bc

Fabricated Reality

book_age12+
628
FOLLOW
2.6K
READ
possessive
friends to lovers
independent
drama
sweet
bxb
mxb
childhood crush
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

BL STORY/ PSYCHOLOGICAL/ CHILDHOOD FRIEND/ READ AT YOUR OWN RISK/ DRAMA

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU SO MUCH/ ENJOY READING!]

@2021cutiecane23

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3RD PERSON POV "Mula ngayon ay Trix na ang itatawag ko sayo at ako naman si Tris, okay ba yun?" "Bakit naman Trix?" "Syempre galing sa pangalan mo na PaTRIX." "Ah... Tapos yung iyo naman galing sa pangalan mo na TRIStan, tama?" "Oo, yun nga." "Simula ngayon, magbestfriend na tay----" RINGGG!!!! RINGGG!!! Mabilis na nagising si Cleo sa pagkatulala dahil sa malakas na pag-ring ng telepono sa kanyang tabi. "Yes, hello?" "Mr. Boulstridge, I already have the information," saad ng lalaki sa kabilang linya. Nang marinig ang pahayag nito ay parang may isang milyong bultahe ng kuryente ang tumama sa kanyang katawan. "Sure, let's meet at the resto bar," aniya na hindi ipinapahalata ang excited at pag asa sa kanyang boses. Ayaw niyang umasa pero kung magkakaroon siya kahit isang pursyentong panghahawakan ay mas mabuti na iyon kesa sa wala. Natapos ang kanyang buong maghapon ng kay bilis, hindi man halata sa emotionless niyang mukha pero masaya siya ngayon. Nag liligpit na siya ng mga gamit ng biglang may kumatok. "Get in!" saad pa niya habang nakatalikod. Rinig niyang bumukas ang pinto at sumunod roon ang boses ng kanyang secretary na si Jude. "Sir, narito po si Ms. Rizzy---" "Tell her that I'm busy, pabalikin mo na lang sa ibang araw," matigas na utos pa niya dito. Mula sa malaki at matangkad niyang pigura ay hindi na nakakapaghinala na nanginginig na sa takot ang kanyang empleyado ngayon. Di mapakali na tiningnan siya nito. Alam niyang hindi papayag ang babaeng iyon pero may mas mahalaga pa siyang bagay na dapat puntahan ngayon kesa makasama ang babaeng walang ibang ginawa kundi ipagsiksikan ang sarili sa kanya. "Y-Yes, sir." napipilitan na turan nito sabay labas ng pinto. Hindi niya mapigilang di mapabuntong hininga dahil sa nangyari. Hindi talaga bago sa mga mayayaman at kilalang kumpanya ang magkaroon ng arrange marriage upang mapalaki at mapalawak pa lalo ang bawat mga negosyo ng magkabilang pamilya. Isa si Rizzy Veifel sa mga inerereto sa kanya, nakilala niya ito sa isang party kung saan ay business partner niya ang ama nito. Mukhang mabilis na nahulog ang loob nito sa kanya at mula noon ay hindi na siya tigilan nito. Masakit sa ulo at nakakairita lalo na at wala siyang balak na magpakasal at magmahal ng iba. Ang puso, isip at kaluluwa niya ay nakalaan lamang sa isang tao. At wala siyang balak na baguhin iyon kahit kailan. Bago pa siya maabutan ng babaeng iyon ay nagmadali na siya sa paglalakad palabas ng opisina. Sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi ng makarating siya sa parking lot. Naroon kasi ang paburito niyang sasakyan. Isa itong Range rover black at may plate number na TRS-143. Mabilis siyang sumakay dito at nagmaneho patungo sa napag usapan nila ng lalaki na meeting place. Ipinark niya ang sasakyan sa labas ng resto bar na kanyang pag mamay ari. Bumaba siya at binagtas ang daan papasok. Sinalubong siya ni Sophia, ang manager na nagpapatakbo ng resto bar na ito. "Cleo, glad to see you," nakangiti at halata ang saya sa mukha nito habang binabati siya. "Mr. Boulstridge, not Cleo," strikto at malamig na turan naman niya pabalik dito. Habang naglalakad papasok ay binati siya ng ibang mga tauhan sa loob, tumango lang naman siya bilang sagot. Dumeretso siya sa kanyang private office dito sapagkat alam niyang naghihintay na roon ang taong kausap niya kanina. Ayaw man niyang aminin pero kinakahaban siya ngayon. Hindi niya alam kung maganda o masama ba ang dalang balita ng lalaking iyon. Pagpasok niya sa opisina ay mabilis na tumayo ang lalaki sa pagkakaupo nito sa sofa at nakipag kamay sa kanya. "Thank you for coming private investigator Sanchez," aniya sabay upo sa tapat nito. "My pleasure sir, I'm working to find this person for almost a month now. But I----, every information I gathered refers to one thing ---------" Napayuko na lamang si Cleo habang pumapasok sa isa niyang tenga ang mga sinasabi nito at lumalabas naman sa kabila. Kaunti na lamang at masasaulo na niya ang sinasabi ng bawat investigator na kinukuha niya, paano ba naman ay pareparehas lamang ang pahayag at mga informasyon na nakakalap at nakukuha ng mga ito. Mga impormasyon na iisa lamang ang laging konklusyon. At iyon ay... "------- I'm really sorry sir but, the person you want to find is already---- D E A D." 'Hays, masyado ko na naman bang pinaasa ang sarili ko?' Tumango na lamang siya at saka tumayo, lumapit siya sa kanyang table at kinuha ang isang maliit na sobre doon. Muling lumapit siya dito at ini-abot ang sobre na may lamang bayad sa serbisyo nito. "Thank you for the service, Mr. Sanchez," aniya pa. Nagpasalamat at nakipagkamay pa ito sa kanya bago umalis. Malungkot at disappointed na napaupo siya sa kanyang swivel chair. 'Isa na namang failure.' Dahil sa pagkadismaya ay napapikit na lamang siya habang nakasandal sa upuan. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay ang pagbalik naman ng mga alala ng nakaraan. "Wag kang mag alala Tris, di kita iiwan. Kahit anong mangyari ay lagi lamang akong nasa tabi mo. Promise yan," saad ng munting Cleo habang nakikipag pinky promise sa best friend niyang si Ezio Tristan. "P-Promise mo yan Trix ah, di mo ako iiwan di kagaya nina mommy at daddy," lumuluha pa ring ani naman nito sa kanya. Kahit bata pa lamang siya ay alam at ramdam na niya ang sakit at hirap na pinagdadaanan ng kaibigan. Dalawang buwan na ang nakalipas ng masangkot ang pamilya nito sa isang aksidente. Sa kabutihang palad ay nabuhay ito habang namatay naman ang ama at ina nito. Matagal bago niya ito muling nakausap, lagi kasi itong tulala at umiiyak. Gustuhin man niyang saluhin lahat ng pagdadalamhati at sakit na nararamdaman nito ay hindi naman niya magawa. Sa edad nilang sampung taon ay magkasama nilang hinarap ang bagong buhay na magkasama. Walang ibang kamag anak si Tris kaya naman pinilit niya ang kanyang ina na kung pwede ay sa kanila na lang manatili ito, imbis na mapunta kung saang lugar at malayo ito sa kanya. Dahil lagi namang wala sa kanilang tahanan ang mga magulang dahil busy ito sa trabaho ay pumayag na rin ang mga ito para may makasama siya. Mula sa simula pa lamang ay alam na niya na hindi maganda ang relasyon ng kanyang mga magulang. Ipinakasal lamang ang mga ito dahil sa negosyo kaya ramdam niyang hindi mahal ng mga ito ang isa't isa. Nakakalungkot man pero hindi na siya nagulat pa ng isang araw ay kausapin siya ng mga ito. "Cleo, may sasabihin kami ng daddy mo okay?" Napatango siya habang tinitingnan ang ama na halos isa sa isang taon lamang niya nakikita. "Hmm...medyo mahirap itong sabihin pero maghihiwalay na kami, sana maintindihan mo anak," saad ng kanyang ina habang nakatingin sa kanya ng may kalungkutan. Nabuhay naman siya na laging wala ang mga ito, tanging mga yaya lamang ang kanyang kasama sa kanilang bahay noon. Nagbago lang ang lahat ng makilala niya si Tris. Napakabait ng mga magulang nito, halos itinuring na rin siyang parang tunay na anak ng mga ito. 'Sayang nga lamang at maagang silang kinuha ng diyos.' ∆∆∆ MAS pagod kaysa sa normal na gabi nang umuwi si Cleo sa kanyang bahay. Ayaw kasi niya sa mga condo o apartment kaya nagpatayo na lamang siya ng sariling bahay sa isang subdivision dito sa maynila. Hindi na siya nagbalak pang kumain sapagkat wala naman siyang gana. Ang kailangan na lamang niya ngayon ay kaunting tulog dahil mamaya ay babangon na naman siya ng maaga para dumalo sa simbang gabi. Nang gabing iyon ay tanging magagandang ngiti lamang ng Tris niya ang lagi niyang nakikita bago siya dalawin ng antok. HALOS wala pang naiitulog ay muli siyang ginising ng maingay na alarm. Ito lang naman ang nagsasabi na kailangan na niyang bumangon. Ang bawat simbang gabi na kanyang dinadaluhan ay parang isang malaking hakbang sa pagkakatupad ng kanyang hiling. Kaya naman kahit inaantok pa ay naglakad na siya sa banyo para maligo. Medyo late na ng makarating siya sa simbahan kaya naman puno na ito. Kahit ganun ay naglakad na lamang siya sa isang tabi at sumandal sa pader habang nakikinig ng sermon ng pari. Sa halos ilang taon na niyang ginagawa ito ay parang naging pamilyar na siya sa lahat ng mga kaganapan dito sa simbahan. Ang maliwanag na paligid, maingay at masaya. Ang nakangiting mukha ng magkakapamilya, magkakasintahan at barkada. Tunay nang napakasaya ng panahon na ito para sa lahat. Kung sana nga lamang at kasama pa niya ang taong iyon. Sana masaya din silang dalawa. Hindi niya maiwasan na di ma-inggit sa nakikita niya sa paligid kaya naman napayuko na lamang siya habang inaalala ang mga naganap noon. ∆∆∆ "Trix, hayaan mo na akong tulungan ka. Kaya ko din namang magtrabaho," Makulit na saad ni tris sa kanya. "Hindi pwede, manatili ka na lang dito sa bahay at pag tununan mo ng pansin ang pag aaral mo. Ako nang bahala sa pagtatrabaho," aniya habang ginugulo ang buhok nito. Napanguso naman ito kaya di niya napigilan ang sarili na halikan ang noo at ilong nito dala ng pangi-gigil. Napatawa naman ito at namula ang mukha dahil sa kanyang ginawa. Isang taon na ang nakalipas ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nung una ay regular at maayos ang pagpapadala ng pera ng kanyang ina. Pero habang tumatagal ay dumadalang na ito hanggang sa nabalitaan niya na may problema pala ang negosyo nila sa ibang bansa kaya naman hindi na siya nito masuportahan. Kinuha na ng bangko ang kanilang bahay, umalis na ang kanilang mga yaya. Naiwan na lang na magkasama ay siya at si Tris. Mula sa perang natira sa kanya ay nangupahan sila sa isang maliit na apartment. Para makapag patuloy ng pag aaral ay nag apply siya ng scholarship ganun din si Tris. Mahirap ang bawat araw, sa murang edad ay natuto na siyang magtrabaho ng higit pa sa isa para lang masuportahan ang buhay nila nila. Maswerte nga lamang siya sapagkat hindi halata sa itsura niya ang kanyang edad, dahil doon ay natatanggap siya mga part time job na kanyang pinapasukan. Wala namang problema sa kanya kahit gaano siyang mapagod at maghirap sa trabaho basta kasama niya ang isang tao na nagpapaligaya sa kanya ay sapat na iyon. Kahit kapos lagi ang kanilang pangangailangan. Minsan pumapasok siya sa paaralan at trabaho na walang laman ang sikmura ay okay lang basta naka kain ng maayos si Tris. "Trix, nakapag luto na ako. Halika kumain na tayo," masigla at nakangiti pang bati nito sa kanya sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho. Kahit kaunting kanin, tuyo at gulay lamang ang kanilang pagkain ay wala nang mas sasaya pa hangga't nakikita niya ang kontento at magandang ngiti nito. 'Miss na kita Tris ko, sana mahanap na kita' MAKALIPAS ang ilang oras ay natapos na ang misa. Umalis na siya sa simbahan at dumeretso sa kumpanya. Pagdating pa lamang niya doon ay nakakainis na pagmumukha na agad ni Rizzy ang kanyang nakita. Ngumiti ito ng malawak ng makita siya at masayang tumakbo palapit sa kanyang kinatatayuan. "Good morning babe!" saad pa nito sabay kapit sa kanyang braso. "Tss. You're here again?" Bored na turan pa niya diyo habang pilit tinatanggal ang kamay na nakapulupot sa kanyang braso. "Tinatanong pa ba yan, syempre binibisita ko lang ang Fiance ko," sagot pa nito. "Fiance? Who the hell is that?" "Tsk, hanggang ngayon ba naman ayaw mo pa rin akong kilalanin bilang fiance mo? Ano pa bang kulang sakin Cleo?" Eksahiradang pahayag pa nito nang makapasok sila sa kanyang opisina. Ito ang ayaw niya. Maingay na nga napaka drama pa. Sakit sa ulo talaga ang mga babae. "Baka naman wala sakin ang problema? " dagdag pa nito kaya napatingin siya. "What do you mean?" "Ano pa edi yang obssession mo sa paghahanap sa taong matagal nang pata---" "--- ENOUGH!" nanlilisik na tiningnan niya ito. Ang marinig ang salitang iyan sa taong di naiintindihan ang nararamdaman niya ay isang malaking insulto. Halatang natakot naman ito sa pagsigaw niya dahil napaatras pa ito bago mabilis na tumakbo palabas. Bago pa ito makalabas ay nag iwan pa ito ng isang pahayag na nagpagulo sa kanyang isipan. "Kailan mo ba matatanggap na wala na ang taong yun. Maawa ka naman sa kanya, patahimikin mo na sya!" Nang makaupo ay halos malagas ang kanyang buhok dahil sa mahigpit na paghawak niya dito. "f**k!!! A-ANONG KARAPATAN NYONG MAGSALITA NG GANYAN! HINDI NYO ALAM ANG PINAGDAANAN KO!" malakas na sigaw niya dulot ng frustration. Dumaan ang buong maghapon na parang nakalutang ang kanyang pakiramdam lagi siyang tulala at hirap makapag focus. Nang hapon na iyon pagkatapos ng trabaho ay dumaan muna siya sa isang bar para makapag palipas ng oras habang umiinom. Mas makakaramdam lang kasi sya ng lungkot kung uuwi siya ngayon. Matapos pumasok ay umupo siya sa counter, kung saan ay kita niya ang pagpapalipad ng mga bote at iba pang tricks na alam ng bartender. Masaya at nakakaaliw panuodin kaya naman habang na-inom ay di na niya napansin na may tumabi na pala sa kanya. "I'm sorry," saad pa ng katabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

OSCAR

read
226.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook