bc

The CEO'S Orphan Wife

book_age18+
16.5K
FOLLOW
104.3K
READ
revenge
HE
age gap
forced
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Contain 2 stories

BOOK 1: THE CEO'S ORPHAN WIFE

BLURB:

Sa edad na kinse, ulilang lubos na si Myla.

Namatay sa plane crashed ang kaniyang mga magulang.

Dahil wala na siyang mga kamag-anak, naiwan siya sa pangangalaga sa mag-asawang malapit na kaibigan ng kaniyang mga magulang.

The family treat her well. Tinuring na din siyang parang pamilya.

Mabuti ang pakikitungo sa kaniya ng mga anak ng mag-asawa. Maliban na lang kay Ivan na may sariling mundo. Pero kahit na ganoon, gustong-gusto pa din siya ni Myla.

Ivan is seven years older than Myla.

Mayroon na siyang nobya at patay na patay siya dito.

But one night will change everything. When Ivan went home, drunk and wasted. That leads him and Myla into bed.

Nang malaman ng pamilya niya ang nangyari. Agad nilang pinakasal ang dalawa kahit pa labis ang pagtutol ni Ivan.

"Masaya ka ba sa pagsira sa buhay ko?"

tanong ni Ivan habang matalas ang mga mata na nakatingin kay Myla.

BOOK 2: TAYO NA LANG ULIT

Blurb:

Ang malungkot na buhay ni Chelle, ay magkakaroon ng buhay nang magbakasyon ang apo ng may-ari ng pinakamalawak na lupain sa kanilang probinsya, si Angus, kasama ang mga kaibigan nito.

Paghanga na nauwi sa pagmamahalan ngunit hahadlangan ng sikreto mula sa nakaraan na naging mitsa ng pagwawakas sa kanilang pagmamahalan.

Ngunit pagkatapos ng maraming mga taon, muli silang pagtatagpuin. Ngunit sa panahong ito ay hindi na malaya ang isa sa kanila.

"After all these years, I still love you, Chelle. Please... Ako na lang ang mahalin mo. Ako ang piliin mo. Ako na lang ulit. Tayo na lang ulit."

chap-preview
Free preview
TCOW — 1
Pinunasan ko ang basa kong kamay, bago ko sinagot ang tawag ng aking byenan sa aking celphone. Bakit kaya siya tumatawag? "Hello, Mommy?" "Anak, magpunta ka ngayon sa St. John's Hospital," bungad niya sa akin na kinakunot ng aking noo. Bigla na lang din akong kinabahan. "P-Po? Bakit po?" nauutal kong tanong, dahil baka may nangyari kay Daddy. "Hihintayin ka namin doon. Papunta na din kami." Agad na niyang pinatay ang tawag. Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang gagawin namin sa ospital. Ganoon na lamang ang kaba sa aking dibdib. Kaya sa sobrang pag-aalala at pagkataranta, agad kong dinampot ang wallet ko na nakapatong sa taas ng refrigerator. Hindi ko na inabala pang magbihis, dahil ang nasa isip ko lang ay makarating agad doon. Sana lang hindi masamang balita ang dadatnan ko doon. Sana naman ay walang masamang nangyari. Pumara ako ng taxi at pagkatapos ng kulang trenta minuto, nakarating ako sa ospital. "Kuya, ano pong nangyari?" Humahangos kong tanong sa panganay na kapatid ng aking asawa. "Si Ivan—" Pagkasabi pa lang sa pangalan na iyon, para na akong mahihimatay. Nanlamig ang buo kong katawan. "Ano'ng nangyari sa kaniya? Ano'ng nangyari sa asawa ko, Kuya?" Naiiyak kong tanong. "Nasaan siya?" Gusto ko siyang makita. "Nasa operating room siya. Nadisgrasya siya. May nakabanggaan na truck." "Dios ko po!" Napatakip ako ng aking bunganga at hindi ko na napigilang mapahagulgol. Oh my God. Nagpapadyak ako ng aking paa. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Agad namang lumapit sa amin ang ate ni Ivan upang aluhin ako. . Naging mabagal ang oras, habang hinihintay namin ang mga doktor na nag-o-opera kay Ivan. Isa hanggang sa umabot nang dalawang oras. At nang magbukas ang pintuan ng operating room, nilapitan namin ang doktor. "The operation went well. Pero kailangan namin siyang obserbahan sa loob ng bente kuwatro oras sa ICU." Halos hindi ko na maunawaan ang iba pang sinabi ng doktor. Operation went well, pero bakit ididiretso siya sa ICU? Pinuntahan ko ang asawa ko sa ICU. Nahabag ako sa kaniyang itsura, dahil napapalibutan siya ng mga aparato. Naka-monitor din sa machine ang kaniyang mga vital signs. Sabi nila naririnig ka daw ng taong na-comma, kaya dapat kausapin mo siya. Ilang sandali akong tahimik dahil hindi ko kayang pigilan ang aking pag-iyak. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ang kaliwang bahagi ng kaniyang noo, dahil iyon lang ang walang galos sa mukha niya. "Honey, lumaban ka, okay?" Kinagat ko ang aking labi na nanginginig. "Kailangang kayanin mo." Mariin akong pumikit at suminghap, pero kahit ano'ng pigil ko napahikbi pa din ako. "Kapag gumising ka, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Hindi na ako magseselos. Hindi na kita aawayin," umiiyak na sambit ko. May kataga akong gustong-gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko magawang bigkasin. "Mahal na mahal kita, Ivan. Sobrang mahal kita." Diyos ko, pagalingin mo ang aking asawa. Sana po magising na siya. Sa buong magdamag, binantayan ko si Ivan. Nangako naman ang kaniyang mga magulang at kapatid na pupunta sila bukas upang palitan ako sa pagbabantay. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya. Kung ano-ano ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. Paano kung tuluyan na siyang mawala? No. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Kailangan niyang gumising, kailangan niyang mabuhay. Dahil kapag nawala siya, para na rin akong pinatay. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok. Pinakatitigan ko siya, dahil baka huling beses ko na siyang makita. Minemorya ko ang kaniyang guwapong mukha, baka hindi ko na siya ulit makita pa. Gusto kong gumising siya. Bumalik sa dati. At ako naman ay tuluyan nang aalis sa buhay niya. Na gaya ng lagi niyang sinasabi sa akin. Muli akong napaiyak. Isipin ko palang na mawawala na ako sa buhay niya ay tila kay sakit. Para bang dinudurog ang puso ko na isang taon nang wasak, mula nang ikasal kami. Iyong kirot na bigay sa akin ng nag-iisang tao. Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa din siya. "Kung makaka-survive ka. Hahayaan na kita. Hahayaan kitang makasama ang babaeng mahal mo. Alam kong matagal mo na itong gusto, pero nagmatigas akong makipaghiwalay." Bumuntong hininga ako. Para bang sinasakal ako sa mga katagang aking binibitawan. Hindi ko lubos akalain na kakayanin kong sabihin ang mga salitang iyon. Dati kahit isipin ang bagay na 'to ay ayaw ko. Sa isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, masasabi kong naging mabuti ako. Pinagsisilbihan ko siya. Pero ni isang beses hindi namin nagawa ang bagay na ginagawa ng mga mag-asawa. Nandidiri siya sa akin. Galit na galit siya sa akin, dahil ninakaw ko sa kaniya ang kaniyang kalayaan. Na sinira ko ang kaniyang pangarap. Ulilang lubos na ako. Kinse anyos lamang ako nang mamatay sa plane crashed ang aking mga magulang. Dahil matalik na kaibigan ng mga magulang ni Ivan ang mga magulang ko, sila ang kumupkop sa akin. Wala kasing ibang gustong kumupkop sa akin sa mga kamag-anak namin. Unang beses ko pa lang noon makita si Ivan, nagkagusto na ako agad sa kaniya. He's my first crush. My first love. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon. Twenty two na siya that time at nag-ma-manage na ng kanilang company. May girlfriend siya, si Maureen. Patay na patay siya sa babaeng ito. Sinikreto ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero alam kong batid ng mga magulang niya at kapatid niya na may feelings ako para kay Ivan. But they didn't talk anything about it. Bakit kami naging mag-asawa? A year ago, umuwi si Ivan na lasing. Ako ang nag-asikaso sa kaniya. Tinulungan ko siyang makaakyat sa kaniyang silid. Dis-oras na ng gabi kaya mga tulog na ang mga katulong. Hinubaran ko siya ng kaniyang damit upang maging komportable siya. But we ended in bed together. That was my first time. Batid kong lasing na lasing siya pero ang marupok kong puso, nagpadala sa mainit na mga yakap at matatamis niyang halik. Dala ng pagod at sakit ng katawan ko, dahil sa nangyari sa amin, nakatulog ako sa kaniyang tabi. At nagising na lang kami dahil sa boses ng kaniyang Mommy at Daddy. Nahuli nila kaming magkasama. Wala naman sana akong plano na malaman nila pero s**t happens. Galit na galit noon si Ivan sa akin. Pinagsamantalahan ko daw siya. "You're such a desperate woman. I hate you!" Iyan mismo ang mga katagang lumabas sa kaniyang mga bibig. Galit na galit ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Wala naman akong nagawa kundi ang umiyak sa sulok, habang yakap ang kumot na nakabalot sa aking katawan. That day, pinakasal kami agad ng kaniyang mga magulang. Pumirma kami ng marriage contract. Bumukod din kami ng bahay. At buong akala ko magiging masaya kami. Pero hindi. Ni minsan hindi man lang niya ako na-appreciate. Ni hindi man lang niya ako tiningnan bilang kaniyang asawa. He treats me like a stranger. Pero kahit na ganoon, nagtiis ako. Umasa ako na mamahalin din niya ako balang araw. But it's been a year. At kahit hindi man niya sabihin, hindi pa din ako nagkaroon ng puwang sa kaniyang puso. It's still Maureen. Siya pa din ang laman ng kaniyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook