bc

LA HEREDERA VIII: Hermelinda de Cartajena (Filipino/Tagalog)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
6.0K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
one-night stand
family
second chance
drama
sweet
passionate
like
intro-logo
Blurb

Hermelinda Oliviera de Cartajena. Ang bunso at nag-iisang apong babae ni Don Felipe de Cartajena. Millie has everything… well, almost. Except for her liberty to choose her husband.

Just like every man in their family who all got married through an arranged marriage, she is bound to follow on their footsteps as her grandfather is about to announce her engagement with Ram, the unico hijo and sole heir of the Castañeda Real Estate Company on her 18th birthday.

Tanggap na naman niya ang kapalaran niya pero nakatakdang magbabago ang lahat sa pagtapak niya sa Isla del Amor, kung saan niya makikilala si Ryan Guevarra, isang surfer instructor.

Several times of encounter and they are about to feel like it is meant to be. They will hangout, just the two of them, until her family finds out about her whirlwind romance with a man she barely knew. On her last day in the island, Ryan breaks her heart when he didn't show up to at least bid farewell to her.

Millie's life will be far from the very life she hoped she would have because the Ram she wished to be an evil rich guy actually turned out to be one hell of a very good man inside out... And that’s her problem. Paano na ang plano niyang pagtakas sa bagong asawa kung hindi naman siya nito binibigyan ng dahilan para hiwalayan ito?

Lalo pang gugulo ang mundo niya sa muling pagsulpot ni Ryan tatlong taon matapos ang kaniyang kasal… na sa pagkakataong iyon ay may ibang agenda sa pagpunta sa kanilang hacienda... a revenge that should have taken place years ago.

Ngunit paano kung ang pagkakamaling sanhi ng kapusukan niya at pagmamahal sa unang lalaking nagpatibok sa puso niya ay magbunga? Piliin niya kaya ang karangalan ng kanilang pamilya o ang pag-ibig sa lalaking ngayon ay inaangkin na siya mula sa asawa niya?

This is a story of family, love, lust, betrayal, greed, an internal conflict between right and wrong.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NAKANGANGA pa rin si Millie sa madilim na kalawakan kahit ganap nang naglaho ang bulalakaw na kanina lang ay itinuro sa kaniya ng mommy niya. “Did you make a wish, honey?” tanong ng kaniyang ina pagkabaling nito sa kaniya pagkuwa’y buong pagsuyong hinagod ang buhok niya. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng kuwarto niya na nasa pinakamataas na bahagi ng mansyon. Nakaupo ang mommy niya sa Bermuda grass na pinasadya pa ng daddy niya na ipatanim doon, habang siya naman ay nakaunan sa hita nito. “Yes, mom!” excited niyang sambit bago siya bumangon at umayos ng upo pagdaka’y hinarap ang kaniyang ina na buong pagmamahal na nakatingin lang sa kaniya. “Ooppsss… don’t tell me. Otherwise, it will not come true,” pigil kaagad nito sa kaniya nang akmang sasabihin niya sana rito ang hiniling niya. Ngumuso siya saka muling tumingala. “If it will not come true, I will never believe in miracles anymore!” bulong niya at saka tumingin sa mommy niya na noon ay kababakasan ng lungkot ang mga mata bagama’t nakangiti ang mga labi nito. “Come here, honey,” yaya sa kaniya ng kaniyang mommy saka siya iginiyang muling umunan sa hita nito habang puno ng pagmamahal siyang pinagmamasdan. Her mother, Mel, is and will always be, the most beautiful and elegant woman she knows. Itinaas niya ang isang kamay niya at dinama ng hintuturo niya ang manipis nitong kilay bago iyon pinagapang sa humpak nitong pisngi saka pinadausdos sa mapusyaw at bitak-bitak nitong mga labi. Matamis siyang ngumiti rito at saka ito pinangunutan ng ilong. “Mom, you are so pretty!” puri niya rito na nakapagpatawa rito na dagli rin nitong pinigilan nang sunod-sunod ang naging pag-ubo nito. Nag-aalala siyang bumangon at saka hinagod ang likod ng ina na hindi pa rin mapuknat ang pagdalahit ng ubo. “Mom, here, drink this,” alok niya rito sabay lapit sa nanginginig na labi nito ng isang basong tubig na kanina ay nakapatong sa lamesang bakal. Kinagat niya ang mga labi niya para pigilan ang pag-igik nang maramdaman niya ang halos buto’t balat na kamay ng mommy niya nang humawak ito sa kamay niya para hawakan ang baso na tangan niya. Mabilis niyang pinunasan ang labi nito saka ito sinipat nang mataman. Tumigil na ang pag-ubo nito at muli ay isang ngiti ang pinakawalan nito sa kaniya. “Are you sure you’re all right, mom?” naninigurong tanong niya sa ina. Tumango naman ito at saka ikinunot ang ilong tulad ng ginawa niya kanina. Iyon ang gesture na namana niya sa mommy niya. “Tomorrow, you’re gonna be sixteen. I am so excited to see you in your cocktail gown looking like a princess while dancing with your gorgeous prince,” pahayag nito saka hinaplos ang pisngi niya. “Mom, can we just skip the party? I just wanna spend my whole birthday with you and dad instead,” muling pakiusap niya sa ina saka yumakap dito. Her mother caressed her hair and released a deep sigh. She doesn’t want to look at her mother at that moment because it will just break her heart. She knows that her mother is just holding back her tears because of her. She can feel it by the way her mother breathes… and it is not easy for a person whose life is already numbered because of lung cancer. Her mother cleared her throat after a few seconds then replied while still caressing her hair. “There is no turning back, honey, since we already received the RSVPs.” Nagpakawala siya ng hininga at saka marahang kumalas sa pagkakayap sa ina. “Fine, mom. But after eight, we’ll come back here in my room, and we’ll rest, okay?” pagsang-ayon at kondisyon niya na nginitian at tinanguan na lamang nito. “By the way…” hinagod nito ang kamay niya saka siya tinitigang maigi. “Always remember to use your heart and your guts in everything, okay? Sometimes, our brain is so devious that it ruins our happiness most of the time…” Pinangunutan niya lang ito ng noo ngunit napilitan din siyang tumango nang panlakihan siya nito ng mata. “Okay, okay, mom!” pagsuko niya. “Let’s go inside, it’s getting cold out here,” yaya niya rito at saka siya tumayo at inalalayan ang mommy niya na maglakad patungo sa nakabukas na glass door ng silid niya. Hindi pa man niya ganap na naihahatid ang ina para makaupo sa kama niya ay bumukas na ang pintuan ng silid niya at iniluwa ang daddy niya na noon ay may dalang isang tray. May laman iyong dalawang baso ng maligamgam na gatas, isang baso ng tubig at ilang gamot na nakatakdang inumin ng mommy niya. “Kumusta ang queen at princess ko?” nakangiting bungad ng daddy niya sa kanila na mabilis na ibinaba ang dalang tray sa may bed side table at saka kaagad na umalalay sa mommy niya pagkakita sa kanila. “Hmmm, amoy araw ka!” reklamong-lambing naman ng mommy niya sa daddy niya na tinawanan lang nila ng kaniyang ama. “Pogi naman!” ganting-biro ng daddy niya at saka iginiya paupo at pasandal sa head board ang asawa bago ito hinalikan sa ituktok ng ulo nito na balot ng kulay kahel na chemo cap. “Ano’ng nangyari dito?” nag-aalalang tanong ng mommy niya nang makita ang braso ng daddy niya na may plaster. “Wala ‘to,” balewalang sagot naman ng daddy niya at saka iniiwas ang kamay. Kinuha nito ang tray na nasa may bed side table at saka iyon inilagay sa pagitan ng hita ng mommy niya. “Inumin mo na ‘to bago lumamig,” utos pa nito bago inilapit ang baso ng gatas sa labi ng mommy niya. Tumalikod na siya para sana pumasok sa banyo niya nang bigla niyang marinig ang muling pagdalahit ng ubo ng mommy niya kasunod ng pagbagsak ng mga basong nasa tray nang hindi nito kaagad na-control ang mga kamay sa paghawak sa daddy niya. “M-Mom!” tawag niya rito pagkalapit niya sa mga ito. “M-Mel, breathe… breathe… just breathe…” pilit na pagpapakalma ng daddy niya sa mommy niya habang hinahagod ang likod ng asawa. Nanlaki kaagad ang mga mata niya nang makita ang dugong lumabas sa bibig nito. Pakiramdam niya ay tumigil ang pag-inog ng mundo niya sa nasaksihan at hindi siya makagalaw. “G-Go! G-Go!” Kahit nahihirapan ay sambit at pagtataboy ng mommy niya sa kaniya. Hindi na nito napigilan pa ang pag-iyak sa harap niya, marahil ay dahil sa pinagsama-samang panghihina, sakit, at pagkabigo na manatiling maging matatag sa harap niya. “Baby… j-just b-breathe, please…” nangingiyak na ring sambit ng daddy niya habang ang isang kamay ay abala sa paghagod sa likod ng mommy niya at ang isa naman ay abala sa paghahanap ng numero ng Tita Dulce niya, ang best friend at doktor ng mommy niya. “G-Go… a-a-away…” muling pagtataboy ng mommy niya sa kaniya habang ang kamay ay marahang iwinawagayway. Alam niyang hangga’t maaari ay ayaw nitong makita niya ang paghihirap nito. Muli itong umubo nang dugo at sa pagkakataong iyon ay natauhan na siya.  Nagsimula na siyang mag-panic at mapatili. “M-Mommy! Mommy!” umiiyak na tawag niya rito nang tumaas-baba na nang malalim ang dibdib nito at hirap na hirap na ginagap ang kamay ng daddy niya. Hindi na magkamayaw ang luha nito mula sa mariing pagkakapikit ng mga mata nito. “H-Hello… Dulce… I-I need you to come here… Mel, s-she’s… oh, God… I-I don’t know what to do… y-yeah… now… please…” pagkausap ng daddy niya sa Tita Dulce niya. Pinahid ng daddy niya ang luha sa mata nito at saka pilit na humihinahon na humarap sa kaniya matapos nitong humugot nang malalim na hininga. “Millie, honey…” Lumunok ito at saka hinawakan ang baba niya para tumingin siya rito dahil ang buong atensyon niya ay nasa mommy pa rin niya na hindi pa rin magkandatuto sa pag-ubo sa mga sandaling iyon. “H-Honey… go downstairs and call your lolo, okay?” anito habang nakangiti nang pilit para siguro pakalmahin siya. Mariin siyang umiling. “No, dad. I don’t wanna leave mom,” tanggi niya at saka pilit dinaluhan ang mommy niya nang muli itong umubo nang matindi at saka sunod-sunod na sumuka ng dugo. “Mommy! Mommy ko! Oh, my God!” natatarantang sigaw niya saka nag-aalalang niyakap ang mommy niya. “Daddy, let’s go to the hospital now! We need to send her to the hospital, please!” pakiusap niya habang tumatangis at hinahagod ang likod ng ina habang mahigpit na nakayap rito. Ramdam niya ang maganit na paghigit ng hininga ng kaniyang ina. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at nauubusan na ng lakas. “Hello, Dulce… we’re going to the hospital now. S-She’s bleeding… oh, my God, s-she’s bleeding!” Bakas na rin sa boses at mukha ng daddy niya ang labis na pagkabahala. Yumakap na rin ito sa mommy niya nang kumawala siya para kumuha ng towel. “Mel… baby… hang on…” wika ng daddy niya nang bigla ay mumuntikanan nang mabuwal ang mommy niya mula sa pagkakayakap ng daddy niya. Natatarantang itiniklop ng daddy niya ang mga tuhod habang titig na titig sa mommy niya na noon ay bigla nang lumupaypay at nawalan na nang malay. “No… no… no… no!!!” sigaw ng daddy niya at saka inalog ang balikat ng mommy niya. “Baby… wake up… no… please… God, no!” umiiyak na wika ng daddy niya habang siya naman ay patuloy sa pag-iyak at pagtawag sa kaniyang ina. Noon niya lang nakita ang labis na takot sa mukha ng daddy niya kaya naman labis din ang pag-akyat ng takot sa dibdib niya. Mabilis na binuhat ng daddy niya ang mommy niya at nagmamadaling bumaba ng hagdan habang siya naman ay nakasunod sa mga ito habang maagap na pinupunasan ang duguang damit at mukha ng kaniyang ina. “Mommy… mommy… please, wake up, please…” humihikbing sambit niya. And her mother did. But only to say goodbye to her and her father while they were on the way to the hospital. The doctors tried to revive her mother but to no avail. She cried her heart out that night. She went to the chapel inside the hospital and prayed. She literally begged God to bring back her mother to life again. Even if it’s just for a day... just like her wish on that falling star. Just let her mother live again even on her birthday! But God didn’t listen to her. The night before her sixteenth birthday, God took her mom from her and from her father without mercy. And her heart broke into million pieces when she saw her father wailed to his heart’s content because of severe grief that his grandfather asked the doctors to give him sedatives to calm him down. “Mom... mommy... please, gising ka na d’yan,” namamaos niyang sambit saka hinaplos ang malamig na pisngi ng mommy niya. She bit her lower lip, but it was too late to suppress her cry. “Y-You should hug and kiss me now. I’m finally sixteen!” she whimpered as she held her mother’s cold hands as soon as the clock struck midnight.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook