bc

CAN'T WE START OVER AGAIN (Tagalog)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
7.0K
READ
adventure
love-triangle
second chance
billionairess
drama
affair
naive
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na tatlumpu't taong gulang ay lumaki si Lauren na walang nakagisnang ama. Hindi naman niya ito hinanap dahil naging sapat naman ang pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay nang kanyang ina. Natatakot siyang umibig dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ina mag-isang itinaguyod ang anak. Sa kanyang kaarawan ay hindi niya inaasahan na makilala ang lalaking magpatibok sa kanyang matigas na puso.

   Isang lalaking pangalan pa lang Alas na kung ituring nang iba. Ang lalaking pilit niyang iniiwasan matapos ang gabi na kanilang pinagsaluhan. Ngunit handang ibigay ni Ace Michael Pierre ang lahat para kay Lauren mapa-ibig lamang nito ang dalaga.

Ngunit paano kung ang nakaraan nang kaniyang ina ay mangyari sa kaniya?

    Paano kung ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso ay siya rin ang dudurog sa kaniyang pagkatao?

    Handa ba niyang tanggapin at magsimulang muli? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LAUREN'S P.O.V Maaga ako pumasok sa trabaho. Gagawa kasi ako ng report sa bagong items na dumating. Tatlong taon na rin ako nagtatrabaho dito sa isang mamahaling boutique. Pagmamay-ari ito ni Raymond Richards. Ang taong tumulong sa akin na makapasok sa kanyang boutique bilang isang sales lady. Nawalan ako ng trabaho noon nang magsara ang kompanya ng insurance na pinapasukan ko. Nakita niya ako sa isang coffee shop na tulala at nakatanaw sa kawalan. Hirap ako noon dahil may sakit ang aking ina at kailangan ko ng panustos sa kanyang gamot. Simple lamang ang aming pamumuhay. Sapat na sa akin ang kumita para sa aming pangangailangan. Umayon din ang panahon sa akin dahil gumaganda ang takbo nang boutique na ito. Marami akong naging customer at kadalasan sa kanila ay naging suki na namin. Iniligpit ko na ang mga report na katatapos ko lang gawin. Nararamdaman ko na kumakalam na ang aking sikmura. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay 'di na ako nakapag-almusal sa bahay. Umunat-unat muna ako bago tumayo nang may kumalabit sa likuran ko. Napanguso akong lumingon. Nakataas ang kanyang kilay na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa dala niyang paper bag at natakam akong makita ang tupperware na naglalaman ng pagkain. Poker face naman niyang inabot sa akin ito. Kaagad ko binuksan ang ang dala niyang pagkain dahil nagugutom na ako. Alin ba ang mas uunahin mo trabaho o pagkain?" tanong ni Zia ng makita ang naging kilos ko. Inaamin ko rin na subsob ako sa trabaho at dito ko na ginugol ang lahat oras. Nakilala ko si Zia sa isang mall at naghahanap ito ng trabaho noon. Inirekomenda ko siya dito sa pinapasukan ko. Sakto namang kulang kami ng sales lady noon. Ulilang lubos na ito kaya sa akin na ito nanunuluyan. "Alam mo naman na may mahalaga akong gagawin ngayon," sagot ko kahit punong-puno pa nang pagkain ang bunganga ko. Ewan ko ba't gutom na gutom ako. Alam na rin nang nanay ko kapag maaga akong pumasok. Madalas niya pinapadala kay Zia ang pagkain. "Hay naku! Ewan ko sayo! Tatanda ka na lang ganyan. Alalahanin mo isang taon na lang at lalagpas ka na sa kalendaryo," tudyo niya sabay talikod at walang paalam. Napatigil naman ako sa pagsubo nang pagkain dahil sa kanyang sinabi. Alam ko ang ibig niyang sabihin?" Maraming gustong manligaw sa akin ngunit ni isa sa kanila ay wala akong pinansin. Kahit ang manager nitong boutique na si Ian ay iniiwasan ko. Kamag-anak siya ni sir Raymond na itinalaga bilang manager nitong boutique. Madalas kasing naglalagi si sir Raymond sa Europe kung saan marami siyang negosyo na inaasikaso doon. Napakislot naman ako sa gulat nang magsalita muli si Zia sa likuran ko. Humahangos pa ito na parang nakakita nang multo Kumunot ang noo ko na nakatitig sa kanya sa hindi malaman na dahilan. "Hey!.. Teka nga lang!" Ano ba ang nangyari sayo?" tanong ko ng makalapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. Nakatulala pa rin ito na nakatitig sa akin. Dumating na ba ang pinapantasya mo'ng lalaki," biro kong tanong at ako'y naguguluhan na sa kanya. Mahilig kasi itong manood ng drama sa television. S-Si pogi at ang big boss natin dumating na, at hinahanap ka," nauutal niyang tugon. "Oy!.... Nakita mo lang si Ian natataranta ka na kaagad. Sinundot ko siya sa tagiliran at napatalon naman ito sa kiliti. Alam kong may lihim itong pagtingin kay Ian ngunit hindi niya inaamin. "Sshh.... Wag ka nga maingay baka may makarinig sa atin. Pinanlakihan niya ako ng mata sabay palingon-lingon ito. Halos matawa ako sa naging reaksyon niya. Bahagya pa akong humakbang papalapit sa kanya. Iyo'ng gahibla ang lapit sa mukha niya. "Wag ka rin obvious, naaamoy na kita," bulong ko sabay talikod sa kanya. Naramdaman ko na lang na may dumampi sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko sa sahig ang binato niyang nilukot na papel. Inangat ko ang paningin at binalingan si Zia. Seryoso itong nagliligpit ng mga damit dito sa stock room. "I love you! Zy, natatawa ko sabi at sumenyas sa kanya na lalabas na ako ng stock room. Mapakla siyang ngumiti sa akin. Madalas ko siyang asarin dahil mas matanda ako sa kanya nang apat na taon. Kaagad akong kumatok nang marating ang opisina ni sir Raymond. Kaagad ko naman pinihit ang siradora. Saktong pagbukas ko ay siya naman palabas si Ian. Nagkatinginan muna kami bago binati ang isa't isa. Morning Ms. Dixon. He grinned and greet me. Sinuklian ko na lang nang matamis na ngiti kahit pa man na iniiwasan ko siya. Wala akong mapuna sa kanya. He is totally perfect. Fil-Am kasi kaya ang gwapo. Kagaya ni Ian, half blood din si sir Raymond. Nilagpasan ko si Ian matapos ko siyang batiin. Dumiretso ako sa mesa ni sir Ray. Kapag kaharap ko siya, yan ang gusto niyang itawag ko sa kanya. "Good morning Mr. Ray. Napaangat ito ng tingin nang marinig ang boses ko. Kasalukuyan niyang binabasa ang report ng sales nitong boutique. Monthly lang siya kung dumalaw dito. "Oh! Hi, good morning Ms. Dixon. Tumayo siya at niyaya ako sa visitor lounge dito sa loob nang kanyang opisina. Nagtataka naman akong sumunod sa kanya. Magkaharap kaming nakaupo. Panaka-naka naman siyang nakangiti sa akin. Kumunot ang noo ko sa mga kilos na pinapakita niya. "So, how are you?" You really amaze me Ms. Dixon. Napapailing niyang sabi habang nakatitig sa folder na hawak niya. Tinugunan ko na lang nang ngiti ang bawat tanong niya. Unang kita ko pa lang sayo alam ko na may potential ka. But. You did great than my expectation. Ikaw ang may pinakamataas na sales this month. Naging triple pa ito ngayon kaysa sa nakalipas na buwan," saad niya habang sinusuri ang record ng mga sales namin. Itiniklop niya ang folder at may kinuhang puting sobre sa loob ng kanyang bag. Ipinatong niya ito sa mesa na nasa aming harapan. Naging mausisa din ang mga mata kong nakatingin sa puting sobre. Ano kaya ang laman niyan?" tanong ng aking isipan. Ibinalik ko lang ang kabutihan na tinulong mo sa akin. Lahat nang ginagawa ko sa negosyo mo ay pasasalamat ko," tugon ko. Lalo pa na lumapad ang kanyang mga ngiti. Alam mo ba kung bakit kita kinausap ngayon?" Umiling ako sa tanong niya. Wala akong ibang naisip kong bakit niya ako pinatawag. "Okay! Let me to reward you. I hope na hindi mo ito tatanggihan. "Huh! Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na maisipan niyang gawin ito. Sa dami nang naitulong niya sa buhay ko ay sapat na ang mga iyon. Dinampot niyang muli ang puting sobre sa mesa at ibinigay sa akin. Napatitig lamang ako sa sobre. Sa pagkatulala ko ay nakalimutan kong abutin sa kanya ang sobre. "Take it!" "What is this?" tanong ko sabay kinuha sa kanya ang inaabot na sobre. Isipin mo na lang na regalo ko sa darating mo na kaarawan," saad niya. "How he find out that my birthday is coming?" "How?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

OSCAR

read
226.3K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook