bc

The Secret Admirer

book_age16+
680
FOLLOW
1.9K
READ
drama
bxg
lighthearted
icy
campus
first love
school
chubby
sassy
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Bukod sa galing sa isang mayamang pamilya, sikat na print & ramp model din si Zaekah Marie Samaniego. Hanggang sa may naging stalker siya na tagahanga, at wala siyang nagawa nang ikuha siya ng personal na bodyguard ng ama na si Chad Samaniego.

Pero sa dinami- dami naman ng tao sa mundo, si Phoenix Villanueva pa ang napili ng ama. Si Phoenix na secret ultimate crush niya noong High School, pero parang hangin lang siya dito. Nakita niya ang pagkakataon na ito para mapa-ibig niya si Phoenix, kesehodang nanganganib ang buhay niya. Ang importante ay mapapalapit na siya sa lalaki. Pero paano ba niya titibagin ang parang yelo na puso nito?

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal nakababad dito sa bathtub ko. Ang alam ko lang, ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig kung saan ako nakalublob ngayon. Hindi ko nga alam kung ano'ng oras na ba. Basta ang alam ko, I needed this very badly tonight. Nagpasya na akong umahon mayamaya, at kapag nagkataon, baka dito na ako makatulog sa bathtub. Lumabas na ako ng CR habang kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok ko. Patuloy lang ako sa pagkuskos ng buhok ko habang naglalakad papunta sa direksiyon ng dresser ko. Ang balak ko ay i-blow dry na ang mahaba kong buhok para mabilis itong matuyo. This day has been a very tiring day. Isang photo shoot at isang ramp practice ang ginugol ko sa maghapon. My legs are very tired. Malaking tulong ang pagbabad sa ko warm bath sa aking bath tub. Ang hirap ding maging print and ramp model! Kaya pala sinukuan ito ni Hyacinth. Pero compared to Hyacinth, meron naman kasi siyang ibang priority. Unlike me, wala naman akong ibang pwedeng gawin sa buhay ko. I even don't like the idea na pamahalaan ang resort ni Mommy sa Cebu. Cebu is not my place. Nandito ang buhay ko sa Manila. Maybe, someday... Ilang hakbang na lang ako sa dresser ko nang napasigaw ako dahil sa pagkagulat sa malakas na tunog ng nabasag na salamin dito sa kuwarto, at kasabay ang isang tila bagay na bumagsak sa flooring. Napahinto ako sa pagkukuskos sa buhok ko, sabay hawak sa dibdib ko. Ano 'yun? Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay, at nakita ko ang basag na salamin ng bintana dito sa kuwarto ko. Pagtingin ko sa lapag ay puro piraso ng bubog nung nabasag na salamin, kasama ang isang may kalakihang bato. Agad akong nakaramdam ng takot. Sino naman ang gagawa nito? Napagpasyahan kong lumapit sa may bintana, bakasakaling makita ko pa ang taong may gawa nito. Pumunta muna ako sa bedside table ko, at saka kinuha mula sa isang drawer doon ang isang flashlight. Pagkatapos ay mabilis akong naglakad papunta sa direksiyon nung basag na bintana. Ingat na ingat ako na huwag matapakan iyong mga basag na mga bubog. Ini-on ko na 'yung flashlight at saka itinutok iyon sa bintana. Pero sakto namang sisilip na ako sa salaming bintana nang biglang may malakas na ingay uli akong narinig sa salamin. "Ay!" Napapikit na lang sabay sigaw, at saka mabilis na yumuko. This time, mas malakas ang sigaw ko kaysa sa kanina. Mabuti na lang at may presence of mind ako kaya nagawa ko pang makayuko agad. Wala akong idea kung ano iyon. Kaya naman pagkatapos kong makiramdam, ay saka ako dahan-dahang nagdilat ng mga mata. Ang una kong ginawa ay pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko kung may sugat ba. Kinapa ko rin ang ulo at mukha ko. Nahagip ko naman ng tingin ang isang batong malapit sa akin. Di hamak na mas malaki ito kaysa dun sa una. Whew! Muntik na ako dun, ah! Muli akong nakiramdam. Pinakiramdam ko kung may ingay ba sa labas. Pero wala akong naririnig na ingay. Dahil siguro nasa ikalawang palapag itong kuwarto ko. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko, kaya doon napunta ag atensiyon ko. "Zae! Okay ka lang?" Humahangos na tinakbo ako ni Duchess, ang best friend ko. "Yumuko ka!" sabi ko sa kanya, sabay hila sa kanya pababa. Ngayon ay magkatabi na kaming naka-upo. Napansin ko ang medyo pagkahingal niya. "Ano'ng nangyari? May narinig na lang akong ingay." "Ewan ko. Hindi ko alam. May nambato sa bintana. Nasaan ka ba?" clueless na sagot ko sa kanya. "Na-Nasa CR sa ibaba." Napakunot ang noo ko. "Bakit sa ibaba ka pa nag-CR? May sarili ka namang CR sa kuwarto mo?" "Ah, uminom na rin kasi ako ng tubig. Nauhaw ako." "Eh, di sana dito ka na lang kumuha sa personal ref ko. Dati ka namang dito umiinom, ah." "Isinabay ko na rin kasi na nag-check ako ng mga lock ng mga pinto sa ibaba. Mahirap nang masalisihan tayo. Dalawa lang tayong babae dito sa bahay mo." Napatangu-tango na lang ako. "Wala ka bang napansing kakaiba dun sa ibaba?" tanong ko kay Duchess. "Wala naman. Ang mabuti pa, tatawag na ako ng pulis. Magbihis ka na," sabi sa akin ni Duchess, sabay nguso sa bandang bahagi ng dibdib ko na medyo nakalitaw na. Napatingin ako sa suot ko. Oo nga pala, naka-roba lang nga pala ako dahil kakatapos ko lang maligo. "GO BACK to our house, Zaekah Marie!" Napalingon ako kay Tatay. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa akin, habang nakahalukipkip na nakatayo sa dulo ng sofa na kinauupuan namin ni Nanay. Kapag ganitong tinawag na ako ni Tatay sa dalawang pangalan ko, ibig sabihin, seryosong usapan ito. Kaagad ko kasi silang tinawagan kanina habang hinihintay namin ni Duchess ang parating na kapulisan. Si Duchess naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari. Inaamin ko na sinagilahan ako ng takot kanina. Dalawa lang kami ni Duchess dito sa bahay na naipundar ko mula sa kita ko sa pagmo-modeling. Sa totoo lang, ayaw ni Tatay na bumukod at umalis ako sa bahay namin. Pero siyempre, gusto ko namang makatikim ng kaunting kalayaan. Iyong walang Tatay at Kuya Zyrus, na laging nakabantay sa kilos ko. Excuse me? Twenty-three na kaya ako! Kaya lang naman pumayag si Tatay na tumira ako dito sa bahay na nabili ko ay dahil kasama ko naman ang best friend kong si Duchess. Si Duchess na rin kasi ang nagsisilbing handler ko. Taga-ayos ng schedules ko, taga-coordinate sa modellling agency na may hawak sa akin. Siyempre, sa agency ni Mommy Zenaida or Mommy Zee. Ni-refer ako ni Ate Hyacinth doon. Pero dito lang sa opisina nila sa Pinas, kung saan si Ms. Star Miranda-Montecillo na ang in-charge. Sa Australia pa rin kasi ang main office nito, kung saan naroroon si Mommy Zee. "Tatay, baka nakursunadahan lang itong bahay ko. Hindi naman siguro ganun kalala." "Hindi ganun kalala? You were almost hit by those f**k**g rocks, and you were telling me hindi ganun kalala?!" "Chad, kumalma ka. Ang BP mo..." awat ni Nanay sa kanya. "Iyan kasing anak mo!" "Zaekah, how come na merong basta nakakapasok dito sa subdivision n'yo? Hindi ba mahigpit naman ang mga guards dito?" baling sa akin ni Nanay. Sandali akong napa-isip. May katwiran naman doon si Nanay. "Maliban na lang, kung kakilala ng mga guards iyong nambato dito sa bahay mo. Or worst, baka isa sa mga guards dito. Give me the number of the Admin Department. Ako mismo ang magpapa-imbestiga sa mga guards na naka-assign dito sa subdivision na 'to," galit pa ring sabi ni Tatay. "'Tay... okay na..." Nilingon ko ang gawi ni Duchess, na kausap pa rin ng mga pulis. "Ayun, oh... inaasikaso na ni Duchess. Leave it to them," sagot ko, sabay nguso sa mga pulis. "Tsk! Kahit kailan ang tigas ng ulo mong bata ka! Kung nandito lang ang Kuya mo, hindi ka mananalo dun!" salubong ang kilay na sermon sa akin ni Tatay. "'Tay... huwag mo nang guluhin si Kuya. Anniversary nila ni Ate Ysa, huwag kang KJ..." "Oo nga naman, Chad. Hayaan na natin iyong dalawa," segunda sa akin ni Nanay. Palihim naman akong napabuga ng hangin. Alam kong kapag sinabi ni Nanay, hindi pwedeng hindi iyon susundin ni Tatay. Ayaw na ayaw ni Tatay na nagkakaroon sila ng pagtatalo ni Nanay. Mula sa pagkakahalukipkip ay ibinulsa ni Tatay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Okay. Okay... kung ayaw mong umuwi sa bahay, at ayaw mong ipaalam ko sa Kuya mo..." Agad akong kinabahan. Kapag ganito ang mga linyahan ni Tatay, may hihingin siyang pabor na hindi pwedeng kontrahin. "Ikukuha kita ng bodyguard." "'Tay?? Para konting bagay lang, bodyguard agad?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi kontrahin ang sinabi niya. Mas mabuti pa yata na pumayag na lang ako na tawagan niya si Kuya Zyrus. Pero naaawa naman ako kay Kuya at Ate Ysa. Desperado na iyong dalawa na makabuo ng baby. Kapag nandito kasi silang dalawa, sobrang busy nila sa mga negosyong pinamamahalaan nila, kaya masyado silang stress at pagod. "Konting bagay??? Zaekah Marie, naririnig mo ba ang sarili mo? This is not the first time na may nanggulo sa 'yo! Iyong nagpapadala ng mga bulaklak sa 'yo na unknown person. Hindi ka ba natatakot dun? Iyong mga love notes na iniiwan sa wiper sa wind shield ng van mo? Didn't you find it creepy?" Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Nanay ang isang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng hita ko, kaya napatingin ako sa kanya. "Pumayag ka na sa Tatay mo, anak... para makampante tayo pare-pareho. This time, I agree with your Tatay. Sige na, anak..." Oh no! A bodyguard? It means, may magbabantay na sa mga lakad ko. Sa mga kilos ko. Paano na ang mga gimmick nights? Ang bar hopping? Kaya nga ako umalis sa bahay, para walang sumisita sa mga galaw ko, tapos bibigyan ako ng bodyguard? "'Tay... 'Nay... I don't think it's necessary." "You will have your own bodyguard, or you will quit your modelling? Mamili ka, Zaekah Marie." Napahugot ako nang malalim na hininga. Ngayon pa ba ako hihinto sa career ko? I am on the peak of my career. Ang tagal kong pinaghandaan ito. Ang tagal kong pinlano ito. "Okay, 'Tay. You win." MARARAHANG yugyog ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Nakahinto na ang sasakyan ko, na si Duchess ang nagda-drive. Pupungas-pungas na sumilip ako sa windshield, para siguraduhin na bahay na ni Tatay ang kinaroroonan namin. "Andito na pala tayo," sabi ko, sabay hikab. Antok na antok talaga ako. Ano'ng oras na kasi natapos ang pagtatanong ng mga pulis kagabi dahil sa nangyari sa bahay. Nilinis pa namin ni Duchess iyong mga nagkalat na salamin sa kuwarto ko, at humanap pa kami ng pwedeng ipangtakip sa nasirang salamin. Sakto rin na maaga ang call time ko kinabukassan para sa isang out-of-town photo shoot. Gusto ko mang dumerecho sa sariling bahay ko, at magpahinga na ay hindi ko magawa, dahil kanina pa walang tigil sa pagtawag sa akin si Tatay para umuwi dito sa bahay niya. ["Zaekah, what time ka matatapos diyan sa photoshoot mo?"] "Maybe, after lunch? Mga one or two. Why, Tatay?" ["Proceed to the house. Doon na kayo magkita ng bodyguard mo."] Napangiwi ako. Ayaw na ayaw ko ang idea na ito ni Tatay, pero I have no choice kung hindi pagbigyan siya. Or else, career ko ang mawawala sa akin. "Okay, 'Tay. See you later." Tinapos ko na ang call. But with a promise na gagawa ako ng paraan para madispatsa ko agad ang bodyguard na kinuha ni Tatay para sa akin. No way! To hell with that bodyguard! "Zae! Duchess! Tamang-tama, nakahain na, sabay-sabay na tayong kumain," salubong sa amin ni Nanay. "Ano'ng ulam, 'Nay? Gutom na nga ako," nakangiti kong tanong pagkatapos kong humalik sa pisngi niya. "Siyempre, alam kong darating ka, kaya niluto ko ang favorite mo. Bicol Express!" "Wow! Sarap! Lalo akong nagutom!" "Tara na kayo sa dining," yaya sa amin ni Duchess ni Nanay. "Wait, 'Nay. Nasaan si Tatay?" "Ah, nasa library sila. Pababa na rin siguro 'yun." "Sila?" nagtataka kong tanong. "Oh, my princess! Buti naman nandiyan ka na." Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng hagdan. Nasa kalagitnaan na ng hagdan si Tatay habang humahakbang pababa. Napansin ko ang lalaki sa likuran niya na kasunod niyang bumababa sa hagdan. Napakunot-noo ako sa lalaki. Pasimple kong pinagmasdan ito. May something sa kanya na hindi ko mai-describe. Pero habang papalapit silang dalawa ni Tatay sa aming tatlo nila Duchess at Nanay ay hindi ko na maihiwalay ang tingin ko sa kanya. Naputol lang ang titig ko sa kanya nang lapitan ako ni Tatay at yakapin ako. "Princess, siya ang magiging bodyguard mo. Si Phoenix Villanueva," sabi ni Tatay, sabay lingon sa lalaki sa likuran niya. Literal na napanganga ang bibig ko. Phoenix? Phoenix Villanueva na classmate ba namin ni Duchess nung High School? It can't be! ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook