bc

Stupid You, Stupid Me

book_age0+
2.3K
FOLLOW
6.8K
READ
opposites attract
arrogant
badboy
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

"She's slow, naive, innocent, ignorant and stupid. That's why I hate her! But, should I call my self stupid too because I am falling in love with her?"- Light Forbes.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
MUNTIK nang mapamura si Light Forbes nang makita niya na papasok sa classroom nila ang babaeng iyon. Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang inis kapag nakikita niya ito. Parang gusto niya itong hawakan sa braso at ipaikot-ikot tapos itapos paitaas hanggang sa umabot ito sa kalawakan upang doon na lang ito magpalutang-lutang habangbuhay. Lahat ay kinaiinisan niya sa babaeng iyon. Ang hitsura nito, kilos, pananalita… lahat. Pati ang simpleng pagkurap at paghikab nito kapag inaantok ito sa klase ay kinaiinisan niya nang husto. Hindi ba siya nag-aayos bago man lang pumasok ng school? Tanong niya sa kanyang sarili nang makaupo na ang babae sa upuan nito. Nasa unahan niya lang ito kaya kitang-kita niya ang hindi kanais-nais nitong hitsura. Matigas at dry na dry ang buhok nito na parang binagyo. Hanggang balikat na nga lang ang buhok nito pero hindi pa nito magawang ayusin. Talo pa ito ng iba nilang kaklaseng babae na long haired pero palaging maayos ang buhok. Wala rin yata itong plantsa sa bahay dahil palaging gusot ang uniform nito. Mukhang hindi naliligo at parang ang baho nitong tingnan. Napakabagal kumilos na akala mo ay palaging tamad na tamad sa buhay. Ugali pa nitong matulog sa klase lalo na at English o Math ang subject. At mas lalong nakakainis para sa kanya kapag nagsasalita ito. Mabagal at pabebe. Ayaw na ayaw niya ng ganoon. That girl is slow. Mahina ang pick-up sa mga bagay at mababa ang IQ level. Walang kaayusan sa sarili. A hudred percent opposite of him. Matalino siya, maayos sa sarili at ang gusto niya ay walang magulo sa kanyang paligid. Hindi siya katulad ng babaeng iyon. Lalaki siya pero very organize siya sa lahat ng bagay. Nagulat na lang siya nang biglang tumayo ang babae at nakangiting nagsalita habang naka-spread ang dalawang kamay nito. “Good morning, classmates! Have a good day sa ating lahat!” sumaludo pa ito sabay upo ulit. Tss! Parang bata! Wala namang pumansin kahit isa dito nang bumati ito ng ganoon. Sanay na rin kasi ang mga kaklase nila sa ugali nitong parang bata. Napangiwi na lang si Light nang makita niya na bago ang bag nito. Malaking ulo ni Pororo ang bag nito. Hindi na ang Hello Kitty na gamit nito simula noong nakaraang school year. Elementary ba ito para gumamit ng mga ganoong uri ng bag? Hindi ba nagsi-sink in sa utak ng babaeng iyon na sixteen years old na sila, Grade 11 at dalagita na ito? “Mr. Light Forbes, nakatingin ka na naman kay Miss Winona Fontelar!” Nagulat siya nang biglang sumulpot sa tabi niya ang bestfriend niyang si Vladimir. “Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na type mo talaga si Winona!” Tinignan niya ito ng masama. “Sorry, bro! Nagjo-joke lang naman ako!” Nakataas ang dalawang kamay na sabi nito. Umayos ng upo si Light at inilipat ang matalim na tingin sa nakatalikod na si Winona. “Naiinis lang talaga ako sa kanya. She’s annoying for me. Look at her! Sino ba naman ang hindi maiinis sa ganiyang uri ng babae?” “The more you hate, the more you love!” Tinignan niya ulit ng masama ang kaibigan. “Joke ulit!” anito sabay peace sign. “Wala namang ginagawa sa iyo si Winona. Hayaan mo na lang siya sa trip niya. Masyado ka namang affected sa exixtence niya dito sa mundo.” “Exactly! Wala pa nga siyang ginagawa sa akin pero naiinis na ako. What more kung meron, `di ba?” “Siguro… inlove ka sa kanya!” sabi nito sabay pitik sa hangin. “Hell no!” “Hell yes!” Umiwas na lang siya ng tingin sa kaibigan. Malakas kasi itong mang-alaska kaya imbes na mas lalong mainis siya ngayong umaga ay hindi na lang siya nakipag-usap dito hanggang sa dumating na ang teacher nila para sa first class. HALOS lahat ng estudyante sa Concepcion National High School ay kilala si Light. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya na palaging pambato ng school kapag may quiz bees, singing or talent contest at pageant? Jack of all trades nga ang tawag sa kanya minsan. `Yong iba naman “complete package-man”. Bukod daw kasi sa matalino at talented ay napakagwapo pa niya. Singkit ang kanyang mga mata na binagayan ng makakapal niyang kilay. Matangos ang kanyang ilong at medyo makapal ang mapulang labi. Limang talampakan at siyam na pulgada ang kanyang taas at natural na maputi ang kanyang balat. Tama lang ang kanyang katawan. Hindi payat, hindi rin naman mataba. Pero kapag nag-edad na siya ng disi-otso, balak niyang magsimulang mag-gym para magkaroon ng porma ang kanyang katawan. Isa sa mga ugali na kilala si Light ay ang pagiging perfectionist niya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng girlfriend since birth. Mataas kasi ang standards niya. Ang gusto niya ang perfect na babae. Iyong katulad niya ng utak para naman kaya nitong makipagsabayan sa kanya kapag magkausap sila. Kaya naman kahit marami ang nagpaparamdam at hayagang pinapakita ang pagkagusto sa kanya na mga babae sa school ay wala siyang kahit isa na pinapansin sa mga ito. Hindi pa niya nakikita ang “perfect girl” niya sa ngayon. MAYAMAN ang pamilyang kinabibilangan ni Light. Halos lahat ng luho ay binibigay sa kanya ng kanyang mommy. Matagal na kasing patay ang daddy niya na isang general. Hatid at sundo siya ng isa sa mga sasakyan nila. Para daw hindi siya mahirapan sa pagko-commute, ayon na rin sa mommy niya. Papauwi na si Light ng hapon na iyon nang makita na naman niya si Winona nang akmang papasok na siya sa kotse. Kasama nito si Hera na kilalang bully sa school. Mataba si Hera at maitim kaya naman medyo nakakatakot ang hitsura nito. Nakaakbay pa nga ito kay Winona pero kung mapapansin ay may takot sa mukha ng kinaiinisan niyang babae. NAsa tapat ng isang sari-sari store ang dalawa. Mukhang si Winona ang binu-bully ngayon ni Hera. Kasalanan mo `yan, Winona! Alam mo naman na bully si Hera pero sumama ka pa rin! Ang tanga mo talaga! Naiiling na sabi niya sa kanyang sarili. Huminga siya nang malalim at sumakay na nang tuluyan sa kotse. Gusto na rin kasi niyang makauwi para makapagpahinga. Nakakapagod ang araw na ito para sa kanya dahil ang dami nilang ginawang activities. Malapit na kasi ang school festival kaya bilang class president ay siya ang maraming gagawing paghahanda para doon. Ang gusto pa naman sana niya ang mag-relax na lang sa last two years niya sa high school ngunit mukhang hindi niya iyon magagawa sa dami ng responsibilidad na ibinigay at alam niyang ibibigay pa sa kanya. “Uulan siguro, sir, `no? Makulimlim, e.” Narinig niyang sabi ng driver niya. “Wala akong pakialam kung uulan o hindi, manong. Pwede bang paandarin niyo na itong kotse para makauwi na ako?” Napapagod na sabi niya. “Okay, sir!” Nakangiti pa itong sumaludo sa kanya. Isinandal niya ang kanyang likod at saka pumikit. Ngunit sa pagpikit niyang iyon ay tila birong nakita niya sa kanyang imagination na binubugbog ni Hera si Winona. Puro pasa daw ang mukha nito habang nagmamakaawa sa kanya na tulungan niya ito. Isang upper cut pa daw ang ibinigay dito ng bully at tuluyan na itong bumulagta habang bumubula ang bibig. “s**t!” Ibinukas niya agad ang mga mata sabay pilig ng ulo. “May problema ba, sir?” Narinig na niya ang pag-start ng makina ng kotse. “Ah, manong, sandali lang pala. May nakalimutan lang ako.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang driver at nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Light. Nakita niyang kasama ni Hera si Winona at mukhang ipinakita sa kanyang imagination ang kakahitnan ng huli sa una. Oo, naiinis siya kay Winona pero hindi naman kaya ng konsensiya na mabugbog ito nang walang kalaban-laban. May dugong gentleman pa rin naman siya kahit papaano. Pero mas lalong nadagdagan ang pagkainis niya kay Winona habang tnutumbok ang kinaroroonan nito. Napakatanga talaga nito para sumama kay Hera! Nang makalapit na siya kina Winona ay walang salita na hinawakan niya si Winona sa braso nito sabay hila. Pero dahil nakaakbay dito si Hera ay hindi siya nagtagumpay na ilayo ito. “Hoy! Saan mo dadalhin si Winona?” apela ni Hera. “Hindi ba nasabi ni Winona? May usapan kami, magkasabay kaming uuwi!” Pagsisinungaling niya. Nagtataka naman na nagsalita si Winona. “Ako?” Itinuro nito ang sarili. “Sasabay sa iyo, Light?” “Oo. Sa akin ka sasabay. `Di ba? May usapan tayo.” Pinanlakihan niya ito ng mata. Sana naman ay gumana ang utak nito sa pagkakataon na iyon at makuha nito ang ibig sabihin kung bakit niya ito pinanlakihan ng mata. “Usapan?” Parang bata na sabi nito. “Oo. Halika na nga!” Wala nang nagawa si Hera nang siya na mismo ang mag-alis ng braso nito mula sa pagkaka-akbay kay Winona. Hinila na niya ang tatanga-tangang babae at pinaupo niya ito sa back seat ng kotse habang siya naman ay sa tabi ulit ng driver. “O, sir! Sino naman iyan?” tanong ng driver. “Mag-drive na lang kayo,” utos niya. Maya maya ay nilingon niya si Winona na may pagka-asar sa mukha. “At ikaw naman, ano naman ang pumasok sa ka-munggo mong utak at sumama ka kay Hera? Alam mo naman na bully `yon, `di ba? Gusto mo ba talagang mamatay na?” Medyo napataas ang boses niya nang pagsabihan niya si Winona. Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Winona. Naka-pout ito na parang pinipigilan ang pag-iyak. “Ano? Sumagot ka!” “Nagagalit ka ba sa akin, Light?” Unti-unti nang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. Sa unang pagkakataon, simula nang maging magkaklase sila noong Grade 7 ay ngayon lang niya nakita nang malapitan si Winona. Maayos naman pala ang mukha nito. Mukha lang talagang hindi maayos sa malayo. Masasabi niyang kahit papaano, may hitsura ito. Bilugan ang mga mata at malalantik ang mahaba nitong pilik-mata, matangos ang maliit nitong ilong at mapula ang labi. Mukhang malambot din iyon. Katulad niya siguro ay hindi pa ito nakakaranas ng kiss. “L-light… B-bakit ka nakatitig sa akin? Tutunawin mo ba ako sa titig mo?” Inosenteng tanong ni Winona. Kumurap-kurap siya at ibinalik ang inis sa kanyang mukha. “Ha? Ano bang sinasabi mo? Ang tanong ko ang sagutin mo! Bakit ka sumama kay Hera?!” Nilakasan na niya ang pagsasalita niya. Hindi malaman ni Light kung galit o concern lang siya kay Winona kaya niya iniligtas ito mula kay Hera. Pero isa lang ang sigurado siya, galit siya sa mga tanga at uto-u***g tao na katulad ni Winona. Para kasi sa kanya, ang mga ganoong uri ng tao ay mahihina. Madaling maniwala at mabilis magtiwala kaya sa huli, sila ang mga tao na palaging naloloko at nasasaktan. Wala namn siyang pinaghuhugutan. Pananaw lang talaga niya iyon sa buhay. “Oh, ano? Sumagot ka!” Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang umatungal ng iyak si Winona. “Ayaw ko naman talagang sumama kay Hera, e! Alam ko naman na bad siya pero sabi niya, sasaktan niya ako kapag hindi ako sumama sa kanya!” sagot nito habang umiiyak nang malakas. At talagang nakanganga pa ito kapag umiiyak. Mas lalo tuloy siyang nabwisit dito. “Pwede ba, tumigil ka sa pag-iyak mo?! Hindi ka na bata para umatungal!” sigaw niya dito. “Nagagalit ka kasi, e!” Ayaw pa rin nitong tumigil sa pag-iyak. “Hala, sir… Pinaiyak mo girlfriend mo!” sabat ng driver. “Pwede ba, manong, hindi ko ito girlfriend! Saka, sa pagda-drive ka na lang mag-focus, okay?” “Okay, sir!” Tila wala yatang balak tumigil sa pag-iyak si Winona. Palakas nang palakas ang atungal nito kaya naman naririndi na ang tenga ni Light. Gusto na niyang kuyumusin ang labi nito sa labis na inis niya. Kuyumusin gamit ang kamay o gamit ang labi? Tanong niya sa kanyang sarili. Mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo. Ano ba `tong naiisip ko? Kung anu-ano na lang, e! galit na sabi niya sa sarili. “Naku, LQ na yata `yan, sir!” Alam niyang nag-aasar lang ang driver niya kaya hindi na lang niya ito pinansin. Kinuha na lang niya ang earphone sa bulsa at nakinig ng music sa kanyang phone para hindi marinig ang pag-iyak ni Winona. Ilang sandali pa ay napagod na yata ito kaya tumigil na rin. Sisigok-sigok ito nang muli niyang lingunin. Tinanggal na niya nag earphone sa tenga. “Salamat naman at tumigil ka na. Thanks, God!” aniya. “Oo nga pala, saan ka nakatira para maihatid ka na namin?” “Sa bahay ako nakatira…” Hindi niya alam kung pinipilosopo ba siya nito o sadyang tanga lang talaga ito. “Of course lahat tayo nakatira sa bahay! You dumb--” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Pinilit na lang niyang magpakahinahon at intindihan ang kapasidad ng utak ng kausap. “Okay… Ano ang address ng bahay mo? Alam mo ba?” Pinahid ni Winona ang luha sa mukha nito at nakangiting tumango. “Oo, alam ko `yan! Memorize ko!” Tumikhim pa ito at inilagay ang dalawang kamay sa kaliwang beywang nito. “Block 3 Lot 23 Chrysanthemum Street Fordville Subdivision Calamba, Laguna! I thank you!!!” At kumaway pa ito na akala mo ay contestant sa isang beauty contest. “Wow! May nanalo na! Ang galing mo, Winona!” Natutuwang pinalakpakan pa ng driver si Winona. “Manong!” sita ni Light sa driver at itinuro nito ang manibela. Agad namang ibinalik ng driver ang mga kamay doon. “Alam mo, Light, kaya kong i-spell ang ‘chrysanthemum’!” Pagmamalaki pa nito sa kanya. “C… H… R… Chry… Chry… Y… Ay! Letter I yata. Hmm… Teka, parang mali. Nakalimutan ko na pala! Basta may letter S, M, U at T pa iyon, e. Ikaw na lang ang mag-arrange ng letters for me para correct na siya.” Napa-face palm na lang siya sa mga sinasabi ni Winona. Hindi lang pala ito malakas umiyak, ang daldal din nito. Parang hindi mauubusan ng sasabihin. Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong maingay. Parang nagsisisi na tuloy siya ngayon kung bakit nag-volunteer siyang ihatid ito sa bahay. Pero on the other side, nakakaawa rin naman si Winona. Tatanga-tanga ito, at inosente. Parang ang fragile lang tignan. Actually, ilang beses na niyang nasaksihan ang katangahan ni Winona. Pinag-recite ito ng Panatang Makabayan sa flag ceremony noong Grade 7 sila at imbes na mag-recite ito ng Panatang Makabayan ay kumanta ito ng Ako ay May Lobo. Pinagtawanan talaga ito ng lahat. Sino ba naman kasing high school student ang gagawa no’n, `di ba? Si Winona lang! Last year naman ay bigla na lang itong umiyak at naglupasay sa hallway. Iyon pala, nalaglag lang ang kinakain nitong lollipop. Ang babaw! Isip-bata talaga ito. At marami pang ibang katangahan itong pinaggagawa. Hindi na niya kayang bilangin sa daliri niya sa kamay at paa. Ayaw na rin niyang isipin lahat dahil lalo lang sumasakit ang ulo niya. Makalipas lang ang ilang sandali ay inihinto na ng driver niya ang sasakyan sa harapan ng isang subdivision. May nakasulat na “Fordville Subd.” sa arko papasok doon. Ito na nga ang sinasabing subdivision ni Winona. Sa gate pa lang niyon ay nasabi agad ni Light na hindi pang-mayamang subdivision naroon ang bahay ni Winona. “Kaya mo na bang umuwi sa inyo mula dito?” tanong niya kay Winona. Hindi na niya ito nilingon. “Oo naman! Tatlong kanto tapos liko sa kanan, fifty six steps at tingin sa kaliwa. Yellow na gate at green na pinto, iyon ang bahay namin ng lola ko! Thank you sa paghatid mo sa akin, Light. Saka sa’yo rin po, manong!” Napaka-sweet at energetic na sabi nito. “You’re welcome, Winona!” sagot naman ng driver niya. Pababa na sana si Winona nang bigla niya itong tawagin. “Teka lang. Kanina ko pa napapansin na alam mo ang pangalan ko. Paano mo nalaman?” curious na tanong niya. Nagtataka lang kasi siya kasi ngayon lang naman sila nagkausap nito kahit magkaklase pa sila. Sa room naman ay parang may sariling mundo si Winona kaya he doubt kung kilala nito lahat ng kaklase nila including him. “Yes, kilala kita. Ikaw si Light Forbes, sixteen years old at classmates tayo. Kilala ko lahat ng classmates natin. Iyong katabi ko sa right ay si Sandra tapos iyong sa left ay si Menchie. Katabi ni Menchie si--” “Okay, stop! Hindi ko naman sinabi sa iyo na sabihin mo lahat ng pangalan ng classmates natin. Sige na, bumaba ka na.” “Okay. Thank you ulit!” Kumaway pa ito bago bumaba. Ang buong akala niya ay tapos na ito pero bigla nitong kinatok ang bintana sa side niya kaya naman napilitan siyang ibaba iyon. “Bakit? May nakalimutan ka ba?” tanong niya. Tumango ito. “Nakalimutan kong ibigay ito sa’yo…” Dalawang papel na tinupi-tupi hanggang sa maghugis puso ang iniabot nito sa kanya. “Ano ito?” Nakangiwing tanong niya. “It’s for you at kay manong driver. Ginawa ko kanina habang nasa backseat ako. Ang cute, `di ba? Ang tawag diyan ay origami hearts!” Ngumiti pa ito sa kanya. “For what?” “Para malaman niyo na mula sa aking puso ang pasasalamat ko. Sige na, bye na talaga!” Muli itong kumaway at tumalikod na sa kanila. Naglakad na ito papasok ng subdivison. Tiningnan niya iyong dalawang origami hearts. Hindi niya alam ang mararamdaman sa ginawang iyon ni Winona. Marunong pala itong gumawa ng ganoong bagay. Ngayon lang niya nalaman. Nagulat na lang si Light nang biglang kunin ng driver niya ang isa sa origami hearts at inilagay nito iyon sa bulsa ng suot nitong polo. “Akin ang isa, `di ba? Ang sweet naman ng batang iyon, sir!” “Sweet? Si Winona?” “Oo, sir. Iyong girlfriend niyo.” Tinignan niya ito ng masama. “Hindi ko girlfriend si Winona.” Pagdidiin niya. “Okay, sir. Sabi mo, e. Aalis na po ba tayo?” “Bakit, manong? May hinihintay pa ba tayo?” Tumango-tango ang driver niya at in-start na nito ang makina ng kotse. Papaalis na sana sila nang walang anu-ano ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla niyang naalala si Winona. Wala nga pala itong dalang payong. Paniguradong mababasa ito. At kapag nabasa ito, baka magkaroon ito ng sakit. Mas lalo itong magiging tanga kapag nangyari iyon. “Manong, sandali.” Agad namang itinigil ng driver niya ang kotse. “May payong ba tayo dito?” “Meron sa compartment, sir. Bakit?” Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binuksan niya ang compartment at kinuha ang isang kulay pulang payong at mabilis na lumabas ng sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.1K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook