bc

Under The Moonlight (Boyxboy)

book_age18+
550
FOLLOW
2.0K
READ
love-triangle
sex
drama
tragedy
twisted
bxb
moonlight
small town
seductive
like
intro-logo
Blurb

Under The Moonlight (Boyxboy)

Written by: IthinkJaimenlove

DAILY UPDATES

Marciano Hidalgo, a mischievous young man. Sa dami ng kaniyang kalokohan ay halos wala na siyang kinakatakutan. Every day, something new is being done. Hindi natatahimik ang kaniyang mundo kapag wala siyang nagagawang kalokohan.

But everything turns upside-down when he meets Evanston Lorenzo Vasquez. A vacationer from Manila stranded in their place in Mindanao. Evan messed up his world and he did not realize that he was slowly falling into it.

Ngunit papaano kung ang kani-kaniyang tungkulin ang hahadlang sa masaya nilang pagsasama? Will he let go of his love or will he stay until his last breath stops?

chap-preview
Free preview
SIMULA
  T E A S E R “MARCIANO!! IBIGAY MO NA NGA 'YAN SA AKIN!!” sigaw nang kaibigan na hinihingal na sa pagod nang paghabol sa kaniya. “HABULIN MO 'KO, BIANCA!!” sigaw pabalik ni Marciano, malayo na ang kaniyang puwesto dahil sa bilis nito sa pagtakbo. Tumigil si Bianca dahil sa pagod. Ayaw na niyang habulin si Marciano na bitbit ang headband nitong kakabili lang niya kanina. Alam nitong wala na namang magawa ang kababata at napagtitripan siya. Nakabusangot na lang siyang naupo sa damuhan, sa lilim ng isang puno. Hinahabol pa rin niya ang hininga dahil malayo ang tinakbo niya kanina upang habulin ang kaibigan. “Oh, bakit ka tumigil sa paghabol sa akin?” tanong nang papalapit na Marciano. Napansin siguro nitong wala nang naghahabol sa kaniya at hindi nakatiis na balikan ang kaibigan. “Bakit pa ako maghahabol sa 'yo kung alam ko namang masasaktan lang din ako?” “Hah? Ano'ng pinagsasabi mo riyan?” naguguluhang tanong ni Marciano dahil hindi nito naintindihan ang binulong ni Bianca. “Wala! Akin na nga iyan!” Inagaw niya ang headband nang makalapit si Marciano sa kaniya, nagtagumpay naman ito at mahigpit nang hinawakan upang hindi na maagaw muli sa kaniya. Tumayo na si Bianca sa pagkakaupo. Pinagpagan nito ang pang-upo dahil sa lupa at dahon ng damong sumabit sa kaniyang suot na saya. “Uuwi na ako, dahil paniguradong kanina pa ako hinahanap ni Mama,” sabi nito at naglakad na. Hindi na hinintay ang sasabihin ng kaibigan at agad nang tinahak ang daan papauwi sa kaniyang tahanan. “Bumalik ka rito bukas, samahan mo ako sa syudad. May bibilhin ako para kay Nathalie!” sigaw ni Marciano ngunit hindi siya sigurado kung narinig ba ito ni Bianca. “Hayst! Tatawagan ko na lang siya mamaya,” aniya sa sarili nang hindi na lumingon si Bianca sa kaniya at tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. Hindi na rin nagtagal pa roon si Marciano at agad na siyang naglakad papauwi sa kanilang mansion. Sa Hacienda kung saan siya nakatira kasama ang kaniyang pamilya. Kasama nito ang mga magulang na sina Leticia at Gregory Hidalgo na nakatira sa isang malaking mansion na nakatayo sa gitna ng Hacienda. “Senyorito, kanina pa ho kayo hinahanap ng inyong Ama,” sabi ng isang katulong nang makarating siya sa harap ng kanilang bahay. Tumango lang siya bilang sagot at dumiretso na papasok sa loob. Naabutan nito ang Ama sa sala na may kausap na mga trabahador. Nang makita siya ng Ama ay agad niyang pinaalis ang mga kausap at bumalin siya kay Marciano. “Where have you been?” striktong tanong nito sa anak. “Kasama ko Bianca, sa may puno lang kami ng mga mangga,” sagot ni Marciano. Walang galang at walang gana niyang sinasagot ang ama ngunit aminin man niya o hindi ay natatakot pa rin siya rito. “Sasama ka sa akin bukas,” anunsiyo ni Gregory sa anak na siyang ikinagulat ni Marciano. Hindi siya puwedeng sumama rito dahil may pupuntahan sila ni Bianca. Magpapasama itong bumili ng regalo para sa nobya nito na kalaunan ay hihiwalayan din naman niya. “But--” Hindi na niya natapos ang sasabihin sana dahil agad nagsalita ang Ama. “Hindi ka puwedeng tumaggi. Kung may pupuntahan ka, sa susunod na araw mo na lang gawin. This is an important businesses, Marciano. At isasama kita because I want you to learn how to manage our business.” Gustuhin man niyang tumanggi at huwag na lang sumama. Ngunit papaano niya gagawin iyon kung ang Ama na nito ang nagsabi? Kahit anong pang pagpilit ang gagawin niya ay hinding-hindi siya mananalo sa Ama. Ito ang nasusunod sa lahat ng bagay. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon at saka nagpaaalam na aakyat na sa kaniyang kuwarto. – Kinabukasan ay maaga pa lang, gising na si Marciano. Nakasuot lang ito ng short at sandong itim. Daily routine na niya ang pagtakbo tuwing umaga upang mapanatili ang kaayusan ng kaniyang katawan. Pagkatapos niyang tumakbo ay agad din siyang maliligo, magpapalit ng damit at saka lalabas upang dumiretso sa hapag. Naabutan niya roon ang kaniyang Ina at Ama, may hawak si Gregory na newspaper sa kaliwang kamay at tasa ng kape naman sa kabila. “Good morning!” bati niya, naupo siya kaharap ng Ina na binati siya pabalik. “Bilisan mong kumain, in any minutes ay aalis na tayo.” Hindi na niya sinagot ang Ama dahil sinimulan na niyang kainin ang pagkain sa harapan niya. Gusto sana niyang bagalan ang pagkain para hindi na siya isama ng Ama ngunit ibinaba ni Gregory ang hawak na newspaper at tumingin sa kaniya nang masama. Nang matapos siyang kumain ay agad silang umalis ng hacienda sakay ng isang kotseng pagmamay-ari nila. Hindi na sumama ang Ina ni Marciano kaya silang dalawa lang ng ama ang magkasama sa kotse. Ang ama nito ang nagmamaneho habang nakaupo siya sa front seat ng kotse. “I'm warning you, Marciano. Huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan sa pupuntahan natin or you're gonna pay for it,” pagpapaalala ng ama. “Bakit mo pa kasi ako isinama pa rito? You can just leave me at home,” sagot niyang nakatingin lang sa labas. Pinagmamasdan ang mga puno at bundok na kanilang nadadaanan. “Stop asking questions, I told you already that I want you to learn everything. Hindi habang buhay ay maglalaro ka lang.” Huminga nang malalim si Marciano. Hindi na nito sinagot ang Ama dahil hindi naman siya nito maiintindihan. Kaya tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Halos isang oras ang naging byahe nilang mag-ama. Nakarating sila sa syudad ng kanilang lugar, sa isang meeting ang pupuntahan nila. Isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng produkto ang Hacienda ng mga Hidalgo. Kaya sa tuwing may meeting ang buong probinsiya nila ay pinapatawag sila. Naupo na silang mag-ama sa isang bakanteng puwesto na inihanda para sa kanila. Malapit nang magsimula ang pagpupulong iyon. Isang pagpupulong para sa nalalapit na fiesta sa probinsiya at bilang isa sila may malaking kontribusyon sa lugar ay kasama sila sa pagpupulong na iyon. Hindi nagtagal ay dumating ang mga kanina pang hinihintay at agad din nagsimula ang pagpupulong. Noong una ay naging interesado si Marciano sa takbo ng meeting na 'yun ngunit kalaunan ay nawawalan na siya ng gana. “Lalabas lang ako,” sabi niya sa ama. Hindi siya pinakinggan ng ama dahil abala ito sa pakikinig sa presentation ng isang tao sa harapan nila. Kaya lumabas na lamang si Marciano sa bulwagang iyon at napadpad siya sa isang tindahan sa labas. “Ate, pabili nga pong coke,” tawag niya sa babaeng nagbabantay roon at agad naman siya nitong inasikaso. Kanina pa siya nauuhaw at mainit pa ang panahon ngayon. Mayroon namang tubig sa loob kung saan siya galing ngunit hindi iyon sapat para sa kaniya. “Heto po, sir. Twelve pesos lang po,” sabi ng babaeng nang iabot nito ang coke na nakalagay sa cellophane. Binayara naman ito ni Marciano at saka ininom na ang softdrinks na binili. Tumingin siya sa paligid, nasa Munisipyo pala sila ng kanilang lugar. Naririto siya ngayon sa canteen nitong munisipyo ngunit agad din siyang umalis at pumunta sa park dahil ang Munisipyo ay malapit lang sa park kung saan puwede siyang tumambay na muna habang hinihintay na matapos ang pagpupulong nila. Naupo siya sa isang bench sa silong ng isang puno at inilabas ang kaniyang cellphone. Maraming messages doon mula sa kaibigan at sa mga babaeng ka-text nito. “Nakalimutan ko pa lang sabihin kay Bianca na hindi kami matutuloy ngayon,” natatawa niyang sabi sa sarili. Parang wala lang sa kaniya na naghihintay ang kaibigan upang samahan siyang bilhin ang ireregalo sa nobya. Habang abala siya sa pagbabasa ng mga mensahe ng mga babaeng palagi nitong kausap ay hindi niya napansin ang paglapit ng isang lalaki sa puwesto niya. “Auhmmm... Hey, can I ask you.” Umangat ang tingin ni Marciano. Bumungad sa kaniya ang lalaking nakasuot ng sandong puti at maong na pantaloon. Nakapulupot sa baywang nito ang jacket at may nakasukbit na bag sa kaniyang likod. Maputi ang lalaki at matangkad ito ng kaunti sa kaniya. “Ano'ng itatanong mo?” tanong niya pabalik. Kumislot bigla ang dibdib ni Marciano nang ngumit ang lalaki sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kaya umiwas siya ng tingin. “Alam mo ba kung saan ang Hacienda de Hidalgo?” “Ano'ng gagawin mo doon?” tanong niya, umayos siya ng pagkakaupo at hindi pa rin makatingin ng diretso sa mga mata ng lalaking kausap. “Well... I came from Manila and people told me to go there, dahil mayroon daw roong hotel na puwede akong mag-stay,” sagot ng lalaki. Kumunot ang noo ni Marciano. Ngayon lang niya nalaman na may hotel pala sa kanilang Hacienda. Bakit hindi ito sinabi ng Ama? At, kung mayroon man ay bakit wala siyang nakikita roon na gusali? Nilakasan niya ang loob na tumingin sa lalaki. Pinantayan niya ang tingin nito at nasilayan niya ang ganda ng mga mata nito. “Isa ako sa mga nakatira sa Hacienda and as far as I know, walang hotel na nakatayo sa loob ng aming Hacienda. How can you be so sure? Baka niloloko ka lang ng tao o baka ikaw ang manloloko?” Ngumiti ang lalaki sa kaniya at muling tumalon ang puso ni Marciano sa ngiti nito. “Marciano!” Mabilis silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang ama na papalapit sa kanilang puwesto. “Kanina pa kita hinahanap, what are you doing here at hindi mo man lang pinatapos ang meeting,” sermon ng Ama sa kaniya pero hindi na lang ito pinansin ni Marciano dahil agad na siyang tumayo at tumingin sa lalaki. Umiwas din siya at naglakad papalapit sa Ama. “Ang boring naman kasi sa loob, 'Pa. Buti sana kung may nagsasayaw na mga babae doon!” Ngumisi siya ngunit isang malakas na batok lang ang natanggap. “Ehem!” Nakuha naman ng lalaking nakatayo malapit sa kanila ang atensiyon ng mag-ama. “Teka, ikaw 'yung galing sa Manila, right?” tanong ni Gregory dito. Tumango ang lalaki bilang sagot. “Sumama ka na sa amin dahil sa Hacienda rin kami nakatira. You can stay there habang nagbabakasyon ka.” Muling tumango ang lalaking kausap ni Marciano kanina at sabay-sabay na silang umalis doon. Sa likod sumakay si Marciano dahil iyon ang gusto ng Ama habang sa harap naman nito pinaupo ang lalaking hindi naman niya kilala. Hindi na lang niya pinansin ang pinag-uusapan ng dalawa. Nalaman din ni Marciano ang pangalan nito, Evanston Lorenzo Vasquez. Ipinikit na lang ni Marciano ang mga mata upang umidlip na muna dahil isang oras pa ang byahe bago makarating sa kanilang bahay. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
452.4K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

Contract - Tagalog

read
752.3K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook