bc

The Playboy's Love

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.2K
READ
opposites attract
student
heir/heiress
lighthearted
nerd
female lead
campus
virgin
classmates
passionate
like
intro-logo
Blurb

She was tagged as Miss Eyeglasses sa kanilang University dahil sa malaking salamin sa mata na laging suot niya. Hanggang sa isang araw may nagtangkang tanggalin iyon sa kanyang mga mata. Makikita na ba niya ang mga bagay na dati ay hindi niya napapansin o mananatili siyang bulag sa mga bagay na pilit ng ipinaparamdam sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“SIENNA! Ano ka ba namang bata ka! Gumising ka na nga r’yan!” Napatalukbong ako ng kumot at mariing ipinikit ang mga mata nang marinig ang sigaw ni nanay sa labas ng silid ko. “Sienna!” binayo pa ni nanay ang pintuan ng kuwarto ko. Napaungol ako at hindi tuminag sa pagkakadapa sa unan sa pag-aakalang hindi na ako muling gigisingin ni nanay. “Sienna! Gising!” Padabog kong hinawi ang kumot nang muling marinig ang malakas na sigaw ni nanay. “Gising na po, Nay!” I rolled my eyes nang maulinigan pa ang panenermon niya. Marahas akong bumangon at kinapkap ang eye glasses ko na nakapatong sa bedside table. Napangiwi pa ako nang mahawakan ko ang nagmamantika kong ilong. Ilang segundo pa akong nanatiling nakaupo. Hindi ko maintindihan si nanay. Noong may pasok ay lagi akong umaga kung gumising, ngayon namang walang pasok at pagkakataon ko na sanang magbabad sa higaan ay hindi ko pa magawa. Kapag nagsimula na naman ang klase, gigising na naman ako nang maaga araw-araw. I scratched my head in frustration. Nang maisuot ko ang salamin ko ay agad akong nag-inat ng katawan at bumaba na sa maliit kong kama. Naghihikab na lumabas ako ng kuwarto ko na may nakasampay na tuwalya sa kaliwang balikat ko. Patungo ako sa banyo nang maabutan na naman ako ni nanay. “Kukutusan talaga kitang bata ka! Maligo ka na! Tingnan mo nga iyang hitsura mo. Dinaig mo pa ang sinabunutan ng limang mangkukulam!” Napabuga ako ng hangin na umupo muna sa mesa at dumampot ng isang toasted bread. “Ang aga pa po, ‘Nay. Tingnan mo nga ang orasan at alas cinco y medya pa lang. No need to rush,” sagot ko na nginuya ang tinapay. “Hindi porke’t sa atin ang bakery ay okay lang na ma-late. Naghihintay ang mga kostumer, Sienna!” I blew my side bangs upward. I mentally warned myself for another round of nagging from my mother. Sanay na ako sa routine ni nanay kapag ganitong tinatanghali ako ng gising. Kung magkakaroon lang ng most punctual award ay siguradong makukuha lahat ng nanay ko. Alas tres pa lamang kasi ng umaga ay gising na siya para mag-bake ng mga orders at gumawa ng pandesal. Mabili kasi sa amin ang pandesal lalo na sa umaga. Pagkatapos sa bakery ay uuwi muna siya upang maghanda ng almusal, maligo, at saka babalik sa bakery para buksan ang panaderya namin. Minsan nga ako ang napapagod sa kakaisip ng routine niya sa araw-araw. Pero bilib ako sa nanay ko. Lahat ay gagawin niya para sa aming dalawa. Hindi ko naman masisisi si nanay kung bakit ganoon na lang siya kung magsipag. Maliban sa kailangan namin ng pantustos sa araw-araw na pangangailangan ay nag-aaral pa ako sa college. Although, scholar ako sa pinapasukan kong university ay kailangan ko pa rin ng panggastos. Wala rin kasing katuwang si nanay sa buhay. Ayon sa kaniya ay iniwan na kami ng tatay kong foreigner bago pa man niya ako ipanganak. Mabuti na lamang at may minanang bakery si nanay mula sa mga magulang niya. Katulong niya sa bakery sina tita Julie na nanay ng kaibigan kong si Rachel at si tita Nelly na kinakapatid naman ni nanay. “Sienna, ano ba! Nakatunganga ka na naman diyan!” Napakislot pa ako nang marinig ang malakas na boses ni Nanay. “Maliligo naman na po ako.” Lumapit ako sa kaniya upang bigyan siya ng mahigpit na yakap at isang matunog na halik sa pisngi. Alam ko namang kunwari lang iyong panenermon niya. At kahit galit pa siya, kaunting lambing lang ay lalambot na kaagad si Nanay. Ganoon siya karupok pagdating sa akin. “I love you, Nay,” dagdag ko sa paglalambing ko sa kaniya. Tinapik niya ang bisig kong nakayakap sa kaniya. “Ang baho ng hininga mo, Sienna. Maligo ka na!” Napabunghalit ako ng tawa at inilapit pa ang bunganga ko kay nanay. “Sienna! Jusko na bata ka. Gustong-gusto mong laging tinatawag ang pangalan mo!” “Ang ganda kasing pakinggan ang pangalan ko, ‘Nay. Tunog sosyal!” sagot ko na binuntutan pa ng tawa. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo nang akmang babatuhin ako ni Nanay ng nadampot niyang calculator sa ibabaw ng mesa. Natatawa pa ako nang isinara ko ang pinto ng banyo. I finished taking a bath in less than ten minutes dahil tiyak na masasabon na naman ako ni nanay kung magtagal pa akong gumayak. Kaya lang habang pinagmamasdan ko ang aking sariling nagsisepilyo sa harap ng may kalakihang salamin sa banyo ay hindi maiwasang lumipad ng isip ko sa kung saan. Ang sabi ni Nanay ay carbon copy daw ako ng tatay ko. Sa school nga ay madalas akong makarinig ng komentong foreigner naman daw ang tatay ko pero bakit mahirap lang kami. Hindi naman kasi lahat ng may dugong ibang lahi ay mayaman na agad. Nagsasawa na rin naman ako sa kakapaliwanag kaya madalas ay hindi ko na sila sinasagot. Kahit dito sa aming lugar ay hindi kami nakaligtas ni nanay sa mga puna. Madalas kong nadidinig sa mga kapitbahay naming nadisgrasya lang daw si nanay ng isang Briton. They were calling my mother many names. Malandi, p****k, disgrasyada at marami pang mapanirang puri. Pero ni minsan ay hindi ko iyon pinaniwalaan. Nakakabit sa pangalan ko ang apelyido ng tatay ko at noong sinabi ni nanay na ikinasal sila ng tatay ko ay hindi ko iyon pinagdudahan kahit na wala akong nakitang marriage contract na hawak niya. Maganda rin naman si nanay at kahit kuwarenta y cinco na ang edad niya ay maganda pa rin ang hubog ng katawan. Kaya hindi malayong may foreigner na magkakagusto sa kaniya at pinakasalan pa siya. “Sienna, ano ba? Ang kupad mong kumilos! Mamaya marami ng kustomer doon sa puwesto natin! Sayang din ang benta kung mag-aalisan na ang mga iyon dahil sa inip!” Nabasag ng sigaw na iyon ni nanay ay pagmumuni-muni ko. Napanguso ako. “Nandyan na po!” Nagmamadali akong nagpatuyo ng buhok gamit ang luma na naming hair blower. Paglabas ko ng banyo ay agad akong pumasok sa silid ko upang magbihis. Paglabas ko ay hinagilap ko ang sandals ko at umupo sa sofa para isuot iyon. “Dalhin mo na iyang kaha. Baka naghihintay na roon si Mrs. Rodriguez! Nakakahiya naman sa kaniya,” matigas na utos ni nanay kaya nagkumahog na ako. Kapag nagpasaway pa ako sa kaniya ay baka hanggang sa bakery ay paulit-ulit pa rin ang panenermom niya sa akin. Binitbit ko na ang kahang lalagyan ng pagbebentahan at sumunod sa nanay ko. Si Mrs. Rodriguez ang pinaka-suki namin doon sa bakery. Maramihan kasi siya kung bumibili ng tinapay at kung ano-anong desserts sa amin. Nasarapan daw kasi siya noong unang beses na bumili kaya nagtuloy-tuloy na. Nirekomenda rin niya sa mga kakilala niya ang products namin. Gayunpaman ay hindi si Mrs. Rodriguez ang personal na kumukuha ng orders sa bakeshop namin kung hindi ang sekretarya niyang si Miss Tanya. Understandable naman dahil ang gaya niyang busy sa negosyo ay hindi na magagawang isingit sa schedule ang pagkuha ng orders kung may mauutusan naman. Walking distance lang ang bakery mula sa bahay namin. Siguro ay pinakamatagal na ang sampung minutong paglalakad.. Pagdating namin ay may lima nang naghihintay pero wala pa naman si Miss Tanya. Umaga kasi kaya maraming bumibili ng tinapay lalo na kung pandesal. Mabilisan naming pinagtulungan ni nanay na buksan ang bakery. Roll up lang naman iyon pero medyo mahirap na ring iangat dahil kinakalawang na. “O, ayusin mo na iyang dala mo roon at ako ay mag-aayos pa ng gagamitin ko sa mga bagong orders,” instruction ni Mother Dear na para bang first time ko itong gawin. Limang taon ko na kaya itong ginagawa! “Opo,” pahinuhod ko na lang para hindi ako pag-initan ni nanay. Hindi evil mother ang nanay ko, ha? Mabait siya at cool pa, tinotoyo lang talaga minsan. Inayos ko ang aking salamin sa mata at nagsimula nang i-check ang mga orders sa listahan namin. Yes. Tumatanggap din kami ng mga orders tulad ng cakes, cookies, muffins at iba pa. Ang nanay ko mismo ang gumagawa niyon katulong sina Tita Julie at Tita Nelly. Nag-text na rin ako kay Rachelle upang ipaalam na narito na ako sa bakery. Paraan ko na rin iyon upang sabihing samahan na niya ako rito gaya ng nakasanayan namin. Bale bakery sa likod at store naman sa harapan. Magkatulong kami lagi ni Rachelle sa pagbabantay ng store lalo na kapag bakasyon. “Sienna, pabili nga nitong toasted mamon ninyo, isa lang,” sabi ng bagong dating na customer. “Sige po. Thirty-five pesos lang po.” “Sien, pabili ng sampung pandesal.” Hindi pa ako tapos sa paglalagay ng toasted mamon sa paper bag ay may isa pa uling dumating na costumer. Mabilis kong ibinigay ang order ng unang costumer at saka inasikaso ang order ng pangalawa. “Sa susunod na linggo magpapadala ako sa anak kong nasa Maynila ng pasalubong. Bibili ako rito sa inyo ng delicacies,” nakangiting wika ng costumer na um-order ng pandesal. “Maraming salamat po. Puwede po kayong mag-text lang sa akin ng orders po ninyo para pi-pick-up-in na lang po ninyo,” masiglang wika ko habang isinusulat sa papel ang numero ng cellphone ni nanay. “Sige. Salamat, Sienna.” “Walang anuman po,” sagot ko iniabot sa kaniya ang pinilas kong papel. “Ingat!” Sinundan ko ng tingin ang costumer hanggang sa makalayo na ito. Nang tingnan ko ang cellphone ni nanay ay wala pa ring reply si Rachelle. Baka tulog pa iyon. Baka magkasama na sila ng mama niya pagpunta rito mamaya. Okay lang din naman sa akin dahil kaunti pa lang ang dumadating na kustomer, mamaya pagpatak ng alas sais y medya hanggang alas otso ay siguradong dadagsa na ang mamimili. Binalikan ko ang aking listahan at pinagpatuloy ko na lang ang pag-te-text sa mga kliyente namin na ready na ang kani-kanilang orders. “Hi!” “Ay, tinapay!” gulat kong bulalas nang marinig ang biglang nagsalitang iyon. Tumabingi pa ang salamin ko dahil sa bahagyang pagpitlag ko. “I’m sorry. Nagulat ba kita?” Hinging paumanhin nito. ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tila pinipigil nitong tawa. Sinipat ko ang lalaking nakatayo sa harap ko. Si Xander Rodriguez pala. Pangalawang anak siya ni Mrs. Rodriguez. Kaklase ko rin siya sa pinapasukang Kingsville University. “Ah, ano bakit ka nandito?” tanong ko na nakatingala sa kaniya. Matipid siyang ngumiti dahilan upang sumilay ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi niya. Bagay na lalong nagpaguwapo sa kaniya. “Pinapakuha ni Mommy ang mga orders niya.” Sandali ko pa siyang tinitigan. Tila nakangiti rin ang kaniyang medyo singkit na mga mata. Matangos ang ilong at natural na mapula ang mga labi. Sa tuwing tinititigan ko siya ay lagi kong naaalala ang sikat na Korean actor na si Lee Min Ho. Ah, ewan ko ba. Kahit halos dalawang taon ko na siyang kaklase ay namamangha pa rin ako sa guwapo niyang mukha. Hindi na yata ako masasanay sa kaguwapuhan niya! Sabagay, kahit ang tatlo pa niyang kaibigan ay hindi magpapahuli kung gandang-lalaki lang naman ang pag-uusapan. “Sienna?” Napukaw ng malalim na boses ni Xander ang isip kong naglalakbay na naman sa kung saan. “Huh? Ah, oo nga pala! Sandali lang at kukunin ko,” paalam ko at tinungo ang area kung saan nakalagay nang maayos ang lahat ng orders. Nakakahiya naman kay Xander. Baka akalain niya ay natulala na naman ako sa kaniya. Actually, lagi naman ako natutulala sa kaguwapuhan nilang apat. Kahit sino namang guwapo na makakasalubong ko ay tinititigan ko talaga. Hindi na ako nasanay at lagi na ay tinutukso pa ako ng mga ito. Pinagtatawanan ko na lang sila bilang pagbawi sa pagkapahiya sa tuwing nangyayari iyon. “Kumusta naman ang bakasyon mo?” tanong ni Xander nang makabalik ako dala-dala ang isang may kalakihang kahon. “Ayos lang. Bahay at bakery lagi ang routine,” sagot ko na nginitian pa siya. “Okay lang ‘yan. Atleast, natutulungan mo ang nanay mo.” Tumango ako at inayos ang salamin ko sa mata habang gumagawa ng resibo. Hindi na rin nagsalita si Xander kaya hindi na ako umimik pa. “Ito na ang resibo. Pakisabi sa mommy mo maraming salamat, ha.” “Sure,” wika niya na tiningnan ang resibo at nag-abot ng bayad. Agad akong nagpasalamat. Inabot ko na kay Xander ang box ng cake na in-order ng mommy niya. Nang makuha niya iyon ay nagpaalam na rin siya. Saka ko lang din nakita si Rachelle na paparating. Mabilis siyang pumasok sa kinaroroonan ko. “Hindi mo kasama si Tita Julie?” puna ko nang makitang mag-isa lang siyang dumating. “Nauna lang ako nang kaunti kay Mama, Best,” sagot niya at nangalumbaba sa estante. Nangangarap na naman ang bruha. “Oh, ang haba ng leeg mo. Sino na naman ang tinatanaw mo r’yan?” “Gosh, Best! Si Xander ba iyon? As in si Alexander Rodriguez?” “Oo,” balewalang sagot ko at itinuon uli ang atensyon sa hawak kong listahan. “Kyaa! Ang guwapo niya talaga, ano?” pigil ang tiling saad ng kaibigan ko. “Oo.” Hindi ko maintindihan ‘tong si Rachelle. Ilang beses naman niyang nakita si Xander pero kung makapag-react naman akala mo first time makita. Crush na crush kasi niya si Xander. Ay, ewan! “Ang suwerte mo talaga, Best!” “Masuwerte pa ba ako sa lagay kong ‘to? Walang pera at malabo ang mata?” “Bruha! Ibig kong sabihin masuwerte ka at nakapasok ka sa Kingsville. Maraming guwapo roon, ‘di ba? Higit sa lahat kaklase mo pa sina Xander at mga kaibigan niya!” “Eh? Maswerte ako siguro dahil nakakapag-aral ako roon. Pero hindi ko masasabing masuwerte ako dahil sa kanila.” “Kung kasing talino mo ako may posibilidad din siguro akong makapasok sa Kingsville! Hayy! Kailan kaya ako maging isa sa Prinsesa ng Kingsville?” tila nangangarap pa siyang tumingin sa kisame ng bakery. Pinitik ko ang noo niya gamit ang hawak kong ballpen. Malakas siyang napasinghap at hinalpos ang nasaktang noo. “Kung gusto mong makapasok doon ay mag-aral ka. Hindi kung sino-sinong lalaki ang pinapantasya mo riyan,” pangaral ko. “Matalino din naman ako, hindi ko nga lang ma-reach ang brains mo. Kaya masuwerte ka talaga.” “Psh! Huwag mo nang pangarapin maging Prinsesa roon. Doon pa lang sa University marami ka ng kaagaw paano pa kaya ‘pag lumabas ang mga ‘yon? ‘Di wala ka na. Hindi ka na mapapansin.” Napailing pa ako sa nang maalala ang komosyon ng mga babae sa university sa tuwing nakikita sina Xander at mga kaibigan niya. “Libre naman ang mangarap, Best! Huwag kang nega r’yan! Ikaw ba walang crush kahit isa man lang sa mga estudyanteng lalaki roon?” I paused in the middle of checking the list of orders. May crush ako roon pero sa kasamaang palad ay may girlfriend na. Isa pa ay wala akong panama sa girlfriend nitong maganda na ay mayaman pa. Samantalang ako, gaya ng lagi kong sinasabi, wala na ngang pera ay malabo pa ang mata! Kaya suntok sa buwan kung mapapansin ako nito. Pero kahit isa ay walang nakakaalam na may crush ako kay Shin—isa sa mga kaibigan ni Xander. Kung may makakaalam ay mas lalo akong mabu-bully sa University ng mga babaeng may gusto rito. Ang sasama pa naman ng ugali ng ilang estudyante roon porke’t mayayaman ay ang yayabang na! “Best, natahimik ka na,” pukaw ni Rachelle. “Wala akong crush doon. Wala akong oras sa ganiyan,” pagde-deny ko. “Grabe ka naman. Manhid ka ba? Pusong bato? Hindi ka man lang ba kinikilig sa mga nagagwapuhang lalaki sa school ninyo? Ay, Best masama na iyan. Pacheck- up ka na.” “Bakit ko naman uunahin ang kalandian kaysa sa kinabukasan ko? Mapapakain ba ako n’on kung sakali?” Sinamahan ko pa iyon ng matalim na irap sa kaibigan. “Alam mo, Best, ang bitter mo talaga. Part naman ng life ‘yan, ah. Sa loob ng dalawang taon mo sa Kingsville ay wala ka man lang apple of the eye?” “Wala akong time,” paingos na sagot ko. “Ngek! Sige, ikaw na boring ang life. Napaka-KJ mo naman. Basta ako I love Xander and Shin!” sabi ni Rachelle na kumikislap-kislap pa ang mata. “Ewan ko sa ‘yo. Hindi naman masama mag-aral nang mabuti para sa future.” “Wala naman akong sinabing ‘pag may nagugustuhan ka roon ay tigil na ang pag-aaral! Inspiration lang, Best. OA naman nito. Ibitin kita r’yan nang patiwarik, eh!” “Basta, wala akong crush,” deklara ko para matapos na ang walang kuwenta naming usapan. Hindi ko kasi mapigilang mag-self-pity kapag naiisip ko si Shin at ang girlfriend niya. Napasulyap ako kay Rachelle nang wala akong sagot na narinig mula sa kanya. Nakita ko siyang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. “O, bakit?” asar kong tanong. “Best, don’t tell me…tomboy ka? My gosh, baka malalaman ko na lang ay ako na pala ang type mo? I’m not prepared—aray!” “Ano’ng pinagsasabi mong babae ka?” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya at saka hinila ang buhok niya. “Hindi ba?” nakangisi niya pang tanong habang hinahaplos ang nasaktang anit. Nanuot sa tainga ko ang nakakainis niyang tawa at saka mabilis siyang lumayo nang ambahan ko siya ng suntok. Itinuro pa niya ang paparating na kostumer. “Sien, pabiling pandesal.” I rolled my eyes to Rachelle bago ngitian ang bagong dating na customer. Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi ni Rachelle at hinarap na lang ang customer. “Salamat. Balik po kayo.” Pagtalikod ng customer ay biglang tumunog ang cellphone na gamit kong pang-text sa mga customers. Tiningnan ko ang screen ng phone at unknown number ang naka-rehistro dito. So, it means hindi namin kostumer. Binasa ko ang message. From: +63905.....41 Hi! ‘Got your number from my Mom. I hope it’s okay. Xander Napataas ang kilay ko nang mabasa ang message kaya nag-reply ako. Bago ‘yon ay s-in-ave ko muna ang number niya sa phone. Nilagay kong Xander Rodriguez para hindi magtaka ang nanay ko kung kanino ang number na ‘yon. Baka mag-text uli at mamura ni Nanay sa pag-aakalang nakikipag-textmate! Lahat kasi ng naka- save sa phone ay numero lang ng mga customers namin. To: Xander Rodriguez Hijo, may gusto ka rin bang order-in? Aling Sheryl Natawa ako nang mahina. Sinulyapan ko si Rachelle na busy sa pagkuha ng mga tinuturong tinapay ng bagong dating na customer sa estante. Wala na akong na-receive na reply kaya tinago ko na sa drawer ang cellphone at tinulungan si Rachelle. “Anong nginingiti mo r’yan?” “Wala,” sagot ko at inayos ang salamin ko dahil parang tumabingi na naman. Kailangan ko na yata ng bago. “Uy, nakahanap ng inspirasyon!” tukso ni Rachelle. Binatukan ko siya at pinandilatan dahil sa panunukso niya. Natawa lang ang magaling kong kaibigan at hindi talaga ako tinigilan. GABI NA nang makauwi kami ng nanay ko galing sa bakery namin. Kitang-kita sa mukha ni nanay ang pagod sa pagtatrabaho. Ang bakery lang kasi ang pinagkukunan namin ng kabuhayan. May plano nga siyang magtayo ng isa pang branch pero hindi pa sapat ang ipon niya para roon. Naghanda na ako ng hapunan namin. Kahit ako ay pagod na rin pagkagaling ng bakery. Para na nga akong sirang plaka kapag naroon ako. Paulit-ulit ang dialogue ko na 'Masarap po iyan. Salamat po! Balik po kayo.’ Minsan nga napagkatuwaan ako ni Rachelle. Binilang ba naman kung ilang ‘'Masarap po iyan. Salamat po! Balik po kayo' ang nasasabi ko buong araw. Nililista pa niya iyon sa papel at tina-tally niya sa gabi tapos pagtatawanan. Ang suwerte ko sa kaibigan ko, ‘di ba? Nang matapos ako sa pagluluto ay inihanda ko na ang hapag. “Sienna, nagpunta ba kanina si Mrs. Rodriguez sa bakery? Wala bang ibinilin?” tanong ni nanay habang binibilang ang napagbentahan namin. “Hindi po, ‘Nay. Si Xander po ang kumuha ng orders niya. Wala naman pong sinabi.” “Xander? Iyong anak niyang pogi?” I pouted. “Hindi po, Nay. Iyong maganda,” pamimilosopo ko. Binibiro ko minsan si nanay kapag maganda ang mood. “Bakla ba? Sayang naman. Type ko pa naman siya,” sabi nito sa tonong nanghihinayang. “Nay! Ang tanda ninyo na para kay Xander! Huwag na kayong manghinayang doon!” “Loka kang bata ka. Anong tingin mo sa ‘kin walang taste?” “Nay!” bulalas ko sa nanlalaking mga mata. “Pero, ‘nak pogi talaga si Xander. Bagay sana kayong…” “Nay!” saway ko sa sasabihin nito. Siguradong irereto na naman ako kay Xander. “Mag-ayos ka kasi, ‘nak, para makita ni Xander kung gaano ka kaganda. Aba, nagmana ka kaya sa akin. Tingnan mo nga iyang hitsura mo, para kang teacher na old maid. Aba’y uso na ngayon ang contact lenses ba’t ka nagtitiyaga sa malaking salamin mong iyan na mas malabo pa yata sa mata mo.” “Nay, kung magpapaganda man po ako ay hindi dahil kay Xander o sa kahit na kanino. Isa pa ang mahal ng contact lenses. Hindi ko po afford.” I reasoned out. “Basagin mo na iyong alkansiya mo para may ipambili ka. Marami ka naman nang naipon.” Umingos ako sa sinabi ni Nanay. “Wala pa akong plano sa alkansiya ko pero hindi ko po iyon gagalawin. Saka kung gusto talaga ako ng isang tao, magugustuhan niya ako kahit ano pa ang hitsura ko.” “Sus, nagdrama ka pa riyan. Kung hindi ko pa alam na may Shin Jung kang nagugustuhan. Ikaw ang hilig mo sa mga singkit na mukhang labanos sa kaputian.” “Nay!” gulat kong bulalas. Muntik pang tumapon ang salamin ko nang lumipad ang tingin ko kay nanay na sinasamsam ang mga resibo sa mesa. “Saan mo naman po nakuha iyan?” Pinandilatan niya ako. “Paanong hindi ko malalaman, eh sa lahat ng notebooks mo naroon ang pangalan niya. Para kang Grade Seven na sulat nang sulat ng pangalan ng crush sa notebook. Naka-lettering pa.” Nanulis ang nguso ko dahil sa sinabi ni Nanay. Hindi ko alam na nangingialam pala siya ng notebooks ko. Kapag wala kasi akong ginagawa ay naging pampalipas-oras ko nang magsulat ng pangalan ni Shin. Buti nga ay hindi kami nag-aaral ni Rachelle sa iisang school. Kung sakaling malaman nito ang sikreto ko ay katakot-takot na panunukso ang tiyak na aabutin ko. Siguradong mag-aala-Gabriela Silang iyon kapag nalamang nagsinungaling ako sa kaniya. “Iyon bang Shin ay pogi din, ‘nak?” At talagang may follow-up question pa ang Nanay kong mahilig mang-intriga! “Nay naman! Huwag niyo na pong itanong ‘yan!” reklamo ko. Nag-uumpisa na naman itong mag-usisa. “Aba, batang ‘to. Hindi ba ako puwedeng magtanong?” “Puwede naman po.” “Eh, iyon naman pala. Wala namang problema sa akin ang kras-kras na ‘yan. Basta huwag mo lang pabayaan ang pag-aaral mo. Or else, I’ll kras you to pieces,” pagbabanta ni Nanay na sa tonong nagbibiro. Natawa ako. Hindi ko napigilang maaliw sa mga hirit ni nanay. “Nay naman. Masyado naman po kayong hard. Sino na lang ang magpapatuloy ng magandang lahi mo kung dudurugin mo ‘ko? Remember, ako lang po ang nag-iisang anak mo.” I grinned at my mother. “Heh! Tumigil ka. Aba, hindi kita pinag- aaral para makipag-boyfriend lang. Usong- uso pa naman ngayon ang maagang pagka- buntis ng mga kabataan. Kaya ikaw hanggang kras lang muna. Alalahanin mo mahal ang bawang ngayon.” “Akala ko ba irereto mo po ako kay Xander,” nangingiting tanong ko sa kaniya. “Well, sinasabi ko lang na huwag kang mag-boyfriend kung hindi rin lang si Xander. Aba, mabait ang batang iyon. Nakausap ko siya isang beses.” “Isang beses lang kayo nag-usap mabait po agad? Naku, kung alam n’yo lang, Nay.” “Ang alin?” “Na hindi ko type si Xander at ganoon din siya sa akin.” My mother just snorted. “Basta alalahanin mo, mahal ang bilihin ngayon.” Naaaliw na pinagmasdan ko si Nanay. I know she’s silently telling me na ‘okay, pupuwede mag-boyfriend pero hanggang doon lang muna iyon’. Marami kasi sa mga kabataan ngayon ang nabubuntis sa murang edad at walang paghahanda para sa kinabukasan. “Ano naman po ang konek ng bilihin sa crush ko, ‘Nay?” “Do the math na lang, ‘nak,” tanging sagot niya at humila ng upuan para maupo na sa hapag-kainan. “Ang haba ng itinatakbo ng imahinasyon niyo, Nay. Mahaba pa po sa EDSA.” “Mabuti na iyong advance ka mag-isip kaysa slow. Ikaw talagang bata ka. Matalino kang naturingan hindi mo makuha ang logic. Parang one plus one equals Magellan lang ‘yan.” Ayan na si Nanay sa kakengkoyan niya. “Oo na po. Two plus two equals Lapulapu,” pakikisakay ko. “O, gets mo na?” “Opo. ‘Yong math naging history na.” “Ganoon naman talaga dapat. Lahat dapat ay nai-ta-tackle sa usapan. Bahagi na iyon sa pang-araw-araw nating buhay.” “Amen,” sagot ko sa pagitan ng mahinang pagtawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
476.9K
bc

My Godfather My husband

read
268.7K
bc

That Professor is my Husband

read
504.3K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
468.4K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook