fall in love.

Madaling sabihin na "Mahal Kita"

Pero mahirap ipadama sa taong mahal mo

Kung ito'y pag-aari na pala ng iba.

Let go of love for wrong people.

And fight for Someone You Love.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Morning shift ang pasok ni Reyna sa araw na iyon dahil siya ang nakatuka na salubungin ang mga guest na nakareserve for the business conference. Lahat ay naging abala para sa paghahanda sa napakaespesyal na guest nang hotel. Maging si Janeth ang kanilang bagong Hotel Manager na nagsimula lang kahapon ay napasabak kaagad pero hindi ito sumuko at tuloy lang laban sa hirap at pagod. Kaya latang-lata na si Reyna ng matapos ang lahat niyang gawain sa pag-aasikaso sa mga kailanganin ng mga bisita. Kaagad na siyang bumalik sa reception area para magpaalam muna kay Vince na magbreak saglit. Nanlilisik pa ang mga mata nito nang makita si Reyna at taas ang kilay nitong sinalubong pa ng talak. “Aba Reyna mabuti naman at naalala mo pang bumalik dito sa lungga mo kanina pa ako naturete diyan sa telepono, ayoko na isang ring pa at lalabas na talaga ang tutuli ko sa sobrang rindi. “ humugot pa ng malalim na hininga. “Ano ka ba Venice, sanayin mo na nga iyang sarili mo sa ingay ng telepono dahil araw-araw mo na iyang kapiling at kung gusto mo nang katahimikan doon ka nalang magtrabaho sa sementeryo! “ tinawanan lang ito ni Reyna at lumabas agad ng reception area. “Hoy! Lukaret ka talaga sa sementeryo mo pa ako dadalhin at saan ka naman pupunta aber? “ taas-kilay na tanong ni Venice. “Mauna akong magbreak sa iyo para may energy ako hanggang mamaya kaya babosh... maghahanap lang akech ng fafalicious. “ agad na umalis si Reyna para kumain ng lunch. “Oh my gulay! Dalhan mo din ako friendship ha sige layas ka na dali.. “ pinagtabuyan pa n’ya ito. “Ang landi mo talaga Venice, alam mo ba iyon? Tse, makalayas na nga at naalibadbaran ako d’yan sa pagmumukha mo. “ irap nalang ni Reyna sa kanyang kalandian. Bago pumunta sa cafeteria ay dumaan muna siya sa training room ng music lounge para yayain na kumain ang bestfriend niyang si Mary Ann Dela Cruz. Ang female vocalist ng bandang Spc Rockstar na regular performer nang Lotte Bar and Restaurant. “Sissy, tara na samahan mo naman akong kumain ng lunch medyo gutom na kasi iyong bayawak ko sa t’yan. “ sumilip ito mula sa pinto ng training room. “Sorry sissy, busy pa ako ngayon kita mo naman nagpractice kami para sa performance namin mamaya. “ hinging paumanhin ni MeAnn at muling nagpatuloy sa pagkanta kasabay ang tugtog ng kanilang banda. “Okey na sissy, wala naman akong magagawa eh basta galingan mo lang sa performance ninyo mamayang gabi. Anong gusto mong food dalhan nalang kita dito? “ pagpresinta ni Reyna sa kanyang kaibigan. “Ikaw na ang bahala sissy kasi kailangan ko na talagang magpractice, maraming salamat. “ kaway- kaway ni MeAnn sa kanya. “Basta iyong special request kong kanta na I’ll be there, huwag na huwag mong kalimutan mamaya babosh.. “ paalam ni Reyna at nagmadaling pumunta sa Cafeteria. Maayos ang pagdating nina Macoy Delos Reyes sa Korea kasama ang ilang delegates from other business sectors for their official business conference for 1 week sa Jeju Island. Pagdating ng buong delegates ay kaagad naman na inaasikaso at mainit na sinalubong sila ng mga hotel dtaff of Lotte Hotel Jeju. “WELCOME DELEGATES TO LOTTE HOTEL JEJU!!” masayang bati ng mga hotel staff na pinangungunahan ng Hotel Manager na si Janeth Linugon at ang Receptionist na si Reyna Egam. Nakangiting pumasok si Macoy sa loob ng Hotel at dumiretso na sa Reception counter upang iverify ang kanilang reservation sa hotel. “Hi good afternoon, we have reservation here for 1 week together with my delegates under the name of Macoy Delos Reyes. “ he smiled sweetly. The receptionist give him a seductive smile as she endorsed to him the keys of their individual hotel rooms. "Welcome sir Macoy to Lotte Hotel Jeju and please enjoy your stay here. “ she winks at him. Macoy smiled to her as he got the keys. “Thank you so much Reyna and see you around. ” kinuha agad ang mga susi at tumalikod na para ibigay ito sa mga delegates. Dumiretso na ang lahat sa kanya-kanyang room at nang makapasok na si Macoy sa room niya ay agad siyang tumawag sa kanyang asawa. He dialled Jenny’s number and she immediately answered his call. “Hello dear! How are you? Namiss kita ng sobra. Isang araw ka pa lang nawala parang isang taon na eh. “ malungkot ang kanyang boses ng kausapin nito si Macoy. “I missed you so much dear kararating lang namin dito sa Jeju Island at nakakapagod ang byahe kaya magpapahinga muna kaming lahat. Bukas pa naman magstart ang business conference namin. Huwag ka nang mag-alala dahil maayos lang ang pagdating namin dito sa Jeju. “ kwento pa ni Macoy kay Jenny. “Di magpahinga ka muna dear alam kong pagod ka sa inyong byahe kaya salamat sa tawag mo dahil kanina pa ako nag-alala para sa iyo. “ she pouted her lips. “Don’t worry about me dear, I’m alright. Ikaw ang dapat mag-ingat diyan lalo na ang baby natin at ang sarili mo, I love you mommy ko. “ isang malutong na halik ang narinig ni Jenny mula kay Macoy sa kabilang linya. “I love you more daddy ko. “ she kissed him back with a slight giggling laugh. “Goodbye and sleep well my dear. I love you both. “ Macoy ended the call. Pagkatapos ng tawag pumasok na ito sa banyo para magshower muna. After 30mins lumabas nang banyo at nagbihis pero biglang may nagdoorbell sa pinto. *ding..dong..* binuksan agad ang pinto at pumasok si Harry. “Dude huwag mong sabihin na magmokmok ka lang dito? Tara na doon tayo sa pool area nila, tingnan natin baka may mga chikababes doon.” aya pa ni Harry kay Macoy. “Harry magpapahinga na’ko kaya kung gusto mong gumala bahala ka dahil bukas pa naman ang trabaho natin. “ he grinned. “Dude naman ang killjoy mo talaga pwede naman tayong mag-eenjoy muna sa magandang view nang Jeju island, please.. “ nakangiti pa si Harry ng nakakaloko. “Okey, fine! Magpalit lang ako ng damit pampaligo. ” sagot ni Macoy at naghanap pa nang damit sa bag. Una silang pumunta sa pool area maganda ang view kaso tahimik at walang chikababes na hinahanap ni Harry. Kaya nagpatuloy silang nagpaikot-ikot at kumukuha ng larawan si Harry habang si Macoy naman nakasunod lamang sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa may dalampasigan. Napagod na si Macoy sa kakalakad kaya umupo na lamang siya sa buhanginan at malalim ang iniisip. Hindi naman napansin nito na may nakatingin sa kanya, isang magandang babae at nakangiti pang matamis sa kanya. Saktong paglingon ni Harry na captured ng lens ang malalim na pag-iisip ni Macoy at ang magandang ngiti ng babaeng papalapit sana sa kanya. “Dude, anong problema mo at nakatunganga ka lang d’yan? Di mo ba napansin ang chicks na iyan kanina pa siya nakatingin sa iyo at nakangiti pa? ” sabay turo sa babaeng kanina pa nakangiti kaya tumingin si Macoy at ngumiti din sa babae tsaka kumaway dito. Medyo nahiya pa ang babae kaya umalis na agad ito at di na tumingin pa sa kanila. “Ano ka ba Macoy sayang naman iyong chicks di ko man lang nakilala? “ inis na saad pa ni Harry. “Eh di sundan mo na siya agad para naman magkagirlfriend ka naman. “ tumawa ng malakas si Macoy at iniwanan si Harry sa may dalampasigan. Bumalik na sa hotel si Macoy at iniwanan niya si Harry mag-isa sa may dalampasigan. Dumaan muna siya sa reception area para kuhanin ang susi ng kanyang kwarto. “Hi Reyna kunin ko lang po sana ang susi ng room 214. ” malumanay na sabi ni Macoy at ngumiti pa ng matamis. “Hello sir Macoy ito na po ang susi ng Room 214. Alam mo sir ang gwapo n’yo po talaga kapag nakangiti. “ kinikilig din na sabi ni Reyna. “Bakit anong itsura ko kapag hindi nakangiti, ganito ba? ” nagfrowned face pa si Macoy na mas lalong ikinatuwa ni Reyna. “Ai opo sir Macoy pero mas lalo kang gwapo kapag ganyan ang mukha mo nakangiti. “ tumawa lang si Macoy sa papuri nito sa kanya. “Bolera ka talaga Reyna but infairness I like your sense of humor, thank you and have a good day.” tumalikod na si Macoy at paalis na sana nang tinawag siyang muli ni Reyna. “Sir Macoy sandali lang po, busy ho ba kayo tonight? ” nahihiya pa nitong tanong sa kanya. “Bakit naman Reyna anong meron mamayang gabi? “ nag-alinlangang sumagot si Reyna dahil nahihiya. “Kasi po Sir Macoy magperform po mamaya iyong bestfriend ko tonight sa music lounge po ng resto bar sana makapunta po kayo. “ paanyaya ni Reyna sa kanya. Ngumiti at tumango lang si Macoy bilang pagsang-ayon. “Sure sabihin ko yan sa mga delegates ko na pupunta kami doon mamayang gabi. ” he winked at her before leaving the reception area. “Talaga po sir Macoy? Wow. Ang saya nito may mga fafa kaming bisita tonight sa resto bar. “ singit ng kasama ni Reyna. “Siya nga pala sir Macoy ang kasama ko po dito sa reception si Vince pero tinawatawag namin sya ng Venice kasi ganon siya.“ pagpakilala ni Reyna kay Vince sa kanya sabay pilantik ng mga daliri. Bumaling uli si Macoy para makipagkamay kay Venice. “Hi I’m glad to meet you Venice. ” lahad ng palad nito sa kanya at kinikilig pa na tinanggap nito ang palad ni Macoy tsaka pinisil ng kunti pero biglang tumili sa sobrang kilig. “Omg.. ang lambot ng kamay n’yo po. “ pinapungay pa nito ang kanyang mga mata at hinahalik-halikan pa ang palad na hawak nito pero agad tinampal ni Reyna ang kamay ni Venice para bitiwan si ang kamay ni Macoy. “Ano ka ba nakakahiya kay sir Macoy iyang ginagawa mong kalandian. “ saway agad ni Reyna. “It’s ok Reyna I have to go now and see you tonight. ” kumaway pa ito sa kanila bago umalis ng reception counter. Parehong excited ang dalawa na sasapit ang gabi para makasama nila ang team ni Macoy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook