bc

Three ‘Some

book_age16+
343
FOLLOW
1.1K
READ
age gap
fated
independent
student
bxg
lighthearted
female lead
highschool
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Threesome? Yes, three'some, three handsome men, na ginulo ang kalmado kong puso. Hindi ko lang talaga alam kung pa'no sila nakapasok sa buhay ko, e nananahimik lang ako. Nananahimik? Parang gano'n na nga. Tapos ngayon, heto, nagrarambulan sila sa utak ko. Pero isa lang talaga ang gusto ko- si Geraldo, ang matcho-gwapito naming guro.

Subalit, ang inaasam kong mala-fairy tale na story ay hindi pala mangyayari sa'kin.

Should I go with the flow? Susundin ko ba ang tinitibok ng aking puso? Ipagpapatuloy ko ba ang pagmamahal sa lalaking kailanman ay hindi na magiging akin? Mamahalin ko ba ang taong higit akong mahal? Pero natatakot ako-tatlo nga sila pero sa tingin ko mukhang isinumpa yata ang aking buhay pag-ibig.

Hindi ko alam kung wrong timing, tadhana ba ang mali, sila ba ang may problema? O ako? E kung hanapin ko na lang ang lalaking nasa alaala ko? Pero mukhang imposibleng makita dahil sa tinagal-tagal na panahon.

I'm Amparo "Pao" Aragon, gaya ng karamihan: destined to love, to be love and to be broken. To be sad and to be happy. To be hurt, and to be hurt?

chap-preview
Free preview
Prologue
May 20, 2015, dalawang araw na lang ay magtatapos na ang summer class namin sa Algebra. Sukbit ang kulay pink na shoulder bag sa aking balikat ay dahan-dahan akong naglakad habang nakatuon ang aking mga mata sa hawak kong de-keypad na cellphone. Nakangiti, dahil sa mga mensaheng nababasa ko mula rito. "Pao! Sandali!" boses ni Charm mula sa aking likuran. Huminto ako, ngunit, hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagtipa. Mahigit dalawang taon na kaming magkakilala ni Charm. Pareho kaming nasa fourth year high school at pareho rin na ate ang tawag ng mga kaklase namin sa amin dahil eighteen na kami. "Si Jay na naman ka-text mo? Nagawa mo na ba ang assignment natin sa Math?" tanong niya at nakiusyuso sa cellphone ko— kulang na lang siya ang hahawak at pipindot pababa. Nakangiti akong nag-type ulit ng mensahe para reply-an si Jay. "Si Rey na bahala sa assignment ko," sagot ko kay Charm habang tinutulak siya palayo, gamit ang aking balakang sabay siko. Hindi siya natinag at lalong dumikit sa akin. Ipinulupot niya ang kamay sa aking braso at humilig sa aking balikat. "Iba talaga kapag may admirer, taga-gawa ng assignment," aniya. Napangiti ako. "Admirer?" At taas kilay na nilingon ang aking kaibigan. "Oi... kung alam mo lang," sabi ko at pinisil ang matambok niyang pisngi. Kumunot ang kanyang noo at napanguso. "Alam na ano?" "Sec—" Hindi ko natapos ang sasabihin nang nag-vibrate ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko sa reply ni Jay. Rey? Naipadyak ko ang aking kanang paa. "Anak ng! Mistyped ako!" At humalakhak— dahil ang sagot ko kay Charm ay naitipa ko pala at nai-send kay Jay. "Ano ba, Pao. Pabitin ka e. Kapag si Jay na talaga," sabi ni Charm, "Rawr." At parang pusang mangangalmot. "Sekreto para bibo," pagpapatuloy ko sabay belat rito. Tinalikuran niya ako na nakabusangot ang mukha habang padabog na humakbang palayo— napakamot na lang ako sa sintido. Muli kong itinuon ang aking mga mata sa cellphone. Mabilis kong ni-reply-an si Jay at muli kaming nagpalitan ng mensahe: Kaklase ko sa summer class :-) Jay: Ahh. Nahihirapan ka ba sa subject na 'yan? Puwede kitang turuan :) Nakakahiya, 'wag na :-) Jay: Okay lang naman sa 'kin. Kung may time ka puwede naman kitang i-tutor for free :) Talaga? Walang bawian huh? Magaling ka ba sa Math? Hirap na hirap ako rito eh. lol "Hoy! Awat na 'yang kilig moments mo riyan." Abot tainga ang ngiti ni Charm na patakbong bumalik sa aking direksyon. "Pumasok na tayo at nandito na ang man of my dreams na si Sir Gerald," pahayag niya na parang nangingisay at nag-umpisa na namang tumirik ang mga mata sa sobrang kilig. "Nah! Man of your dreams?" Tumikwas ang labi ko at pumalatak ng isang beses. "Anong sinasabi niya sa panaginip mo? Pula tinta ng ballpen niya?" Tila wala siyang narinig dahil nakatuon ang mga mata niya sa direksyon ni Sir Lopez. Inalog-alog pa niya ang katawan ko at mariing ipinagdikit ang mga labi para pigilan ang kanyang sariling tumili. "Sabi niya, pakakasalan niya raw ako," mabilis niyang sagot at ininguso ang binatang matcho guwapito naming guro— na lumabas mula sa OIC room habang may isinilid na bagay sa bulsa ng suot na pantalon. "Wow. Sige, managinip ka lang. Ang suplado kaya ni Sir Lop— aray." Hindi ko natapos banggitin ang apelyido ng guro nang kinurot ako ni Charm sa tagiliran— magkalapit na kasi ang distansiya namin kay Sir Lopez. Parang may humihila sa mga mata ko para pagmasdan ang guro namin. Kaya ayon, sa isang sulyap lang pansin ko agad ang kabuuan niya: Clean-cut ang buhok. Nakasalamin sa mga mata na bumagay rin sa kanya. Makapal ang kilay. Manipis ang nose bridge. Malamlam ang mga mata at may mapupulang labi. Moreno, at lakas maka-Machete ang dating. Nang napag-alamang siya ang magiging advance summer class teacher ay maraming estudyanteng babae ang nag-enroll, at isa na ako roon. Hindi dahil sa crush ko siya, kung 'di, dahil sa Math subject— lagi akong bagsak dito kaya kailangan kong matuto. Nagkataon lang na guwapo siya at magaling pang magturo. "Good morning, Sir Lopez," bati ni Charm na kasing tamis ng kendi ang ngiti. Napalingon si Sir Gerald sa direksyon namin at para akong natuod sa kinatatayuan nang nagpang-abot ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay hinihigop niya ang lakas ko. "Ngumiti ba siya?" sambit ko na parang nakalutang sa ere. Nanlaki ang mga mata ni Charm na humarap sa 'kin. "Kita mo, Besh? Ang ilap niyang ngumiti pero... my ged, killer smile." At napakagat-labi habang pasimpleng nagpapadyak ng mga paa. Nasa loob na kami ng classroom. Pumapagitna ako kina Charm at Rey— at kailangan na naming ipasa ang assignment kay Sir Gerald. "Rey, saan mo ba inilagay?" bulong ko. Pinagtulungan pa naming hanapin na tatlo sa bag ni Rey ang answered paper ko na ito mismo ang gumawa. Inisa-isa pa namin ang mga notebook nito at libro— pero wala kaming nakitang index card na may sagot ng assignment ko. Iba-iba kasi ang binigay na solving problem sa bawat isa sa amin, para walang kopyahan, sigurista rin talaga 'tong teacher namin. "Reynaldo! Charmelita! Amparo! What are you doing?" mitlang ni Sir Gerald sa totoo at makaluma naming pangalan na tatlo. Nakaupo siya sa teacher's area habang inayos ang suot na salamin sa mga mata. "P-Po? H-Hindi ko kasi mahagilap ang assignment ko, Sir," sagot ko habang nagpatuloy sa paghahanap. "Sa bag talaga ni Reynaldo?" Malakas at buo niyang boses. Naituon kong muli ang paningin sa direksyon ni Sir Lopez. Napalunok-laway ako nang napansin kong nagpang-abot ang dalawang kilay niya at seryoso ang mukha habang naka-lock ang mga mata sa aming kinauupuan. Bigla akong nanlamig na parang dinadaga ang aking dibdib dahil sa titig niyang parang kakain ng tao. Tumayo siya— kaya lalong kumabog ang aking puso. Nagtungo siya sa whiteboard at nag-umpisang magsulat. Inilibot ko ang aking paningin sa aking mga kaklase— halos lahat sila ay tahimik na nakatingin sa direksyon naming magkakaibigan. "Answer this one right now." Nakaturo sa akin ang marker na hawak niya habang taas-babang ikinukumpas. Solve for i, 9x-7i > 3(3x-7u) Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat sa white board. "A-Ako po ba?" Turo ko sa aking sarili. "Who else?" sarkastiko niyang tanong pabalik at napansin ko ang ngiti niyang may bahid ng pang-aasar. " This is equivalent to your assignment," dagdag niya. Dahan-dahan akong pumunta sa aisle at napangiwi sa nakitang equation. Nanatiling nakatitig si Sir Gerald, kaya nilihis ko ang aking paningin at kinuha ang bagay na hawak niya. Ngunit, mahigpit ang pagkakapit niya rito na parang ayaw bitiwan ang pentel pen. Inangat kong muli ang aking paningin. Nakita kong ngumiti siyang muli nang bahagya at binitiwan ito. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso na parang gustong sumabog sa rib cage ko— inis at hiya ang nararamdaman ko. Napabuntong-hininga akong lumapit sa pisara. Nahagip ng mga mata ko at ramdam ko pa rin ang kanyang presensya na nakatayo siya sa likuran ko. Tinanggal ko ang takip ng marker at nag-umpisang sumagot sa nakasulat. "I heart you." Narinig ko ang malamya, at malamig na bulong ng aming guro sa aking likuran. Halos napako ang marker na hawak ko sa whiteboard. Nilingon ko siya na humahakbang pabalik sa kanyang puwesto. Napansin kong may dinudukot siya mula sa kanyang bulsa bago umupo sa upuang nasa tapat ng kanyang mesa. Nagawa ko pang pagmasdan ang maaliwalas niyang mukha. Bahagya siyang nakayuko at biglaang kumunot ang kanyang noo. Itinapat niya ang kanyang cellphone sa tainga at agad ibinaba at muling nagtipa. Nagpakawala siya ng abot taingang ngiti na marahil sa nabasang mensahe. Eksaktong umangat ang ulo niya at nakatuon sa akin ang kanyang mga mata. "I heart you!" Hiyawan ng aking mga kaklase na gumising sa nakalutang kong diwa. "H-Huh?" Nababalisang nilingon ko sila. "I heart you ang sagot!" dikta ni Charm at pinagdikit ang daliri na humugis puso. "O, kayo na ang sumagot!" Inilahad ko sa lahat ang hawak kong panulat. "Sasagutin ko na, excited la—" Naitikom ko agad ang aking bibig nang naramdaman ko ang cellphone kong nag-vibrate. Nasa bulsa ito ng aking pantalon—malamang si Jay. Napangiti ako't mabilis kong sinagutan ang nakasulat sa pisara. Naalala ko 'yong equation sa sa internet na nakita ko parang ito rin 'yon. Kaya bahala na si Batman sa sagot ko. Solve for i, 9x-7i > 3(3x-7u) 9x-7i > 9x-21u (cancel-out 9x) -7i > 21u -7 > -7 = i Muling tumayo si Sir Lopez para tingnan ang sagot ko. May ngiti sa aking labi nang ipinatong ko sa ibabaw ng mesa niya ang marker. Dali-dali akong bumalik sa aking puwesto. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at akmang babasahin ang mensahe. Subalit, humakbang si Sir sa aisle kung saan ako malapit. Napangiwi ang aking labi at nag-umpisang lumikot ang aking mga paa. "Tol!" bulalas ng isang lalaki na umagaw sa atensyon naming lahat at napatingin sa direksyon ng pinto kung saan ito nakatayo. Naningkit ang mga mata ko nang nakita kung sino, si Gabriel, ang lalaking ninakawan ako ng halik. Hindi ko man lang naisip na magkaano-ano sila gayo'ng pareho sila ng apelyido at halos magkamukha sila ni Sir Lopez, tanging kulay lang ng balat ang pinagka-iba dahil maputi si Gabriel. "Si Mama," dagdag ni Gab habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa hamba ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko. Nasapo ko ang aking dibdib nang bigla itong nanikip at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Hindi ko napigilan ang luhang kumawala sa aking mga mata nang sumagi sa isip ko ang nangyari limang taon ang nakararaan. "Aragon, ang pamilya mo." Paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan ang garalgal na boses ni Mrs. Auni, ang adviser ko noong nasa second year pa ako. "Class—" Naputol ang pahayag ni Sir Gerald nang tumayo ako. Ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon ng pinto at sa hindi inaasahan ay nagtagpo muli ang aming mga mata. Mabilis kong pinunasan ang aking basang pisngi at yumuko. Tumayo si Charm. "Besh, umiiyak ka?" tanong niya at hinawakan ang aking baba. Iwinasiwas ko ang kamay niya. "Na-Napuwing lang," sagot ko at kunwaring nagtanggal ng muta sa mga mata. "Labas muna ako, bibili lang ng tubig," garalgal kong pahayag. Nakayuko akong lumabas ng pinto. Kailangan ko ng preskong hangin dahil para akong kakapusin ng hininga sa loob ng silid. "Amparo?" Lumakas ang pintig ng aking puso sa buo at kalmadong boses ng lalaki. Nilingon ko siya at hindi ako nagkakamali, si Gabriel nga. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at nagtapos sa aking mukha na may pagtataka sa kanyang hitsura. Limang taon akong nawala, eighteen na ako ngunit mag-fo-fourth year highschool pa lang ako. "Who you? Problema mo?" asik ko at sinuyod siya ng tingin mula sapatos hanggang sa mala-anghel na mukha. Pinanlakihan ko siya ng mga mata— pinapahiwatig sa kanya na hindi kami magkakilala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook