bc

The Lost Billionaire (The Billionaire Series #5)

book_age18+
16.1K
FOLLOW
78.3K
READ
billionaire
love-triangle
sex
kickass heroine
independent
CEO
drama
small town
disappearance
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with Hestia_GAD, Camillebratz, Gorgeous Journey, Criptica_G, LavenderPen, Filipinang Manunulat, and MYSTICALROSE

The Billionaire Series #5: Giordano Matthew Andrade

R-18 | MATURED CONTENT

Masaya at kuntento na sa buhay na mayroon si Giordano Matthew Andrade. CEO ng Andrade Villa Island and Beach Resort. Sa edad na twenty-eigth years old ay naaabot na niya ang mga pangarap, samahan pa na may healthy siyang relasyon sa kanyang kasintahan na taon na lang ang hihintayin at ikakasal na sila. Isang araw ay hindi sinasadyang nawala siya sa malawak na kagubatan sa South nang tangayin ng hindi inaasahang buhawi habang nasa kalawakan. Doon niya makikilala si Gucci Lyse Jaranilla, twenty-five years old. Aalagaan siya nito at isasalba ang buhay niya na nalagay sa matinding panganib. Unang lapat pa lang ng mga mata ni Giordano sa dalagang nagligtas ay alam niyang ang nararamdaman niya dito ay kakaiba, sa kabila ng katotohanang wala naman siyang natatandaan sa pagkatao niya.

Magagawa ba nilang ipaglaban ang pagmamahalan na nabuo sa maikling panahon kung alam nilang pareho na may inosente silang pusong masasaktan sa katauhan ni Chanel, ang naunang kasintahan ni Giordano?

chap-preview
Free preview
Prologue
Marahan ang hakbang pababa ng hagdan ng isang lalaking naka kulay gray na suit. Malinis na puti at walang kahit munting gusot ang kanyang pang-ilalim na damit dito. Sakbat ang isang kulay itim na leather bag at isang backpack. Sa namamasa niya pang buhok na ma-ingat na pinasadahan ng suklay ay makikita agad na bagong ligo pa lang ito. Maingat na nakalapat sa kanyang tainga ang mamahaling cellphone. Malayang nakakunot ang kanyang noo at ilong nang dahil sa kaibigang kausap niya sa kabila nitong linya. “Anong sinabi mo Maximo?” ulit niya sa tanong na ilang beses ng nasagot ng kausap kanina pa, “I have a meeting in the mainland. Pasensiya na hindi ko kayo mapagbibigyan sa inyong kahilingan ngayong araw.” “Ayos lang naman bro, kasama ko naman si Octavo.” pamimilit pa rin nito sa kanya. Bagay na isa sa pinaka-ayaw ng binata. Iyon ay ang kinukulit siya at paulit-ulit sa kanya at isang bagay na hindi niya rin magawa sa kanyang mga kaibigan. “Let's meet on the mainland.” baba niya sa tawag kahit na nagsasalita pa ito. “Anong gagawin na naman ng mga iyon sa resort ko? Napapadalas na ang pagpunta nila dito nang biglaan, ni wala itong abiso at malinaw na dahilan.” Patuloy na tinalunton ng binata ang magara niyang sala na mayroong haplos ng desinyong banyaga. Kumikintab sa linis ang marmol nitong sahig. Kagaya nalang ng pagkislap ng malaking chandelier na nakalagay sa mataas na bahagi ng kisame. Papasikat palang ang haring araw sa may banda ng resort na matatagpuan sa gitna ng malawak na karagatan. Mabilis siyang napa-preno sa kanyang paghakbang at halos matumba pa nang mayroon siyang makitang munting patak ng maruming tubig sa sahig na kanyang tinatalunton at inaapakan. Kaagad at mariin niyang ipinikit ang kanyang dalawang mata, padaskol na hinilot ang sentidong bigla nalang nanakit sa kanyang duming nakita. “Manang Mayda!” malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa apat na sulok ng magarbo at tahimik niyang sala, “Manang Nerey! Manang Mickay!” patuloy nitong sigaw sa malakas na boses, tinatawag niya ang atensyon ng mga kasambahay na kasama sa magarang tahanan. Namumula na ang mukha nito sa labis na inis at namumuong galit. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat.  Tisoy ang binata, kalahati siyang pinoy at may lahing kastila. Ang kanyang ama na may apelyidong Andrade ay purong kastila na ipinanganak sa bansang Pilipinas. Matangkad rin ito na namana niya rin sa ama, mataas ang ilong at mayroong manipis na balbas sa kanyang mukha. Manipis ang kanyang labi taliwas sa kung gaano kakapal ng kanyang dalawang mga kilay. Sa tuwing nabibilad sa araw ang binata ay agad na namumula ang kanyang mga balat na matatamaan at mahahalikan ng haring araw. Bunso sa dalawang magkapatid ang binata, ang kanyang nakakatandang kapatid na si Hughes ay ang kasalukuyang namamahala ng kanilang malawak na taniman ng tabako na pag-aari ng kanilang pamilya. Matatagpuan ito sa kanilang hometown sa Iba, Zambales. Matanda ito sa kanya ng limang taon. Sa mura nilang edad na magkapatid ay sinanay na silang mamahala ng mga negosyo na hahawakan nila pagdating ng araw. Palubog na at nasa bingit na ng pagkalugi ang Andrade Villa Island and Beach Resort nang ibigay ito kay Giordano ng kanyang ama. At dahil magaling ang binatang mamahala at mag-isip ng soludyon ay naisalba niya ito sa loob lamang ng isang taon. Nakapagpundar pa siya ng ilang mga Island at branch buong nationwide. Bagay na ikinatuwa ng kanilang ama nang makita ang unti-unting tagumpay niya sa industriya. “Bakit po, Sir Giordano?!” humahangos na dating ni Manang Mayda, nanginginig ang magkasalikop nitong dalwang palad. Alam niya kung paano magalit ang amo, isang pagkakamali lang ay maaari na silang agad mawalan ng trabaho at tuluyang ipatapon sa kanilang mga probinsya. Ganun si Giordano sa kanila. “Hindi niyo ba nakita ang patak na ito?” turo niya na nag-squat pa sa harapan ng kasambahay upang ipakita iyon sa kanya, “Sino ang naka-assign ngayon na maglinis ng sala? Hindi ba at kabilin-bilinan ko na dapat ay pulido ang linis dito? Naklimutan niyo na po ba ang mga sinabi ko?” “P-Pasensiya na po Sir Giordano--” “Hindi. Alam niyo naman na kalinisan ang pangunahing kailangan sa tahanan kong ito.” saad ng binata na tumayo na, dinampot ang leather bag na saglit niyang binitawan sa sahig. Ma-prinsipyo at kung anuman ang desisyon niya, marapat lang ito na sundin. Ganun ang paninindigan nito. “Kung sinuman ang naglinis dito, please tell her that she is fired from this moment! Mag-alsa balutan na siya.” Natatarantang lumuhod ang kasambahay sa kanyang harapan. Itinaas pa ang magkasalikop na mga palad at tumingala ang nagmamakaawa nitong mukha. “Patawarin niyo po ako Sir G-Giordano, hindi na po mauulit. Isang pagkakataon pa po Sir.” samo nito sa binata na unti-unti ng namumuo ang luha. Naburo dito ang kanyang mga mata. Isa ang babae sa mga kasambahay na paborito niya simula pa lang noong bata pa siya. Ilang dekada na rin itong nagsisilbi sa kanilang pamilya, kaya naman noong magpasya siyang lumipat at manirahan sa islang ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa na isama dito ang babae. Bagay na ikinatigil saglit ng t***k ng kanyang puso. Ilang saglit pa ay lumambot ang kanyang mga mata dito pagkatapos bumuga ng malakas na hininga. He unconsciously run his palm to his chin. “Kayo po ba ang may gawa?” bahagyang humina rin at kumalma ang kanyang tinig, nakakaramdam na ng pagkakonsensiya sa mga sinabi niya dito. Paulit-ulit na tumango sa kanya ang babae, nagbabadya nang bumaba ang nangingilid niyang mga luha. “Opo Sir Giordano,” nanginig ang kaniyang namumutlang labi na animo dinaanan ng maasim na suka, “Nagdilig po ako ng halaman sa terasa ng iyong silid. Hindi ko po napansin na may kumawalang isang patak ng tubig na bumagsak sa sahig.” paliwanag nito na unti-unting humikbi. Makikita sa mga mata ng binata ang paglambot ng tingin sa kasambahay. Humugot siyang muli nang malalim na buntong-hininga, bahagyang inihaplos ang isang palad sa kanyang basa pang buhok. Isa iyon sa ginagawa niya upang kumalma ang nagngingitngit niyang loob. Mannerism na na-adopt niya sa kanyang kapatid. Nameywang siya at tumingala sa mataas na kulay gray na kisame ng sala. “Sige po Manang Mayda, pagbibigyan po kita ngayon.” talunang wika ng binata, hindi niya ito pwedeng sisantehin nang biglaan. Isa ito sa kanyang paboritong kasambahay. “Huwag na sana itong maulit pa.” Inalalayan ng binata na tumayo mula sa pagkakaluhod ang matanda. Paulit-ulit iyong yumukod sa kanya bilang pasasalamat.  “Marami pong salamat Sir Giordano, marami pong salamat sa huling pagkakataon na ibinigay niyo.” Hindi iyon pinansin ng binata, ayaw niyang nagpapakita ng emosyon sa mga ito na tanging kanyang nagagawa ng malaya sa harapan ng kanyang mga barkada. Minsan naman ay sa harap ng kanyang Kuya. Humakbang na siya palabas ng tahanan niya pagkatapos itaas at iwagayway ang kanyang isang kamay dito. Pagkalabas niya ng pintuan ay saglit siyang natigilan, napipilitang sagutin na naman ang tawag ng isa sa kanyang mga kaibigan. “Zach, bawal pumunta sa resort ko ngayon kung hindi naman importante ang pakay mo.” pangunguna niya sa kaibigan na palaging laman ng kanyang resort kada buwan nalang, “Papunta ako ng mainland ngayon. Hindi ko kayo mahaharap dito." Hindi pinatulan ng kanyang kaibigan na nasa kabilang linya ang una niyang sinabi dito. Sa halip ay ang pagluwas niya ng mainland ang naging main topic nito. Bagay na paminsan-minsan niya lang ginagawa magmula ng lumipat siya ng Isla upang pagtuunan ng pansin ang main resort ng kanilang pamilya. “Mabuti naman at lalabas ka na diyan sa lungga mo, Giordano.” halakhak nito na halatang may hangover pa ng alak sa kanyang tinig, “Saan ka na ba?” “Tunog bangag ka na naman, balita ko nag-bar hopping kayo kagabi ni Pariston?” tanong niya s a halip na sagutin ang katanungan nito sa kanya, "Kailan ka magbabago?" Malakas itong humalakhak, sanay na sa pagsusungit niya.Bago pa ito maka-react ay narinig niya na ang malakas na tawanan kasunod ng malakas na sigaw ni Roch sa kabilang linya. “Si Giordano ba iyan, Zach?!” Naiiling na humakbang na ang binata patungo sa chopper na naghihintay sa kanya. Matatagpuan iyon sa mataas na gilid at likod na bahagi ng Isla. Ilang minutong hakbang bago iyon marating ng kanyang mga paa. Narinig niyang saglit na nagtalo si Roch at Zach sa kabilang linya. Mariin siyang umiling habang ang mga mata ay nasa harapan ng malawak at kalmadong dagat. Hindi na nakasagot pa si Zach, dahil na kay Roch na ang cellphone nito. “Giordano, bilisan mo hinihintay ka na namin dito!” si Roch na mukhang may hangover rin, “Ikaw lang ang wala sa bar hopping namin kagabi. Nakakatampo ka na talaga. Manlilibre ng buffet sa lunch si Octavo! Bilisan mo na! Ang bagal mo talaga!“ “Lubayan niyo iyan, mamaya magbago pa ang isip at hindi na magpakita pa sa atin kahit ni anino niyan.” tinig iyon ni Maximo na nagpipigil ng tawa. “Oo nga, at napakaingay niyo rin.” segunda ni Pariston, “Natutulog pa si Jason oh, gumalang naman kayo sa puyat!” at malakas na naman silang humagalpak ng tawanan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

My Son's Father

read
583.0K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook