bc

Well, Come Then! (Dare You to Move #2)

book_age18+
451
FOLLOW
1.4K
READ
alpha
BDSM
polyamory
spanking
sadistic
scandal
kinky
drama
bxb
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Kung pagmamanipula lang pala ng tao ang pag-uusapan, eksperto ryan si Dean. Katunayan, iyon ang guilty pleasure niya, at naniniwala siyang sa paraang ito magiging successful ang bandang pinagsumikapan niyang mabuo -- ang THE DROPOUTS.

Pero hindi kay Isaac. Sa kanilang lahat, siya lang ang namumukod-tanging naglakas-loob na kalabanin si Dean. Nangako siyang gagawin ang lahat ng makakaya para mapatigil ito nang sa gayon ay maprotektahan ang kanilang banda.

They would never be real friends. Napagpasyahan na nila iyon. Alam din nilang darating ang isang araw na maghihiwalay sila ng landas.

Pero bakit nila natagpuan ang mga sariling hinahagkan ang isa’t-isa nang mangyari ang kinakatakutang pagkasira ng kanilang mga pangarap?

Following the second installment of the Dare You to Move trilogy, this book is yet another tale of how vexing and sexily dangerous love could be.

-

Dare You to Move trilogy #2

Dean and Isaac's story

WARNING: Contains vulgar terms, and elements of s*xual exploitation

chap-preview
Free preview
Prologue
Starquest is a reality show that aims to find the five members of the "ultimate P-Pop idol group" it is planning to build. The show was about to end that night. Isa sa mga kalahok si Isaac. He was part of the category for the dancer. He was restless while waiting inside that greenroom. Kakayari lang ng pinakahuling performer para sa gabing iyon. Ilang sandali na lang, iaanunsyo na ang mga nagwagi. "Please let me win," mahina niyang dasal. Bata pa lang kasi'y alam na niyang calling talaga niya ang mag-perform sa entablado. Kaya naman kahit labag ang mga magulang niya, nag-dropout siya sa college about six years ago para i-pursue ang interest. Madali lang naman siyang nakahanap ng trabaho, palibhasa'y magaling kasi siyang dancer, pero ni minsan ay hindi pa rin niya natanggap ang pinakainaasam na break. Not until his former manager told him about Starquest. Agad siyang nag-audition at natanggap. Now, he was part of the last contenders. Medyo mahaba ang commercial break ng palabas kaya naman minabuti niyang makihalubilo sa mga kasama niya sa greenroom para mag-denerve. Halo-halo sila roon, pero karamihan ay mga nasa vocalist category. "Grabe ka talaga, Isaac. Ibang level ang sexiness ng performance mo," sabi sa kanya ni Banjo, na pinakabatang contender for the rapper category. "Turuan mo nga ako kung paano yung mahalay na body wave." Natawa siya sa sinabi ito saka nagpasalamat. Versace on the Floor ang pinerform niya. It was also him who made the choreography. Gaya nga ng sabi ni Banjo, mahalay iyon. Well, that was his specialty anyway. Hilig talaga niya ang fluid na movement. Nang matapos silang magkwentuhan, inilibot niya ang paningin sa greenroom at napansin niya ang isang maskuladong lalaki na may tan na balat. Nakaupo ito sa isang sulok na para bang sinasadya talagang huwag makipag-interact sa iba. However, unlike the rest, namumukod-tangi itong parang hindi man lang kinakabahan. "Napakayabang talaga ni Dean kahit kailan," bulong na lang sa kanya ng isang maputing lalaking kabilang sa mga umaasang maging vocalist. Nagtatakang tumingin siya rito. "Ha? Bakit naman?" "Tamo, masyadong overconfident. Parang kampanteng-kampanteng mananalo." Tumalak ito. "Sabagay, pamangkin ba naman kasi ng CEO. Malamang, mananalo talaga." Tumahimik na lang si Isaac. Noon pa man ay alam na niyang maraming contestant na hindi gusto si Dean. He cannot blame them. May pagka-bosy kasi ito, at minsan ay umaasta ring know-it-all. Not to mention, hindi rin ito masyadong nakikihalubilo sa iba. Yet Isaac never found him annoying. Actually, he was getting a weird and unknown feeling around him, lalo na kung nakikita niya itong nagpe-perform. Was it admiration? Probably. Napakagaling ba naman kasi nito. He has a strong tenor voice comparable to Bruno Mars. Not to mention he is very versatile. Magaling ding sumayaw at mag-rap. So yeah, siguro iyon nga ang nakukuha niyang feelings sa lalaki. Saktong bumalik na ang programa. Biglang natahimik ang mga tao sa greenroom saka sila sabay-sabay na tumingin sa LCD screen na nasa gitna ng kwarto. Sinimulan muna sa recap ng criteria bago pinaalala kung ilang ang kukuhanin sa bawat category: tatlo sa vocalist habang tig-isa naman sa rapper at dancer. Then, the announcement of the winners for the vocalist category started. Pinakita ang mga pangalan ng labindalawang contestants. Then, the scores rolled on the left of their name. "Kahit third place lang... kahit third place lang," narinig ni Isaac na usal ng katabi niyang contender. "Basta, manalo lang ako." Then, the numbers finally stopped rolling. The room went eerily silent because of it. Isa lang sa room nila ang nanalo, and that was Dean, who ranked the second. Agad na ibinaling ni Isaac ang tingin sa lalaki. Nakatayo ito at nakangisi habang nakatingin sa screen. "Napakayabang talaga," bulong ulit ng katabi ni Isaac. Isaac just shook his head and approached Dean. "Congrats, Dean," bati niya sa lalaki. "Nanalo ka." Humarap ito sa kanya. "I'm not surprised, but thanks, anyway." Lalong lumawak ang ngisi nito. Kaya maraming galit sayo, ay. Napapangiting napailing-iling na lang si Isaac. He could feel that Dean was taunting those who were looking at him. Ramdam din kasi niya ang matatalim na titig ng mga natalo kay Dean. Dean pushed his left hand forward. Nagtatakang tinanggap ni Isaac iyon. "Congrats din," sabi nito. Napakurap-kurap siya. "For what?" "Syempre, ikaw ang panalo sa mga dancer." Umawang ang labi niya. "Ha? Hindi pa naman ina-announce ang nanalo, ah?" Dean just smirked before he asked him to look at the TV. Saktong iaanunsyo na ang sa dancer category. Gaya kanina, pinakita muna ang pangalan ng mga kabilang doon saka nagsimulang umikot ang numero sa tabi nila. And the winner was him. Napamulagat pa si Isaac lalo na nang makita niya kung gaano kalaki ang agwat ng score niya sa second place. "What the..." Tumingin siya kay Dean. Nakangisi pa rin ito gaya kanina. "Bakit alam mong ako ang nanalo?" "Tingin mo, bakit?" Napalunok siya. "Don't tell me, sinabi na sa iyo ng tito mo?" It was not a secret na pamangkin ng CEO ng magiging record label nila si Dean. Hindi rin alam ni Isaac kung paano ito nakasama sa mga contestant dahil kalimitan ay pinagbabawal iyon. Nagkibit-balikat si Dean. "Who knows?" Tapos, ibinaling nito ang tingin sa kung saan. When he looked at the same direction, si Banjo ang nakita ni Isaac. Abala ito sa pakikipag-usap sa ibang contender kaya hindi nito ramdam na nakatingin sila. "Si Banjo ba ang mananalo sa rapper?" tanong ni Isaac sa lalaki. Pero hindi ito sumagot. Napawi ang ngiti nito saka siya tinalikuran para umupo ulit sa pwesto nito kanina. Tapos, inabala nito ang sarili sa phone. Napakurap-kurap si Isaac. Na-confuse siya sa ikinilos ng lalaki. Parang mabigat ang loob nito. Nakakunot kasi ang mga noo at parang nagmamaktol. Don't tell me, ayaw niya kay Banjo? isip ni Isaac saka muling ibinaling ang tingin sa TV. Pinapakita na noon ang score ng mga rapper. Pero bakit naman? Ang galing-galing ni Banjo. Gaya ni Dean, versatile din ito. Iyon nga lang, hindi ito ang laging nangunguna dahil may mahigpit itong katunggali na napakagaling din na rapper. And that guy was the winner. Isang puntos lang ang lamang nito kay Banjo. Parang lumamig lalo ang kwarto dahil doon. Nang ibaling ni Isaac ang tingin kay Banjo, nakita niyang natulala ito. Napailing-iling na lang tuloy siya saka nilapitan ang lalaki at niyakap. "Don't worry, Banjo. Magaling ka. For sure, may iba pang chance para sayo," sabi pa niya. Umiiyak na noon ang lalaki. The other guys surrounding them agreed. May isa pa ngang nagsabi na nadaan lang sa pera. Mayaman kasi ang pamilya ng kalaban nito. Tapos, nagsalitan sila sa pagyakap dito. The last one who comforted Banjo was Dean. Gulat na napatingin dito si Isaac dahil hindi niya inasahan iyon. Akala kasi niya'y hindi nito gusto si Banjo. Besides, hindi niya napansin ang paglapit nito. Pinunasan ni Dean ang mga luha ng lalaki gamit ang mga kamay nito. "Huwag kang pahihinaan ng loob, Banjo," panimula nito. "A talented person like you deserves the best. Maniwala ka sakin, you deserve the spotlight. Paniguradong makakasama ka rin sa isang boy band balang araw. And when that happened, I'll be the first one to celebrate it." Ngumiti ito. The moment it happened, pakiramdam ni Isaac ay tumigil ang mundo niya. That smile was really different from the typical one Dean shows. This one was genuine and inspiring. Especially inspiring. Kahit hindi naman siya ang kausap nito, pakiramdam ni Isaac ay nalusaw ang mga hinaing niya. Sure enough, Banjo stopped crying. Humingi pa ito ng tawad at nagbirong para siyang bata. Natawa naman si Dean sa sinabi nito saka ginulo ang buhok ni Banjo. "Don't stop believing, Banjo. Can you promise me that?" sabi muli ni Dean. Ngumiti si Banjo. "Yes, Kuya Dean. Pangako iyan. Pagbubutihan ko pa tapos magiging rival ng grupo namin ang inyo." "Now, that's the spirit!" Tumawa na naman si Dean saka ginulo ang buhok nito. "Aantayin ko iyan, ha?" Tapos, lumayo na ang lalaki para bumalik sa kinauupuan nito kanina. The room was filled with ooh and aw. The guy earlier who was dissing Dean said he regretted saying those earlier. "May tinatago naman pala siyang bait kahit mayabang. I did not expect that," dugtong pa nito. Umiling-iling na lang si Isaac. Sang-ayon naman siya rito. Kahit siya ay hindi rin inasahan nasaksihan. Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng staff at isang cameraman. Tinatawag nito sina Dean at Isaac para magtungo na sa stage. Sabay silang lumabas ng lalaki, at nadatnan nila ang third place for the vocalist category. Hindi rin nagtagal, sumama na rin sa kanila ang natitirang vocalist at ang nanalo sa rapper, saka sila sabay-sabay na naglakad. They were congratulating each other while on their way. However, when Isaac greeted Dean again, he noticed that he looked pissed off. Noon lang niya naalala ang reaksyon nito bago nila nalaman ang nanalo sa mga rapper. Now, it was making sense: si Banjo ang gustong manalo ni Dean. Napailing-iling na lang tuloy si Isaac habang pasimpleng ibinaling ang tingin sa rapper. Magaling din naman ito. It was probably a tough decision to pick between him and Banjo. He decided to forget about it the moment they step on the stage. Nagpalakpakan kasi ang mga manonood. Muling nanumbalik ang tuwa ni Isaac sa pagkapanalo niya. As the five of them stood in the middle of the stage, Isaac cannot stop imagining their future as a group. Sa totoo lang kasi, malapit na rin siyang sumuko sa pangarap niya dahil 23 na siya. So winning this competition meant a lot to him. After the emcee's announcement, they were given the cue to congratulate one another again. Isaac started with Dean first, since sila ang magkatabi. "Congrats ulit, p're!" sabi niya. "Excited na akong gawan ng choreography ang mga kantang sinulat mo." Dean, who is a few inches lower than him, laughed. "Likewise, p're. Ako rin, excited na." And then, he flashed that beautiful smile again. Isaac felt jittered. Napalunok pa nga siya sa pagkakataong ito. Bakit ba kasi ang ganda ng ngiti nito? Straight siya pero iyon, at sobra siyang natotorete. Siguro dahil hindi lang talaga siya palangiti, isip na lang niya. So seeing him smile at him was fulfilling. Parang ang laking achievement na makita niya iyon. Or at least that what he thought that day. Little did he know that what lies behind Dean's warm smile was a menacing persona. And winning this competition marked the first day of him living in hell...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.5K
bc

Faithfully

read
265.6K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

My Husband's Mistress

read
297.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook