bc

Love On Trial (Completed)

book_age0+
8.4K
FOLLOW
77.4K
READ
possessive
opposites attract
friends to lovers
arrogant
CEO
drama
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isa si Bianca Cusap sa mga Pilipinong pinalad na makilala sa fashion industry sa Europa bilang modelo. Pagkalipas ng maraming taon, umuwi siya sa Pilipinas para sana magbakasyon. Pero natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob ng courtroom--- bilang abogado--- para ipagtanggol ang isang taong malapit sa puso niya. Ang problema, ang makakatunggali pala niya ay walang iba kundi si Attorney Milo Montecillo---ang matinik na abogadong wala pang natatalong kaso.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER one   “LATE na naman,” mahinang sambit ni Bianca pagkatapos sulyapan ang kanyang wristwatch. Nasa Asia’s Cuisine siya nang mga sandaling iyon para i-meet ang mga kaibigang sina Krystyn at Belinda. Late na ang dalawa sa usapang oras. Mabuti na lang, mahaba ang kanyang pasensiya kaya hindi siya naiinip. Isa ang katangiang iyon sa mga naging puhunan niya para makamtan ang ningning ng kanyang pangalan sa fashion industry. Siya si Bianca Cusap, isang kilalang modelo. Sa loob ng apat na taon, naiangat niya ang sarili mula sa pagiging no-name model hanggang sa pagiging supermodel. Kung tutuusin, hindi lang naman ang salitang “supermodel” ang puwedeng ikabit sa kanyang pangalan; puwede rin siyang tawaging “Attorney” dahil isa rin siyang lawyer. Napangiti siya bago binalikan sa diwa kung paano nagsimula ang lahat. Hindi pangarap ni Bianca ang maging abogado, pero gusto iyon ng kanyang ama. Solong anak siya at bilang isang masunuring bata, Political Science ang kinuha niya sa kolehiyo at saka nag-law proper. Mahal na mahal niya ang kanyang ama. Ito ang nag-iisang tao sa mundo na gagawin niya ang lahat mapaligaya lamang. Maaaring wala sa puso ni Bianca ang abogasya pero nasa puso naman niya ang kanyang ama kaya pinagbuti niya ang pag-aaral. Full time student si Bianca sa San Beda at kasabay niyon ay nagtrabaho rin siya bilang part-time model. Tuwing kaya ng schedule at hindi nagkakaroon ng conflict sa schooling ay suma-sideline siya sa mga fashion show sa Pilipinas, usually kapag weekends o kaya ay kapag gabi ang fashion show. Bukod sa hilig talaga niya ang pagmomodelo, malaking tulong din sa kanya ang kinikita mula roon. Bukod kasi sa ancestral house nila, sa trust fund, at sa educational plan niya na natira sa bumagsak nilang negosyo, wala na silang puwedeng ipagmalaki pa. Bianca was able to finish her studies with good grades. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin siya tuwing maaalala kung gaano kasaya ang kanyang papa noong nagtapos siya ng Law. But then, she wasn’t able to practice her profession—being a lawyer—fully, and instead found herself on a different journey. Pagka-graduate kasi ay pambihirang pagkakataon ang dumating sa kanya. Her agent gave her an offer she couldn’t refuse. Hindi niya alam na ipinasa pala nito ang portfolio at video clips ng kanyang runway gigs sa isang established Paris based modeling firm na naghahanap ng mga Asian model. Ayon sa kanyang agent, na-impress ang mga ito sa kanya at gusto siyang personal na makita. Kinausap ni Bianca ang papa niya at hindi naman nito tinutulan ang bagay na iyon. Ang totoo ay napaka-supportive ng kanyang ama. So she went to Paris, full of hope. Ganoon na lang ang kanyang pagkamangha nang papirmahin agad siya ng kontrata nang mismong araw na pumunta siya sa firm. Nakita sa kanya ng firm ang elegance na hinahanap ng mga ito kaya walang kaso kahit twenty-six years old na siya. Pinagbuti ni Bianca ang kanyang trabaho at hindi siya naging sakit ng ulo ng sino mang nakatrabaho sa bawat fashion show o photo shoot na kabilang siya. And maybe God smiled at her because her career flourished in a short time. Napansin si Bianca hindi lamang ng mga designer kundi pati na rin ng mga fashion critic. She became one of the favorites along with other well known models around the world. Sa kaliwa’t kanang pagdating ng mga modeling stint, money started pouring in. Unti-unti ay naibangon ni Bianca ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Sa ngayon ay may mga real estate property na siya bukod pa sa mga investment sa iba’t ibang negosyo. Nasa Pilipinas ngayon si Bianca para magbakasyon at samantalahin ang break na matagal na niyang hinihingi sa kanyang agency. Hindi nga siya makapaniwala na tila isa siyang malaking tao sa dami ng reporters na nag-abang sa kanyang pagdating sa NAIA. Naobliga rin siya na mag-courtesy call sa pangulo ng bansa. Kunsabagay, isa siya sa mga Pilipina na nagbukas ng pinto para sa mga kapwa Pilipina na ma-penetrate ang international modeling scene. Maituturing na rin siyang celebrity dahil kabi-kabilang TV appearances ang natatanggap niyang imbitasyon. Pero hindi pa siya handa sa mga iyon kaya ni isa man ay wala pa siyang pinapaunlakan. Naputol ang pagmumuni-muni ni Bianca nang may maramdaman siyang kakaiba. Tila may mga matang nakamasid sa kanya sa di-kalayuan. Ah, malamang na may nakakilala sa kanya kaya tinitingnan siya. Kunsabagay, nasa Asia’s Cuisine nga pala siya, isang world class restaurant at pulos elitista—na tiyak na laging up to date sa larangan ng fashion—ang mga customer kaya malaki ang posibilidad na may makakilala sa kanya. Gusto niyang bale-walain na lang ang pakiramdam na iyon pero parang napakalas ng kapangyarihan niyon para bale-walain. Pasimpleng inilibot ni Bianca ang tingin sa paligid. Tulad ng inaasahan, halatang mayayaman ang naroon. Babawiin na sana niya ang kanyang tingin nang maagaw ang kanyang pansin ng isang lalaking nasa isang pansulok na mesa. Mabuti na lang at nagawa niyang padaanin lang ang kanyang mga mata sa lalaki na para bang hindi niya ito nakita. Biglang natilihan si Bianca. Kilala niya ang lalaki, hindi personal kundi tulad ng kilala ito ng buong Pilipinas—si Atty. Michael Lorenzo Montecillo. And he was staring at her! Kahit hindi pa niya nakakaharap ni minsan, marami na siyang alam tungkol sa binatang abogado. Nasa Paris pa siya noon nang mabasa sa isang pahayagan ang isang controversial na kaso na hinawakan at naipanalo ni Atty. Montecillo nang walang kahirap-hirap. No, she wasn’t a big fan of his. Gayunman ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa binata. Ayon sa mga magazine na kanyang nabasa, sa Harvard Law School nagtapos si Atty. Montecillo. At sa buong karera ng binata ng pagiging abogado, hindi pa ito natatalo sa mga kasong hinawakan. Malakas ang presensiya ni Atty. Montecillo sa loob ng korte at nakakatulong siguro iyon para ma-intimidate ang mga kalaban nito. Maraming fans ang binatang abogado, huwag nang sabihing magaling talaga itong abogado, kundi dahil sa hindi matatawaran nitong kaguwapuhan. He had broad shoulders and a smile that could brighten up your day. Kung hindi mo kilala ang binata, hindi mo iisiping isa itong abogado. Atty. Montecillo had an engaging, charming character. Laging maaliwalas ang aura ng binata. Palangiti at palabiro din ito. Well, iyon ay ayon sa kanyang mga nabasa. Bahagyang natensiyon si Bianca nang mula sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niyang patungo sa kanyang direksiyon ang abogado. But she kept her poise; after all, she was a supermodel. Anong silbi ng pagiging catwalk diva niya kung hindi maipo-project nang maayos ang kanyang tindig. Hinagilap niya ang kanyang cell phone at kunwari ay nagkutingting doon kahit ang totoo ay wala talaga roon ang kanyang atensiyon kundi sa binatang ilang hakbang na lang at nasa tapat na ng kanyang mesa. “Hi,” anang baritonong tinig. Hindi iyon pinansin ni Bianca at nagkunwaring abala pa rin sa cell phone. “Hi again,” muling wika ni Atty. Montecillo pagkatapos tumikhim. Susme! Parang DJ pala ang boses ng abogadong `to! Hinamig ni Bianca ang sarili bago nagtaas ng tingin na muntik na niyang ikawindang. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili na mapasinghap dahil tumambad sa kanyang mga mata ang pamosong ngiti ng binata. Ilang beses na niya iyong nakita sa mga magazine at sa telebisyon, pero iba pala ang dating kapag nasaksihan mismo ng mga mata mo ang ngiting iyon. It was definitely very charming. Kahit siguro ang pinakamasungit na tao ay mapapaamo ng ngiting iyon. It was so sensual, iyong tipong nang-aakit na ewan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ngiti pa lang ng binatang abogado ay kinikilig na nang todo ang mga babae. “Do I know you?” wika ni Bianca sa aral na paraan ng pananalita. Dahil sa abogadong ito ay naging ultimate crush niya si Orlando Bloom. Sa tingin kasi niya ay malaki ang pagkakahawig ng dalawa, lalo na noong panahong gawin ni Orlando Bloom ang pelikulang Troy. Sa pagkakaalam niya ay nasa early thirties na si Atty. Montecillo pero hindi iyon halata sa masayahing aura ng binata. Nakangiti ang mga labi ng binata at ganoon din ang mga mata nito. “I’m afraid not, but I am more than willing to introduce myself,” nakangiti pa ring wika binatang abogado. Walang paalam na inokupa nito ang upuang katapat ng inuupuan niya kahit na hindi naman niya ito iniimbitahan. “Hi again. My name is Michael Lorenzo Montecillo, ‘Milo’ for short,” anito habang deretsong nakatingin sa kanya kasabay ng muling pagsilay ng isang ngiti sa mga labi. Inilahad nito ang kamay sa kanya. Ngiti pa lang ulam na talaga! Hinamig uli ni Bianca ang sarili at sinaway ang biglang kinilig na puso. Oo, aminado siya na malaki ang epekto sa kanya ni Milo at ng ngiti nito. Gayunman ay alam niya kung paano guwardiyahan ang sarili mula sa kilig na iyon. She didn’t want to get involved with this man. She didn’t want to fall for his charming looks, his expressive eyes, and his sensual lips. Ayaw niyang masaktan at mapabilang sa mga babaeng halos lumuha ng dugo dahil sa pag-ibig. Ayaw niyang danasin ang sakit na dinanas ng ama nang iwan sila ng kanyang ina at piliing sumama sa ibang lalaki. Hindi lumaking galit sa mundo si Bianca dahil doon, pero sa tingin niya ay walang masama kung bantayan man niya ang kanyang puso. Mas mabuti na iyong nag-iingat kaysa mapahamak. Binale-wala ni Bianca ang kamay ni Milo at pilit naglagay ng emosyon sa kanyang mukha na nagsasabing hindi siya kabilang sa mga babaeng agad pumupungay ang mga mata para magpapansin dito. Desimulado namang binawi ng binata ang kamay. “I just have one question, if you don’t mind.” May diperensiya na ba ang pandinig ko? Bakit tila musika ang dating ng tinig ni Milo sa tainga ko? “I do mind,” kunwari ay mataray na wika niya. Pero mukhang hindi apektado ng pagtataray niya si Milo. “I’ll ask, anyway, Uhm… Miss, medyo naguguluhan lang kasi ako. Puwede mo bang sabihin sa akin kung magugunaw na ang mundo?” anito at tumitig na naman sa kanya. Naitirik ni Bianca ang mga mata. This man sure knew how to use his charm. Kung tumitig kasi ay tila tagos hanggang buto. Huhulihin talaga nito ang mga mata mo hanggang sa magsalubong ang inyong mga paningin. “Magugunaw na `kamo ang mundo? Bakit? Dahil bumaba na sa lupa ang mga anghel na tulad ko?” pambabara niya sa binatang abogado kahit nais niyang mangiti sa sinabi nito. “Lumang style na ang ganyan. Kung magpapapansin ka sa akin, `yong original pick-up lines naman ang gamitin mo.” Sa halip na mapahiya ay bumakas pa ang amusement sa mga mata ng binata, pagkatapos ay nagkamot sa ulo. He looked so cute when he did that. “Mukha kang tae,” banat na naman ni Milo. Muntik nang maibuga ni Bianca ang sinisimsim na inumin dahil sa sinabi nito. Ano raw? Mukha siyang tae? As in sa dumi ng—Ah, whatever! Sa lahat naman ng puwedeng pagkomparahan sa kanya, sa tae pa talaga? At nagmula sa bibig ng isang tulad nitong abogado ang katagang iyon? “Hindi kasi kita mapaglaruan,” dagling dugtong ni Milo nang marahil ay makita ang pagkalukot ng mukha niya. “Para kang bagyo!” ganti ni Bianca. “Ang hangin mo kasi!” May alam din naman siyang mga pick-up line, ano. Kahit ang pagrampa sa mga catwalk ng Paris ang naging buhay niya sa nakalipas na apat na taon ay hindi naman siya napag-iwanan ng mga bagong pangyayari sa Pilipinas. Kaya alam niyang uso sa Pilipinas ang mga pick-up line. Malutong na halakhak ang isinagot ni Milo sa kanya na kalaunan ay namalayan na lang niyang sinasagot na niya ng ngiti. O, akala ko ba hindi ka magpapadala sa nakapanlalambot-tuhod niyang charm, Bianca? Eh, bakit labas na ang gilagid mo sa pagngiti ngayon? tudyo ng isip niya. Eh, sa nakakaengganyo ang paraan niya ng pagtawa, sagot naman ng kinikilig niyang puso. At saka ngiti lang naman. Hindi naman ibig sabihin niyon ay bibigay na agad siya. “Again, I am Milo Montecillo,” anang binata bago inilahad uli sa kanya ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya basta mababale-wala ang kamay na iyon. Inuudyukan na kasi siya ng kagandahang-asal na tanggapin ang pakikipagkamay ng binata. “I am Bianca Cusap,” aniya bago tinanggap ang kamay ng binata. Muntik na niyang maiwasiwas iyon sa pagkabigla. What was that? Napatingin siya kay Milo. Naramdaman din ba nito ang tila boltahe ng koryente na dumaloy sa mga kamay nila? “Bianca—” “Look, Attorney Montecillo, I am not interested in being your friend at all. I have quite a number of friends already, and I don’t intend to add you to the list,” mataray na sabi niya nang makabawi mula sa pagkabigla. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib sa tila koryenteng iyon at hindi niya gusto ang ibig sabihin niyon. Mabuti na iyong maaga pa lang ay didistansiya na agad siya sa lalaking ito. Kaysa magsisi siya sa huli kapag nasaktan na. “I’m not interested in becoming just a friend,” sagot naman ni Milo na ipinagdiinan pa talaga ang salitang “just.” “I’ll see you around.” Nakalayo na ang binata nang makabawi si Bianca mula sa pagkabigla. Kung gayon ay dapat talaga siyang mag-ingat kay Atty. Michael Lorenzo Montecillo.   “WHAT was that?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Catherine nang makapasok si Milo sa opisina nito. Si Catherine ay asawa ng kaibigan niyang si Pierro at ang restaurant na iyon ay pag-aari ng babae. Sa harap ni Catherine ay nakabukas ang isang monitor na naka-focus sa mesang kinaroroonan ni Bianca Cusap. Doon marahil nakita ni Catherine ang nangyari sa pagitan nila ni Bianca. Bianca… Masarap bigkasin ang pangalan niya… “Hey, Cath, relax,” aniya at sinulyapan ang monitor na nanatiling nakatutok sa mesa ng dalaga. “She is Bianca Cusap.” “Yeah, I know her.” “Kilala mo siya? Bakit hindi mo man lang ipinakilala sa akin? `Langya, Catherine, ang tagal na nating magkaibigan. Bakit hindi ko alam na may kakilala ka palang anghel.” Natawa ito sa sinabi niya. “I don’t know her personally. I mean, kung nakakapanood ka ng fashion channel ay makikita mong isa si Bianca sa mga Pilipinang hinahangaan sa European catwalk. Bianca Cusap is a supermodel.” “Really?” gulat na wika ni Milo. “So, that explains her exquisite posture.” Kung isa ngang supermodel si Bianca, siguradong marami ang nakakakilala rito. Pero bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya? Ah, masyado nga pala siyang busy sa mga kasong hinahawakan. “Hoy, Attorney, ano’ng binabalak mo kay Bianca, ha?” Nakakunot ang noo na binalingan ni Milo ang kaibigan. “Ouch! Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin, Catherine?” Muli niyang sinulyapan sa monitor si Bianca. Maganda talaga ito. Hindi payat katulad ng pangkaraniwang modelo. She was, in fact, curvaceous. Kitang-kita niya iyon kahit na nakaupo lamang ang dalaga. Gustong-gusto rin niya kung paano bumagay sa mukha ni Bianca ang maikling gupit ng buhok nito. She carried it very well. Makipot ang may-kanipisang mga labi ng dalaga na maihahalintulad sa mga labi ng isang manyika. Matangos ang ilong bagaman may-kaliitan. She had fair skin, at kung hindi pa nga napigilan ni Milo ang sarili ay baka nahaplos pa niya. Napaisip nga siya kung may dugong Hapones ba si Bianca. Nakakatawag talaga ng pansin ang aura nito na tila nagliliwanag sa gitna ng kadiliman. Katulad na lang ng kung paanong natawag ang kanyang pansin pagpasok na pagpasok pa lang niya sa restaurant. It was just another ordinary day. He had just dropped in to say “hello” to Catherine. Pero pagpasok sa restaurant, naagaw agad ang pansin niya nang makita si Bianca. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Bianca. Sanay siyang makakita ng magaganda, ngunit kakaiba ang dating sa kanya ng dalaga. “I’m not that bad, okay?” ani Milo nang mapansing nakataas pa rin ang isang kilay ni Catherine. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. “Yeah, tell that to the marines, Attorney. Aba, Milo, magpasalamat ka at baby face ka. Hindi halata na—” “Nah! I’m aware of my age, okay? Hindi mo na kailangang ipagdiinan pa,” putol niya sa paglilitanya pa sana ni Catherine. Bakit, matanda na ba ang thirty-four? He was at his prime! Nagkataon lang na siya na lang ang wala pang pamilya sa grupo kaya siya ang napag-iinitan ngayon. Kumbaga, nasa kanya ang paningin ng lahat. “By the way, nakita ko si Pier kanina sa Dusit Hotel,” kapagkuwan ay sabi niya at ngumisi nang nakaloloko. “May kasamang babae.” “Ngayon?” bale-wala nitong sabi. Nabura ang nakalolokong ngiti ni Milo. Hindi niya nakita ang selos na inaasahang makita sa babae. “What? Aren’t you even jealous?” “Nakakalimutan mo yata na patay na patay sa akin ang kaibigan mo. Ikaw lang naman itong hindi matino sa grupo ninyo. Pawang matitino sina Mike, Miro, Randall, Art, at maging ang kapatid mong si Jared. Ikaw lang ang—” “Enough!” hindi nakatiis na putol ni Milo sa sinasabi ni Catherine kahit alam niyang binibiro lamang siya nito. “Dahil sinabihan mo akong hindi ako matino ay pababayaran ko na sa `yo ang legal services ko. Sisingilin ko kayo nang mahal!” pabirong dagdag niya bago nakangiting nagpaalam na. “Milo…” Lumingon siya kay Catherine. “Isn’t she beautiful?” nanunuksong wika nito bago inginuso sa kanya ang monitor. He smiled. Nakita niya sa monitor ang pagdating ng dalawa pang babae at pag-upo ng mga ito sa mesa ni Bianca. Ikinatuwa niya ang kaalamang babae ang hinihintay ni Bianca at hindi lalaki. “She is.” Indeed she is! Pero parang may lungkot sa mga mata niya. Some pain, perhaps. Iyon ba ang dahilan kaya parang aloof sa kanya ang dalaga? Top priority: kilalanin nang mabuti si Bianca Cusap, sabi niya sa isip.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

Payment of Debt

read
87.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.9K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook