Share:

Ang Amo Kong Bampira

LMCD22 Fantasy

43 reads

"M-Master..." kinakabahan kong sabi nararamdaman ko na titig na titig siya saakin di ko kayang tumingin sa mga mata niya nakakatakot parang kakainin ka.


"Master! Siya po ang unang sumugod saakin nagseselos po siya saakin." nanlaki ang mata kong napatingin kay Helda. Gumagawa nanaman siya ng kwento.


Napakagat nanaman ako sa labi ko. Naiinis ako sigurado ako pag magsasalita ako di nanaman ako papaniwalaan. Lahat nalang sila ganun nalang, lahat sila sinasabi na nagsisinungaling ako sana di nalang ako nabuhay sa mundong ito o di kaya sana namatay na ako noon...


Nanlaki ang mata ko napatingin sa harapan ko nakita ko na nasusunog si Helda.


"Aaaaaaaaaaaaahhhhh!!!! Nasusunog ako! Master!" sigaw nito. Napanganga nalang ako habang nakatingin kay Helda na umiitim na hanggang sa naging abo.


Di ako makapaniwala sa nakita ko... Patay na si Helda? Paano siya nasunog? Sinong may gawa?


Naramdaman ko nalang na may yumakap saakin ng mahigpit.


"Don't you ever say that again, di ka pwedeng mamatay. You're born for me only, remember this you're mine." paano niya narinig ang sinabi ko sa utak ko?


Hanggang sa makaramdam ako ng antok at binuhat niya ako at ang huling narinig ko sa kanya ay...


"Sleep well my little Kitty."



*****



LMCD

Unfold

Tags: darkpossessivefateddramasweetmysterycityanother worldsuperpowerpassionate
Latest Updated
Chapter 34
Comment