bc

Journal's Illusion

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
student
drama
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
YA Fiction Writing Contest
bxb
campus
city
mxm
shy
like
intro-logo
Blurb

Sa kaniyang palaging pag-iisa, hindi inaasahan ni RJ na makatatagpo siya ng isang binatang magpapago sa ikot ng kaniyang mundo. Ang dating malungkot na damdamin ay napalitan ng galak at pagibig. Subalit, sa kabila ng sayang nararamdaman niya sa binata, matutuklasan niya ang pangyayaring gigimbal sa kaniya at sa kaniyang iniibig.

chap-preview
Free preview
The Anonymous Guy
June 19, 2016 Linggo So ayun hello! Ito yung first journal entry ko hehehe. Hindi ko alam kung bakit kami pinapagawa ng journal sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Filipino ni Mrs. Del Valle. Gusto niya bang malaman yung ginagawa namin araw-araw?Stalker ang peg ganun?Chismosa? O dahil komunikasyon nga raw at way ito ng pakikipag-usap. Well anyway, ako si Ryan Joshua Encinas. RJ for short. Labing-pitong taong gulang at kasalukyang STEM senior high school student sa Dela Paz Science and Technology High School.  Sabi ni Mrs. Del Valle i-describe namin yung sarili namin sa journal, kahit araw-araw niya naman kaming nakikita. May saltik utak nun eh. Well, 5'8 ang height ko, maputi, toned ang katawan, itim ang buhok, sabi nila gwapo ako pero sige minsan lang matawag na ganun eh. Sobrang mahiyain ako, hindi ako mahilig makipag-usap, konti lang ang friends ko, since kasisimula palang ng school year, wala pa akong friends. Introvert ako, mahilig magsulat ng kung anu-ano, at kumuha ng litrato. Dahil nga journal ito, kwento ko raw mga nangyari sakin. Paka-chismosa talaga ng teacher na iyon eh hindi niya naman babasahin ito kahit anong isulat ko.  So first week namin last week, June 13 nag-start ang class. Lumipat kami ng bahay kaya napilitan akong mag-transfer ng school kaya ayun, wala akong masyadong kakilala sa klase namin. Karamihan sa kanila mukhang magkakaklase na dati dahil sobrang close na nila, yung iba naman, tulad ko, loner. Ang dami na ring requirements at quizzes na pinagawa samin. Sobrang hassle ng senior high hindi naman nagtuturo yung ibang teachers puro basa lang ng powerpoint. Pero siyempre, may mga teacher pa rin na lodi sa galing.  Eh bakit nga ba kami lumipat ng bahay? Ganito kasi. Naghiwalay si mama at si papa nang dahil sa babae. Hindi ko alam kung ano bang kulang kay Mama kung bakit siya iniwan ni Papa. Sobrang mapagmahal na asawa at nanay si Mama, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Papa kung bakit niya ginawa 'yun, basta ang alam ko lang, palagi silang nag-aaway, dahil sa pera, trabaho, babae, pera, trabaho, babae, basta puro paulit-ulit na ganun. Oh siya, tama na kwento, matutulog na ko Ma'am. Maaga pa pasok ko bukas. June 20, 2016 Lunes Start na ng second week ng klase namin. Nagkaroon kami ng group reporting sa Earth Science. Siyempre mahiyain ako, nakatayo lang ako dun sa isang gilid. Nakakakaba sa oral comm kasi next meeting, may reporting ulit at ako yung naka-assign na reporter hays. As usual, wala pa rin akong nakakausap para kaibiganin. Hindi ko alam, simula nung naghiwalay si mama at si papa, naging sobrang isolated na ako sa mundo. Para bang iniisip ko mag-isa na lang ako, na wala akong karamay, na lahat ng makakasalumuha ko, iiwan din ako. Kaya takot akong magkaroon ng kaibigan or kasintahan. Nung nasa canteen ako kanina, may kumausap pala sakin, si Katrina. Medyo maliit siya at may pagka-chubby. Ang dami niyang kinu-kwento sa akin, na since grade 7 daw dun na siya nag-aaral, yung mga famous na tao sa school na dapat daw ay kilala ko (for what?). Oo lang ako nang oo sa mga sinasabi niya at sumasagot ako kapag tinatanong niya. Ang hyper niya! Buti na lang nilibre niya ako ng coke. Ang weird nga eh, kahit ayaw ko sa tao minsan, yung tao yung lumalapit sa akin! Nung pauwi ako galing school, may lumapit sa akin na lalaki, same kami ng school kasi same uniform ang suot namin. Sabi niya sabay daw siya maglakad kasi same din kami ng way pauwi. Tulad ni Katrina, ang dami niya ring mga sinabi sa akin. Transferee pala siya sa Dela Paz Science and Technology High School parang ako. Nagkuwento siya ng buhay niya sa probinsya, kung anong paborito niyang pagkain, favorite movie, favorite subjects, lahat na yata ng favorites. Ako naman tango lang nang tango at oo lang nang oo. Kapag nagpapatawa siya, tawa na lang din ako para kunwari hindi korni mga jokes niya. Hinatid niya ko sa bahay kahit sabi ko huwag na pero nagpumilit siya. Pagpasok ko ng gate, nilingon ko siya at nakatingin pa rin sa akin at naka-smile. Ang weird, ayaw ko ng nilalapitan ako pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng comfort sa paghatid niya. In fairness naman kay kuya, moreno, toned din ang katawan, mukhang naggi-gym, ang shiny ng buhok, nakakatunaw din yung mga titig niya sa akin. Mas matangkad ako sa kaniya ng konti pero wala naman akong pake sa height. Ang ganda rin ng mga ngiti niya. Crush ko na kaya siya? Huhuhu ayaw ko magka-crush lalo na at... HINDI KO PALA ALAM YUNG NAME NIYA BWISET NA 'YAN! Sana bukas magkasabay ulit kami. June 21, 2016 Martes Halos walang pumasok na prof ngayong araw, isa lang, si Mrs. Del Valle. Sobrang sipag niya pumasok kahit yata pasko ay papasok siya. Ang dami niyang pinagawa sa amin. Basa ng readings, essay, etc. Nag-groupings din kami sa subject niya para sa gagawing report. Guess what? Walang tumanggap sakin agad kasi nga loner ako at wala kong kakilala sa kanila kahit second week na. Mabuti nalang nandun si Katrina at hinila niya ko sa group niya. Nung pauwi na ako, naisip ko kung baka sumabay ulit si kuyang nakasabay ko kahapon. Gusto ko alamin yung name niya (at yung f******k hehe). Naghintay ako sa labas ng gate ng school namin. Almost one hour akong nakaupo dun sa waiting shed malapit sa gate pero, hindi siya dumating so ako nalang yung umuwi mag-isa. Oo nga pala, kaninang madaling araw, napanaginipan ko siya. Nasa malawak na field daw kami at hawak niya ang mga kamay ko habang nakatitig at nakatingin sa akin. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Nakakatunaw. Nagsasalita siya pero hindi ko marinig yung boses niya, hanggang sa bigla siyang naglaho at umulan ng malakas. Hays, makikita pa kaya kita ulit?  June 22, 2016 Miyerkules Nag-report na ako sa oral communication. Everything went good naman buti hindi ako nag-stutter at nag-buckle hahaha. Highest mark ang nakuha namin sa reporting. Umuwi si Kuya Louie galing Laguna para bisitahin kami ni Mama. Ang dami niyang inuwing pasalubong. Buko pie, espasol, tsaka puto. Bakas sa mukha ni mama yung saya kasi medyo matagal ding hindi umuwi sa amin si kuya Louie dahil stay in siya sa trabaho niya sa Laguna. Tinanong ni kuya Louie kung kamusta naman daw yung studies ko, kung may girlfriend na raw ba (sure ka kuya?), at kung inaalagaan ko raw ba si mama. Miss ko na ang kuya Louie ko dahil sobrang close talaga namin lalo na nung nandito pa si Papa. Nakita ko ba ulit si kuya na nakasabay ko nung Lunes? Hindi pa rin. Ewan ko ba curious talaga ko sa pagkatao niya lalo na sa name niya. Hindi ko po siya crush ha, slight lang. Mukha naman siyang hindi magkakagusto sa lalaki eh.  June 23, 2016 Huwebes Nagkaroon kami ng surprised quiz sa General Mathematics. Naka 84% ako kahit walang review review. Pang-lima ako sa highest sa section namin kaya naman yung iba kong classmate nare-recognize na ako. Kumain ako mag-isa sa canteen ng school namin as usual. Nakikita ko yung mga schoolmates ko na nakikipagkwentuhan at tawanan sa friends nila. Yung iba nagja-jamming tapos merong naggu-group study. Medyo nainggit ako kasi hanggang ngayon wala pa rin akong friends pero ayos lang kasi nae-enjoy ko naman yung mag-isa kahit papaano. Thursday na pero ni anino ni kuyang nakasabay ko wala pa rin. Pumapasok pa ba siya? Nag-transfer na? Gusto ko sana tanungin mga classmates ko baka kilala nila pero nahihiya pa rin akong mag-approach sa kanila. Totoo kaya siya? O baka naman panaginip ko lang yun? Nadatnan ko si Kuya Louie sa bahay na nakaupo sa sofa at naglalaro. Tinanong ko kung bakit hindi pa siya umaalis, sabi niya sa Sabado pa naman daw siya uuwi. Kinamusta niya lang ako kung ano na raw ba nangyayari sa akin. Sabi ko okay naman ako sa bago kong school. Ngumiti lang siya at sinabihan ako na kung may kailangan lang ako ay lumapit lang sa kaniya.  June 24, 2016 Biyernes Since patapos na yung week, nag-check si Mrs. Del Valle ng journal kanina. Habang chine-check niya yung sakin, napangiti siya at tumatawa. Napaka-chismosa talaga. Sabi niya sakin na sana malaman ko na yung pangalan ni kuyang nakasabay ko nung Lunes. Ang dami ring homeworks, individual at by group. Yung group assignment namin sa Personal Development, bukas namin gagawin since weekend naman. Ewan parang hindi na natatapos yung ginagawa namin. Karamihan ng mga classmates ko ay gagala at mag-iinuman since Friday naman. Niyayaya ako ni Katrina, pero tumanggi ako kasi gusto ko ng magpahinga at baka hanapin ako ni mama at ni Kuya Louie.  Naisipan kong hintayin si mysterious guy sa gate ng school namin. Ang daming estudyante ang dumaan, pero wala pa rin siya. Alas-5 na ng hapon at kaunti nalang ang tao sa school namin. Pinauwi na ako ni kuya guard kaya no choice umalis na lang ako. Pag-uwi ko ng bahay, nakita kong umiiyak si mama si sala. Hawak-hawak niya yung picture ni Papa. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang i-comfort, pero parang wala namang magagawa yung pag-comfort ko kasi araw-araw siyang umiiyak. Nang paakyat na ako sa kwarto, nakasalubong ko si kuya Louie. Tinanong ko siya kung bakit umiiyak si Mama ngunit, hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa akin at tsaka naglakad papuntang kusina. June 25, 2016 Sabado SOBRANG SAYA NG ARAW NA 'TO PRAMIS!!! Gumising ako nang maaga dahil 8 AM ay magkikita-kita kami ng mga groupmates ko sa malapit na convenience store sa school namin. 7:30 AM ako nakarating doon at dalawa palang ang tao, si Ivan at si George. Akala ko magiging awkward nung kaming tatlo lang pero kinausap nila ko, tinanong kung saan ba ako galing, hobbies, interests, tsaka mga experiences ko sa school. Dati na pala silang nag-aaral doon kaya magkakilala na sila. Hindi rin pala masama yung may makausap kang iba bukod sa bwisit na journal na 'to. Dahil alam mo naman Filipino time, yung 8 AM na usapan, naging 9:30 AM. Sa school library kami gumawa kasi may permit naman kami galing sa teacher namin. Ang fun din pala nila kausap kahit papaano. Si Andrea, yung leader namin, transferee parang ako kaya napagkwentuhan namin yung mga first time experiences namin sa bagong school. Si Sofia, dancer siya sa school at si Penelope naman yung class president namin at top 1 namin (swerte ng group namin). Alas-seis na nung natapos kami sa haba ng report at sa daming mali nung iba naming groupmates. Since iba-iba kami ng daan pauwi, naglakad ako mag-isa. Naisip ko na naman si kuyang nakasabay ko nung Lunes. Kailan kaya siya magpapakita ulit? Baka natakot na sa akin.  Ilang metro na lang ang layo ko sa bahay namin nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis kong nilabas yung payong sa loob ng bag ko at binuksan ito. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang biglang... "Pasabay naman please" Pamilyar ang boses na narinig ko. Hinatak ng lalaki yung payong para makisilong. Bigla akong napatigil sa paglalakad at napatingin sa maamo niyang mukha. "Oh?Anong problema?Parang ngayon lang tayo nagkita ah" Hindi ako makapaniwala na yung lalaking apat na araw kong hinintay ay nasa tabi ko ngayon at nakiki-share sa payong. Bumilis ang t***k ng puso ko at parang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo. "Tara na nga! Ako na maghahawak" Kinuha niya yung payong sa akin at naglakad na kami. Hindi pa rin ako makapagsalita. Ito na yung araw na hinihintay ko. Hindi ako makapaniwalang nagshe-share kami sa payong at magkadikit ang aming braso. "Bakit ang tagal kitang hindi nakita?" Bigla na lamang lumabas sa aking bibig ang mga katagang ito. Kahit ako ay nabigla sa aking sinabi na mas lalong nagpabilis ng t***k ng aking puso. "Ikaw ha hinahanap mo ko noh? HAHAHA. Hindi kasi ako pumasok last week simula Tuesday. May problema sa bahay." "Hindi kita hinahanap noh! Nagtaka lang ako" Tumawa lamang siya at kinuwento ang mga nangyari sa kaniya kaya hindi siya nakapasok. Nagkasakit pala ang kapatid niya at walang magbabantay dito kaya hindi muna siya pumasok. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mala-anghel niyang mukha at mala-adonis niyang katawan. May mga pagkakataong nahuhuli niya kong sumusulyap kaya mabilis kong inaalis ang aking paningin.  "Ikaw ha kanina ka pa tingin nang tingin. Crush mo ko no? HAHAHA" "Ha? Ano ba 'yang sinasabi mo ha?" Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Nahahalata niya kaya yung pagtingin ko sa kaniya? Tsaka hindi ko siya pwedeng magustuhan kasi kakakilala ko pa lang sa kaniya. Tumawa lang siya sa reaksyon ko at nagpatuloy kami sa paglalakad sa gitna ng ulan. Hindi ko maiwasang kiligin kapag nagdidikit ang aming mga balat. Ramdam ko ang magkahalong pawis at tubig ulan sa kaniyang malalaki at makikisig na braso.  Ilang minuto ang lumipas at tumigil na ang pagbuhos ng ulan. Hinatid na niya ako sa amin tulad ng dati. Pagpasok ko sa gate, may nakalimutan na naman ako, nakalimutan kong tanungin yung pangalan niya. Paglingon ko, naroon pa rin siya at sumigaw siya "Paolo!Paolo pala!" at naglakad na siya palayo. Hanggang ngayon, hanggang kinukumpleto ko ang journal ko para sa unang linggo, hindi pa rin maalis sa mga labi ko ang ngiti. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

NINONG III

read
360.8K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook