bc

My Childhood Sweetheart (R18+ COMPLETED)

book_age18+
73.8K
FOLLOW
995.2K
READ
possessive
fated
friends to lovers
pregnant
childhood crush
first love
friendship
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Vince Alcantara— ang lalaking malaki ang pagkakahalintulad sa kababata at matalik na kaibigan na si Keane Matthew. Parehong snob, a silent type guy at hindi na-attached kahit kaninong babae.

Parehong iisang anak at nagiisang tagapagmana ng sari-sariling pamilya. Parehong possessive at handang ipaglaban ang babaeng itinatangi.

Pero may isang pinagkaiba sa kanila at iyon ay ang kasama niya ang babaeng tinatangi o minamahal niya simula pagkabata. At hinihintay lang niya ang tamang panahon para maangkin ito ng buo.

Kaya niyang gawin ang lahat para dito. Kahit pa habang buhay syang maging celibate na hindi naman nangyari dahil ng nagkaroon ng pagkakataon ay paulit-ulit niyang inangkin ang dalaga...

Allyson Gutierrez— ang babaeng itinatangi o iniibig ng binatang si Vince. Ang babaeng hindi paniwalaan ang nararamdaman ng binata dahil hindi pa niya nakikitang na-attract kahit kaninong babae.

Pero lihim ding itinatangi ang binata. At sinusubukan kung hanggang saan ang paninindigan ng binata para sa pagmamahal sa kanya.

Pero dahil sa kasusubok niya dito ay nasagi ang pride ng binata at pinarusahan siya. A wild and hot punishment na humantong sa panibagong yugto ng buhay nila...

Let's find out kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa dalawang magkakabatang nag-ibigan. Kung anong pagsubok ang darating sa kanila at kung anong sakit, saya at kilig ang ipaparamdam nila. Samahan nyo akong ilathala ang buhay ng pag-iibigan ni Vince Alcantara at Allyson Gutierrez. Ang kaibigan ng mag-asawang Keane Matthew Valiente at Alyana Jane Sarmiento Valiente..

R18

SSPG

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS

READ AT YOUR OWN RISK

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ma! Hindi na po ako bata.. Kaya ko na pong mag-isa dito sa bahay," pag-kontra ni Allyson sa mama niya. May aasikasuhin ang mama at papa niyang negosyo sa ibang bansa kaya maiiwan na naman siyang mag-isa. Ayos lang naman 'yon sa kanya pero hindi para sa magulang niya. Twenty years old na siya at kaya na niyang mag-isa kahit sa napakalaking bahay nila pero hindi pumayag ang magulang niya lalo na ang kanyang mama. "No more buts, baby.. Kung ayaw mong ikaw ang pumunta sa condo ni Vince, siya na lang ang papupuntahin ko dito." Nagpuppy face siya sa papa niya pero umiling lang ito at sinulyapan ang mama niya. Ganito naman lagi eh, hindi kayang kontrahin ng papa niya ang mama niya dahil ayaw nitong nagkakatampuhan. Her papa loves her mama so much. At ganun din ang mama niya. Her parents are good example of a perfect couple. "Pumayag ka na, princess. Makakampante kami ng mama mo na lagi kang ligtas pag kasama mo si Vince. Para hindi na kami laging nag-aalala para sa safety mo," segunda ng papa niya. She heavily sighed at pilit na ngumiti sa mama niya. "Sige po, Mama. Payag na po ako. Ako na lang po ang pupunta sa condo ni Vince." Pagpayag niya dahil wala din naman siyang magagawa. Sinubukan n'ya lang namang kumuntra at baka makakalusot pero hindi pa din pala. Hindi niya alam kung bakit sobrang laki ng tiwala ng magulang niya sa binata. Kulang na lang ay ibigay siya ng mga ito kay Vince. Simula ng maging ganap na siyang dalaga at naka-alpas sa pagiging menor de edad ay napapansin niyang parang ipinagkakatiwala na siya ng magulang sa binata. Simula noong mag-eighteen siya hanggang sa ngayon. Kababata niya sina Vince at Keane. Magkakasama na sila simula pagkabata at halos dikit silang tatlo lalo na siya kay Vince. Halos kilala na niya ang dalawang binata at kahit na ang kalokohan at kapilyohan ng mga ito ay alam niya. Pero simula ng magdalaga siya at tumuntong sa edad na kinse o labing-lima, medyo dumistansya siya kay Vince dahil sa meron siyang ibang nararamdaman pag masyado siyang nakadikit dito. At nakakaramdam na siya ng ilang sa tuwing nakikita niya ang hubad nitong katawan na dati naman ay hindi niya nararamdaman kahit na makita pa niyang naka-brief ito o kaya naman ay wala ni isang saplot. Minsan na niya itong nakikitang hubo't hubad dahil sa sanay na itong mag-isa sa condo nito sa murang edad kaya kahit maglakad ito ng walang saplot ay ayos lang, at iyon ang nakita niya. At ilang beses pa 'yong naulit dahil sa natutulog itong walang saplot o kaya naman ay naka brief o boxer brief lang. At simula nga ng nagbinata din ito ay may ilang bagay na siyang napansin sa binata. Sa mga kilos nito, sa bawat titig sa kanya at sa pagiging sweet at clingy nito minsan. At higit sa lahat ay ang pagawa nito ng mga bagay na kalimitang ginagawa ng kabataan because of the curiosity... pleasuring himself. Naiintindihan naman niya 'yon dahil part iyon na pagiging binatilyo sabi nga nila. Minsan niya itong nahuli kaya alam niya while watching X-rated videos. Ilang na ilang ang binata sa kanya at hiyang hiya ng ilang araw. Pero sinabi niya ditong hindi nito dapat ikahiya ang ganung bagay dahil naiintindihan naman niya at alam niyang active sa ganun ang mga nagbibinata. Tuwang tuwa ito dahil nag-kaayos sila at simula noon hindi na niya muling nakita itong naggaganun. Ganun ang naging buhay niya ng kanyang kabataan kasama ang binata. At ngayon ngang nasa wastong edad na sila, hindi niya alam kung anong mangyayari. Kinabukasan, maaga siyang pumasok dahil maaga ding nagpaalam ang magulang sa kanya. Iyon ang araw na aalis ang mga ito at matatagalan bago bumalik. Kaya naisipan niyang pumasok na lang ng maaga total maaga din naman siyang nagising. Pagkababa niya pa lang sa living room ay nagulat na lang siya ng makita niya ang dalawang maleta niya na dadalhin sa condo ni Vince. Ipinahanda iyon ng mama niya sa katulong at dadalhin na lang doon ng driver nila. Napailing na lang siya dahil siguradong punong puno na naman iyon ng damit niya katulad noon. And yes, hindi lang ito ang unang beses na tutuloy siya sa condo unit ni Vince. Maraming beses na sa loob ng dalawang taon. At tuwing babalik naman ang magulang sa bansa ay parang dismayado ang mga ito pagkatapos mag-usap kasama si Vince na hindi niya alam kung tungkol saan at ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Pagkarating sa University na pag-aari ng magulang ni Keane, hinanap niya agad ang girl bestfriend niya, si Alyana. At nakita niya itong kasama si Keane, as usual at hindi na siya nagtaka. Lagi itong nakabakod sa asawa na para bang tunay na nagmamahalan. Pero alam niyang may future ang relasyon ng dalawa dahil napapansin niya ang pagpapahalaga ni Keane sa dalaga. At isa pa hindi naman siya nagkulang sa paalala sa dalawa at alam na ng mga ito ang mali at tama. Kaya hinayaan na lang niya dahil may tiwala naman siya sa dalawa niyang kaibigan. "Hoy! Anong tinitingnan mo d'yan?" nagulat siya ng basta na lang may umakbay sa kanya. At hindi na niya kailangan pang alamin kung sino dahil sa amoy pa lang ng pabango nito at reaksyon ng katawan ay kilalang kilala na n'ya ito. No other than... Vince Alcantara. "Papatayin mo ba ako sa gulat!? Basta ka na lang sumusulpot sa kung saan," singhal at pagtataray niya dito. Bahagya pa niyang iginalaw ang kanyang balikat para alisin ang braso nito pero lalo lang itong bumigat at yumapos sa balikat niya. "Sorry naman. Kanina pa kasi ako sa tabi mo pero hindi mo ako napapansin. At mukhang abala ka sa panonood sa ka-sweetan ng dalawa." Napatingin siya dito at napasinghap dahil nakaharap din pala ito sa side niya. Isang maling galaw na lang at maglalapat na ang mga labi nila. "Naiinggit ka ba sa kanila? Pwede din naman nating gawin yong ginagawa nila honey," dagdag nito at nagtaas-baba pa ang kilay habang may ngisi sa labi. Namula ang mukha niya hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil hinapit siya nito sa bewang at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi... "Ouch naman, h-honey! Aray!" daing nito ng pingutin niya ang tenga nito. Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante pero wala siyang pakialam. Hindi niya ito tinigilan hangga't hindi iyon namumula. "Ang kapal mong nakawan ako ng halik, huh! Namimihasa ka, ah!" saad niya dito bago niya bitawan ang tenga nitong namumula na. Lihim siyang napangiti dahil halatang-halata 'yon dahil sa may kaputian ang binata. "Para 'yon lang, honey. Hindi lang naman 'yon ang unang beses na hinalikan kita. Remember sa probinsya ni AJ (Alyana) at noong sa parke? At hindi lang 'yon basta smack, fren—O-ouch naman!" daing nito ng bewang naman nito ang kurutin niya. "May sinasabi ka!? Huh!?" nakangising wika niya dito habang nasa bewang pa din nito ang kamay niya. "W-wala. Sabi ko, hindi na mauulit, honey.." nakangiwing wika nito na ikinahagikhik niya. Sanay na siya sa endearment nito sa kanya at wala lang naman 'yon sa kanya. Noong una namumula ang mukha niya everytime he used that endearment to her pero noong nagtagal ay nasanay na siya. "Ahemmm!" sabay pa silang napalingon sa tumikhim at kaagad niyang naitulak si Vince ng makita niya ang mag-asawang Keane at Alyana na may nakakalokong ngiti sa labi. They're just pretending but they are so sweet. And she knows na may kapilyohan ng ginagawa dito si Keane at hindi niya alam kung may nangyari na sa dalawa. Who knows? "Ang sweet natin ngayon, ah," nakangising wika ni Keane at may malawak namang ngiti si Alyana sa labi. They are staring at them with these knowing look. "Hey! What's up, bro! Kamusta ang honeymoon niyong dalawa?" napanganga siya sa tanong ni Vince at ganun din si Alyana. Samantala ang dalawang lalaki naman ay parang may sariling mundo na parang nagkakaintindihan through their eyes. They are both grinning like an idiots. "Nothing happened, bro. But we're making out more often," nakangising sagot naman ni Keane at kita niya ang pamumula ng mukha ni Alyana kaya gumawa na siya ng paraan para matigil ang kalokohan ng dalawa. "Alam niyo malapit ng magsimula ang mga first subject natin. So you two better stop talking at baka kung saan pa umabot 'yan. Hello! May iba kayong kasama at kasama niyo pa ang main subject ng topic nyo," nakataas ang kilay na wika niya bago nilampasan ang dalawang lalaki at hinawakan sa braso si Alyana. "Let's go, Bestie. Huwag mo nang pansinin 'yang dalawang ugok na yan," wika niya dito at hinila papunta sa cafeteria para mag-breakfast. Hindi na kasi siya nakakain sa bahay at nagutom siya dahil sa kalokohan ni Vince kanina. Napaismid siya dahil nagpahuli pa talaga ang dalawang lalaki at base sa bawat ngiti at ngisi sa mga labi ng mga ito ay alam na niya ang topic ng mga ito... kapilyohan. Inaya na lang niya si Alyana sa counter para pumila dahil mukhang na-iingganyong magkwentuhan ang dalawang binata. Sakto namang iilan na ang nakapila kaya hindi naman siguro sila magtatagal doon. "Hi Alyana, Allyson," nakangiting wika ng isang classmate nila dati sa isang subject noong magkasama pa sila ni Alyana sa isang room. Kapipila pa lang nila at 'yon na agad ang sumalubong sa kanila. She knew him. He's the nerdy in the campus but really hot. At madami na din siyang naririnig about dito na isa itong dakilang fuckboy. "Hi," mahinang bigkas ni Alyana at bahagyang ngumiti. Tipid niya lang itong nginitian dahil ayaw naman niyang maging bastos. Sa pagkakaalam niya nakakasama pa din ito ni Alyana sa ilang subjects nito. "Babe/Honey!" sabay pa silang napalingon sa likod ng marinig nila ang sabay na tawag ng dalawang binata. Malalaki ang hakbang ng mga itong lumapit sa kanila na may seryosong expression sa mukha. Pumatong agad ang braso ni Vince sa balikat niya at pumulupot naman sa bewang ni Alyana ang braso ni Keane. Hindi na siya nagtaka pa, lagi namang ganun ang nangyayari sa tuwing may lalapit sa kanilang lalaki. They're both possessive na hindi niya maintindihan kung tama pa ba. Si Keane may karapatan kay Alyana because she's his wife. But Vince to her? Ano namang pinanghahawakan nito para maging ganun sa kanya. "Go back to your seats, honey. Kami na lang ang oorder," nakangiting wika nito pero agad na tumalim ang tingin sa kasama nila sa pila. "Okay," pagpayag niya na lang dahil baka kung ano pang maisipang gawin nito. Muli niyang hinila si Alyana at bumalik sa napili nilang upuan. Hindi din naman nagtagal at dumating na din ang dalawang lalaki with their orders. Nagtabi ang mga ito sa pag-upo dahil katabi na niya si Alyana. Four seater ang pwesto nila at kita niya kung papaano nagpout si Keane na ikinangiti naman ni Alyana. That is the first time na makita niya si Keane na magpakita ng ganoong expression at alam niyang madami pang magiging bago dito dahil sa bestfriend niyang si Alyana. Saktong natapos sila ay ten minutes na lang bago ang mga unang klase nila. Kaya naman nahati sila sa dalawang grupo at ang kasama niya ay si Vince. Ganun na sila dati pa at maghihiwalay lang pag naihatid na siya ng binata sa kanyang room. As usual, dikit na dikit na naman ito sa kanya na parang ayaw na ayaw aalis sa tabi niya. Hindi na siya magsisinungaling pa pero gusto naman niya. Dahil katulad ng magulang niya, pakiramdam niya ay safe siya sa tabi nito. "Honey, dito na ang room mo," napapiksi siya ng kalabitin siya ni Vince. Masyado siyang nadala sa mga iniisip niya kaya hindi niya namalayang nasa tapat na sila ng room niya. "Ay, sorry. Okay, salamat sa paghatid," wika niya dito at naglakad papasok sa room. Pero ganun na lang ang gulat niya nang hilahin siya nito sa braso. At hindi pa doon nagtatapos ang lahat nang maramdaman niya ang labi nito sa kanya. Oh God! He's kissing her passionately in front of her room and some of his classmates. "Thank you is not enough, honey. From now on, sa tuwing ihahatid kita I'll kiss you, okay?" he muttered after the kiss. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya nang marinig nya ang sigawan ng classmates niya. They're are teasing her and asking for another kiss at ito namang mokong ay sinunod nga. He kissed her again pero smack lang. "Their wish is my command," nakangiting wika nito at kinindatan pa siya bago tumalikod at naglakad palayo. Ilang minuto pa siyang nanatili sa may pinto at hinaplos niya ang sariling labi. He kissed me again," she thought at napangiti na lang bago tuluyang pumasok sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
406.7K
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook