bc

Secret in their Eyes

book_age4+
231
FOLLOW
1K
READ
forbidden
pregnant
dare to love and hate
omega
mafia
billionairess
heir/heiress
highschool
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

"Rana." Tawag ko sa pangalan niya ngunit mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. "Kinakausap kita, hindi mo ba ako naririnig." Hindi niya ako pinansin.

Talagang ginagalit ako ng babaeng ito.

"Hey." Hinatak ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Tila isang bula na nawala ang galit ko at napalitan ito ng pag-aalala. "Answer me. Goddammit!"

Tumitig ito sa mga mata ko. "I'm sorry Kyle."

"What the hell are you talking about?"

"I'm pregnant." Nagsimula ng tumulo ang luha niya.

Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya. Biglang nanlambot ang buo kong katawan. "What? Akala ko ba--- "

"Nakaligtaan kong uminom ng pills. Kasalanan ko ito kaya wala kang kailangan panagutan sakin."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rana. Masisira ang buhay nating pareho. Paano yung pangarap mo, yung pangarap ko?"

"Wala akong magagawa, nandito na to. Anong gusto mong gawin ko ipalaglag ko?"

"Wala akong sinabing ganyan. Tang*na." May narinig kaming yapak na papalapit samin. "Change your clothes. Mamaya na natin pag-usapan to." Sabi ko at galit na umalis sa harapan niya.

chap-preview
Free preview
Secret in their Eyes
KJr's POV "Hey, kuya." Napatingin ako sa bunso kong kapatid. Kararating niya lang galing sa bahay ni Lola. "Nasaan sila Mommy?" Tanong niya. "Nasa kwarto pa. Tumawag na ba si Khalel? His always late. Magagalit na naman si Mommy." "Not yet. Nakausap ko siya kahapon pero---." Napatigil ito sa pagsasalita nang sumingit si Khalel. "I'm here. Sorry I'm late." Tumingin kami sa likuran niya. "Hindi ko kasama si Lucy." Sabi niya pagkatapos umiwas ng tingin samin. "Good for you. Kamusta ang Canada?" Tanong ko. Nagmamasteral kasi ito sa Canada kasama ang girlfriend niyang si Lucy. "Lucy and I broke up." Sagot niya kaya nagkatinginan kami ni Knight. Ilang beses niya na bang sinabi samin yan, pero tuwing susunduin siya ng babae makikipagbalikan ang g*go. "For real." F*ck! I really hate drama. Tinapik ko ang braso niya. "It's okay brother. Ganyan talaga ang buhay, girls will come and go." Huminga ako ng malalim. "There's a lot of pretty girls out there. Forget about her." "Yes Kuya." Pilit itong ngumiti sa harapan namin. The Mama's boy is crying. "Knight nasaan pala sila Mamita?" Tanong ko. Nakatira kasi si Knight kila Mamita, siya ang umaasikaso ng business nito. Ako naman ang naka-asign sa kumpanya nila Mom and Dad, ako kasi ang panganay at ako ang unang nakagraduate. I'm 27 years old. Nakatapos ako ng Business Management major in Business Marketing with a masteral degree. Binago na ang pangalan ng kumpanya. Naging KKK Marine Corporation meaning Khalel, Knight and Kyle Jr. Pinangalan ito samin nila Daddy. "Nauna siyang bumaba ng sasakyan. Akala ko nga nagkita na kayo." Umiling ako. "Uhm... Mauna na kayo. Susunod nalang ako." Sabi ko sa dalawa nang makita si Rana na naglalakad papasok ng gate. Bakit kararating niya lang? Alam niya namang hindi pwedeng malate sa anniversary dinner nila Mommy. Sinundan ko ito papasok sa likod ng mansion. "Rana." Tawag ko sa pangalan niya ngunit mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. "Kinakausap kita, hindi mo ba ako naririnig." Hindi niya ako pinansin. Talagang ginagalit ako ng babaeng ito. "Hey." Hinatak ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Tila isang bula na nawala ang galit ko at napalitan ito ng pag-aalala. "Answer me. Goddammit!" Tumitig ito sa mga mata ko. "I'm sorry Kyle." "What the hell are you talking about?" "I'm pregnant." Nagsimula ng tumulo ang luha niya. Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya. Biglang nanlambot ang buo kong katawan. "What? Akala ko ba--- " "Nakaligtaan kong uminom ng pills. Kasalanan ko ito kaya wala kang kailangan panagutan sakin." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rana. Masisira ang buhay nating pareho. Paano yung pangarap mo, yung pangarap ko?" "Wala akong magagawa, nandito na to. Anong gusto mong gawin ko ipalaglag ko?" "Wala akong sinabing ganyan. Tang*na." May narinig kaming yapak na papalapit samin. "Change your clothes. Mamaya na natin pag-usapan to." Sabi ko at galit na umalis sa harapan niya. Hindi siya pwedeng mabuntis, hindi ko pa kayang maging ama. Paano ang pangarap ko? Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. "Kyle Jr. let's go, pababa na sila." Pagyayaya ni Mamita kaya sumunod ako sa kanya. "Saan ka ba galing apo ko?" "May tiningnan lang po sa likod ng mansion." Napatingin kami sa may hagdanan. Hindi magkasabay na bumaba si Mommy at Daddy, mukhang magka-away ang dalawa. Tumabi si Rana kay Knight kahit na may bakanteng upuan sa tabi ko. "Happy anniversary Mom, Dad." Bati naming tatlo. Pilit lang silang ngumiti sa harapan namin. Nagsimula na ang hapunan, nakakapanibago ang tahimik ng buong hapag kainan. Magkakasabay kami ngunit para kaming hindi magkakakilala. "May sasabihin kami ng Daddy niyo." Napatingin kaming lahat kay Mommy. Seryoso ito ngayon kaya hindi pwedeng biruin. "Tell them Kyle." Umiling si Dad. "I'm sorry." Nakayukong sabi niya. Naguguluhan kaming lahat. "What is happening? Stop pranking us please." "Maghihiwalay na kami ng Daddy niyo." Lahat kami nagulat sa sinabi niya. "Patawarin niyo kami. We are trying are best para maayos ang relasyon namin pero wala na talaga." Nagsimula ng tumulo ang luha niya. "I'm sorry mga anak." Umiling ako at padabog na tumayo sa kinauupuan ko. This is bullsh*t! ---------- Rana's POV Tumingin ako kay Tita Dale. "Susundan ko po siya." Tumango ito. Kahit ako nasasaktan sa paghihiwalay ng dalawa pero sino ba naman ako para magreact diba. Lumabas ako para hanapin si Kyle Jr. Nakita ko ito na papunta sa sasakyan niya. "Kyle." Sigaw ko. Gabi na para umalis pa siya, delikado na sa daan lalo na't galit siya. "Saan ka pupunta?" "Wala kang pakialam. Stop acting that you cared about me." Napasabunot ito sa buhok niya. "May family is ruined. Siguro ikaw ang malas sa pamilya namin." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Ganyan parin pala ang tingin niya sakin. Sa bagay hindi naman ito naging mabait sakin. Lahat ng nangyayaring kamalasan sa buhay niya, sakin niya sinisisi. Napayuko nalang ako. "Sorry." Umiling ito. "Wag mo na akong alalahanin. Sarili mo ang problemahin mo." Sabi niya at mabilis na sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot ito ng mabilis. Napahawak ako sa tiyan ko. "Anak pwede bang pasabi sa gurdian angel mo na bantayan muna ang Daddy mo." Huminga ako ng malalim. Bumalik ako sa loob ng mansion. Nakita kong paakyat na ng hagdan si Tita Dale, naiwan naman ang iba na malungkot. Every year nagcecelebrate sila ng anniversary ng masaya tapos isang taon lang ang lumipas napalitan na ito ng lungkot. "Uuwi na kami Kyle." Madiin na bigkas ni Mamita. "Sorry Mommy." Hinging pasensya ni Tito ngunit dinaanan lang ito ng matanda. "Let's go home Knight." Lumapit si Knight kay Mamita para alalayan ito. Halatang dissapointed ang dalawang matanda sa nalaman. Tumulong na ako sa pagligpit ng pinagkainan para naman may magawa ako. "Kami na dito Ate Rana. Magpahinga ka narin." "Tawagin niyo nalang ako kapag dumating na siya." Tumango ang dalawang kasambahay. Sila ang kaibigan ko dito. Pinag-aaral din sila ng mag-asawa, nakikita ko ang sarili ko sa kanilang dalawa. Pagpasok ko sa kwarto ko, sinindihan ko ang kandila na nakalagay sa lamesa malapit sa abo ni Tatay. Sampung taon na ito nang mamatay ngunit sariwa parin sakin ang sakit. Hindi ko man lang natupad ang pangarap naming dalawa, pangarap kong maging doctor kasi palaging masama ang pakiramdam niya. Gusto kong ako na ang titingin sa kanya kapag may nararamdaman siya, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Naistroke ito, dead on arrival na pagdating sa hospital. Nawalan ako ng gana para tuparin ang pangarap ko. Hindi ko na tinuloy ang course ko. Nag-shift nalang ako ng Business Management. Laking pasasalamat ko sa mag-asawa, kasi sila ang naging Ina at Ama ko sa bahay na ito. Habang buhay kong pagbabayaran ang kabutihang loob na binigay nila sakin. Lumipas ang tatlong oras nang may kumatok sa pintuan, kaagad ko itong binuksan. "Anong nangyari sayo Kyle Jr.?" Inalalayan ko itong humiga sa kama ko. "Diyan ka muna. May kukunin lang ako." "I missed you." Ganyan siya kapag lasing, tila nakakalimutan maging masama sakin. "Don't leave me." "Hindi kita iiwan. May kukunin lang ako sandali." Mabilis akong kumuha ng face towel at binasa ito sa cr. Pinunasan ko ang mukha nito. Hinubad ko rin ang polo niya para hindi ito masyadong mainitan. "Rana." Bigkas niya. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Hinawakan ko ang kamay niya habang ang isa kong kamay pinupunasan siya. Tinitigan ko ito ng mabuti. Ang tangos ng ilong niya, ang labi niyang nakakapanghina ng tuhod. Sobrang perfect ng pagkakahulma ng kanyang mukha. Nakakainis! "Siguro magiging kamukha mo ang baby natin." Sabi ko, hindi niya naman ito maririnig. Nahahawakan at nakakausap ko lang siya kapag lasing. Kinabukasan kasi magiging si Godzilla na naman ito. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook