bc

Perfect Online Boyfriend

book_age16+
3.4K
FOLLOW
21.4K
READ
kinky
comedy
sweet
bxb
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Perfect Online Boyfriend - Teaser

Adrian: Magkano naman yang Online Boyfriend na 'yan, aber?

POB Agent: 100...

Adrian: Jusko! 100 lang naman pala! Bigyan mo ako ng mga sampo!!! Hahahaha.

POB Agent: thousand per month under terms and conditions.

Adrian: 100k PER MONTH???? At saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking pera, aber??? So, no!!! Inyo na yang mga Boyfriends niyo no!

POB Agent: May diskwento na iyon. Hindi kana lugi para sa Boyfriend na pinapangarap mo---ng lahat.

Adrian: At may discount pa talaga 'yon ha? Baka naman bargain. No, no! I rather die single than to pay 100k for a boyfriend! Like duh? Ano yan mga lalaki niyo? Anak ba ng mga roman gods yan?

POB Agent: You will be surprised, promise that Adrian.

Adrian: Ganern? Wala bang free day trial?

#AreYouReadyToPayForLove?

chap-preview
Free preview
Pt. 001
Pt. 1 [ ADRIAN P.O.V ] "May jowa nga ako!!!" Pagmamatigas ko. Kahit wala naman talaga sa true to life story ko. Eh ano naman kung mangarap akong may jowa ako no. Mga pakilamera sila!!! Mga chaka! Pero kahit mapailang ulit kong magsinungaling sa kanilang; may jowa ako! May jowa ako! Tatawanan lang nila ako ng bonggang bongga. Nagtinginan nanaman sila sa akin. 'Tong mga chakang to, ang yayabang porque may mga jowang kulang sa ligo! Pweee! "...at may abs ang jowa ko." Dagdag ko with matching taas kilay. May abs naman talaga siya. Umaaasa akong may abs ang magiging jowa ko! Bakit ba? "At may abs pa talaga ang imaginary jowa mo ha. Hahahahaha!" ------Si Kulot, wala siyang buhok sa kili kili inaahit niya kasi nagiging kulot din daw! Hindi na ako magtataka kung kulot din ang buhok niya sa loob ng... Ilong niya!!! Nagtawanan silang lahat. Sige magtawanan lang kayo at sana mahinganan ng mabahong hangin ang mga bibig n'yo para habang buhay na kayong mga labas gilagid!!! Mga bwisit na ito. Hindi nalang ako suportahan sa kagagahan ko! Mga walang kwentang friendship.... Well, kahit ganyan sila, friend ko pa rin sila... Kung aalis ako sa grupo, sino nalang maiiwang maganda? Anubeeee!!! Aha-ha-ha-ha! "Basta may jowa ako! Gwapo, matangkad at mahal niya ako!!" Sabi ko. Sabi kasi sa hula nabasa ko sa lumang dyaryo, magkakajowa raw ako.... Walang trabaho pero may abs at mamahalin ako. Ako ng magtatrabaho para sa amin! Magiging hard w**********l ako. Girl???? Well, hindi na pala ako girl, I am a woman now. A woman with no real life jowa but soon to have one... and with no boobs. Ganun talaga kapag nakadapa matulog, nagiging flat ang boobs! Pweee!!! "Ay oo nga naman may jowa nga pala siya... Iyong jowa niyang poserang palaka sa sss!! Hahaha." ------- Si Negra. Hindi lang kulay niya ang maitim, pati ang budhi niya pati narin kili-kili niya!!! Tama! Tama! Siya nga! Pero... Pero... Bigla nalang siyang nagdeactivate, Naloka na siguro sa akin kakapipilit kong posera siya... Muntik ko pa naman siyang mahalin na! Ang gwapo kaya ng ginagamit niyang pic, sabi niya siya raw iyon, sabi ng puso ko.... IMPOSSIBLE!! Basta ganun! Bwisit kasi iyon. Biglang nagstatus na In Relationship With Me, ayun, nasight ng mga baklang ito! Nagtatawanan pa rin siya. "Hindi siya Poser!!! Siya raw talaga iyon! Huwag kayong ano diyan!" Pagtatanggol ko--sa kaniya? O sa kahihiyan ko? Grrrrr!!! "Raw? Hahahaha. O nasaan na si Mr. Right mo? Naging si Mr. Clean na ba? Kaya nag deactivate? Hahahahaha!" ----Tong kulot na 'to, uunatin ko ba talaga buhok nito eh. -_- "Baka naman naging si Mr. Payong!! Akis si Mr. Payong, witit shokot sa shutik. Ahahahaha." ----Si Taba Tina!! Pero kahit mashuba 'tong gaga na ito, marami ng naging jowa ito eh, yayamanin kasi. Sige tumawa ka pa para ma-burn yang fats mo. Pweee!!! "May nagreport lang ng account niya kaya nawala sss niya no!" Sabi koooo! Sige i-hot seat niyo pa ako! "Baka naman na report na ng totoong may ari ng photo. Alam mo naman kasing poser, pinatos mo pa, desperadang bakla ka talaga! Hahahaha." Sabi ni negra! Tumayo ako!!! "Patutunayan ko sa inyong totoo siya! At pagsisihan ninyong pinagtatawanan niyo ako!!! At isusumbong ko kayo sa kaniya dahil pinaghihinalaan niyo siyang poser!!!" Sabi koooo! Malakas na malakas! "Go ahead sis, invite him right here right now. Prove us we were so wrong about him and that you are not as delusional as fork." ---Sabi ni Taba tina!!! Tapos maarteng tumagay ng nakatingin sa akin! "Fine!" Inagaw ko muna ang basong may alak kay Kulot at tinungga ko!!! Then binagsak ko sa table! Hindi naman ako lasing, hindi pa kasing mga lasing, nakainom lang! Paghakbang ko, muntik ng masubsob mukha ko sa couch buti nasalo ako ni Garry aka Negra. At nagtawanan nanaman sila!! Parang mga unggoy na nagtatawanan. Ganun! So, I have to call Tarzan para manahimik na ang mga ito at ng maibalik na sa kanila kanilang mga hawla!!!! Nilabas ko phone ko, walang signal! Bwissssit! "Lalabas lang ako para tawagan ang jowa ko. At papupuntahin ko siya rito, makikita niyo, mag iinggit kayo, maglalaway kayo, magmamakaawa kayong ibahagi ko siya sa inyo!" Sabi ko. "Go sis. Take your time. Hahahahaha!" Sabi ni Marcel aka Kulot. Lumabas ako..... At my god. Umiikot ang paligid at parang ang sarap nalang humiga, matulog at bahala na sila doon no. Pero I am not that so far from them yet, naririnig ko pa rin ang mga halahakan ng mga bruha!!! As I stepped out of the door, kinuha ko kaagad ang phone kong kulay pink! I hate to do this but I have to! Total, pinipilit naman niya ako sa offer niyang Jowa, so I will go with it, deal with it, grab with it! Hindi ako lasing, alam ko pang ginagawa ko no. Nasaan na ba ang number ng butiking ahente na iyon? J---- K--- L--- Loko, Agent POB Yan!!!! Press Call!!!!! Lagay sa tenga. Ayaaaannn!!! Nag ri-ring na!!! Answer it! Answer it!!!! "Good evening this is Mr. Loko-----" pero hindi ko na pinatapos pa pagsasalita niya!!!! "Loko! Ako ito, si Adrian "SuperGanda" Huelar. And I say yes to your offer. Bring me a boyfriend here, as in right now!" Sabi koooo!!!!! "Are you drunk Mr. Huelar?" Tanong niyaaaa!!! "Ha? No, I am not no. O ano ba? Padadalhan mo ba ako ng boyfriend dito o hindi??? Kailangan ko ngayon na!!!" Sabi kooo. Ako talaga nanggigil na! Bahala na, importante may maipakita akong jowa sa tatlong baklang bebe na nag-iinuman sa loob! "Let me again remind you Mr. Huelar, this is a no refund----" hindi ko na ulit pinatapos!!! "Just do it!!!" Sigaw koooo!! Bulahawan na! "Okay. Okay. But first we need the full payment." "Send me your freaking bank account number and I will transfer you all my money!!! Now!!!" "Okay Mr. Huelar. I'm really glad you made a right decision and you will never ever regret it, promise that." "Sige na, dami mo pang kuda. Bigyan mo na ako ng jowaaaa!!" ****After ten thousand sarcastically minutes**** Naitransfer ko na lahat ng pera ko sa account na pinasa sa akin ni Loko. As in lahat!!! Wala akong tinira!!! At ako???? Tulala sa screen ng phone ko, hindi ako makapaniwalang.... ZERO Balance na ako!!! Eeeeeeeeeee!!!!! Nalooookooooo ako!!!! Nagpaloko ako!!! Huhuhuhuhuhuhu :( Paano na ako nito ngayon? :( Paano na???? At pakiramdam ko? Natauhan na ako at talaga namang nawala na ang lasing ko.... At oo, I admit, lasing na pala ako talaga kanina... At ngayon, nawala ang lasing ko kasabay ng pagkawala ng pera koooo!!!! My god! My god!! Maloloka ako nito!! I cannot take this!!! I cannot do this!!! "Addy? Okay ka lang ba sis?" Tanong ni Martin aka Taba Tina. "Woi friend, binibiro ka lang naman namin kanina di ba? Nose naman naming wala ka talagang jowa, alam mo na, we were just having fun. Move on na tayo sis, okay sige na, may jowa ka na. You win na, ibalik mo na sigla mo." Sabi ni Garry. "Ano ka ba sis, we here to celebrate my birthday not my death anniversarry, smile and let's have fun, marami pang jorlaks sa ref." Sabi ni Marcel. Napatingin ako sa kanila. They look all worried talaga. Maybe, today I will die!! Ubos anda kooooo! Bwisit na Loko yan!! Malolokoooo!! Huminga ako ng malalim. Inayos ko upo ko. "Mga friends, may aaminin ako sa inyo." Panimula ko. Nakatingin pa rin sila sa aking matamlay na kagandahan, "...wala talaga akong jowaaaa!!!!! Hue hue hue hue." Ang pangit kong umiyak, pero kailangan kong umiyak talaga. They're all like, we-know-sis reaction! "....but that's not all. Wala na rin akong pera!!!! Nalimas ang 100 thousandsesoses ko!!! As in lahat... Cardiaaac!!! Hue hue hue." Dagdag ko with matching punas-punas pekeng luha effect! They're all like, weh? "As in 100kyaw sis?" -----Garry. Tumango ako. "...ikaw merong 100kyaw???" Paninigurado niya. Tumango ako ulit. At At Biglang natawa si Martinnnn!!! Nyork nyork nyork! Tawang baboy! Ganun! "Galing mo talagang magjoke sis. Bentang benta!! Hahahahaha." -----Garrry!!! Negrang to! Pasukan sana ng langaw yang bunganga mo! "I was not joking! Negra ka talaga eh!" "Atleast ako kahit negra may jowa eh ikaw? Wala! Don't me Adriana!! Hahaha!" Biglang tapik ni Marcel sa likod ng balikat ko. "Sis, mas maniniwala pa akong may jowa ka kaysa paniwalain mo kaming may 100k ka." Sabi niya pero natatawa. Sabunutan ko kaya itong isang to tapos iumpog ko noo niya sa table! "I have and now it's gone." Sabi ko! "Paano ka naman nagkaroon ng 100k eh di ba nagtitinda ka lang naman ng fishball?" I don't know if it's a rhetorical or whatever!!! Naku, hindi na ako magpapaliwanag pa kung paano ako nagkaroon ng 100k no, eh ano pang sense, eh nabudol naman na ako ni Loko! "Kwek kwek! At nasa Mall ang stall namin no! Kaya tigilan mo ako Marcella! Iyong nilamon mo last week kaltas yun sa sahod kooooo!!" Pagtatanggol ko. But the truth??? Tamad ako mag ipon for my future!! Ganun, gastadora ako ng slight! May savings ako sa bangko, pero kapag sumasahod na ako tinatamad akong magdeposit no!!! Super layo kaya ng pinagbabangkuhan ko, kakabawas ng ganda!!! Hinahayaan ko nalang maubos! "Akala ko ba pa-birthday treat mo sa akin iyon????" Ngawa niya!! "Nagbago na kaagad isip ko!!! Patay gutom!" -----Ako parin!!! Wala ng makakapigil pa sa akin! "Shuta ka talaga sa lahat!!!" Kuda niyang patalsik laway! Salo lahat ng mukha kong alaga sa Ponds! "Nako nako. O siya, maniwala nalang tayong may 100k yang si Adriana at nawala na. At paano namang nawala aber?" ----Martina, pero the eyes, it's rolling left and right! Pinakita ko sa kanila ang account kong Zero balance!!! "Nabudol ako ng butiki! After ko itransfer ang monelicious ko bigla nalang nag-out of coverage ang number niya!!!! Hue hue hue." Sabi ko pero hindi ko na idedetalye pa no! Mas nakakahiya kong sasabihin kong nagbayad ako ng malaking halaga para sa jowa!! Baka ilublob pa nila mukha ko sa alak!!! "Ng Butiki talaga? O edi isumbong mo sa DTI." -----Garry. Napatingin kami sa kaniya. "Seriously? DTI?" ----Sabay sabay talaga kaming tatlo. At mukhang nagka-ideya siyang nashunga siya. "Uhm... DOLE? DOH? Hmmm... DSWD?" ----GARRY!!!! Negrang 'to nanghuhula lang!!! "Gaga ka talaga, pwede naman kasing ireport PULIS, kung ano-ano pang sinabi mo, lahat naman mali. " Sabi ni Marcel, "...ano bang number ng butiking yan. Tawagan natin ulit!!!" Dagdag ni Marcel. Binigay ko kaagad sa kaniya ang phone ko. At tinawagan niya ulit.. "O ayan sumagot na sis!" Sabi niyaaaaaa!!!!!! "Babae pala ang butiki sis." Dagdag niya. Babae??? Paanong nanging babae iyon??? Hindi iyon babae!!! Lalaking pinaglihing butiki siya!! "O, binabaan na ako sis." "Ha? Bakit daw? Anong sabi niya??? Anong sabi niya??????" ------AKO!!! Nababaliw na ako talaga!!! "Sabi niya, the number you have dialled is either not attended or out of coverage area please try your call again later." ------MARCEL!!!! -_- Basta nalang nagtawanan si Martin at Garry!!! Sinabunutan ko talaga siya ng bonggang bongga habang tawa parin siya ng tawa hanggang matanggal ang wig niya!! Nakakaloka!! "Naku ha, iinom nalang natin yang problema mo Adriana, tama ng drama!!! O siya, wait lang kukunin ko pa mga alak sa ref." Sabi ni Garry. "Ano ka ba sis? Tama na nga yang panggo-good time mo sa amin, we already had enough. Sinira mo pa wig ko. Birthday ko ngayon, hindi mo. Kaya dapat akong bida tonight no." Sabi ni Marcel, pinisil-pisil pa pisngi ko. Pagtayo ni Garry, biglang nagring ang doorbell. "Ay, may bisita pa ako?? Hahaha. This is so unexpected, o siya, pagbubuksan ko muna, baka isa sa mga exes ko." Sabi ni Marcel at tumayo na rin siya. "Go." Maikli kong tugon. Naiwan kami ni Martin. Magkaharap, "...paki-abot nga yang chicha friend. Nagugutom na ako dahil sa stress na ito!" Sabi ko. "Adriana..... May naghahanap sa iyo." It's Marcel from my back at ang tono niya, para bang ewan na hindi makapaniwalang may naghahanap sa akin. Ganoon talaga, maganda kasi ako kaya may naghahanap sa akin no. Pero... Sa akin pa talaga?? Sa akin may naghahanap? Sino naman? Napansin kong reaksyon ni Martin... Natulalang biik. Hindi na nya niya naabot pa sa akin ang chicha. Bumukang bibig siya na... Ang... Gwapoooo... Napakunot noo ako. Siya namang labas ni Garry from the kitchen. Natulala rin siya at.... God!!! Nabitawan niya ang hawak niyang bote!!! As in basaaaagggg!!!! NAPATINGIN NA AKO SA LIKOD KO! "Baby." Sabi ng lalaking mala-anghel mula sa langit na pinadala sa lupa para lang bigkasin ang salitang baby sa akin. ANG GWAAAAAPOOOO! THE WHO SIYA????? At baby daw oh???? Anubeeeee!!! I'm not prepared!!! Urrrrrrr..... Biglang lumapit sa akin, tumabi at hinawakan ang palad ko. Nakuryente buong katawan ko!!!! Iba ang palad niyaaaa!!! Ang----gentle!!! At urrrr... Ang bangooo niya!!! At ako?????? Tulala, like, panaginip na ba ito????? Nakatulog na ba ako????? "S-sino ka naman?" Tanong ko talaga!!!! Ngumiti siya... At talaga namang nakakasilaw ang kaputian ng pantay niyang ngipin!!!! Pakiramdam ko, nagpuputol-putol na hininga ko at ang mga organs sa loob ng sistema ko nagkakagulo na, parang mga nabuhayan ng makakita ng gwapong nilalang!!! Yung puso ko, nagja-jumping rope na ata... Ang mga malalanding cells ko naghoholla-hop at ang hormones ko??? Nagchinese garterr!!!! Ganun!!! "Ikaw naman baby, na-late lang ako ng dating nagtampo kana kaagad. Sorry na po." At urrrrrrrr.. Hinalikan niya palaaadddd koooooo!!! Ang lambot ng lips niya while his pretty brown eyes are looking through my eyes, like finding my soul inside my bodddy. "I love you." Dagdag niya!!! I think I am going to die na talaga!!!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook