bc

Confidently Beautiful

book_age16+
5.6K
FOLLOW
13.2K
READ
friends to lovers
confident
inspirational
comedy
bxg
humorous
campus
chubby
like
intro-logo
Blurb

Hoy baboy.

Tabatchoy.

Piggy, oinky.

Itawag na sa akin lahat.

WALA AKONG PAKI!

Spell that out!

E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way!

Ako si Diozza.

Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan.

Diyosa ng kakapalan ng mukha!

I'm confidently beautiful. So walang kokontra!

Samahan niyo ako sa aking mundo. At ang paghahanap ko sa magiging prince charming ko.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
100 kilos! Mabigat na raw iyon. Panghandaan na. Baboy, pero huwag ka, 38-32-40. Sexy at maganda ang kurba. Malaman lang ako pero hindi ako baboy gaya ng sinasabi ng iba riyan na inggit sa ganda ko. I'm Pretty Diozza Gonzales. Kaya call me Diozza, para diyosang-diyosa. Sabi kasi ng nanay ko na si Beauty Queen Gonzales, ako raw ang pinakamagandang sanggol noong ipinanganak ako. O, 'di ba! Iba rin ang nanay ko, magaling manghula kung gaano kaganda ang anak niya paglaki. Kanino ba naman ako magmamana, e 'di sa kanya. Heto ako ngayon, lumalamon habang nagmomovie marathon sa theater room sa bahay. Nakaharap ako sa isang malaking screen, nakataas ang isang paa sa upuan habang nagkakamay na nilalantakan ang grilled chicken. Hindi ako sinipot ng mga lukaret kong friends, kaya heto mag-isa akong kumakain sa mga pinahanda ko para sana sa kanila. Siguro nagma-man hunting na naman ang mga lukaret kong kaibigan. Sinubukan ko noon na sumama. Pero ayun, not worth it. Ang beauty ko ay hindi para sa mga lalaking walang breed. Pera-pera lang sila. Tapos may gana pang mamintas. Buti sana kung mga guwapo mukha naman mga adik o kaya parang galing sa preso. Hays!mas okay pa panoorin si Keanu Reeves na love ko. Hindi kasi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya. Minsan nga pino-pause ko para lang matitigan siya at siyempre, para mahalikan. I will tell you a secret, ay! naku kinikilig ako... Siya lang naman ang firts kiss ko. Ang yummy kaya ng lips niya. Yun lang flat at malamig! Hindi rin siya tumutugon. Pero okay lang, atleast siya ang nakakuha sa virgin kong lips. Maharot! Charot! Habang titig na titig ako sa malaking screen ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Lucresia, ang isa pang loka-lokang kaibigan ko. "Nabuhay ka?" Bungad ko sa kanya, pagkatapos kong ma-receive ang call niya. Pero infairness, namiss ko siya. Isang buwan kayang hindi siya nagparamdam sa akin. "Best, puwede tambay diyan?" Pauna niyang tanong habang parang may kausap ding iba sa kabilang linya. Wow, himala! Ano nakain nito at tatambay sa bahay? Oh well! "Tamang-tama may mga pinaluto akong pagkain," sagot ko habang ninanamnam pa ang pagkain sa bunganga ko. Yum-yum talaga. "Great! may alak?" Nabilaukan ako sa narinig sa kanya. "May malaki ka bang problema?" Uubo- ubong tanong ko. Nalunok ko yata pati buto ng grilled chicken. Mangiyak-ngiyak akong uminom ng tubig at muling pinagtuunan ng pansin ang kaibigan ko. Nagdududa na talaga ako sa pagkawala niya ng isang buwan noon e. "Loka, isasama ko yung pinsan kong broken hearted diyan. Painumin na lang natin diyan para hindi ko na i-baby sit sa mga club. Nakakapagod na e," mahabang paliwanag niya, may pabuntong hininga pa. Ang lakas kaya parang naihipan ng hangin ang teynga ko. And O great! So ako naman ba ang magbababy sit gan'on? "O, sige. Hintayin ko na lang kayo dito," kapagdaka'y pumayag ako. Wala naman akong ginagawa. Ibinilin ko sa mga katulong na maglagay ng inumin sa maliit na bar sa theater room. Pinahanda ko na rin sa kanila ang mga guestroom. Baka kasi doon na magpapalipas ng gabi si Cresh at pinsan nito. Naghintay lang ako ng tatlumpu't minuto ay dumating na sila. Halos lumuwa ang singkit kong mata nang makaharap ang pinsan ni Cresh. "s**t Cresh, yung sinapupunan ko nag-iinit," deklarasyon ko. Paano ba naman kasi, ang guwapo ng pinsan niya. Parang pinaghalong Piolo at Jericho. Tapos parang badboy ang dating kasi may hikaw sa kanang teynga. Clean cut ang buhok. Ang sarap nung labi niyang reddish. At mga beshie! ang yummy ng katawan na bakat sa suot na white t-shirt. Mas masarap siya kesa sa pinahanda kong pagkain. Natatakam tuloy ulit ako. Tinampal ako ni Cresh. Si Cresh na kasing tangkad ko, mas seksi nga lamang sa akin at mas maputi. Morena kasi ako mga beshie. Pero infairness magkapantay lang kami ng ganda ha! Curly hair lang siya, curly din ang pilik mata na parang sa baby doll, curly din siguro yung nasa baba niya pero huwag na nating pag usapan, hindi ko rin mai-describe dahil ayaw ipakita ng loka. Samantalang nakita na niya ang lahat sa akin noong naligo kami ng sabay. 'Di ba unfair! Sabagay, I'm very confident to show my body, not like her na nakasalawal na naligo kasama ko. "Halika na nga at nang maipakilala kita. Landi mo girl!" tatawa-tawa niyang saad saka ikinawit ang kamay sa binti ko ay este, braso pala. Buti na lang sexy ang suot ko ngayon. Naka pekpek short ako at hanging blouse. Mauumay kayo sa kaseksihan ko! Tamang-tama sa pang aakit ko sa gwapong pinsan ni Cresh. Joke lang, 'di naman talaga ako malandi. Way ko na lamang ito dahil NBSB ako. Kunwari na lang marami akong experience, okay? Isa pa, pwede naman sigurong maglandi ng kaunti 'di ba? Ang boring naman ng life ko kapag hindi. Hindi na rin naman uso ang Maria Clara effect sa panahong ito. Just be yourself and know what's right and wrong. Nasa iyo na kung mapunta ka sa masama. "Diozza, meet my cousin Adonis. Adonis si Diozza." "Nice to meet you," simpatikong bati niya sa akin, sabay lahad ng kamay. Siyempre sinunggaban ko agad. Inamoy ko ang kamay niya. Nagulat ata, hinila niya yung kamay niyang inamoy ko. Ang bango kaya, kaya lang magaspang pero keri na kasi barakong barako siya talaga sa tindig pa lang. "Sowri, ngayon lang kasi ako ulit nakaamoy ng ibang putahe e," maarte kong sabi sabay tuck ng kaunting hair sa aking ear. (Alex Gonzaga way yung may palabas ng dila) Napakunot noo ito sa inasal ko, umiling-iling pa na para bang may weird akong ginawa. Wala naman mga besh di ba? Ignore na nga lang ako. "Alam mo bagay tayo. Kasi si Adonis ka, diyosa naman ako." pagfli-flirt ko sa kanya. Hindi nga lang ako pinansin. Nairita yata kaya kinausap nito si Cresh. Agad lumapit sa akin si Cresh. "Pet, nasaan daw ang alak? Magpapakalunod na ata e," Nakangusong wika ni Cresh at pinasadahan ng tingin ang pinsan. Napangiti ako. Akala ko naman iignorahin na niya ang beauty ko. Pero itong si Lucrazy talaga, pet na naman ang tawag sa akin. Ano ako alagang baboy! Hahayaan ko siya ngayon. Alang-alang sa gwapo niyang pinsan! Nagsimula na kaming mag-inuman. Kahit anong gawin ko hindi talaga namamansin ang mokong. Yung buong atensiyon niya sa alak talaga. Ako naman napapangisi na lang. Dahil kung may alak, may balak mga beshie. "Bakit kayong mga babae, nakakita lang ng mas guwapo at mayaman, ipinapalit ninyo kami!" lasing na tirada ng guwapong si Adonis. Tinungga muli ang alak na nasa baso. "Hindi lahat boy, sa akin ka makikita mong iba ako sa girlush mo," sagot ko kahit pa alam kong hindi ako ang kausap. Hindi kasi siya nakatingin sa akin. Mas kausap pa niya yung basong nilalaro niya. Nagkatinginan kami ni Lucresia sa hindi niya pagpansin sa akin. Sige, pakipot pa. Mapapasa-akin ka lang din balang araw. Itaga mo yan sa matigas na ulo ni Lucrazy! Kinurot ko ang kaibigan kong tatawa-tawa. "Hindi ka niyan papansinin! Inlababo yan masyado. Hindi maka move on sa ex." napangiwi ako sa sinabi ni Cresh. "Langya oh...tapos kapag niloko tatakbo pabalik sa akin!" Lasing na talaga si Adonis my love. Nagkatawanan kami ni Cresh, kahit pa nga medyo naaawa na ako sa kalagayan ng pinsan niya. Ang guwapo naman kasi para iwanan. Sabagay sabi nga ni Cresh, may kaya ang babae, si Adonis ay hamak na nagcoconstruction para mabuhay ang sarili. Kaya siguro iniwanan dahil walang pera. Bigla akong nakaramdam na naiihi. Hindi naman kasi ako sanay uminom kaya ayun, yung pantog ko puno. Nagpaalam akong magbanyo muna. Pagbalik ko wala nang maingay. "Ay, tulog na si pogi?" Tumango lang si Cresh. Kitang kita na rin ang pamumungay ng mga mata niya. Inakay namin si Adonis papunta sa isang guest room. Ibinagsak namin siya sa kama. Hindi agad ako umalis. Siyempre may balak na ako ano. Itinaas ko ang t-shirt niya para mahubad. "Pet, anong ginagawa mo?" gulat na tanong sa akin ni Cresh. Nauna kasing lumabas e ,bumalik pa! "r**e-in ko na pinsan mo Cresh. Para wala ng kawala. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya tatakbuhan. Pananagutan ko siya ng buong puso!" deklarasyon ko. "Tumigil ka gaga!" sabi niya, sabay batok sa akin. "Pagkakataon ko na ito," giit ko at pinagpatuloy ang naunsiyaming pag tanggal sa damit ni Adonis. Bigla ay nahiga din si Cresh. Tapos ay humarap sa amin. Nakaside view siya at nakasuporta ang isang kamay sa kanyang ulo. "O siya, dito lang ako, manonood ng live show. Umpisahan mo na," tatawa-tawang saad niya Napalabi ako at seryoso siyang tinignan. "Ay wait lang...videohan ko. Para kung sakaling magdemanda pinsan ko,may pruweba na ginahasa mo." At winagayway nito ang cellphone. "Go na, Action!" Ibinato ko sa kanya ang damit na natanggal ko kay Adonis. Saka ko isinuot ang malaki kong t-shirt. Pero siyempre mga beshie, habang binababa ang t-shirt, dapat may pahaplos sa masarap na six packs na pandesal. Humagalpak siya ng tawa. Natawa na rin ako. Nahiga ako sa gitna nila. King size ang bed, so no worries kahit anong size ko kasya kaming tatlo. Yumakap ako sa tulog na tulog na si Adonis. Kahit itong pagkakataon lang na ito makatsansing man lang ako. Mahaplos ko man lang ulit yung six pack niyang pandesal. Sarap almusalin pero ayaw kong makulong. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at pinicturan ko si Adonis. Ang gwapo talaga.. Sinulyapan ko si Cresh, ayun naglalaway na sa himbing ng tulog. Nagselpie ako kasama ang tulog na si Adonis. Makatulog na nga rin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

Fight for my son's right

read
146.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K
bc

Broken Angel

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook