bc

Sa Panaginip Nga Lang Ba?

book_age16+
5.4K
FOLLOW
40.8K
READ
sex
one-night stand
goodgirl
sensitive
student
single mother
drama
like
intro-logo
Blurb

“I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar.”

Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him.

Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki.

Not ever when she had the living memory of him.

chap-preview
Free preview
Part 1 - Prologue
“UMUWI ka na, Tricia, nang maigayak mo ang gamit mo. Iyang allowance mo, ingatan mo, ha? Ipapadala ko na lang sa kapatid mo iyong para sa isang buwan. Pagbutihin mo ang pagre-review para isang take lang, CPA ka na agad,” bilin sa kanya ni Mang Berting.             “Sige, Papa. Salamat din.” Nagmano siya rito at tumalikod na.             Paglabas ng eatery nila ay nakita niya ang maraming sasakyang nakaparada. May tuwang gumapang sa puso niya. Kahit naman nagsulputan na ang iba’t ibang karinderya sa highway na iyon, dinudumog pa rin ang puwesto nila. Kahit anong oras ay palaging maraming customer sa kanila.             Sa tapat ay mayroong karaoke bar. Iyong mga customer na gustong maglasing ay doon nagpupunta. Nasa kainitan pa lang ang gabi. Napupuna ang paligid ng ingay ng kumakanta doon. Napasimangot siya. Maganda sana ang piyesa kaso ay sintunado ang singer.             Tinungo na niya ang direksyon pauwi. Walking distance lang naman ang bahay nila. At kahit na lampas na ng alas dose ng hatinggabi, payapa ang loob niya na maglakad kahit nag-iisa. Tahimik naman sa kanilang lugar.             Ilang metro patungo sa kantong lilikuan niya ay napansin niya ang isang klase ng ingay. Bigla ay bumagal ang kanyang mga hakbang. At halos tumigil na nang makilala ang sasakyang nakahimpil.             Kay Marco ang pick-up na iyon. At dahil bukas na bukas ang mga bintana, madali niyang nasilip kung sino ang nasa loob. Sina Marco at Lynette.             Tila nag-aaway ang dalawa. Kung tungkol saan ay hindi niya mawawaan. Basta nakikita niya ang ekspresyon ni Lynette na tila nakikipagtalo kay Marco na nakasandig ang ulo sa headrest ng driver’s seat. Ang kaliwang braso nito ay nakakatang sa bukas na windshield. Sapo ng kamay ang ulo na hindi niya alam kung sumasakit dahil sa mainit na diskusyon ng mga ito.             Pero hindi na siya makakahakbang upang makalapit pa. Kapag ginawa niya iyon ay mapapansin na ng mga iyon ang kanyang presensya.             Nakatingin siya sa mga ito subalit wala ang interes sa kung anumang pinagtatalunan. Sa halip ay pananaghili ang nasa dibdib niya.             Bakit hindi, si Marco ang lalaking pinapangarap ng higit sa kalahati ng kababaihan sa kanilang lugar. Mula pa noong high school siya ay ito na ang crush niya. Pitong taon marahil ang tanda nito sa kanya sapagkat ganoon din ang agwat nila ng Kuya Efren niya na ka-batch nito noong high school. Sikat si Marco dahil isa sa pinakamayaman sa kanilang lugar. At hindi lang iyon. Kilalang mabait at mababang-loob. Star player pa ito sa basketball tuwing may pa-liga sa kanilang bayan.             But she was just a plain face to him. Bagama’t palagi na ay may nakahandang ngiti sa mga labi nito sa bawat nakakasalubong, iisa lang naman ang talagang pinag-uukulan nito ng pansin. Si Lynette.             Tila natatak na sa isipan ng lahat na balang araw ay ang dalawa ang magkakatuluyan. Kalat na kalat sa buong bayan ang pag-apruba ng kani-kanilang mga magulang sa kanilang relasyon.             Lumuwas si Lynette upang magkolehiyo sa Holy Spirit. Si Marco naman ay sa UPLB nag-aaral. Subalit kada sem break at summer vacation, ordinary sight nang magkasama ang dalawa.             Kung kailan ang kasal ay siyang inaabangan ng mga taga-roon. Lalo ngayon na kapwa may pinag-aralan na at nasa husto nang edad. Kapag si Lynette ang tinatanong, ang sagot nito ay pa-demure na: “Hindi pa naman ako inaaya ni Marco, eh.” “Nag-iipon pa ako para sa kinabukasan namin.” Ganoon naman ang palaging sagot ni Marco. She had an intense crush on him. At kung posible na mauuwi sa isang pag-ibig ang crush, masasabi niyang na-in love na rin siya kay Marco. Kaya naman kapag tungkol sa pagpapakasal ng dalawa ang pinag-uusapan, anhin na lamang niya ay isara ang magkabilang tenga. Lihim siyang nasasaktan kapag naririnig ang tungkol doon.             Ang pakiramdam niya, ang suntok sa buwang wish niya na mapansin ni Marco ay lalo nang mawawalan ng pag-asa oras na magpakasal ang dalawa.             Napapitlag siya nang pasalyang buksan ni Lynette ang pinto sa tapat nito. Pabalibag ding isinara iyon saka halos magmartsang lumayo. Mabilis siyang kumubli sa katapat na puno nang makitang papunta sa kanya ang direksyon ng lakad nito. Mayroong kung anong binubulong si Lynette subalit dahil mas concern siya na huwag nitong makita ay hindi niya iyon naunawaan.             Pinigil niya ang paghinga nang mismong mapatapat sa kanya si Lynette. Halos hindi maipinta ang mukha nito. Aninag niya ang pagsimangot nito buhat sa malamlam na liwanag ng streetlight.             “Iinom-inom, hindi naman kaya!” ungol nito. “Tapos ako ang kukulitin! Buwisit!”             Nakasunod ang tanaw niya rito hanggang sa ganap na mawala sa pagitan ng mga truck ng biyahera. Nilinga niya ang pick-up ni Marco. Inaabangan niyang bumaba doon ang binata at sundan si Lynette subalit tila walang balak iyong tuminag. Minsan pa ay tinanaw niya ang tinungo ni Lynette. Kung saan ito nagpunta ay wala siyang ideya.             Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago lumabas sa pinagkukublihan. Hindi niya alam kung bakit tila aahon sa lalamunan ang kanyang puso sa labis na kaba. At tila lalong lumakas ang kabog niyon nang maging malinaw sa paningin niya ang anyo ni Marco.             Nakasubsob ito sa manibela. Kung iginupo ng antok o alak ay hindi niya alam. Walang-wala sa anyo nito na may interes pang sundan ang kasintahan.             Parang namitig ang mga paa ni Tricia. Nasa tapat na siya ni Marco at tanging ang pinto ng pick-up ang humaharang sa kanila. Tila wala naman itong malay sa paglapit niya. Napatitig siya sa ritmo ng paghinga nito.             Her heart swell para sa tanging lalaki na may espesyal na lugar na sa kanyang puso. At may palagay siyang puso na mismo niya ang nagdikta sa ibang bahagi ng kanyang katawan upang abutin ito.             Dumantay ang palad niya sa balikat nito. She felt his muscles flexed ngunit hindi man lang ito nag-angat ng ulo.             “Marco,” halos paanas na tawag niya. Kung paano nagdaan sa lalamunan niya ang tinig na iyon ay isang malaking pagtataka sa kanya. Parang hindi niya kilala ang tinig na lumabas sa kanyang lalamunan.             Kasabay ng banayad na pagyugyog niya sa balikat ni Marco ay siya namang pagkilos nito. May isang sandaling ninais niyang umatras at lumayo. Parang noon lamang narehistro sa pandama niya ang katawan nitong nangangamoy alkohol. Tama ang narinig niya kay Lynette. Lasing nga si Marco.             “You…” paungol na sabi ni Marco saka inabot ang braso niya. Dinala iyon sa mga labi at hinalikan.             Tila may dumakot sa lalamunan ni Tricia at hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung dahil iyon sa kagyat na takot na nadama niya kay Marco o dahil sa pangahas na halik nito. The kiss was so intense. At sa kagaya niyang salat sa karanasan, tila nakakatakot ang pakiramdam na dulot niyon.             “Marco…” Bumakas ang pagtutol at takot sa tinig niya. Binawi niya ang braso at lalayo na sana subalit mas mabilis ang kilos ni Marco.             Hinayaan lamang nito na mabawi niya ang kamay upang malaya nitong mabuksan ang pintuan. Hinila siya nito papasok sa loob.             Her mind was screaming in panic subalit hindi niyon nagawang utusan ang kanyang lalamunan upang mapaalpas ang sigaw na iyon. Sa halip, natikom pang lalo ang bibig niya nang maramdaman ang pagyakap ni Marco sa kanyang bewang. Bumagsak siya sa mismong kandungan nito.             Gusto niyang magpumiglas subalit tila nawalan ng lakas ang kanyang katawan. Parang nilamon higit na makapangyarihang sistema ang anumang lakas na mayroon siya. Sa isang iglap na niyakap siya ni Marco, tila tinangay na ng hangin ang anumang rason sa utak niya.             He kissed her hard and rough. Mainit at amoy-alak. At bagaman may takot pang natitira sa kanya ay tila kaydali rin iyong naglaho. The moment he slid his tongue between her lips, all her senses were awakened. Ang namayani sa kanya ay isang uri ng pagdiriwang.             Sa wakas, nagkaroon din ng katuparan ang lihim niyang pantasya. Marco was with her. And she was with him.             Kasabay ng mas malalim na halik ni Marco ay ang pangangahas nito sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Every nerve-ending of her became sensitive to his touch. At mayamaya lang ay nagsagawa na rin siya ng sariling eksplorasyon.             Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niyang pagdama sa katawan nito. Instinct niya ang nagdidikta kung ano ang gagawin. At may palagay siyang nasisiyahan naman si Marco sa ginagawa niya. He was groaning his pleasure.             Kung paano sila nalipat sa likurang upuan ay hindi na niya matandaan. Tila bigla na lang ay naramdaman niyang mas malayang nakakakilos ang kanilang katawan. Marco was touching her all over, nagsisindi ng apoy sa mga bahagi ng katawan niyang tila ba hindi pa sapat ang pagdiringas ng mga mitsa. At ang mga kamay naman niya ay iginigiya nito upang lalo pa niya itong madama.             She felt warm and feverish. She knew she was making a giant leap from reality to adventure. Pero wala siyang pakialam. Ang tanging nasa isip niya ay kapiling niya si Marco.             Physical pain filled her being the moment he entered her. It felt like Marco was branding her as his own. Subalit hanggang sa pisikal lamang ang sakit. Her heart felt pure pleasure. Buong-buo ang puso niyang ipagkaloob kay Marco ang sarili.             Maging si Marco ay waring hindi inaasahan iyon. He opened his eyes at sinapo ang magkabila niyang pisngi. Hinagod siya nito ng tingin bago direktang tumingin sa kanyang mga mata.             Hindi niya alam kung pagtatanong ang naroroon o pagtataka. Then he closed his eyes again. For some stilled moments, nanatili silang ganoon lang. Natural na pintig ng kanilang mga katawan ang kapwa nila nadarama.             At pagkuwa ay naramdaman niyang hinahanap nito ang kanyang mga labi. He kissed her in the gentlest manner. A while later, she felt him moving inside her.             It seemed like the greatest of all life’s experience.  Hindi niya alam kung kailan natapos ang kirot at kung kailan naman nagsimula ang ibayong ginhawa. Suddenly, all she was feeling was intense pleasure.             And so was Marco. His c****x was strong and terrifying. Parang kaya nilang gibain ang kinalalagyan sa labis na intensidad.             “Lynette…” he whispered.             Pinanlakihan ng mga mata si Tricia. Higit sa pisikal na sakit, tagos sa kaluluwa ang sugat na nilikha sa kanya ni Marco ng mga sandaling iyon…              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faithfully

read
266.1K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Payment of Debt

read
87.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook