bc

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT (Tagalog version)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
14.5K
READ
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

I'm an Agent, I'm doing this kind of job because I want revenge.

   Gusto kong pag higantihan ang taong pumatay sa mga magulang ko. 

Gusto kong maranasan din nila ang pait  at sakit na naranasan ko. Naging ulila ako at nag pursige na makamtan ko ang araw na ako mismo ang tutugis at papatay sa taong kumitil sa buhay ng mga magulang ko.

Ako ang tatapos sa masasayang araw niya dito sa Mundo.

AKO SI AGATA BORROMEO. The strong, firns, and tough woman. And i am an Secret Agent...

chap-preview
Free preview
I
Chapter 1 Paggising ko pa lang ay excited na ako para sa birthday ko. Nagmadali akong bumangon sa kama at nagpunta sa banyo ng makaligo at makapag bihis na. Nag toothbrush na rin ako pagkatapos kong maligo. Ngayon ay nakapag bihis na ako ng simpleng red maxi dress at white sandal ang suot. Sinuklay ko muna ang buhok ko bago ako lumabas ng aking silid. I'm 15 years old now, at pupunta kami ng mga magulang ko sa Amusement park. It's my 15th birthday today and I want to be a complete family. Dahil palagi na lang silang busy sa work nila kaya I decided to celebrate my birthday at the Amusement Park. Pagbaba ko pa lang ng hagdan at sinalubong agad ako nila Mom and Dad. "Happy birthday our Princess!" Masayang bati sa akin nila Mom at Dad. Napangiti naman ako sa bungad nila para sa akin. "Thank you, Mommy and Daddy!" I said. At niyakap nila ako ng mahigit. I was happy because I know that my family loves me. They give me what I want. Handa silang iwan muna pansamantala ang trabaho makita lang nila na masaya ako. Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko namalayan na niyaya na pala ako ni Mommy na umalis. "Honey, are you ready? Aalis na tayo upang maaga tayong makarating sa pupuntahan natin ng makapag enjoy ka." wika ni Mommy. "Ah, okay, Mom, let's go!" Pag- aya ko sa kanya. Nakasakay na kami sa Ford na minamaneho ni Dad at hindi nagtagal ay nakarating agad kami ng Amusement Park. Masaya akong mamasyal sa loob ng Amusement Park. Pagkatapos namin mamasyal ay nagpunta kami sa restaurant para kumain dahil nagugutom na kami. "Mommy nagugutom na ako, kain muna tayo," I said. "Ok Honey," she said. "Darling, daan muna tayo sa restaurant malapit dito dahil gutom na ang Princess natin." Masaya na wika ni Mommy kay Daddy. "Masusunod Darling!" sagot naman ni Dad. At hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang high-end restaurant. And we ordered a lot of food... My Mom is a teacher while my Dad is a businessman. Sikat ang Dad ko sa larangan ng Business at walang makakatalo sa kanya sa pagiging number one sa helera ng business world. Pagkatapos namin kumain at napagpasyahan na namin umuwi. Habang nasa daan kami ay biglang kinabahan ako. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang nararamdaman kong ito. Hindi ko na lang ininda ang kaba na bumabagabag sakin. Si Mommy at Daddy ay parehong nasa unahan ng kotse na sasakyan namin at ako naman ay nasa backseat. Habang papalapit na kami sa mansion namin ay pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mas lalo akong kinabahan, napatingin ako sa mga magulang ko at naguusap lang sila. Mukha naman hindi sila nag-aaway. Nang magawi ang paningin ko sa labas ng bintana ay may napansin akong itim na kotse na naka parada sa gilid ng daan. Magsasalita pa lang sana ako ng biglang... "Bang! Bang! Bang!" Sunod-sunod na putok ng baril. "Anu yun?" tanong ko sa sarili ko. Dahil napatigil bigla si Dad sa pagmamaneho. Pagtingin ko sa labas ay nakita ko agad na may mga armadong lalaki na bumabaril sa kotse namin. Sunod-sunod na naman na putok ng baril ang umalingawngaw. Agad akong nagtago sa baba ng upuan at nakita ko si Mama na mabilis na lumapit sakin at itinago niya ako sa katawan niya. Umiiyak na ako dahil sa takot. Pilit naman na inalis ni Mommy ang takot ko. "Don't cry Honey, makaka-alis din tayo dito. Hide at my back, kahit ano man ang mangyari, pilitin mong mabuhay para sa amin ng Daddy mo." wika ni Mommy. Kahit na naguguluhan ay tumango pa rin ako. Wala pa rin tigil ang pagbaril sa sasakyan namin. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil biglang nagdilim ang paningin ko... _____ Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa tunog ng makina ng aparato. Pagmulat ko ng mga mata ko ay puting Kisame ang nabungaran ko. Hindi familiar ang lugar sa akin. Pilit kong binubuka ang bibig ko at masakit na rin ang lalamunan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang ang bigat-bigat ng katawan ko. "Anong nangyari sakin? Wala akong matandaan. Ang tanging naalala ko lang ay yung namasyal kami tapos kumain at pagkatapos ay umuwi na kami at may biglang nagpaulan ng putok ng baril. Mga tao na bumaril sa sasakyan namin." And as a cue, agad ko naman naalala sila Mommy at Daddy. Nagising ako sa mga iniisip ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ng hindi ko alam kung kanino ito. Nakita kong pumasok ang babae, nakasuot ito nang uniporme ng nurse. "Tika! Bakit may nurse? Nasaan ba ako?" tanong ko sa sarili ko na may pagtataka. Nakita ko naman na napatingin sa gawi ko ang nurse na bagong pasok lang at nanlalaki ang mga mata nito. Dali-dali itong tumakbo sa labas ng silid at hindi nagtagal ay nakabalik na ito at may kasama nang doctor. Agad akong nilapitan ng doctor at pinag titignan ang katawan ko kong okay na ba ako. Pinilit akong magsalita dahil na uhaw na ako. "W-water p-please!" I said. Tanging 'yun lang ang lumabas na salita sa bibig ko. Binigyan nila ako ng tubig na sakto lang na mababasa ang lalamunan ko. Gusto ko pa na uminom pero pinagbawalan ako ng doctor. "How are your feelings right now?" tanong ng doctor sakin. "N-nauuhaw pa po ako." Nauutal kong sabi sa kanya. Binigyan naman nila ako ulit ng tubig. Matapos kong maka inom ulit ng tubig ay nakakapagsalita na ako ng maayos. "Okay na po ako Doc," wika ko, pero sa nanghihina ang tinig. "Well, If that's the case, I'm happy for you that you are awake already," he said. "How long I've been sleeping?" tanong ko sa doctor. "You've been one year being comatose, Agata." sagot naman sakin ng doctor sa tanong ko. Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko mula sa doctor ko. "I-I've been w-what?" Nauutal na tanong ko ulit dahil di ako makapaniwala sa nalaman ko. Matagal na pala akong tulog, kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko. Bigla ko naman naalala ang mga magulang ko. Kaya tinanong ko ang Doctor ukol sa mga ito. "Doc, ang Mommy at Daddy ko po, asan po sila?" I said. Bigla naman na tahimik ang lahat kaya tinawag ko sila Mommy at Daddy, baka sakali na nasa labas lang sila. "Mommy! Daddy! Where are you? Asan na kayo? Please! Can anyone tell me where my Mom and Dad are?" I asked. Naghestirical kong wika sa kanila at nagwawala na ako. Gusto kong lumabas, gusto kong hanapin sila. Agad naman akong pinigilan ng mga nurse na nandoon. "Miss Agata, please calm down, makakasama sa kalagayan mo yan lalo pa at kagigising mo lang!" wika ng doctor sa akin. "No! No! No! I want to see my Parents. Please, dalhin niyo ako sa kanila." Pagmamakaawa ko sa kanila. Pero di pa rin ako tumigil sa nagpupumiglas kung kaya ay tinurukan na lang nila ako ng pampakalma. At isang saglit lang ay nanghihina na ako, biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. "Mom, Dad." 'Yun ang huli kong nabanggit bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman. ____ Sa pagmulat ko ulit ng mata ko ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa may bandang sofa at nakita kong may nakaupo doon na isang lalaki na naka formal suit at may nakalapag sa mini table na attache case. "Teka nga! Sino kaya ang taong 'to? Bakit ito nandito? Asan ba kasi kayo Mom at Dad? Bakit hindi n'yo ako mapuntahan dito sa hospital. Busy ba kayo ulit? Kaya hindi kayo makadalaw man lang?" Pag Kausap ko sa sarili ko. Agad naman nangilid ang luha sa mga mata ko at ng paghikbi na rin ako. Biglang nabaling ang attention ng lalaki na nakaupo sa sofa ng mapansin niyang umiiyak ako. Agad naman itong lumapit sakin at saka ako tinanong ng may pag-alala. "Miss Agata, what's wrong?" he asked. Agad naman akong napatingala sa kanya ng may pagtataka. "Sandali! Tama ba ang narinig ko? Kilala niya ako?" Turan ng kabilang isip ko at napasinok-sinok ako habang nagtanong sa lalaki. "B-bakit m-mo ako kilala? Ang mga magulang ko ba ay kilala mo rin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at tumango siya bilang tugon... "Oo, kilala ko rin sila. I'm your family lawyer, Agata." Agaran niyang sagot sakin. "Can you please tell me where my parents are?" tanong ko dito at tuluyan ng napa hagulgol ng iyak. "Okay, sasabihin ko sayo, pero sana wag kang mabibigla sa malalaman mo." wika ng lalaki. Agad naman akong kinabahan sa mamaari niya sabihin sakin. "Are you ready to know the truth, Agata?" tanong niya ulit sakin. Tumango naman ako sa kanya kahit na hilam pa ng luha ang aking mga mata. At sinimulan na niyang ikwento ang lahat. "Your Mother and Father are both dead," he said. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ako makakibo. Para akong na estatwa sa nalaman ko. At pinagpatuloy na ng lalaki ang pagkwento ukol sa mga magulang ko. "They are both dead on arrival. Hindi na sila umabot sa hospital at ikaw naman ay nag-agaw buhay. Sa awa ng diyos ay nakaligtas. Pero di ko pina-alam sa publiko na ikaw ay buhay pa. Dahil yun ang huling kahilingan ng ama mo bago siya malagutan ng hininga." he explained. At sa lahat ng mga sinabi niya ay tuluyan na akong napa-iyak ng todo. "Ang sakit, ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap na wala na sila." Napakapit na ako sa kanya dahil nanghihina na ako. Bigla naman niya akong niyakap at mas tumudo pa ang iyak ko. "Paano pa ako mabubuhay ngayon na wala na sila? Paano ko makakaya? Tell me, Attorney, ano ang gagawin ko?" Naghihinagpis na tanong ko sa kanya. "Don't worry Agata, I'm here to help you. Tutulungan kita na makabangon sa lahat ng masalimuot na pangyayari na ito," he said. Unti-unti ko naman nararamdaman ng guminhawa na ang pakiramdam ko. "Don't leave me, please Attorney. I don't want to be alone, natatakot ako. Ayoko! Ayoko ng mag-isa." Madamdamin na wika ko sa kanya. "Okay, okay, stop crying now, Agata. Don't worry, hindi kita iiwan kahit kailan. I promise." he said. "Talaga? Do you promise?" Naninigurado ko sa kanya. Tumango naman siya sakin at nilahad ko ang hinliliit na daliri ko at sinabi na, "pinky swear?" Agad naman niyang inabot ang hinliliit ko at sinabi rin niyang "pinky swear!..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.0K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.3K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

SILENCE

read
380.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook