bc

Labs Kita, Peks Man

book_age16+
2.7K
FOLLOW
18.4K
READ
family
fated
bxg
humorous
lighthearted
childhood crush
coming of age
friendship
school
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay niya ay naniwala si Josh Cedric Madrigal na fetus pa lang si Hyacinth Blaire Zuniga ay engaged na ito sa kanya. Pero bakit tuwing lumalapit siya kay Hyacinth ay lalo naman itong napapalayo sa kanya. Sa halip na nagiging close sila lalo, tila naman umiilap pa ito sa kanya. Bata pa lang ay isinumpa na niya sa sariling si Hyacinth lang ang magiging nag-iisang girlfriend at magiging asawa niya. Pero paano niya gagawin iyon kung pakiramdam niya ay ang layo na ni Hyacinth? Wala na ba silang pag-asa ni Hyacinth? Puppy love lang ba ang meron sa kanila? Pero alam niyang hindi lang 'yun ang nararamdaman niya sa kababata. Kung kailangan niyang makipagkasundo sa Ninong Adam niya, na ama ni Hyacinth, gagawin niya. Maging kanya lang ang kababata.

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ang ganda ng pagkaka-ayos dito sa venue, Hannah. Ikaw lahat ang nag-asikaso nito?"  Kalong-kalong ni Hannah ang anak na si Hyacinth, habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan na sila Clover, Pepper at Annika. Kakatapos lang ng party na in-organize niya para sa binyag at first birthday ni Hyacinth. Iilan na lang silang naiwan sa venue, ang mga kaibigan ng asawa niyang si Adam at ang mga pamilya nito, ang Nanay at Tatay niya, pati na ang mga kuya niya at mga pamilya ng mga ito.  “Oo. Wala naman akong gagawin, eh. Simula nung ikasal kami ni Adam pinahinto na niya ako sa pagtatrabaho," sagot ni Hannah kay Clover, ang asawa ni Judd.  "Paano sila Nanay at Tatay mo? Ang alam ko, gusto mo silang bigyan ng negosyo. Mini grocery ba 'yun?" tanong naman ni Anika  Umiling si Hannah. "Ayaw ni Adam. Papagurin ko pa raw silang mag-asikaso sa mini-grocery. Pinagpatayo niya sila ng paupahan. Binili niya iyung lote sa tabi ng bahay namin. Nagpagawa siya ng tatlong unit ng apartment.  "Mukhang patay na patay sa iyo ang isang ‘yun, ah!" nanunukso namang sabi ni Pepper, ang asawa ni Chad.  "Para namang iyung mga asa-asawa n'yo eh, hindi patay na patay sa inyo!" sagot sa kanya ni Hannah, at saka sila sabay-sabay na nagtawanan.  "Carbon copy mo si baby Hyacinth, ‘noh..." bati ni Clover na kay Hyacinth nakatingin.  Tila naman naiintindihan ng baby na si Hyacinth ang sinabi ng Ninang Clover niya, dahil tumingala ito sa Mommy niyang si Hannah.  "Ayaw mo ba, baby?" nakangiting tanong ni Hannah dito.  "Mommy! Mommy!"  Napalingon ang apat na babae sa dalawang paparating. Sila Josh at Jett. Ang kambal na anak nila Clover at Judd. Matanda lang ang mga ito ng isang taon kay Hyacinth.  "Naku! Andito na ang magugulo..." nakangiting sabi ni Clover.  Si Jett ay patakbong dumerecho kay Clover. Samantalang si Josh ay dahan-dahang naglakad papunta sa linauupuan ni Hannah. Mataman nitong tinitigan si Hyacinth.  "Pretty... baby..." sabi ni Josh, at saka tumingin kay Hannah, tapos kay Clover.  "Okay itong anak mo, ha. Bata pa lang marunong nang kumilatis ng maganda," pagbibiro ni Hannah kay Clover, dahilan para matawa ang lahat.  "Kanino pa ba magmamana yan?" sagot naman ni Clover, sabay nguso sa isang direksiyon.  Sinundan ng lahat ng tingin ang direksiyon na itinuro ni Clover. Naroroon at magkaka-umpok ang apat na magkakaibigan - sina Judd, Chad at Klarence sa isang mesa. Nakakalong kay Klarence ang panganay niyang anak na si Ysa.  "Ano kayang pinag-uusapan ng mga yan?" tanong ni Hannah, habang hindi inaalis ang tingin sa grupo nila Adam.  "Naku... pinaplano nila iyung outing daw natin bukas. Matagal na raw walang bonding ang grupo," sagot naman ni Annika, na asawa ni Klarence.  "If I know, sila yung sinasabi nilang walang bonding. Tapos sabit lang tayo," sagot naman ni Pepper.  "Mommy..."  "Yes, honey?" baling ni Clover kay Josh, na nasa harap pa rin nila Hannah at Hyacinth.  "Kiss.... baby...." sagot ni Josh kay Clover, sabay turo nito kay Hyacinth.  Si Jett naman ay nakakalong pa rin kay Clover.  "Say please to Tita Hannah," utos ni Clover kay Josh.  "Please?" walang ekspresyon ang mukha na pakiusap ni Josh kay Hannah.  "Okay," nakangiti namang pagsang-ayon ni Hannah sa bata.  Nagulat na lang ang lahat nang halikan ng batang si Josh sa labi niya si Hyacinth, samantalang inosenteng nakatingin lang si Hyacinth kay Josh.  “Omg!”  “Hala!”  "Mukhang magiging mag-balae pa kayo ni Clover ah, Hannah?" natatawang biro ni Pepper.  "Basta ba hindi paiiyakin ni Josh ang anak ko, eh!" ganting-biro naman ni Hannah.             "OH my, Hyacinth! Dalagita ka na talaga... very pretty!" tuwang-tuwang sabi ni Mommy.         "Thank you, Ninang Clover!" nakangiti namang sagot ni Hyacinth.         "Ang ganda naman ng pagkaka-ayos ng buhok mo... sinong gumawa niyan?" tanong uli ni Mommy.         "Si Nanay po." Nanay din ang tawag ni Hyacinth sa Lola Heidi niya, ang Nanay ni Ninang Hannah.         "Ang ganda...." nakangiting sagot ni Mommy na para bang amaze na amaze sa pagkakatirintas ng buhok ni Hyacinth.         Pinagmasdan ko si Hyacinth. Pero mas gusto ko siyang tawaging Blaire, ang second name niya. Pag Blaire kasi, ako lang ang tumatawag sa kanya nun. Lahat sila ay Hyacinth ang tawag sa kanya. Pero mas komportable ako sa nakasanayan kong tawag sa kanya - Baby.         Pero nasisira ang araw ni Ninong Adam kapag 'baby' ang itinatawag ko sa kanya, kaya sinanay ko ang sarili ko na tawagin siyang Blaire, kahit mabigat sa loob ko.         Siya na yata ang nakita kong pinakamagandang bata dito sa party. Hindi ko alam kung lagi lang siyang stand out sa mga ganitong party namin, o natural na sa kanya iyun.         Birthday celebration ngayon ni Daddy. At siyempre kapag si Daddy ang nag-birthday, paniguradong present ang pamilya nila Ninong Adam, Tito Klarence at Tito Chad, at pati na rin ang mga kilalang personalidad sa lipunan at sa larangan ng business world.         Bakit naman hindi? Dalawang malalaking car dealers lang naman ang negosyo ng pamilya namin. At base, sa naririnig kong kuwentuhan nila ay binabalak na rin nilang magdagdag pa.         "Baby..."         "Josh... Hyacinth Blaire ang pangalan ng anak ko. Hindi baby," seryosong sabi ni Ninong Adam.         Napakamot ako sa batok ko.         "Sorry po, ninong... slip of the tongue..." nakangiting sabi ko habang himas ko pa rin ang batok ko.         "Adam, alam mo namang nakasanayan na ni Josh ang pagtawag sa anak mo ng 'baby' eh..." sabi dito ni Ninang Hannah.         Carbon copy ni Ninang Hannah si Blaire. Medyo mas kulot nga lang ang buhok ni Blaire. Bukod doon ay iisa ang hugis ng kanilang mata at iisa ang kulay ng buhok nila.         "Tara na, ba- Blaire! May papakita ako sa iyo," sabay hawak ko sa kamay niya.         "Hoy, Josh! Anong ipapakita mo sa anak ko!?" nagpa-panic na tanong ni Ninong Adam.         "’Yung bagong video game po na nilalaro namin ni Jett, ‘Nong," sagot ko.         Mabait naman si Ninong Adam. Cool na Ninong nga ito, eh. Pero pag narinig na niyang tinawag kong 'baby' si Blaire, umiinit na agad ang ulo niya.         Hinatak ko na si Blaire papunta sa loob ng bahay namin.         "Josh!" narinig kong tawag sa akin ni Ninong Adam.         Pero hindi ko na ito pinansin, at tuloy-tuloy lang na naglakad habang akay ko si Blaire hanggang makarating kami sa kuwarto namin ni Jett. Nadatnan namin si Jett na nakapuwesto na sa harap ng TV monitor, at tila inip na sa paghihintay sa akin.         "Ang tagal mo naman!" inis na komento nito.         "Ang hirap kasing ipuslit ni Blaire kay Ninong Adam, eh," sagot ko sa kanya.         "Ang arte mo naman kasi! Kailangang katabi pa si Hyacinth sa pagbi-video game?" hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito.         "Siyempre! Lucky charm ko ‘yan, eh. Tara, baby. Dito ka maupo sa tabi ko," sabi ko kay Blaire, at saka inayos ang dalawang throw pillow sa tabi ko.         Tahimik naman itong naupo. Nasa gitna nila ako ni Jett.         "Hi, Hyacinth!" bati ni Jett sa kanya.         "Hi, Jett!" balik-bati nito.         "Huwag mong masyadong ngitian, baby. Baka malipat ang suwerte ko sa kanya," babala ko kay Blaire, habang nakatingin ako sa TV monitor.         Gusto ko ay para sa akin lang ang mga ngiti ni Blaire.         "Yes!! Whoa! Yes!"         "Tsamba..." sabi ni Jett.         "Hindi kaya... andito nga kasi ang lucky charm ko..." sabay akbay ko kay Blaire, at saka tinapik-tapik ko ang balikat nito.         Nang biglang may kumatok sa pintuan. Magtuturuan na naman sana kaming dalawa ni Jett kung sino ang tatayo para magbukas ng pinto, nang bumukas na ito.         "Mommy?" tawag ni Blaire.         Pumasok sa loob si Ninang Hannah, akay-akay si Ace Cyrus, ang anim na taong gulang na kapatid ni Blaire.         "Hello, boys... Hyacinth, dito muna si Ace. Ginugulo ang Daddy mo dun, eh may mga kausap na ka-deal sa Negosyo," sabi ni Ninang Hannah.         "Okay, Mommy," sagot ni Blaire.         "Kuya Josh, upo ako sa bed mo..." tanong ni Ace sa akin.         "Sige lang, Ace. Just take off your shoes," sagot ko.         "Yes, kuya."         Maya-maya lang ay tahimik na uli ang kuwarto nang nag-umpisa na uli kaming maglaro ni Jett. May ilang minuto na rin kaming naglalaro nang makarinig ako ng sigaw.         "What the- Ace!?"         Nakita ko na lang na hawak ni Blaire ang buhok niya. Inalis pala ni Ace iyung parang stick na nakatusok soon sa buhok niya, para masecure ang pagkaka-braid nun.         "Ace?! Ano ba!" inis na sabi ni Blaire kay Ace.         Halos mangiyak-ngiyak na ito. Alam kong big deal kay Blaire iyung ayos ng buhok niya. Sa tagal ba naman ng pagkakakilala ko kay Blaire? Gusto niya ay lagi siyang stand- out sa marami.         Maya-maya ay nakita kong tumulo na nga ang mga luha ni Blaire. Paniguradong totopakin na ito hanggang mamaya. Itinigil ko muna ang paglalaro, at saka tumayo. Tinabihan ko si Ace sa kama.         "Ace... dapat hindi mo ginagawa kay Ate yun. Next time ha, okay?" sabi ko dito.         Tumango-tango naman ito.         Kinuha ko muna iyung tissue box, at saka tumabi uli kay Blaire. Pinunasan ko ang basang pisngi nito.         "Huwag ka nang umiyak, baby. Maganda ka pa rin naman kahit hindi naka-braid ang buhok mo..." Pero hindi pa rin ito tumigil sa pag iyak.         "Alam ko na! Ako nang bahala sa buhok mo. Wait," at saka ako pumwesto sa likod niya.         Maingat kong binaklas ang pagkaka-braid ng buhok niya. Pagkatapos ay may kinuha ako sa drawer ko.         "Akin yan ah!" sabi ni Blaire sa hawak kong hair clip.         "Naiwan mo nung nakaraang punta mo dito." Pumwesto uli ako sa harap niya at saka nilagyan ng konting wax ang buhok niya, at saka ko inilagay ang hair clip sa buhok niya.         "Ayan.. okay na... huwag ka nang umiyak. Parang natural wave lang ang dating ng buhok mo ngayon," nakangiting sabi ko sa kanya.         Tumayo ito, at saka nagpunta sa harap ng salamin dito sa kuwarto namin ni Jett. Nakita ko itong ngumiti sa harap ng salamin, kaya napangiti na rin ako.         Ang ganda-ganda talaga ng baby ko. Hyacinth Blaire Alcantara Zuniga.     ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook