bc

WANTED: Perfect Husband for the Heiress

book_age16+
1.4K
FOLLOW
7.8K
READ
billionaire
contract marriage
dominant
confident
boss
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
genius
loser
witty
campus
addiction
shy
civilian
like
intro-logo
Blurb

Atasha Ardiente. Ang nag-iisang tagapagmana ng angkan ng Ardiente. Kasama nito, kailangan niyang mamili sa tatlong lalaking galing sa buena pamilya, na inirereto ng ama at ng Lolo niya para maging asawa niya. Sino ba ang pipiliin niya? Si Keeno na bestfriend niya at palagay na ang loob niya? Si Levi na mentor niya at CEO ng Ardiente Group of Companies? O isang hindi niya kilalang lalaki, na si Karl James, isang internet sensation dahil sa pagkakabilang niya nang mabilis sa Young Millionaires' Club. O mas pipiliin niya si Redentor Ramos, na isang ordinaryong lalaki lang at walang yaman?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Kapag naabutan kitang animal ka, ililibing kita nang buhay diyan sa katabing bakanteng lote!!!” Napahinto ako sa pagsasara ng pintuan ng sasakyan ko. Napa-isip ako nang matindi. Sa bahay ko ba nanggaling ‘yung sigaw na iyon? Hindi pa ako lubusang nakakapag-isip nang may narinig na naman akong ingay. “Sige, hulihin mo ‘yang g**8ng ‘yan! Malaki rin ang kasalanan sa akin niyan!” Napakunot ang noo ko sa pamilyar na boses na pumailanlang. Teka… Si Levi ba ‘yun? Pero napakalayo niya sa Levi na kilala ko. Simula nang makilala ko si Levi ay hindi ko 'yun narinig na nagalit, mas lalo na ang magmura. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Tama naman ang napasukan kong bahay. Bahay ko 'to. Hindi naman ako nagkamali ng napasukang bahay. Kung ganun, si Levi talaga iyong narinig kong boses. “Ang tahimik lang ng buhay namin ditong apat nila Atasha. Dumating ka lang, nagulo na! Ibabalik kita sa pinanggalingan mo!” Napalingon ako sa gawi ng likod-bahay. “Keeno?” Doon nanggagaling ang ingay kung tama ang hula ko. At mukhang talagang si Keeno talaga 'yung narinig ko, at nabanggit pa ang pangalan ko. So, I therefore conclude na bahay ko nga ito. “Humanda ka talaga sa akin, animal ka!” Boses ni Karl James yata ‘yun. Agad na sumagi sa isip ko si Redentor. Mukhang siya ang gustong gawing pulutan nung tatlo. Nagmadali akong naglakad papunta sa likuran ng bahay. Naroroon ang mini garden ko at swimming pool, pero doon ko rin naririnig ang mga boses nila. Ano ba kasi’ng nangyayari? Hanggang sa bumungad sa akin ang eksena ng paghahabulan ng apat na lalaki. Si Keeno, ang guwapong bestfriend ko. Siya iyong tipo ng boy-next-door ang dating. May kakapalan man ang kilay niya, bumagay naman ito sa baby-face niyang mukha. Parang mula nung mga bata kami ay ganun pa rin ang mukha niya at hindi nagbabago. Baka kapag umedad pa kami nang konti, magmukha na akong Ate niya. Ang angkan nila Keeno ang nagmamay-ari ng iba't-ibang fastfood chain sa buong bansa. Halos sixty percent ng mga fast-food chain na mga kumpanya ay pag-aari nila. Ang ikalawa ay si Levi, ang CEO namin sa Ardiente Group of Companies. Namana niya ang posisyon niya sa ama niya, na siyang dating CEO ng AGC. Maputi si Levi. Tisoy. At hindi lang basta maputi, flawless ang balat niya. Parang hindi sanay sa mga gawaing panlalaki at mabibigat. Sa itsura ng kutis niya, mukhang sanay lang siya sa mga gawaing pang-opisina, at naka-aircon lang lagi. Ganunpaman, sobrang talino ni Levi. Parang halos lahat sa pagpapatakbo sa negosyo ay alam niya. Ang ikatlo ay si Karl James. Ang alam ko kay Karl James ay hindi ito nanggaling sa may kayang pamilya. Mahirap lang ang pamilyang pinagmulan niya. Pero ang dahilan kung bakit siya nasama sa mga ibang kasama niya dito ay dahil sa galing niya na mapaunlad ang sarili niya sa solong pagsisikap niya. Sa batang edad, kabilang na siya sa mga miyembro ng Millionaire's Club sa buong mundo. Parehong Filipino ang mga magulang ni Karl James, pero sa itsura niya, parang may halo siyang Asian foreign blood. Hindi siya pahuhuli sa kakisigan ni Keeno at Levi, pero iyong taglay na kakisigan ni Karl James ay parang 'yung mga guwapong kontrabida sa mga pelikula. Astig ang dating. Silang tatlo ang pumasa sa maselang panlasa at mataas na standard ng aking ama at ni Lolo Gener, na siyang tumatayong Chairman ng AGC. “Hoy! Magsitigil kayo!!” sigaw ko sa kanilang apat. Nanlaki pa ang mga mata ko, pagkakita ko kay Karl James. Nakasuot lang ito ng boxer shorts, kaya kitang-kita ang maganda niyang katawan. Halatang alaga sa gym ang katawan niya. Pero hindi iyon ang nakapagpalaki sa mga mata ko. Kung hindi ang buong katawan niya na kulay asul. Ano'ng nangyari sa kanya? Pero walang pumansin sa pagsigaw ko, or sadyang hindi nila ako napapansin, dahil abala silang apat sa paghabol kay Redentor. At si Redentor? Actually, hindi dapat kasali Redentor dito. Hindi siya dapat nandito sa bahay ko, at nakikipagkumpitensiya sa tatlong lalaki. Wala siyang maipagmamalaking yaman. Bukod sa mahusay magluto, gandang lalaki lang ang nakikita kong pwede niyang ipagmalaki. Ang kaguwapuhan niya iyong tipo ng matitigan ka lang niya ay tutulo na ang laway mo. Napaka-expressive kasi ng mga mata ni Redentor. Ang sabi nga nila, parang nangungusap. Parang titigan ka pa lang niya, ay niroromansa ka na. "Redentor ka! Mahuli lang talaga kita!" Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko na naman ang ingay nilang apat. Napasabunot na lang ang isang kamay ko sa buhok ko. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga dahil kanina pa masakit ang ulo ko. Kung alam ko lang na ganito ang mabubungaran ko pag-uwi ko, sana kay Aileen na lang muna ako pumunta. “Guys!!!” tawag-pansin ko uli sa kanila. Pero para lang akong hangin na nakatayo rito at hindi nila nakikita. Patuloy lang sila sa habulan nilang apat. Ang nakatawag ng pansin ko ay ang kulay asul na katawan ni Karl James. Pero sa itsura nila ngayon, alam kong hindi nila ako papansinin, kahit itanong ko ‘yun ngayon. “Hoy!!!” nakapameywang kong sigaw. “My princess!” mabilis na bati sa akin ni Redentor, sabay takbo sa likuran ko. Sumunod naman sa kanya ‘yung tatlo, at pinipilit siyang hulihin. Ang nangyari tuloy, para silang nagpapatintero sa likod at harap ko. “Ano ba?! Tumigil nga kayo!” Napahawak pa ako sa sintido ko nang pumintig iyong ugat sa kanang bahagi. Muntik pa akong matumba nang hawakan ako ni Redentor sa magkabila kong braso sabay tago sa likuran ko. “Redentor! Ano ba!?” “Sorry, my princess. Pero hindi nila ako pwedeng mahuli. Or else, mawawalan ka ng boyfriend na malakas ang s*x appeal,” hinihingal pang sagot sa akin ni Redentor. At nagawa pa niya talagang isagot ‘yung kalokohan niya, ha? Gusto ko sanang kontrahin ang sinabi niya, pero naalala ko agad na hindi nga pala ako pwedeng kumontra. Bago ko sila masaway uli ay binitiwan na ako ni Redentor at saka tumakbo nang ubos bilis patungo sa may pool. Muli na naman silang naghabulan na parang mga batang paslit. Buo na sana sa loob ko na hindi na lang sila pansinin, pero alam ko rin naman na hindi rin naman sila kusang titigil. Iisa lang ang naiisip ko para mapatigil ko sila. “Titigil ba kayo diyan sa kalokohan ninyo? O, ako ang magpapahinto sa inyo?!!” sigaw ko na naman sa kanila. Sa totoo lang, kaya ako umuwi nang maaga ay para magpahinga. Hindi para maging yaya ng apat na abnormal na mga ito. Para na naman akong kumausap sa hangin, kaya no choice na ako kung hindi gawin ko na ang dapat kong gawin. Walang lingon-likod na nagmartsa ako papasok sa loob ng bahay. Dere-derecho ako sa kuwarto ko at saka binuksan ko ang isang secret closet. Sandali kong iginala ang tingin ko doon sa loob ng closet. Iniisip kong mabuti kung alin ba ang dapat kong damputin. Nang sa wakas ay nakapagpasya na ako, dali-dali akong nagsuot ng leather gloves, at saka kinuha ang Beretta semi-automatic shotgun ko. Dumampot na rin ako ng apat na bala bago ako nagmartsa palabas ng kwarto ko. Habang pabalik ako sa likod-bahay, naririnig ko pa rin ang sigawan at pagmumurahan nila sa isa’t-isa. “Ayaw n’yo pa rin talagang tumigil, ha…” inis kong pagka-usap sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa kung saan naroroon iyong apat ngayon. Muli kong nakita ang paghahabulan nung apat kaya mas lalo pa akong nainis. Naglakad pa ako palapit sa kanila. “Hindi talaga kayo titigil, ha?!” malakas kong sabi sa kanila habang naglalakad at bitbit ang shotgun. Nang medyo malapit na ako sa puwesto nila ay inilagay ko ang isang bala at saka iyon ikinasa para makalikha ng tunog. Halos sabay-sabay silang napahinto at saka sabay-sabay ring lumingon sa akin kaya inilagay ko na rin sa cartridge sa ilalim ang dalawa pang bala. Muli kong ikinasa ang baril na hawak ko. Nakita kong namilog ang mga mata ni Levi. Sunod-sunod naman ang ginawang paglunok ni Redentor habang nanlaki naman sa karaniwan ang mga mata ni Karl James. Si Keeno? Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. “Walang gagalaw maski sino sa inyo! Diyan lang kayo sa kinatatayuan n’yo!” Huminto ako sa paglalakad nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila. Itinaas ko ang shotgun na hawak ko pantay sa aking dibdib at saka inumang sa bawat isa sa kanila. “My princess! Don’t! Ibaba mo na ‘yan, please!” malakas na pakiusap ni Redentor kaya itinutok ko sa kaniya ang shotgun. “Atasha, Magbi-behave na kami. Promise.” Si Levi naman ang nagsalita kaya ibinaling ko sa kanya ang shotgun. “Marunong ka bang gumamit niyan?” tanong naman ng kulay asul na si Karl James kaya siya naman ang binalingan ko, sabay tutok sa kanya ng shotgun. “For heaven’s sake, Atasha! Baka makalabit mo ang gatilyo!” takot na babala niya sa akin. Pagkatapos ay binalingan niya si Keeno na tahimik lang na nakatingin sa akin. “Huy, kutong-lupa! Sawayin mo ‘yang kaibigan mo!” Pero nilingon lang siya ni Keeno, at saka patamad na tiningnan. “Magaling humawak ng baril ‘yan. Sabi naman sa inyo, bata pa lang ay na-training na ‘yan.” Nakita ko naman na humakbang si Redentor paabante. “Princess, huwag–” Mabilis kong itinutok ang baril sa paanan ni Redentor at saka walang sabi-sabi na kinalabit ko ang gatilyo pero maagap siyang naka-iwas at nakalundag palayo.. “Sabi nang walang aalis sa puwesto!” “Atasha… pag-usapan natin ‘to nang mahinahon…” sabi ni Levi, nakataas pa ang mga kamay na parang susuko sa pulis. Ngumisi ako sa kanila sa kabila ng pagpintig ng mga ugat sa sintido ko. “Hah! Kanina ko pa kayo kinakausap nang mahinahon. Pinansin n’yo ba ako? Hindi naman, ‘di ba? Patuloy lang kayo sa kalokohan n’yo. Oh, ngayon? Mag-usap na tayo nang may nakatutok na baril sa inyo. Huwag na huwag lang kayong magkamaling kumilos kung hindi… ‘yung kasunod na bala, sa katawan n’yo na tatama,” sabi ko sa kanila. “Okay…” sabay-sabay nilang sagot sa akin. “Now… tell me,” mas mahinahon na ako ngayon kaysa kanina. Nakuha ko na kasi ang atensiyon nila. “What is the reason for this chaos?” Akala ko ay okay na pero mas lalong sumakit ang ulo ko nang sabay-sabay silang nagsalita at nagbigay ng kani-kaniyiang rason na parang mga batang nagsusumbong sa Nanay nila, pero halos wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil nga sabay-sabay silang nagsasalita. “Stop!!!” sabi ko sa kanila sabay kasa ng baril na hawak ko. Agad naman silang huminto kaya natuwa ako kahit papaano. Shotgun lang pala ang katapat ng apat na 'to. “Wala akong maintindihan sa mga sinasabi n’yo. Isa-isa lang!” Bumalik na naman ang inis ko sa kanilang apat. “Ikaw, Karl James. Bakit kulay blue ang ka? Ano ka, alien? Taga-Avatar?” seryosong tanong ko sa kaniya pero nagtawanan iyong tatlong lalaki kaya agad ko silang nilingon. “Walang tatawa!” babala ko sa kanila kaya agad silang huminto sa pagtawa. “Karl James,” pag-uudyok ko kay Karl James na magsalita na. “Naligo kasi ako sa bathtub kanina," sagot niya. "And so?" naguguluhang tanong ko. "Nakita ko may laman nang tubig 'yung bathtub kaya lumublob na ako agad. Nakita ko kulay blue 'yung tubig, pero kasi akala ko ‘yung bubble bath lang ‘yun kasi kaya ganun ang kulay niya.” Napakunot lalo ang noo ko sa ikinukuwento ni Karl James. “Wait. Pakisagot na agad bakit ka naging asul? Ano ‘yan?” tanong ko. Tiningnan niya nang masama si Redentor. Umakto naman si Redentor na inosente. "Iyan kasing abnoy na 'yan!" turo pa ni Karl James kay Redentor. “Bakit ako ang sisisihin mo? Hindi ka muna kasi nagtanong. Binabaran ko ng tina iyong bath tub para pumuti,” katwiran ni Redentor. “Tina? Ano ‘yun?” nagtataka kong tanong. “Sa resort, kapag nagkukula sila ng mga bedsheets at mga punda, nilalagyan at binibabad nila sa tina. O, ‘di ba, my princess… ang puputi ng mga bedsheets at mga punda namin doon?” nakangiti pa niyang paliwanag. Hindi ko alam kung tatango ako at sasagot ng oo o mananahimik na lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya na ubod ng puputi ang mga bedsheets nila roon. “Eh, ‘di sana sinabi mo na binabaran mo!” inis na sabi ni Karl James kay Redentor. “Eh, ‘di sana nagtanong ka. Hindi ‘yung lublob ka na lang nang lublob basta-basta. Ang tamad mo kasi,” kalmado namang sagot sa kanya ni Redentor. “Sanay akong may gumagawa para sa akin ng mga ganun.” “Pwes, dito wala. Kasi hindi ka bisita dito sa bahay ni Atasha ko.” “Aba–” “Stop,” sabi ko kay Karl James. BInalingan ko naman si Levi. “Ikaw naman Levi, ano naman ang concern mo?” “Pinakain ako ni Redentor ng ice cream na gawa sa tinapa. Yuck! Hanggang ngayon parang nasa lalamunan ko pa ‘yung lasa. Arghhh!” sabi nito, habang ang sama-sama ng mukha na para bang na-trauma sa kinain niya. Tiningnan ko si Redentor at saka ko siya tinaasan ng kilay. “Redentor?” Nagkamot muna siya ng ulo bago sumagot sa akin. “Ang dami kasing naka-stock na tinapa sa ref mo, eh… nag-aalala lang naman ako na amagin na siya kaya nag-experiment ako. Ginagawa kasi ni head chef ‘yun sa resort, eh! Iyong ampalaya, ginawa niyang ice cream… masarap naman…” Napaisip tuloy ako. Sino ba ang namili ng nga tinapa na strock sa ref? Parang hindi naman ako dahil hindi naman ako masyadong mahilig kumain nun. “Sana, nilagyan mo man lang ng label ‘yung lalagyan para alam namin kung ano’ng flavor ‘yun. Eh, nilagay mo pa sa lalagyan ng Cookies n Cream na flavor, eh, favorite flavor ko ‘yun sa ice cream!” inis na sabi ni Levi kay Redentor. “Sorry naman, ‘yun lang ang nakita kong lalagyan. Naitapon na kasi ‘yung iba. Maka-yuck naman 'to,” sagot naman sa kanya ni Redentor. Napakamot na lang ako sa kilay ko sa mga naririnig kong palitan nila ng mga salita. Binalingan ko naman si Keeno. “Keeno, of all these four, nakisali ka pa talaga sa kaguluhan nila?” tanong ko kay Keeno. “Tash, sa tingin ko kasi, nananadya na ‘yang boyfriend mo na ‘yan,” reklamo agad ni Keeno, sabay bigay diin sa salitang boyfriend. Medyo na-guilty naman ako nang marinig ko ang salitang ‘yun. Pretend boyfriend ko lang naman kasi si Redentor. Pero siyempre, hindi ko pwedeng ipahalata sa kanila ‘yun, lalo na kay Keeno. Sa sobrang kilala sa akin ni Keeno dahil sa mga bata pa lang kami ay magkasama na kami, kung hindi ko itatago ang emosyon ko, baka makahalata siya. “Ano ba ang concern mo, Keen?” Sinadya kong gamitin sa kanya ang pet name niya sa akin para lumambot siya sa akin. “Pinakain niya ako ng cupcake na may sangkap na sili,” akusa ni Keeno kay Redentor, sabay lingon niya kay Redentor. “Redentor. Sinadya mo ba ‘yun?” tanong ko kay Redentor. Tiningnan niya si Keeno nang derecho. “Sabi ko nga sa ‘yo, honest mistake ‘yun. Napagkamalan kong sesame seeds ‘yung chili seeds kaya iyon ang nailagay ko. Magkatabi kasi sila. Namali siguro ako ng dampot. Basta ko na lang kasi dinampot at inilagay sa bini-bake ko. Nag-sorry na nga ‘yung tao sa ‘yo, ayaw mo namang tanggapin,” mahinahong sagot naman ni Redentor. Pero sa itsura ng mukha ni Keeno, nakikita ko na hindi siya kumbinsido sa sagot ni Redentor. Binalingan ko si Redentor. Sinadya nga ba talaga niya ang lahat? Pero kung titingnan ang itsura niya ngayon, mukha naman siyang inosente. Hindi pa ako nagkamali sa pagbasa sa isang tao ever since. Muli kong naramdaman ang pagpintig ng ugat sa sintido ko, kaya inisang kamay ko lang ang hawak sa shotgun, at saka ko minasahe ang ulo ko. “Maybe, coincidence lang ang lahat,” anunsiyo ko habang hinahagod ko ang gilid ng noo ko. Patindi na nang patindi ang sakit na nararamdaman ko sa parte na ito. Narinig ko bigla ang reklamo nung tatlo - si Keeno, Levi at Karl James. Mariin akong napapikit. Sumasakit na nga ang ulo ko, sumasabay pa itong apat na ‘to. “Okay, okay!" saka lang sila huminto, kaya sinamantala ko agad, "ganito na lang…” “Patawarin n’yo na muna si Redentor ngayon.” Pero bigla na namang sabay-sabay nagsalita silang apat kaya muli kong itinaas ang hawak kong shotgun at saka itinutok sa bandang paanan nila at kinalabit ko ang gatilyo. Agad uli silang huminto sa pagsasalita kaya napangiti ako. Tumango-tango ako. “Good. Mabilis kayong matuto. Okay… for the meantime… ceasefire muna tayong lahat. Sobrang sakit na ng ulo ko. May dalawang bala pa akong natitira. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, iyong dalawang bala sa katawan na ninyo dumapo. Okay ba?” tanong ko sa kanila. “Okay!!!” sabay-sabay uli nilang sagot. “Karl James, maligo ka na at hilurin mo ‘yang tina, o kung ano mang ‘yan na nasa katawan mo. Ang sakit mo sa mata, for goodness' sake! Masakit na nga ang ulo ko, pinapasakit mo pa ang mata ko,” sabi ko kay Karl James. "Hindi ko naman kasalanan," sagot pa ni Karl James. Narinig kong paimpit na tumawa si Redentor kaya napatingin si Karl James sa kanya at pati na rin ako. Pero agad ding huminto sa pagtawa si Redentor nang makita niya ang tiger-look na tingin sa kanya ni Karl James. Takip-takip pa ni Redentor ang bibig niya. “Levi, please cook some soup for me. Please lang, ayaw ko ng tinapa flavor. Have mercy,” sabi ko sabay paikot ng mga mata ko sa hangin. “Sure, Atasha,” sagot naman ni Levi. “Keen, pakitakbo naman sa drugstore. I need sanitary napkins and meds for PMS,” malambing na sabi ko kay Keeno. “Just like the old times…” sagot naman ni Keeno. Tiningnan ko si Redentor. “And Redentor?” masungit kong tawag sa kanya. Kahit ano’ng bali-baligtad ang gawin ko, he’s the cause of all these troubles. “Yes, my princess?” malambing namang sagot niya sa akin. Pakiramdam ko biglang gumuho ang depensa ko sa pagsagot niya sa akin sa ganung paraan. “Sumama ka sa kuwarto ko. I need a massage.” Iyon lang at tumalikod na ako sa kanilang lahat, at naglakad na papasok ng bahay ko. Ayokong makita ang reaksiyon nila Keeno, Levi at Karl James. “Guys... Ayoko ng maingay habang nagpapahinga ako. Katabi ko lang itong shotgun ko sa kama ko. And may I remind you, may dalawang bala pa akong natitira dito,” anunsiyo ko sa kanila, habang naglalakad ako palayo sa kanila. “Narinig nyo, ha? Walang iistorbo sa amin ng princess ko,” narinig kong pang-iinggit pang sabi ni Redentor dun sa tatlo. “Shut up, Redentor! Kung ayaw mong sa iyo ko gamitin ang pangatlong bala,” malakas na sabi ko, para marinig mabuti ni Redentor. Wala na akong narinig na ingay o sagot mula kay Redentor pero napangiti ako. Paano ba naman, puro blank bullets lang naman ang bala ko? Pagkapasok ko sa kuwarto ko, hinubad ko ang high-heels ko, at saka nagpunta sa walk-in closet para magpalit ng damit. Nakapagpalit na ako ng damit at nakalabas na mula sa walk-in closet, pero wala pa rin si Redentor. Malinaw naman ang sinabi ko na kailangan ko ng masahe ngayon. Isinandal ko patayo ang shotgun sa gilid ng kama, at saka ako patamad na nahiga. Baka naman may ginawa lang saglit si Redentor. Wala sa loob na napatitig ako sa kisame ng kuwarto ko. Habang nakahiga at naghihintay sa pagsunod ni Redentor sa kuwarto ko ay napailing ako. Ayokong isipin kung bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon... kung bakit kasama ko sa iisang bahay ang apat na gunggong na iyon. Ayokong isipin... ayoko talaga. Ngunit mas makulit pa sa apat na iyon ang isipan ko at unti-unti nitong ipinaalala sa akin ang lahat mula sa simula... ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
231.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
66.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
32.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
89.7K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
42.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook