bc

The Good Girl’s Obsession (R18+)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
3.9K
READ
love-triangle
friends to lovers
inspirational
sweet
bxg
serious
ambitious
female lead
highschool
slice of life
like
intro-logo
Blurb

UNDER REVISION. PLEASE DO NOT READ!!!

Pumasok si Valerie Santiago bilang isang kasambahay sa Montereal Subdivision. Naging amo niya si Anton Dela Costa, na ang buong akala niya ay isa itong s*x addict dahil gabi-gabi itong may dalang iba’t-ibang babae sa kanilang bahay. Nasanay na lang doon si Val ngunit isang araw ay nakaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang sarili at nagising na lamang siyang nagsasarili na.

Magiging katulad din ba ni Anton si Val? Paano kapag nahuli ni Anton na may ibang ginagawa ang kaniyang katulong? Ano kaya ang gagawin niya? At paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakaroon ng bunga ang kanilang ginawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napakamot nalang ako ng ulo ko nang mapa-isip ako kung bakit Engineering pa ang kinuha kong course. This is all because of Derek! I won't be solving unending Math equations if it's not because of him. "Argh! Ayoko na!" bulyaw ko sabay subsob ng mukha ko sa desk. Ang tanga ko sa part na pinili kong maging kaklase ang bestfriend ko keysa sa dream course ko na Pyschology. It could've been better if I'm not highly skeptical that time. "Hoy! Okay ka lang ba, Val?" I raised my head slackly at napatingin kay Aubrey na nasa harapan ko ngayon. "Aubrey, ginusto mo ba talagang mag-engineering?" mahinang tanong ko naman sa kaniya. Kaasar naman kasi. Simula elementary hanggang highschool kaklase ko ang manhid kong bestfriend na si Derek, hindi parin ba ako satisfied sa loob ng mga taon na 'yon at pati ngayong college na kami sinusundan ko parin siya? Inilapat naman ni Aubrey ang daliri niya sa kaniyang labi at napatingin sa ceiling ng room. "Best in Math ako noong elementary at achiever noong highschool, sapat na rason na siguro 'yon para Engineering ang kunin kong course, hindi ba?" pabalik niya namang sabi sa akin kaya napa-iling nalang ako. Is it too late na ba para mag shift? This is so frustrating! "Nandito ba si Miss Sandoval?" dinig ko namang tawag galing sa labas ng room. "Wala!" agad kong sigaw at sumandal sa balikat ni Aubrey, pero nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo kaya muntikan nang masubsob ang mukha ko sa sahig. "Ano ba—" Naputol naman ang pagrereklamo ko nang makita ang taong nasa harapan ng pintuan namin ngayon— si Miss Sitjar. "Go to the department office this instance, Miss Sandoval!" bulyaw niya sabay sara ng pinto nang malakas kaya nagsi-upuan ang mga kaklase ko. "Lagot ka girl," mahinang wika naman sa akin ni Aubrey. Napahawak nalang ako sa noo ko dahil ang careless ko ngayong araw, dahil narin siguro sa dami ng iniisip ko. Dinampot ko na ang bag ko galing sa desk at dali-dali nang naglakad palabas, pero dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may papasok din pala sa room kaya nagkabanggaan kaming dalawa. At si Derek 'yon, holding a pile of test booklets. "Saan ka pupunta, Val?" pagtatakang tanong niya naman sa akin habang tinutulungan akong makatayo. Inalis ko naman agad ang nakahawak niyang kamay sa braso ko at sinamaan siya ng tingin. "Kasalanan mo 'to eh! Diyan ka na nga," sambit ko at dali-dali na inayos ang sarili ko at tuluyan nang lumabas ng room. Padabog akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa faculty room ng department namin. Marahan kong pinihit ang door knob at tumambad sa akin ang mukha ng mga biyuda at matandang dalaga kong guro na kung makatingin ay akala mo may nagawa kang krimen sa kanila. "Kalma ka lang Val," bulong ko sa sarili ko habang nakayukong naglalakad papunta sa table ni Ma'am Sitjar. "Good afternoon, Ma'am," mahina kong sambit habang nakatayong nakaharap sa kaniya. Tinitigan niya naman ako ng mariin. "Have a seat." "Pasensya nga po pala kayo sa nangyari kanina Ma'am, I was having a bad day and—" "Congratulations, Miss Sandoval," putol niya naman sa pagsasalita ko sabay abot ng puting folder sa akin. Nagtaka naman ako kung ano ang ganap ngayon kaya agad ko itong tinanggap. "Bakit po Ma'am, anong meron?" pagtatakang tanong ko pa sa kaniya. Nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti sa akin. "You are now one of the University Scholars of this school. The money that you have paid this semester will have it refunded kaya after your class pumunta ka kaagad sa business office para mag-process, okay?" pahayag ni Ma'am Sitjar sa akin. Hanggang ngayon ay buffering parin ang utak ko. Ang natatandaan ko kasi ay mukhang last sem pa ako kumuha ng exam para sa scholarship, halos makalimutan ko narin nga ang tungkol doon dahil akala ko ay nawala nalang ng parang bula. Binuksan ko na ang folder at nakita ang pangalan ko kasama pa ang ibang estudyanteng nakapasa. Nandilim naman ang paningin ko nang makita ang pangalan ni Janelle— girlfriend ni Derek. Ibinaling ko na ulit ang atensyon ko kay Ma'am Sitjar na naghihintay ng sagot ko. "Salamat po, Ma'am. Pagkatapos ng klase ko mamaya ay pupunta agad ako sa window 15," saad ko naman at tumayo na. Ibinalik ko narin ang folder sa kaniya at kinuha ang bag ko. "Please be mindful of your actions once again Miss Sandoval so that things like earlier won't happen again," paalala niya naman sa akin sa nangyari kanina. "I'm sorry po ulit Ma'am, hindi na mauulit. Sige po mauna na ako," sambit ko naman at agad nang naglakad palabas ng faculty office. Napangiti naman ako habang naglalakad dahil alam kong matutuwa si Tatay sa akin mamaya pag-uwi ko. Kahit naman kasi hindi sabihin ni Tatay ay alam kong kauntin pera nalang ang natitira sa savings ni Nanay bago siya namatay na ibinilin niya sa amin. Nagtatrabaho si Tatay bilang isang jeepney driver ng ilang dekada na ngayon at ang nagmamay-ari ng mga jeep ay ang mga magulang ni Derek. Which became the reason kung bakit naging magkaibigan din kaming dalawa simula pa ng mga bata pa kami. "Valtot, samahan mo'ko kay Janelle dali!" Nagulat naman ako nang bigla akong hawakan ni Derek sa braso sabay kaladkad sa akin. Agad ko namang itong binuklas kaya napatigil siya at napatingin sa akin. "Bakit ba ang sungit mo ngayong araw? May dalaw ka ba?" tanong niya naman sa akin sabay tawa, pero inirapan ko lang siya. I crossed my arms on my chest sabay hinga ng malalim. "Pwede bang tantatan mo muna ako kahit isang araw lang Nonoy?" irita kong pahayag. Habang lumalalim kasi ang feelings ko sa kaniya ay mas lalo pa akong naiirita kapag nakikita ko siya lalo na kapag kasama niya ang hilaw niyang girlfriend na si Janelle. Hindi rin naman boto sila Tito Max at Tita Brenda sa babaeng 'yon. Agad niya namang inilapit ang mukha niya sa akin. "Stop calling me Nonoy around the campus, Val. You know no one knows it," agad niya namang sabi sa akin. Pagkatapos niya kasing makuha ang title na Mr. Engineering ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya. Isa pa naghahanda rin siya ngayon para sa Mr. and Miss TUP 2021 this year. "Then stop pestering me Derek kung ayaw mong tawagin kitang Nonoy," babala ko rin sa kaniya. Akala mo magpapatalo ako sa'yo? Never! Kahit na amo ka pa ng tatay ko ay hinding-hindi ako magpapatibag sayo. Nagulat naman ako nang biglang nagseryoso ang mukha niya. "Isusumbong kita kay Mang Danny na pumunta kayo nila Aubrey sa bar last sem kung uulitin mo pa 'yan," sambit niya namang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko. "Fine!" agad kong sabi. "Sige na umalis ka na at marami pa akong gagawin, tsaka teka lang wala bang klase sa Calculus at nandito ka sa labas ng room?" pagtatakang tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin. "Exempted ako, may practice kami," pang-aasar niya pa kaya agad ko siyang hinampas sa balikat. "Siarulo ka, ba't hindi mo agad sinabi sa akin? Alam mo namang dinig ko noong isang araw ay magkakaroon daw ng surprise quiz si Sir Montalban," giit ko namang sabi sa kaniya. "Meron nga," maikli niya namang sagot habang nakangiti parin sa akin. Inirapan ko naman siya. "Diyan ka na nga," wika ko at dali-dali nang naglakad pabalik sa room. "Bye Valtot!" Napa-iling nalang ako nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Dali-dali namang akong tumakbo pabalik ng room habang bitbit ko ang bag na ibinigay pa sa akin ni Tita Brenda noong nag anniversary ang negosyo nila. Mahal nga ako ng mga magulang niya, pero siya wala namang pakialam sa akin. Nang makarating ako sa tapat ng room namin ay napansin kong sobrang tahimik sa loob at doon na ako kinabahan. Alam kong kumukuha na sila ng quiz kaya nagdadalawang-isip na ako ngayon kung papasok pa ba ako o hindi. "Kasalanan mo 'to Derek eh, kainis naman pa'no ba 'to?" taranta kong wika sa sarili ko habang pabalik-balik na pinipihit ang door knob. "Valerie, are you okay?" Napatalon naman ako nang may nagsalita sa likuran ko. Agad ko naman itong nilingon at napagtantong si Ace na nasa harapan ko ngayon. Isang Software Engineering student na nakabangga ko noong enrollment. Ahead siya sa amin ng isang taon kaya Second Year na siya ngayon. See? Ang dami kong nakakabangga rito sa school? Tanga lang ghorl! Napangiti naman agad ako sa kaniya. "Ay oo naman Ace. Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa kaniya at dahan-dahang lumayo sa tapat ng pintuan. Baka kasi marinig kami ni Sir Montalban, gg pa ako mamaya. "I'm looking for Sir Montalban dahil sa research namin, urgent siya kaya I went here as fast as I could. He's inside right? Bakit nandito ka pa sa labas?" sunod-sunod niyang tanong naman sa akin kaya napapakagat nalang ako sa labi ko. Agad naman akong napanguso sa kaniya. "Ace," mahinang tawag ko. "Pwede bang kapag pumasok ka sa loob, huwag mong sabihin na nandito ako sa labas? May quiz kasi kami at na late na ako kaya mag cocomply nalang ako next time," paliwanag ko naman kay Ace. Bigla naman siyang napangiti. "Ang cute mo Val. Sige pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod huwag mo ng uulitin 'to ha? No skipping of classes lalo na at may quiz ka pa ngayon," saad niya pa kaya napangiti na ako sa kaniya. "Copy that boss. Sige pasok ka na dun at aalis na ako," pahayag ko naman at dali-dali nang naglakad. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at bumaba na ulit sa building namin. Naisipan ko naman na manunuod nalang ako ng rehearsal nila Derek sa gymnasium. Tinatamad pa kasi akong pumunta sa business office dahil alam kong madami pang pila ng ganitong oras. Nang makarating ako sa gymnasium ay natanaw ko agad ang mga kandidata para sa Mr. and Ms. TUP. Napansin ko naman na masayang nagtatawanan si Janelle at Derek na nasa backstage ngayon kaya nagtago ako sa isa sa mga bleachers sa gilid. They can't see me or else baka ano pa ang isipin ng girlfriend niya. Minsan napapa-isip nalang ako na ang sama ko dahil alam kong may girlfriend na si Derek, pero panay parin ang asa at habol ko sa kaniya. Alam kong unfair 'to sa part ni Janelle kaya siguro kailangan ko naring dumistansya. "Last na 'to promise," sambit ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si Derek. Palagi ko naman siyang nakakasama pero bakit hanggang dito pa naman ay pinagmamasdan ko siya? Pagkatapos ay iisang bahay lang din kami dahil doon na kami pinatuloy nila Tito Max sa kanila dahil hindi na kaya ni Tatay na magbayad pa ng uupahang apartment. Hinawi ko nalang ang upuan at tumalikod nalang sa kaniya. Marami pa namang iba diyan na karapat-dapat para sa akin, pero bakit ba kasi si Derek ang gustong-gusto ko? Ang unfair naman kasi, masaya na siya ngayon pagkatapos ito naman akong umaasang mapapansin niya. "Boo!" "Ay giatay ka!" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Aubrey sa harapan ko nang makalabas ako ng gymnasium. "Anong ginagawa mo dito? Atsaka bakit hindi ka na pumasok sa quiz kanina kay Sir Montalban? Gagi ka girl 50 items quiz din 'yon," pahayag niya naman sa akin kaya nagulat ako. Hindi ko naman kasi alam na long quiz pala ang ibibigay niya. Ayan tuloy hindi pa ako nakakuha samantalang si Derek ay automatic na highest possible score ang ibibigay sa kaniya. Napahawak nalang ako sa noo ko. "Hala girl, kakausapin ko nalang bukas si Sir Montalban, sasabihin kong masakit ang tyan ko kaya kailangan kong umuwi," pahayag ko naman sa kaniya. Ang tanga ko naman masyado. Siguradong nagagalit na sa akin si Nanay sa heaven sa mga ginagawa ko ngayon sa buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook