bc

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO -Completed

book_age12+
850
FOLLOW
2.4K
READ
love-triangle
second chance
friends to lovers
goodgirl
independent
heir/heiress
drama
bxg
secrets
servant
like
intro-logo
Blurb

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO

Written by: BLACKROSE

------'--,--'-,-{@

TEASER:

"Pinilit kong huwag kang mahalin! Kinontra ko ang damdamin ko para huwag akong mahulog sa'yo! Pero andito ka parin Kevin. Kahit iwasan kita, wala akong laban kasi ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para mahalin kita! Oo, inaamin ko na! I Love you Kevin Advincula kahit pa lupa lang ako sa paningin mo!"

Samantha Marie Diones. Isang butihing anak, kapatid at kaibigan. Lahat ay gagawin para sa pamilyang kanyang minamahal niya ng lubusan. Lahat ay kayang isakripisyo alang-alang sa mga mahal niya sa buhay.

Hirap man sa buhay ay pinilit niyang magpakatatag at mamuhay ng may dangal at prinsipyo. Huminto sa pag-aaral para makatulong sa mga magulang at para mapag-aral ang mga nakakabatang kapatid. Dahil narin sa determinasyon niyang makaahon sa buhay ay pinilit niyang kumayod para sa pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya ang isang taong magbibigay kulay sa ordinaryo niyang mundo na siya rin magiging daan sa isang sikretong matagal ng nailihim sa kanya.

Magkakaroon kaya ng katuparan ang mga panaginip niya? Magkakaroon pa ba ng pag-asang makaahon siya sa mundong kanyang ginagalawan? Magkakaroon ba siya ng happy ever after kahit na taliwas ang lahat ng nangyayari sa kanya?

-------,-'--,-{@

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Panaginip
I LOVE YOU, LUPA MAN AKO written by: Blackrose ------'-,-'-,--{@ Chapter 1 -Panaginip Nagniningning ang suot niyang black evening sabrina gown na naaadornohan ng mga mamahaling diamante habang dahan-dahan siyang bumababa sa elaganteng hagdan kung saan hindi lang iisang mata ang buong hangang na nakatingin sa kanya bagkus ay daan. Sa suot niya ngayon ay litaw na litaw ang angkin niyang kagandahan. Bagay sa kanya ang suot niya tonight dahil mas pumuti ang makinis niyang kutis at mas na-emphasize ang kanyang maganda kurba. "Wow! She is really so lovely!" hangang bigkas ng mga tao sa paligid na hindi maalis-alis ang tingin sa kanya. "Siya na ba ang nag-iisang tagapagmana ng mga Alcantara?" sambit naman ng isang nakapusturang babae na halatang nagulat at namangha sa nakikita ngayon sa kanyang harapan. Nilingon niya ang mga bisita sa paligid ng marating niya ang paanan ng hagdan. She felt satisfied for all the attention she is getting right now. Buong tamis siyang ngumiti sa mga taong lumalapit sa kanya habang inabot sa mga bulaklak. "Thank you so very much. Thank you for everyone who've shared this wonderful night with me tonight. I am very much thankful to my parents, my ever-loving parents who never left my side every single day. I love you Daddy and Mommy. This magnificent night won't be this great without the you both of you. I love you both so much." I look at my parents na nakatayo sa may gilid but since dito lang sa kinatatayuan niya ang spot light, dim light na sa lahat ng palagid kaya hindi masyadong makita ang mga mukha nila. "And also I want to grab this opportunity to thank my ever-loving and ever-faithful boyfriend. Thank you for being loyal to me all throughout these years, you don't know how lucky I am to have you as the love of my life. You make me complete sweetheart, thank you so much." mula sa malayo ay tanaw niyang kumakaway sa kanya. Habang nagpasalamat siya sa mga dumalo sa celebration at nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan at kakilala ay nagulat na lang ang lahat ng may biglang.... "ANAK! SAM! Sam! Anong oras na!!!" isang malakas na kalabog sa pinto ang nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakatulog ko. "Shit." ang unang salitang nasambit ko. Nananaginip lang pala ulit ako. Nanaginip na naman ako. Akala ko ay totoo na ang lahat, akala ko ay nandun talaga ako sa okasyon na yun. Akala ko ay ako ulit ang babaeng yun. Dali-dali akong bumangon dahil kabisado ko na ang nanay ko, kapag ganyan na malakas na ang kalabog niya sa may pinto ng kwarto ko. Ibig lang sabihin noon ay sa susunod na sigaw niya ay pihadong mas malakas ang sigaw niya at isang mahaba-habang litanya na naman na daig pa ang sermon ng pari sa misa ang bubungad sa'kin pagkalabas na pagkalabas ko. "Eto na po 'nay! Nakabangon na po! Mag-iimis lang ng higaan.' Palagi na lang akong nananaginip ng ganon, minsan nga ilan beses sa isang linggo. Na nasa sa isang napakalaking mansion daw ako na hindi ko alam kung saan, na isa akong prinsesa na tinitingala ng lahat tapos may boyfriend daw ako na sobrang mahal na mahal ako at palagi akong sinasabihan ng salitang 'You Complete Me'. Bakit kaya ganon? Ano kaya ang ibig sabihin ng mga panaginip kong yun? Bakit parang magkakadugtong ang mga panaginip ko na parang teleserye sa pang-hapon palabas sa TV. Ako nga pala si Samantha Marie Diones. 'Sam' ang nickname ko. Panganay ako sa limang magkakapatid. 20 years old na ako at maaga akong namulat sa responsibilidad dahil narin sa kahirapan ng buhay namin. Ang nanay ko ay nagsa-sideline lamang sa kalapit na pabrika dito sa amin na gawaan ng candy. Taga balot siya ng candy doon at kung minsan ay taga hulma. Ang tatay ko naman na kasalukuyan may sakit ngayon dahil sa inabot na naman ng ulan noong nagdaan gabi ay isang pedicab driver. Nanlalabasan lang siya ng pedicab, kung minsan naman kapag sinuswerte ay nakakapamasada siya ng tricycle ng kumpare niya. Ang apat ko pang mga kapatid ay pawang mga nasa high school at elementarya pa lamang. 3rd year High school lang ang narating ko dahil sa gipit kami at dahil narin sa kakulangan ng pondo namin. Ako na ang nagparaya para makapag-aral ang mga kapatid ko, dahil hindi pa naman nila kayang kumayod hindi kagaya ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang serbedora sa isang canteen na malapit sa isang university. Matagal na akong namamasukan sa canteen, mula pa noong huminto ako sa pag-aaral ko ay doon na ako namasukan. Ang kinikita ko doon ay pinangtutulong ko kila nanay at tatay para narin pandagdag sa mga gastusin dito sa bahay at sa mga kailangan ng mga kapatid ko sa eskwela. Simple lang ang buhay na gusto ko pero syempre kahit na ganoon ay may pangarap parin naman ako sa buhay. Ang pangarap ko ay yung katulad sa madalas na napapanaginipan ko... Na mayaman ako. Para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko, para hindi na kailangan pang magtrabaho ng mga magulang ko at para hindi na kami kinakapos sa pagkain sa araw-araw at may matinong baon ang mga kapatid ko. Ako ang klase ng taong hindi reklamador o mapaghanap ng mga materyal na bagay. Kung ano lang ang binigay sa akin ay yun lang ang tinatanggap ko ng may pasasalamat sa Diyos. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay may taong tutulong sa akin para makamit ko ang mga pangarap ko at makaahon ako at ang pamilya ko sa kahirapan. Nahihirapan rin akong makitang nahihirapan na ang mga magulang ko kaya nga kahit na sinabi nilang ituloy ko ang pag-aaral ko dahil sayang daw at isang taon na lang ay graduating na ako saka kahit pa gustong-gusto ko na mapagtapos rin ay hindi ko na muna tinuloy pansamantala. Gusto kong makatulong kila nanay at tatay, kaya nga todo ang pagsisipag ko sa trabaho at bihira lang rin ako mag-day off dahil nanghihinayang ako sa isang araw na mawawala sa sweldo ko. Dali-dali akong gumayak. Nagdasal muna ako sa kwarto ko bago pa ako lumabas. "Good morning!" maligayang bati ko sa lahat pagpasok ko ng St. Matthew's Extension. Yan ang pangalan ng canteen kung saan ako namamasukan. "Anong meron sa morning at mukhang maganda na naman ang gising mo Sam?" si Julia ang nagtanong. Siya ang panaka-bff ko sa trabaho. "Siguro nanaginip ka na naman ano?!" Alam ni Julia ang kwento sa panaginip ko, palagi ko kasing nakukwento sa kanya ang teleserye sa panaginip ko. Alam rin niyang tuwing mananaginip ako ng ganon ay maganda ang gising ko. "Oo kaso lang bitin eh. Ang nanay kasi umeksena." nangingiting tugon ko habang sinusuot ang apron kong pula na siyang uniform namin. Ang canteen kung saan ako namamasukan ay kalapit lang ng University of St. Matthews. Isa itong pribadong paaralan sa kolehiyo kung saan ang karamihan sa mga mag-aaral nito ay mga may sinasabi sa buhay... Mayayaman. Tambayan ang canteen namin ng mga estudyante ng University kaya maaga kaming nagbubukas. 6am pa lang ay bukas na kami dahil karamihan sa mga parokyano namin ay 6:30am kung dumating. Mga nag-aalmusal bago pumasok sa mga klase nila. "Good morning Sam. Good morning Julia. Good morning Tita Beth. Dating gawi ang sa akin po." masiglang sabi ni Alfred, isa sa mga suki namin tuwing umaga. "Mine would be tuna sandwich and an orange juice, Tita." segunda naman ni Nicole na gf ni Alfred. "Coming up Nicole and Alfred!" tugon ni Tita Beth sa dalawa. Siya ang matagal ng nagmamay-ari ng St. Matthew's Extension. Madalas kapag ganitong Lunes ay madalang ang estudyante na suki namin tuwing umaga. Karamihan kasi ay mga late na kung magsi-pasok ang mga estudyante sa klase nila. "Uy Sam. May naghahanap sayo." kalabit sa akin ni Julia habang iniimis ko yung mga pinagkainan sa dulong bahagi ng canteen. "Sino na naman yun?" iritableng tanong ko sa kanya dahil isa lang naman ang alam kong maghahanap sa akin tuwing tanghali, isang tao lang at wala ng iba pa. Si Nicolas San Agustin. Ang mayabang at mahangin na 3rd year student ng Engineering Department. Nilingon ko ang tinuro ni Julia at hindi nga ako nagkamali. Si Nicolas nga 'aka Hangin'. Kumaway pa ito sa akin habang paupo sa paborito nilang lugar ng mga kabarkada niya. Ibig sabihin nun ay puntahan ko sila dahil ako ang gusto nilang mag-assist sa kanila. Bongga diba? Since matagal na namin parokyano ang grupo nila Nicolas eh pinipilit ko na lang na pakisamahan sila ng maayos dahil ayaw ni Tita Beth na magkaroon ng bad records ang canteen sa mga customers namin. Kahit pa parang palaging may bagyo sa canteen namin sa tuwing andito sila dahil nga sa ang hahangin nila, wala akong choice kung hindi ang i-assist sila sa abot ng aking makakaya. "Maganda ka pa sa tanghali Sam." nakangiting sabi ni Nicolas habang nakatingin sa mukha ko. Nagtawanan at nag-asaran naman ang mga kasama niya. "Anong order po ninyo sir?" Sir at Mam ang address namin sa mga parokyano namin bilang paggalang narin sa mga ito. Isa isang nag-orderan na ang mga kasamahan ni Nicolas. Siya ang huling nag-order, "Yung dati na lang ang sa akin Sam tapos samahan mo na lang ng isang kiss mula sayo." ngusong sabi pa ni Nicolas sabay kindat. Bago pa ako makatalikod ay hinawakan niya ang kamay ko. Dagli kong binawi ang kamay ko at naglakad palayo sa table nila. Naririnig ko pang naghihiyawan at nagtatawanan ang magbabarkada. "Bwisit talagang Hangin yan." nagngangalit na sabi ko habang padabog na binaba ang order slip sa counter. "Bakit Sam?" mabilis na lapit ni Julia "Hawakan ba naman ulit ang kamay ko ng mahangin na Nicolas na yun." di ko mapigilan ang mapaluha sa inis. "Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya Sam? Matino naman ang pamilya ni Nicolas. Rinig ko ay abogado ang parehong mga magulang niya diba? Tapos mukha naman siyang sincere sayo dahil minsan kahit mag-isa lang siya ay pumupunta siya dito para lang makita ka at makausap. Saka mayaman ang angkan ng mga San Agustin. Eh diba yun ang gusto mong katangian ng isang lalaki?" usisa ni Julia. Tahimik lang ako habang hinahanda ang order nila. Sabagay ay tama si Julia. Matagal ng nanliligaw sa akin si Nicolas pero ewan ko ba kung bakit wala akong makapang ni katiting na pagtingin sa lalaki. Walang spark na tinatawag at walang kilig. Siguro dahil hindi ko makita ang kabaitan sa katauhan niya at ang pagiging sincere niya na sinasabi ni Julia. Puro hangin kasi ito sa katawan na dinaig pa ang lakas ng aircon sa loob ng canteen namin. Pagkahatid ko ng order ng grupo ay hindi na muli ako bumalik sa lugar nila. Maghapon kaming busy nila Julia na ultimo si Tita Beth ay tumutulong narin sa paghatid ng mga orders sa mesa. Pasado alas-otso na ko nakauwi ng bahay and as usual.... Pagod na pagod ako. Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ng mga kapatid, nagkanya-kanya ng kwento. 'Pagpahingahin niyo muna ang Ate niyo. Kumain ka na ba, anak?' sabi ni tatay. 'Kumain na po ako sa canteen, tay. Kayo po ba? Kumain na po ba kayo?' 'Katatapos lamang. Maaga kang magpahinga, para makabawi ka ng lakas para bukas.' turan rin ni nanay. 'Opo, nay. Panhik na po ako. Bukas na tayo mag-usap mga kulit, inaantok na ang Ate. Goodnight.' Pag-akyat ko ng kwarto ay nagpalit na ako ng damit na humiga na sa papag ko. Mananaginip kayo ako mamaya? Sana naman para may karugtong na ang panaginip ko kaninang umaga. ------,--'-,-{@

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook