bc

Codename Adonis: His Beauty and Desire (CBS I)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.7K
READ
others
dark
forbidden
versatile
others
twisted
mxb
self discover
sex club
passionate
like
intro-logo
Blurb

*WARNING, R-18, SPG*

Callboy Series I

Codename Adonis: His Beauty and Desire

Magigising na lang si Bella na may amnesia na siya, at ipapakilala sa kaniya ang asawang ni-pangalan ay hindi niya manlang maalala. Si Adonis David. Gwapo ito at matikas ang tindig, at kahit sinong babae ay maaakit sa kagandahan nitong lalaki. Ngunit sa hindi maintidihan na dahilan ay walang madama si Bella sa puso niya.

Mahirap man ay pinilit niya pa ring magpakaasawa kay Adonis, umaasa na maaalala niya ang kanilang pinagsamahan at ang pagmamahalan.

Unti-unti ay nahulog nga ang loob niya kay Adonis dahil sa ipinapakita nitong pag-ibig sa kaniya. She was ready to start a new life without her memories but only with Adonis. Handa na siya, ngunit isang katotohanan ang sisira sa kanila, katotohanan na madidiskubre niya pagkabalik ng kaniyang alaala...

chap-preview
Free preview
Prologue
ISABELLA Hindi ko alam kung ilang baso na ng alak ang naiinom ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa alcohol, idagdag pa ang dumadagundong na tugtugin sa paligid. Kung tutuusin ay hindi ito ang choice of bar ko, ang kaso ay ito lang ang malapit na club sa kompaniya ng magulang ko na siyang isang linggo ko nang ipinagkakaabalahan. Halos dalawang linggo na nang mawala ang magulang ko dahil sa isang car crash. Nasa Italy ako noon nang tumawag sa akin si Tita Alison at ibinalita sa akin ang trahedya. Dapat ngayon ay nagmumukmok ako, nakatingin sa kawalan habang inaalala ang mga panahon na kasama ko ang mga magulang ko. Pero imbes na magluksa, magmula nang umuwi ako sa Pilipinas para sa labi ng magulang ko, isang linggo lang akong nakaiyak. Sa mga sumunod na araw ay inasikaso ko ang mga trabahong naiwanan nina Mama at Papa, pati na rin ang imbistigasyon ng aksidente, na hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. "Hi, sweetheart. I am missing you on my bed. Kailan ka ba uli available?" Napairap ako sa isang babaeng tumabi sa akin sa bar counter. Kasalukuyan niyang kausap ang bartender na kanina pa nag-aabot ng alak na hinihingi ko. Napaka mapang-akit ng tono at boses ng babae. Nang tingnan ko naman ito ay halos tali lang ang takip ng katawan niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Hindi naman disenteng bar ang napuntahan ko. Pinaliligiran ako ng mga macho dancer na nakasuot ng mga pang-gigolo at sumasayaw sa may pole kasabay ng sexy music na tumutugtog sa speaker. Kung hindi lang talaga ako desperadong makalimot, hindi ko talaga papatusin na uminom dito. "I'm sorry Charry-" "Excuse me? Marie!" pagtama ng babae sa baristang inaakit. Hindi ko napigilan ang matawa. "Missing you on my bed," bulong ko at panggagaya sa maarte niyang tono. "Hindi ka naman pala naaalala." "Excuse me?" Tiningnan ko siya at nagtaas din ng kilay nang makita ko ang pagtaas niya ng kilay sa akin. Binalingan ko ang bartender at ngumisi ako nang makitang nakatingin din ito sa akin. Kanina ko pa kaharap ang lalaking 'to pero ngayon ko lang siya tiningnan. Hindi ko naman alam na guwapo pala ito. Hindi ko alam kung uniporme niya ang suot, pero bagay sa kaniya ang puting long sleeve na nakatupi hanggang siko niya at nakabukas ang butones hanggang sa dibdib. Kitang-kita tuloy ang matipuno niyang dibdib na sumasabay sa malapad na balikat. "Magkano isang gabi mo? Bibilhin ko." Natawa ang bartender at umiling. "Lasing ka na, Miss." Ngumiti ako nang walang laman. "Bakit, ayaw mo? Gusto mong sumama sa unforgettable na si... Charry?" "It's Marie!" reklamo ng babae. Walang ganang tiningnan ko lang siya. Bumaling siya sa bartender, parang may hinihintay na kung ano. Nang hindi kumibo ang lalaki ay nagdadabog na iniwanan niya kami. Siguro hinihintay niya na ipagtanggol o itanggi ng bartender na 'to na nakalimutan nga siya nito, kaso hindi. "Don't scare away my customer, Miss." Tiningnan ko uli siya at tinabingian ng ulo. "So she's your customer? Magkano ang isang gabi?" Mainit na pinagmasdan niya ako. "Bibilhin mo?" Nangunot-noo ako nang matunugan ko ang paghahamon sa boses niya. "Tingin mo talaga bibili ako ng prostitute? Baka may aids ka." Tumawa siya. "I'm using protection." "And I'm using my brain." Naaaliw na tiningnan niya ako. Para bang tuwang-tuwa siya na hindi ko siya papatulan. But if I know, turn on lang siya sa pakipot. Ganiyan naman 'yang ibang mga lalaki. Tumayo na ako mula sa stool na inuupuan ko. That's enough. Kahit gaano ako kalungkot ay hindi ko pa rin puwedeng kalimutan at pabayaan ang kaligtasan ko bilang babae. Muntik na akong tumumba nang umikot ang paningin ko. Buti na lang at nasalo kaagad ako ng bartender kahit na nasa likod siya ng counter. Pumikit ako saglit upang kontrolin ang paningin ko na lalong umiikot dahil sa malilikot na ilaw ng club. "Uuwi ka na? Let me get you a taxi." Umiling ako at kumawala sa kamay niyang nasa may siko ko. Naglapag ako ng pera sa counter. "No thanks." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad kahit na mabagal. "Miss!" Hindi ko alam kung paano ko siya naririnig sa gitna ng ingay. Basta alam ko ang boses niya sa tawag niya sa aking 'Miss' dahil sa kanina pa niya ako tinatawag niyon. Pagod na nilingon ko siya. Naramdaman ko pa ang pag-alon ng buhok ko sa likuran ko. Naabutan ko siyang umiinom sa isang bote na hawak niya. "I'm not for sale, but I'm free."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook