bc

January Montereal

book_age0+
2.0K
FOLLOW
15.1K
READ
love-triangle
possessive
opposites attract
friends to lovers
CEO
boss
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Cover by: Jeth Cano

Teaser:

Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan.

"Wala akong panahon para sa 'yo at lalong hindi kita kailangan sa buhay ko!" matigas na saad nito kay Denmark.

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng iyan nang nakaharap, January."

Hindi humarap si January dahil alam niya sa kanyang sarili na mahal niya si Denmark.

Paano niya haharapin ang binata kung siya mismo ang umiiwas dito?

May pag-asa pa kaya ang lihim niyang nararamdaman para sa binata kung siya mismo ay hindi niya magawang harapin ang sariling multo ng nakaraan?

Written by: iamdreamer28

Month Series Book 1: January Montereal

Genre: romance /general fiction

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Unedited "Happy new year!" sigaw ng mga magulang at kapatid ni January. At exactly one in the morning sa ilalim nang napaka lamig na temperatura ng Hong kong sinalubong ng buong pamilya Montereal ang bagong taon. To be exact, it's 10 degrees sa Tsueng Kwan O kung saan nakatira ang pamilya nila. Bahagi pa rin ito ng Hong Kong pero malayo na sa mismong centro. "January! Happy birthday anak!" magkasabay na bati ng mga magulang nito sa kanya. Nakatayo siya balkonahe ng bahay nila nang lumapit ang mga magulang nito na may dala-dalang cake kasabay ng kapatid nitong si Alwin. "Happy birthday ate!" sabi naman ng kapatid nito na nginitian lang nya. "Thank you ma, pa, Alwin," saka siya pumikit at nagdasal bago hinipan ang mga kandila. Niyakap siya ng ina bago ibinigay ang regalo nito sa kanya. "I wish you all the best and happiness in life anak," saad ng ina sabay halik sa pisngi niya. "Ang papa naman!" agaw naman ng kanyang ama. Nakangiting niyakap ni January ang ama. Palibhasa papa's girl si January kaya mas malapit ito sa ama. Mas nakakapagsabi ito ng mga saloobin sa ama. "Kalimutan mo na ang dapat kalimutan anak. Magpakasaya ka. Tama na ang parusa sa sarili. Tumatanda ka na. Gusto na namin ng apo," saad naman ng ama nito. "Papa talaga! Bata pa po ako. May dalawang taon pa ako bago lumagpas ng kalendaryo," taas ang ngusong sagot nito sa ama. "Ate? Seryoso ka? Kung hindi lang dahil sa mga cosmetics na ginagamit mo, baka kulubot na 'yang mukha mo," saad naman ng kapatid nito saka humagalpak nang tawa. Natawa na rin si January sa sinabi ng bunso nila. Palagi siyang inaasar ni Alwin na matanda na sa edad niyang dalawamput walo. Kailangan na raw niyang mag-asawa dahil gusto na rin ng kapatid nito magkaroon ng mga pamangkin. Close silang magkapatid. Kahit na laging asar-talo si January sa kapatid, binabalewala niya iyon. Mas gusto niyang makita ang kapatid na masaya kaysa sa nakaratay lang sa higaan nito at lumalaban kay kamatayan. Grade 6 si Alwin noon nang magkasakit ito dahilan ng muntikan na niyang ikamatay. Dengue fever ang dumapong sakit kay Alwin. Nangangailangan ito ng dugo sa lalong madaling panahon ngunit walang dugo ang ospital ng mga panahong iyon. Hindi rin pinayagan ang ama nila dahil may altapresyon ito. Ang ina naman ay hindi ka-match ni Alwin at ganoon din si January. Tanging ama lang nito ang puwede. Hating gabi noon at wala pa ring donor na nahanap ang mga magulang nila. Si January ang nagbabantay kay Alwin sa ospital. Lumabas siya at pumunta sa chapel ng ospital. May kadiliman sa loob ng chapel. Piniling umupo ni January sa harapan ng chapel at taimtim na nagdasal. Pagkatapos niyang magdasal, bumalik na rin agad ito sa kwarto ni Alwin. Hindi niya kayang tingnan ang kapatid na nag-aagaw buhay. Pakiramdam niya wala  siyang kwentang kapatid. Hindi man lang niya matulungan na ma dugtungan ang buhay ni Alwin. Palihim itong umiyak sa sofa habang pinagmamasdan ang kapatid. Kinabukasan, isang himala ang nangyari. Nagkaroon ng donor si Alwin. Gusto sana niyang magpasalamat ng personal sa taong nag magandang loob na nagbigay ng dugo ngunit hiniling daw nito na mananatiling confidential ang kanyang katauhan. Nang araw ring iyon, nasalinan ng dugo si Alwin at makaraan ng dalawang araw, nanumbalik ng paunti-unti ang lakas ng kanyang kapatid. "Hello. Tuesday. Napatawag ka?" sagot nito sa kaibigang tumawag. Nakaupo na siya sa sofa at nanonood ng t.v. "Happy birthday girl! Nasaan ka?!" "Nasa bahay lang kasama sina mama. Bakit?" "Come on! Bahay? It's your day tapos nasa bahay ka lang? Halika dito! Nasa adventure kami!" "Kaya ka naman pala sumisigaw ka. Paalam ka muna kay mama kung...." "Tapos na po at pumayag na siya kaya halika na po!" putol ni Tuesday sa sasabihin pa sana niya. "Okay! Pupunta na! Huwag ka munang malasing hangga't hindi pa ako dumarating. Ayaw kong maging alalay mo!" saad niya kay Tuesday sabay off ng cellphone. Madaling araw na kaya wala na siyang ibang choice kundi ang sumakay ng taxi. Ayaw rin kasi niyang mag-drive dahil siguradong wala siyang mapagparkingan. Wala na ring MTR dahil hanggang 10 o'clock ng gabi lang ito. Maingay at madilim ang paligid. Tanging disco-light lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng Adventure bar na pinupuntahan niya. Umupo siya sa highchair ng pabilog na counter ng bar. Maraming mga foreigners at mga kapwa niya Pilipino ang naroon. Um-order si January ng Margarita sa bartender na pinoy rin. Ilang sandali lang ay nasa harapan na niya ang alak. "Thank you and happy new year!" sabay kuha niya ng baso. Iinumin na sana niya ito nang may biglang umakbay sa kanya. "Happy birthday my dearest friend!" saad ni Tuesday saka siya niyakap. "Thank you!" ani naman nito at humarap sa kaibigan saka gumanti nang yakap. "Tama lang 'yung dating mo. Magsisimula na ang last set ng banda," sabi ni Tuesday sabay upo sa katabing highchair ni January. "Good." Saka niya inubos ang laman ng kanyang baso. Mayamaya pa, nagsimula nang tumugtog ang banda. Hinila na ni Tuesday ang kaibigan nito sa mesa nilang nasa harapan ng stage. Naroon din ang iba pa nilang mga kasama at binati naman siya ng mga ito. "Happy new year po sa lahat ng mga kababayan ko na nandito. Lalo na itong nasa harapan ng stage na nakasuot ng pink turtleneck with white fur coat. Happy birthday kabayan," nakangiting bati sa kanya ng lalaking nasa stage. "Thank you!" sagot naman ni January. Nagsimula ng umalingawngaw ang tunog ng mga instrumento at ilang sandali pa'y nagsimula na ang kantahan. "Bakit ngayon mo naisipang pumunta dito? Hindi ba dapat bukas pa tayo pupunta dito?" bulong ni January kay Tuesday. "Maraming tao bukas. Alam mo na. Mga kababayan natin. Sigurado puno na naman ito bukas," sagot naman ni Tuesday saka uminom ng alak. "Sabagay. Hindi rin naman natin sila masisisi. Ang hirap kayang malayo sa pamilya lalo na sa mga ganitong okasyon," saad naman ni January saka ininum ang laman ng kanyang baso. I knew I loved you before I met you I think I dreamed you into life I knew I loved you before I met you I have been waiting all my life "Nakatingin sa 'yo 'yung lalaking kumakanta!" kinikilig na bulong ni Tuesday sa kaibigan. Tiningnan naman ni January ang lalaking sinasabi nito at tama nga si Tuesday. Nakatingin nga kay January ang lalaking kumakanta na para bang siya ang tinutukoy ng lalaki sa kanta niya. There's just no rhyme or reason only this sense of completion and in your eyes I see the missing pieces I'm searching for I think I found my way home I know that it might sound more than a little crazy but I believe I knew I loved you before I met you I think I dreamed you into life I knew I loved you before I met you I have been waiting all my life Naramdaman ni January na parang tumayo ang mga balahibo nito nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Agad siyang nagbawi ng paningin at itinuon sa ibang direksyon. Ngunit mas malala pa ang kanyang nakita nang dumako ang paningin nito sa exit area. Naghahalikang mga babae ang nakita niya roon. Napangiwi siyang itinuon sa ibang direksyon ang mga mata. Alas-tres na ng madaling araw nang magpasya si January na umuwi. Tapos na rin naman ang huling set ng banda kaya nagsimula na ulit ang sayawan. Ayaw pa kasing umuwi ni Tuesday dahil wala naman daw silang pasok kinabukasan kaya puwede nang hindi muna umuwi. Magkakasama naman sa bahay sina Tuesday at iba pa nitong kasama kaya panatag ang loob ni January na iwanan ang kaibigan. Habang naghihintay ito ng taxi sa labas ng bar, nahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nakatayo sa kabilang kalsada. Nakatayo ito sa tapat ng stoplight at gan'on din naman si January. Nakasuot ito ng itim na coat na may haba hanggang tuhod at nakita ni January na itinapon nito sa basurahan ang kanyang sigarilyo. Hindi na lang niya iyon pinansin at ibinalik ang atensyon sa paghahanap ng taxi. Mayamaya pa, nakita niyang tumawid ang lalaki sa kalsada at papunta na ito sa kinaroroonan niya. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil marami namang tao sa paligid kung may masama man itong balak sa kanya. Nang tumapat na ang lalaki sa kanya, huminto ito sa tabi niya at Tumayo na para bang may hinihintay rin. "Hi!" Rinig nyang sabi ng lalaki. Lumingon-lingon si January sa paligid ngunit wala naman siyang ibang nakita na nakatayong kasama nila kundi silang dalawa lang. "Ako ba kinakausap mo?" "Denmark. Denmark Anderson," Sagot ng binata sabay lahad ng kanyang palad sa dalaga. "Wow! Nandito tayo sa Hong kong tapos 'yung name mo Denmark? Nagpapatawa ka ba? Sana ginawa mo na lang Macao o 'di kaya China para mas malapit," "Natawa ka ba?" tanong ng binata sa kanya. "Hindi." Mataray na sagot nito saka tinawag ang taxi na parating ngunit may sakay naman pasahero itong sakay. "'Lahat ng taxi na dadaan dito ay puno na," nakangiting saad ng lalaki. "Bakit mo alam? Ikaw ba ang may-ari ng taxi dito?" "Sabihin na nating gan'on na nga," "Tsesi," (baliw) "What? What does it mean?" kunot ang noo na hinarap ni Denmark si January. "Hindi mo alam? Ilang taon ka na ba dito sa hk at hindi mo pa alam ang ibig sabihin noon?" "Bago lang ako dito. Actually, first day ko pa lang dito. Pinilit lang ako ng mga kasamahan kong kumanta. Hindi talaga ako ang vocalist nila. Kaibigan ko ang totoong vocalist ng banda," paliwanag naman ng lalaki. Sumulyap si January sa kanya at agad din namang nag-iwas ng tingin nang makita nitong may taxi na namang parating. Laking pasasalamat naman ni January ng sa wakas ay walang pasahero ang taxi. Sumakay na agad si January sa taxi. Hindi na siya nag-abala pang lingunin si Denmark na nagsasalita pa rin. "Wait! Miss! May I know your name?" tanong nito sa dalaga habang nakasilip sa bintana ng taxi. "Hindi na kailangan. Hindi na rin naman tayo magkikita pa ulit. Happy new year na lang sa 'yo kabayan," saka nito inutusan ang driver na umalis na. Wala ng nagawa si Denmark nang umalis na ang taxi na sinasakyan ni January. Kumaway na lang ito nang lumingon ang dalaga sa kinaroroonan niya. "Magkikita pa tayo ulit," saad ni Denmark sa sarili. Itutuloy.... Happy new year! Ito na po ang simula ng kwento ni January Montereal. Sana suportahan po ninyo. Salamat! Love...Love... iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook