bc

Wild Nights 1: Don't Give Me Love

book_age18+
15.1K
FOLLOW
83.2K
READ
billionaire
possessive
sex
one-night stand
family
dominant
drama
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Sahara sa isang magulong pamilya. Ang Papa niya na isang Congressman ay maraming ilegal na gawain at matagal nang hiwalay sa Mama niya na pinaghihinalaan niyang may kalaguyo naman ng isang binatang halos sampung taong mas bata dito.

Matteo Buencamino. Isang dating member ng Philippine Navy na ngayon ay mayroon ng maliit na security agency at isa pang bagong negosyo. Hinihinala niyang galing lahat ng pera nito sa Mommy niya kaya ito nakapagpatayo ng isang mini-condo na malapit sa opisina ng binata.

In her course to ruin Matteo's relationship with her mother, Sahara finds herself seducing him in a club while she and her friends were having a 'wild dare'. Patapos na sila sa kolehiyo at isang kaibigan ang nagsuhestyon na makikipagkilala sila sa sa sinumang matipuhan sa club na iyon.

Sahara's eyes looked intently on the man across their table having his 'me' time, dahil kanina pa iyon naroon pero nanatiling mag-isa matapos ang mahigit isang oras. Tall, dark, and dangerously handsome; hindi na nakapagtataka na hindi ito maiwan ng Mama niya. Pero sa kabila ng malakas na atraksyong dulot nito, buhay na buhay sa dibdib niya ang galit dahil sa pakikipagrelasyon nito sa Mommy niya.

Paano kung pagkatapos ng gabing 'yun ay masundan pa ng isa? Kaya ba niyang panindigan na paghihiganti ang pakay niya kung bawat araw na kapiling niya ito'y may natutuklasan siya sa totoong pagkatao ni Matteo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lulan ng White Porsche 911 si Sahara nang baybayin niya ang daan patungo sa Eastwood mula sa bahay nila sa Casa Milan sa Fairview Quezon City. Alam niyang kagagalitan na naman siya ng Daddy niya kapag umalis siya nang walang paalam at gamit pa ang mamahaling kotse na naka-park sa garahe nila. But she didn't care. Sawa na siya sa pangmamanipula ng Daddy niya sa buhay niya maliit pa lang siya. Ang Mommy naman niya ay sunud-sunuran lang din sa kung ano ang ididikta ng ama. Kung mayroon man siyang gustong ipagpasalamat ay hindi rin siya kinokontra ng ina kapag may lakad siya kasama ang mga kaibigan tulad ngayon. Dahil Sabado noong araw na 'yun ay inabot siya ng katakot-takot na traffic. Halos alas dies na siyang nakarating sa Zen Club kung saan makikipagkita siya sa mga kaibigan. Isang linggo na matapos ang graduation ceremony nila at nagkayayaan silang magkita-kita dahil bored daw sa bahay si Ariella. Well, siguro'y halos lahat naman sila ay nakaramdam na ng boredom dahil sanay silang magkakasama sa campus at sa labas ng campus noong may klase pa sila. Kahit magkakaiba sila ng kurso ay naging malapit silang magkakaibigan na hindi rin niya alam kung bakit. Maybe despite the contrasting personalities, they jive because of one common denominator -- they all have issues with their families in one way or another. Anim silang magkakaibigan mula pa noong tumuntong sila sa second year college sa Princeton University. Ang una niyang naging kaibigan ay si Heather nang pareho silang ipatawag sa office ng guidance councilor matapos makipag-away sa mga mean girls ng university. Then Heather was Maxine's constant companion and so on and so forth. Hanggang isang araw ay lagi na lang silang magkakasamang anim sa loob ng campus. Si Heather Arellano na nagtapos ng Interior Design ay anak ng isang Dean sa unibersidad na 'yun; si Maxine Dela Vega, na mas madalas na tawaging nerd dahil sa pagsusuot ng makapal na salamin at makalumang kasuotan ay nagtapos ng BS Education; si Carly Randall na nagpakadalubhasa naman sa Fashion Design; si Ariella Trinity Vizconde, ay nagtapos ng BS Mass Communication; at si Biatrez Toralba na nagtapos naman ng kursong Fine Arts. Ang pang-anim? Siya si Sahara del Rio. Nagtapos siya ng Business Management sa kabila ng pagtutol ng ama na si Congressman Ferdinand del Rio. Her father wants her to be a lawyer. Pinipilit nitong maging katulad siya nito na hindi niya gusto kahit kailan. Gusto rin siya nitong sumabak sa pulitika pero wala talaga sa puso niya ang magulong mundo ng politics. And they argue about it over and over again. Ngayong tapos na siya sa college ay pinipilit siya ng ama na mag-enroll na sa College of Law kaya madalas niya itong iwasan. Isa pa sa option ng ama ay ang gawin siyang CEO sa Del Rio Manufaturing Corp. na isa ring hindi niya gusto. But then, she doesn't have much choices in life. Nag-iisa lang naman siyang anak ng mga magulang niya. She hated the idea. Ang totoo'y hindi pa siya handa sa anumang responsibilidad lalo na ang pamahalaan ng isang kumpanyang pag-aari ng ama. Sa ngayon ay gusto niya munang mag-party kasama ng mga kaibigan. Pero pagkatapos ng gabing ito ay kailangan na nilang harapin ang totoong hamon ng mundo. Kagabi ay kinausap na siya ng Daddy niya na kung hindi siya tutuloy sa pag-aaral ng law ay siya na ang mamamahala sa Del Rio Manufacturing Corp., a food manufacturing with more than one thousand employees. Nang marating ang Zen Club sa Eastwood ay ipinark niya ang sasakyan sa VIP parking ng club. Pag-aari 'yun ng mga Albano na kaibigan rin ng Daddy niya at kasosyo sa ilang negosyo. Matapos igala ang mata sa loob ay nakita niya ang mga kaibigan sa pang-animang mesa na nagsisimula nang uminom. "As usual, you're late again!" malakas na wika ni Heather na pinakamatanda sa kanilang anim. "Hinintay ko munang umalis si Dad para magamit ko ang kotse," paliwanag niya. "Mukhang hindi naman ako ang pinaka-late sa atin. Where's Biatrez?" "Wala nang bago kay Bia. Lagi namang late 'yun. Let's enjoy the night, before we know it nasa likod na natin siya," biro naman ni Carly. "Buti pinayagan ka ng Mommy mo?" tanong ni Maxine na katabi niya sa upuan. Marami nang tao sa club dahil weekend at sadyang kilala ang club na ito na puntahan ng maraming kabataan. "Alam mo naman si Mommy, kapag nakita niyang hindi ako papipigil, wala na rin siyang magawa." "Pero tiyak na kagagalitan ka na naman ng Daddy mo bukas," wika pa rin ni Maxine. "Sanay na ako. At least nag-enjoy ako ngayong gabi, hindi ba? Hindi ko rin naman kayo matiis na hindi puntahan." Kung spoiled s'ya sa Daddy niya noong bata, ang Mommy naman n'ya ang disciplinarian. Madalas nitong kontrahin ang mga luho n'ya dahil hindi naman daw mahalaga ang materyal na bagay. Lumaki tuloy siyang mas malapit sa Daddy n'ya kung ikukumpara sa Mommy n'ya. 'Yun nga lang, ang Daddy n'ya ngayon ang gusto namang kontrolin ang buhay n'ya dahil gusto nito na sumunod s'ya sa yapak nito. Ngayon ay mas nagkakasundo sila ng ina pero may isang bagay lang s'yang ikinasasama ng loob dito. Ang pakikipagkita sa lalaking hinihinala niyang karelasyon ng Mommy niya. "Cheers!" Malakas namang wika ni Carly hawak ang shotglass ng tequila. Kinuha niya ang isa at itinaas din sa ere bago nilagok nang mabilisan. Aware siya sa presensiya ng isang lalaki na kanina pa nakatingin pero pilit niyang iniiwas ang mga mata. Umahon din kaagad ang inis sa dibdib niya. "Nandito na pala si Biatrez, kawayan niyo baka kung saang sulok na naman 'yan umupo imbes na sumama sa 'tin," ani Ariella. "At long last! Nakumpleto ulit tayo." Umupo si Biatrez sa space na inilaan ni Maxine. "Baka naman hindi mo inumin 'yang nasa baso mo?" sita niya kay Maxine na hindi pa yata dinala man lang sa labi ang shotglass. "What do you expect? Maxine doesn't drink nor smoke. Miss prim and proper 'yan," natatawang wika naman ni Heather. "Oh, c'mon... Graduate na tayo. Enjoy life and enjoy the drinks. Hindi mo 'yan ikamamatay noh," wika niya sa kaibigan. Napilitan naman itong lumagok kahit kaunti. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo silang nagkakasayahan. Si Heather na unang nalasing sa lahat ay nakailang sayaw na sa dance floor kasama ang mga nagpapakilalang kabinataan doon. She remained seated though. Panaka-nakang sumusulyap sa particular na lalaking kanina pa rin nakatitig sa kanya. Gusto niya itong lapitan at ipamukha ang galit n'ya sa lalaki pero baka magulat ito kung bakit n'ya ito kilala. He could also deny his affair with her mother. Magmumukha lang s'yang katawa-tawa. Kailangan niyang makagawa ng ibang paraan kung paano ito malalapitan. Hindi maikakaila na malakas din ang dating n'ya sa kalalakihan. At kung ang pagbabasehan ay ang kanina pa pagtitig sa kanya gayung anim naman silang nasa mesa, malamang sa malamang, attracted din ito sa kanya. "Nandito pala si Lucas, Maxine!" narinig niyang wika ni Carly sa kaibigan. Si Lucas ang ultimate crush nito, ang kaso hindi man lang ito pinapansin ng lalaking 'yun. "Landiin mo kaya? This is your chance, girl" suhestyon ni Ariella na ikinatawa nila. "Si Maxine pa ba ang aasahan mo d'yan? Baka si Sahara puwede pang lumandi ng lalaki dito," naiiling na wika ni Carly. Sa kanilang anim, sila ni Heather ang malakas ang loob at mas may self-confidence ika nga. "Go, Maxine!" pambubuyo naman n'ya sa kaibigan. "Ikaw rin Ate Heat, akala mo ba hindi namin napapansin na kanina ka pa napapasulyap sa estrangherong 'yun?" "Wow, ako lang ba?" sagot ni Heather. "E ang lalaking 'yun? Don't tell me you're not attracted with him." Gusto niyang salungatin ang sinabi nito pero mahirap i-deny. Sa kabila nang pagkamuhi niya sa lalaki, hindi maitatanggi ang matinding atraksyong dulot nito. "Let's do some dare!" suhestyon niya habang nakaabang ang ilang kaibigan sa susunod n'yang sasabihin maliban kay Maxine. "Ayoko nga," agad nitong tanggi. "Ang KJ mo! For fun lang naman 'to. Sige na!" pilit n'ya. "Ano 'yung dare?!" tila inis nitong tanong. "E di lalapitan mo si Lucas at lalandiin mo," agad niyang sagot. "Tapos ikaw? 'Yung lalaking 'yun?" tila hamon naman ni Heather sa kanya. "Wait, para saan naman 'to?" inis ring tanong ni Bia na hindi rin pabor sa suhestyon n'ya. "C'mon... ni isa sa 'tin walang boyfriend, wala namang magagalit sa 'tin. A little kiss on the cheek won't hurt us. Ang boring ng mga lovelife natin," katwiran pa n'ya. "Sige! Call ako d'yan. So, kanya-kanyang diskarte na tayo gano'n ba?" mabilis namang pagpayag ni Heather. "Hay naku, ayoko. Uuwi na lang ako dahil ala una na ng madaling-araw." Tatayo na si Maxine nang mabilis nilang napigilan. "Okay, sige. Sinuman ang aayaw, aakyat sa stage na 'yun at kakanta muna. Kaya mo?" hamon pa rin n'ya sa kaibigan. "Ayokong kumanta. Lalapitan ko na lang si Pierho," natatawang wika ni Bia. Nang magkasundo silang lahat na gagawin ang dare na makikipagkilala sa lalaking magustuhan ay isa-isa nang nag-alisan ang mga kaibigan. Hindi n'ya alam kung tinotoo ng iba ang dare o umuwi na. Napapikit si Sahara sandali dahil lasing na siyang talaga . But if there's one man she wants to hit tonight it would be that man whose eyes never left hers. Matteo Bernardino. Iyon ang lalaking ilang beses niya nang nakita na kinakatagpo ng Mommy niya. If she got her facts right, the man was in his thirties. Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Hitting another rich woman again? Hindi pa ba sapat ang binibigay ng Mommy niya? Sa naghahalong kaba at antisipasyon, hindi niya namalayang nag-iisa na lang siya sa mesang iyon. Sa dami ng tao sa club, hindi niya matanaw isa man sa mga kaibigan niya. Tumayo siya para hanapin muli ang mga kaibigan nang makaramdam siya ng pagkahilo. Nasobrahan yata siya ng inom. Nang may lumapit na isang lalaki para magpakilala ay may kamay na kumawit sa baywang niya. "She's my date," wika ng lalaki na may baritonong boses. Bukod sa matipunong braso na halos yumakap na sa kanya para ilayo siya sa nagpapakilalang lalaki, sumisiksik sa ilong niya ang panlalaking pabango nito na dumadagdag sa atraksyon nitong taglay. She could tell that this man was dangerous. "Okay ka lang ba?" Kanina pa siya natutulala sa presensya nito. Muli siyang umupo habang pilit isinisiksik sa isip na hindi niya ito dapat patulan. Kalaguyo ito ng Mommy niya at isa itong manggagamit. "I'm fine..." "Ihahatid na kita. I am sure you can't drive anymore," suhestyon nito na kinuha ang purse niya sa mesa. "Wait..." Huminto ito at lumingon sa kanya. Nang hindi na siya nagsalita ay bumalik ito sa tabi niya at itinukod ang dalawang kamay sa mesa. "You need to go home, love..." halos paanas nitong wika. Napatingala naman siya sa endearment na ginamit nito. She cleared her throat to gain her composure. Sadya bang ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya o lasing lang talaga siya? Tila ba gusto niyang paglandasin ang kamay sa matipuno nitong dibdib na napapatungan ng masikip na t-shirt. Kahit ang adam's apple nito na tumataas-baba kapag lumulunok ito'y tila mapang-akit sa paningin niya. Ipinilig niyng muli ang ulo para huwag ipahiya ang sarili sa harap ng lalaking ito. "Ayaw ko pang umuwi. Hindi rin ako pagbubuksan sa amin dahil hatinggabi na." Napakunot ang noo ng lalaki sabay nang paghugot ng malalim na hininga. "So, what do you suggest?" nagsalubong na ang mga kilay nito. "How about... spend the night with me?" lakas loob niyang tanong. Kung malalaman ng mga magulang niya ang pinaggagawa niya ngayon ay hindi na siya tiyak makakalabas pa ng bahay. "Lasing ka na, iuuwi na kita sa inyo," matigas na wika nito. "No! Kung ayaw mo'y iba na lang ang tatanungin ko!" Pagtayo niya ay agad siya nitong nakabig pabalik. At dahil hindi niya inaasahan 'yun ay napayakap siya sa binata para huwag mawalan ng panimbang. Tumataas-baba naman ang dibdib ni Matteo sa kung anong kadahilanan. "You want to play fire, young woman..." "I am not young anymore! I can do what I want now!" "Like what?" "Like... kiss a stranger?" nakangiti niyang sagot para inisin ito. "Nasaan ang pamantayang moral mo?!" wika nito sa pagalit na tono. Hawak pa rin nito ang baywang niya at ramdam niya ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito! "Wala na tayo sa makalumang panahon!" "I don't care! You are not a promiscuous woman, Sahara del Rio!" "How did you know my name?" agad niyanv naitanong. Though she knew who this man was, hindi niya alam na kilala pala siya nito. Sandali naman itong natilihan bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "You are one rich and famous Congressman's daughter, young lady. Sino ang hindi makakakilala sa 'yo? I wonder what you're doing here in the dark and why do you want to kiss someone at this moment. Ganyan mo bang paglaruan ang mga lalaki?" She wanted to laugh. Siya ang maglalaro? Baka siya ang pinaglaruan? She fell in love once, pero niloko lang siya dahil nalaman niyang may iba itong babae. Mula noon ay inilayo na niya ang sarili sa mga manlolokong tulad ng ex-boyfriend niya. "Bakit ka ba nakikialam sa 'kin? Why don't you just kiss me until I run out of breathe!" Muli siyang naglakas-loob. "You will regret it later, love... Don't push a man to his limit --" Tinapos niya ang anumang sasabihin nito nang siya ang mismong humalik sa binata. It was a gamble she had to take. Wala na siyang ibang maisip pa na maaaring lapitan sa club na 'yun. Isa pa, gusto rin niyang malaman kung ano ang kinahuhumalingan ng Mommy niya sa lalaking ito. "Don't act as if you're superior to me," bulong nito sa kanya saka muling inangkin ang mga labi niya sa marahas na paraan. Gusto niyang maeskandalo sa paraan ng paghalik nito na ikiniwal pa ang dila sa loob ng bibig niya. Sa kabila nang pagkapahiya ay hindi maitatanggi na nadadala na siya sa mga halik nito. Naikawit niya ang mga braso sa leeg ng binata at kanina pa rin siya tumutugon sa paghalik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook