bc

Señorita

book_age18+
1.5K
FOLLOW
22.0K
READ
kidnap
pregnant
brave
dare to love and hate
bxg
mystery
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

"Beauty and Lies"

Dahil sa sobrang stressed ni Dianna, napagpasyahan niyang magbakasyon.

"Vallehermoso." Isang Isla na hindi masyadong exposed sa mga turista. Tahimik at kakaunti palang ang nakadiskubre dito.

The view was very relaxing kaya tamang-tama na rito niyang naisipang magbakasyon.

While, Dianna sipping her juice, napamura siya nang may biglang humatak sa kanya palabas ng restaurant.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"sigaw niya sa dumuhong lalaking bastos na bigla na lamang siyang hinatak.

Pero parang wala itong naririnig, sa asar niya kinagat niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

"f**k! Stop biting my hand Coreen!" galit na sigaw nito sabay hila nang malakas sa kanya.

Pero ang naka-agaw sa atensyon niya ang tinawag siya nitong, Coreen.

"Hindi, Coreen ang pangalan ko!" sigaw niya rito at hinampas niya ito nang malakas.

"Stop shouting and denying that you're not, Coreen uuwi tayo ngayon sa bahay! Tapos!" At kinaladkad siya nito sa parking lot.

"I'am not that f*****g, Coreen! My name is, Dianna!" protesta niya rito.

Bago pa man siya makapagprotesta muli ay- kinabig siya nito paharap dito at siniil ng maparusang halik.

"I miss your lips, wife!"

"W-wife?" nanlalaking matang sambit niya.

"Holy, mother of God!" dagdag niya bago nawalan ng malay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Dianna's POV "Saan ka na naman galing!" Napatalon si Dianna sa gulat. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Para siyang magnanakaw na nahuli sa akto. Humigpit ang pagkayakap ni Dianna sa sarili "Saan ka na naman nanggaling, Dianna?" galit na tanong ni Don Danilo Samonte. Nakapantulog na ito at mukhang inaabangan talaga nito ang pag-uwi niya. "Speak!" malakas na sigaw ni Don Danilo na siyang ikinagulat ni Dianna, sa buong buhay niya ngayon lang siya nasigawan nang matindi ng kaniyang ama, kasalanan naman kasi niya.. "A-ah sa bar po," mahinang sagot ni Dianna, na halos hindi nakatingin sa galit na Ama. "Matulog ka na at bukas na bukas din lilipad ka pauwing Pilipinas!" maotoridad na utos nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya, ang tigas naman kasi ng kaniyang ulo. "P-pero..." hindi na niya naituloy ang sasabihin nang nakita ang galit na galit na mukha ng kaniyang ama nang nag-angat siya ng tingin dito, Pinili na lang niyang manahimik at sundin ang sinabi nito. Ayaw niyang atakihin na naman ito sa puso. Ang kulit ba naman niya pinagbabawalan na siyang lumabas tuwing gabi at mag-night out at sadyang matigas ang ulo niya at hindi pa rin siya nakikinig dito. Last warning na niya... ilang beses na kasi siyang nahuli nito at kapag umulit pa siya ang usapan nila uuwi siyang Pinas sa ayaw at sa gusto niya! Parang lantang gulay na umakyat siya sa ikalawang palapag nang kanilang bahay patungo sa sariling silid. Nakita niyang alas-dose na pala ng madaling araw. Akala niya kanina alas-onse pa lang. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang kuwarto. Limang taon din siyang nanirahan dito sa Australia kasama ang kaniyang ama na nagpapagamot sa sakit nito sa puso. Dito na rin siyang nakapagtapos ng college at nagkaroon ng mga kaibigan nasa kaniya na ang lahat pero parang may kulang pa rin sa pagkatao niya? Pasalampak na humiga si Dianna sa malambot niyang kama. "Attention everyone we are now approaching the Ninoy Aquino International  Airport, please put on your seat belt and turn it off your mobile we are about to land." Napaayos siya ng upo sa kaniyang upuan. Nakatulog pala siya kanina habang nasa biyahe at hindi niya namalayan na magla-landing na sa airport ng Pilipinas ang sinasakyan niyang eroplano. Muntik na siyang mapamura dahil sa sobrang inis, kanina pa siya naghihintay ng kaniyang sundo pero wala pa rin. "Dianna!" napalingon si Dianna nang narinig na tinawag ang kaniyang pangalan. "Sa wakas!" inis na sambit ni Dianna,  nang nakikitang kumakaway-kaway sa kaniya si Roxanne, her cousin's. Ito kasi ang susundo sa kaniya at sobrang late na ito ang sarap lang batukan ng babaeng ito. "Mabuti at dumating ka pa!" naiiritang wika ni Dianna kay Roxanne. Ngumiti lang ito at kinuha ang dala niyang maleta. Mas matangkad siya rito, bagay na bagay sa buhok nitong curly ang suot na summer dress ng kaniyang pinsan. "Pasensya na! Nasiraan kasi ako sa daan at nawalan ng baterya ang cellphone ko!" pabalang na sagot ni Roxanne nahuli niya pang naningkit ang mga mata nito, buti na lang sanay na siya rito.. Kahit kailan talaga nakaiinis itong babaeng. Nanahimik na lamang siya kaysa pakipagbangayan sa baliw na ito. Pansin niyang marami pala ang nagbago sa Pilipinas ilang taon din siyang hindi nakauwi. "Hanggang kailan ka mananatili sa Rancho?" biglang tanong ni Roxanne. "Depende," maiksing sagot niya rito. "Na-miss kita!" nagulat naman siya sa sinabi nito. "Mukhang malaki ang pinagbago mo simula nang umalis ka sa Rancho," mahinang sabi ni Roxanne na rinig na rinig naman niya. "People change, Roxanne lahat naman nagbabago," sagot niya rito. "Sabagay," pagsang-ayon nito sa sinabi niya. Sinulyapan niya ang kaniyang pambisig na relo, alas-kuwatro na pala ng hapon, medyo mahaba-haba pa ang biyahe patungo sa, Ranco Samonte. Rancho Samonte was located in Taysan, Batangas, sa tantiya niya dalawang oras at kalahati ang biyahe mula rito, depende king ma-traffic. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya nang nararamdaman ang mahihinang pagtapik ni Roxanne sa kaniyang pisngi. "Gising na, Dianna nasa Rancho na tayo," wika nito. Ang haba pala nangvnaitulog niya. Madilim na ang paligid dahan-dahan siyang bumaba sa sasakyan. "Maligayang pagbabalik, Dianna!" masayang bati sa kaniya ng tiyahin. Pagkatapos maghapunan ay nagpahinga na siya. Mabuti na lang at hindi muna siya inusisa ng tiyahin. Mahilig pa naman itong makipagkuwentohan lalo na sa kaniya. Nag-iisang kapatid ito ng kaniyang ama, at tanging si Roxanne lang ang pinsan niya sa father side. "Kumusta na kaya siya?" mahinang usal niya. Biglang nananiriwa sa kaniyang alaala ang mapait na sinapit ng kaniyang puso. Nakatulugan na  niya ang kaiisip sa unang lalaking minahal niya noon. Kahit napuyat siya kagabi ay maaga pa rin siyang nagising kanina. Sobrang na-miss niya ang buhay niya dito sa Rancho, Samonte. Agad na pinuntahan niya ang kuwadra ng mga kabayo. Sobrang tagal na rin niyang hindi nakasakay sa kabayo. Malaki rin ang pinagbago ng buong Rancho. Siguro dahil sa tagal niyang walang balita o hindi nakauwi rito. "Magandang umaga señorita," magalang na bati sa kaniya ni Mang Tony, kahit may edad mukhang malakas pa naman ito. "Puwede ko po bang magamit ang dating kong kabayo?" tanong niya rito. "Oo, naman po," At sinundan niya ito sa pinakadulong kuwadra. Napangiti siya nang nakita ang paboritong kabayo. "Dark!" masayang sambit niya. "Ako na po ang bahala rito," turan niya kay Mang Tony.. Isa ito sa pinagkakatiwalaang tauhan nila bata pa lang siya ay dito na ito nagtatrabaho. "Sige po, señorita." At umalis na ito. Pinagmasdan niya ang papalayong bulto ng matanda. Maingat na sumakay siya sa kaniyang kabayo. Mabuti na lamang at kilala pa siya nito. "Nandoon pa kaya ang tree house malapit sa ilog?" tanong niya sa sarili. Pinatakbo niya nang mabagal si Dark, ayaw niyang biglain ito sa ngayon medyo naninibago pa siya sa pagsakay rito. Binagtas niya ang sekretong daan patungo sa ilog na boundary ng Rancho nila sa katabing Hacienda na pagmamay-ari ng mga Santillan. Mapait na ngumiti siya sa kawalan. It's been Six years mula nang— naptigil siya sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng may namataan na isang  grupo ng mga kalalakihan, rinig na rinig niya mula sa kaniyang kinaroroonan na mukhang nagkakasiyahan ang mga ito. Malapit na siya sa ilog. Hindi naman bawal ang maligo ang kahit na sino roon lahat ay welcome na pumaroon sa ilog. Wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tumuloy sa kaniyang pakay. Nang malapit na siya sa ilog ay napatigil ang mga naroon nang namataan siya ng mga ito. Hindi pamilyar sa kaniya ang mga mukha nila. Mukhang mga dayo ang mga ito o baka naman mga taga-rito lang sila hindi siya sigurado dahil na rin matagal siyang nawala sa rito. Maingat na tumalon siya pababa. Narinig niya pang sumipol ang isang lalaki. Hinanap ng kaniyang paningin ang pakay na tree house hindi naman siya nabigo at nakita niya ito. Mukhang bagong pintura ito at nasa ayos pa. Inaayos niya ang pagkakahawak sa tali ng kaniyang alagang kabayo at hinila ito patungo sa tree house. Bago pa man siya nakarating doon ay bigla na lamang may dalawang lalaki na humarang sa kaniya. Nakangisi ang mga ito at mukhang galing sa mataas na uri ng pamilya. Halata sa mga anyo ng mga ito na may sinsabi sa buhay. Matangkad, mestiso at tingin niya may lahing banyaga pa ang dalawa. "Hi! Miss!" bati ng nakapulang sando at medyo may kasingkitan ang mga mata. Akmang magsasalita siya ng may tumawag sa kaniyang pangalan. "D-Dianna?" patanong na sigaw ng kung sino. Napatuwid siya nang ayo ng nakilala ang may-ari ng boses. Papalapit na ito ngayon sa kaniyang kinaroroonan at ang dalawang lalaki na nasa kaniyang harapan ay lumingon sa lalaking papalapit sa kanila. "X-Xander!" alanganing sambit niya sa pangalan ng lalaking tumawag sa kaniya. "Magkakilala kayo?" sabay na tanong ng dalawa sa kanila. Ngumiti lamang si Xander sa dalawang kasama. "Meet, Dianna Samonte the Hieres of Rancho Samonte," pagpapakilala n Xander sa kaniya sa dalawang lalaki. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ng dalawa nang narinig ang buo niyang pangalan. "Don Danilo Samonte daughter?" paninigurado ng nakapulang sando na lalaki. Ngumiti siya at tumango. "The one and only." "And I hope my real identity will be our little secret," dagdag pa ni Dianna, malalagot na nama siya nito kapag nalaman ng papa niya na may nakakilala sa kaniya nakalimutan yata ni Xander na pribado ang kaniyang pagkakakilanlan. "Of course, you can trust us," sabay na sagot ng dalawang estranghero. "Sorry, I forgot," hinging paumandin ni Xander. "No, problem," sagot niya kay Xander. "Welcome back! Dianna!" masiglang sabi ni Xander, na bumasag sa biglang pagtahimik nilang apat, nakuha naman niya ang mensahe nito. "Thanks!" pasasalamat niya. "Hi! ako pala si, Erik," pagpapakilala ng singkit ang mata. Nakipagkamay siya sa lalaki. Sumunod na nagpakilala ang naka-sombrero. "Timothy." Sabay lahad ng kanang kamay nito na siyang kinamayan niya. "Dianna," sagot niya. Wala siyang nagawa nang niyaya siya ng mga ito na tumambay muna kasama ng iba pa nilang kasama. Nakilala niya din ang iba pang kasama ni Xander. "For good ka na ba rito Dianna?" usisa ni Xander, inilapag niya sa kawayan na mesa ang hawak na plastic cup.  Depende," maiksing sagot niya sa lalaki. Dinampot niya ulit ang kankyang baso at sumimsim. Bigla siyang napatingin sa may tree house na ilang metro lang ang layo mula sa kinauupuan niya.  Napatigil siya sa pag-inom ng juice ng namataan kung sino ang bumababa sa tree house. Parang nanunuyo ang kaniyang lalamunan sa nakita.  Dalawang taong magkahawak ang mga kamay at masayang nag-uusap. Napapikit siya ng nakikitang naghalikan bigla ang dalawa. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kaniyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
652.9K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.0K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
307.8K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook