bc

My Pesky Neighbor

book_age18+
3.7K
FOLLOW
22.7K
READ
one-night stand
age gap
second chance
pregnant
drama
comedy
sweet
bxg
love at the first sight
surrender
like
intro-logo
Blurb

"How old are you?" tanong ni Ivan kay Shaira.

"I'm twenty-two years old!" mabilis naman na sagot ng dalaga. Lagi na lang kasi nitong sinasabi na bata pa raw siya para rito.

"And you? How old are you?" mayamaya ay tanong niya kay Ivan.

"I'm f*****g thirty-five years old!"

Tumango-tango siya. "Thirteen years pala ang tanda mo sa 'kin."

"Exactly! I'm thirteen years older than you. So, that should give you a proper clue. I don't get associated with a woman as young as you are. I don't make relationships because I hate responsibilities."

"Ano naman ang masama doon? Mayroon pa nga diyan na halos kalahati ang pagitan ng mga edad, eh," nakanguso niyang sagot sa kapitbahay niyang lagi na lang siyang ipinagtatabuyan.

"Just leave me alone! As I said, I prefer to be alone for life. Don't waste your time because I never imagine seeing you as my girl."

"Wala akong pakialam kahit malaki pa ang agwat ng edad natin. For me, age doesn't matter." Pagkasabi noon ay umalis na siya kaagad sa harapan nito dahil baka mabulyawan na naman siya. Halos araw-araw kasi mainit ang dugo nito sa kaniya.

Shaira Monique Torres- Dalawampu't dalawang taong gulang. Chef ng sarili niyang restaurant kung saan kumakain si Ivan. Unang kita niya pa lang sa lalaki nabihag na nito ang puso niya kaya naman gagawin niya ang lahat mapalapit lang dito.

Ivan Blade Ariza- Presidente ng Vnet at nag-iisang anak na lalaki ng Director ng B.E.S. Guwapo, masungit at seryoso sa buhay. Kapitbahay niya si Shaira sa bagong bahay na binili niya. Araw-araw sinisira nito ang araw niya dahil napakakulit nito. Lagi itong sumusulpot mula sa kung saan na lalong ikinaiinis niya.

Dalawang tao na magkaiba ang ugali at pananaw sa buhay. Magiging isa kaya sila pagdating ng araw?

Ivan and Shaira's roller coaster love story.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Congratulations! You made it, Anak!" Napatingin si Shaira sa mga magulang niya dahil magkahawak-kamay ang mga ito nang pumasok sa mini office niya. "Thank you, Mom and Dad," nakangiti niyang tugon sa mga magulang niya. Opening kasi kahapon ng sarili niyang restaurant at naging matagumpay iyon. Maraming tao kasi ang pumila at puro magaganda ang naging feedback. Hindi na niya nasabi ang magandang balita dahil pag-uwi niya kahapon ay wala pa ang mga magulang niya. Kaninang umaga naman ay hindi na niya naabutan ang mga ito dahil maaga raw umalis para puntahan ang isa nilang branch sa Bulacan. Hindi naman gaanong malaki ang ipinatayo niya dahil nag-uumpisa pa lang naman siya. Hindi kagaya ng mga magulang niya na kilala na ang mga ipinatayong restaurant dahil matagal na at talaga namang hindi nagpapahuli sa mga sikat na restaurant dito sa Pilipinas. "Thank you, Ma!" tugon niya habang nakangiti na rin. Tumayo siya at nilapitan ang dalawa para gawaran ng halik sa mga pisngi. Siya nga pala si Shaira Monique Torres, dalawampu't dalawang taong gulang at nag-iisang anak nina Rosita at Eduardo Torres. Sa loob ng dalawampu't dalawang taon hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng kasintahan. Ang sabi kasi ng daddy niya titibok lang daw ang puso niya kapag nakita na niya ang taong para sa kaniya. Kagaya na lamang ng naramdaman nito sa mommy niya. Love at first sight kumbaga. Marami ang nanliligaw sa kaniya pero ni isa man sa mga iyon ay wala siyang sinagot. Ang katangian kasi na hinahanap niya sa isang lalaki ay iyong pareho sila ng hilig. Iyong marunong magluto at masarap mag-alaga kagaya ng daddy niya. Hindi rin naman siya nagmamadali lalo na't bata pa siya at marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Ang hilig niya sa pagluluto ay namana niya sa mga magulang niya dahil parehong magaling ang mga ito pagdating sa larangan ng pagluluto. Hindi bababa sa sampung restaurant ang pag-aari nila at parehong patok ang mga iyon sa masa. Kaya naisip niya. Bakit hindi siya magtayo ng sarili niyang restaurant? Iyong maliit muna, pero siguradong magugustuhan ng mga tao at talaga namang babalik-balikan. Kakaiba ang mga menu niya dahil natutunan niya ang mga iyon mula sa lola niyang yumao na. Karamihan kasi sa mga iyon ay lutong probinsiya. Sa lugar kung saan isinilang at lumaki ang lola niya. Ang mga lutong naisip niya ay hindi pamilyar sa mga taga-Maynila pero alam niyang papatok dahil kakaiba. Masarap at abot-kaya pa. "Do you think she's happy right now, Dad?" tanong niya sa ama na ang tinutukoy niya ay ang mahal niyang lola. Ang lola niya kasi ang naging inspirasyon niya para magtayo ng sarili niyang restaurant. "Of course she is!" wika naman ng daddy niya. "Alam kong pinapanood ka niya ngayon at sigurado akong sumasayaw iyon sa langit dahil ang paborito niyang apo ay successful na ngayon," dagdag pa nito. "Nag-iisa lang naman po akong apo, Dad, kaya magtatampo po ako kapag hindi niya pa ako naging paborito," pahayag niya na sabay na ikinahalakhak ng mga magulang niya. "Dati ang liit-liit mo pa, pero ngayon dalagang-dalaga ka na. Hindi lang iyon dahil may sarili ka na ring negosyo," nakangiting wika ng mommy niya. "Sa susunod niyan mag-aasawa ka na," komento ng daddy niya na ikinangiwi niya. "Wala nga po akong boyfriend, eh. At saka ang gusto ko pong mapangasawa ay iyong magaling din magluto kagaya niyo, Dad." Nagkatinginan naman ang mommy at daddy niya at pagkatapos ay sabay na umiling. Lagi kasi siyang tinutukso ng mga ito na matanda na raw siya pero wala pa rin siyang kasintahan. Sana raw bago man lang mawala sa mundo ang mga magulang niya ay makita man lang nito ang mga magiging apo nito sa kaniya. Kulang na nga lang ibugaw siya ng mga magulang niya sa mga kumpare at kumare nitong may mga anak na binata. "Matanda na kami ng mommy mo pero wala ka pa ring boyfriend. Gusto ka pa namin ihatid sa kasal mo, Anak, at siyempre gusto pa namin na alagaan ang mga magiging apo namin. Kailan ka ba mag-aasawa?" Umigkas ang kilay niya dahil sa sinabi ng daddy niya. Para kasing ipinagtatabuyan na siya nito. "Dad, gusto niyo na po ba akong umalis sa bahay natin? Pakiramdam ko po kasi hindi niyo na ako mahal, eh. At saka bakit po ba gusto niyo na akong mag-asawa?" "Para magkaroon na kami ng mga apo!" mabilis na sagot ng mommy niya. "'Yon lang? Ang babaw niyo naman po! Bata pa po ako para diyan. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang po ako baka po nakakalimutan niyo." Nagkibit-balikat naman ang mga ito. "Dapat po kasi nag-anak pa kayo ng mga sampu para masaya." "Ayaw nang mommy mo, eh. Gusto ko pa nga sana ng isang dosena kaya lang ayaw naman ng mommy mo. Ano'ng magagawa ko?" pahayag ng daddy niya dahilan para hampasin ito ng mommy niya sa braso. "Hoy, Eduardo! Tigilan mo nga ako! Ikaw nga itong ayaw na kahit gusto ko pa!" angil ng mommy niya rito. "Mahina ka pala, Dad, eh," panunukso niya rito. "Ako mahina?" Turo nito sa sarili. "Umuwi na tayo para masundan na natin si Monique!" Tumingin sa kaniya ang mommy niya. Halatang nahihiya ito dahil sa naging pahayag ng ama. Pareho na kasing nasa fifties ang mga magulang niya kaya pupusta siyang hindi na siya mabibigyan pa ng kapatid kahit maghapon at magdamag pa itong gumawa ng bata. Nang hindi pa tumatayo ang mommy niya ay tinulungan na itong tumayo ng daddy niya. "Halika ka na, Rosita, para makagawa pa tayo ng mini Eduardo o 'di kaya'y mini Rosita." Tumingin sa kaniya ang daddy niya at kumindat-kindat pa kaya pareho silang natawa. "Nakakahiya ka talagang lalaki ka! Hindi ka na nahiya sa anak mo!" Pinamaywangan nito ang daddy niya. "Umuwi na tayo sa bahay at doon tayo magtutuos, Eduardo!" Bigla naman napakamot ang daddy niya sa noo nito. Siguradong pagagalitan ito ng mommy niya pag-uwi. Kahit matatanda na ang mga magulang niya kitang-kita pa rin kung gaano nito kamahal ang isa't isa. Bago umalis ang mga magulang niya nagbilin ito sa kaniya na umuwi raw siya nang maaga. Magluluto raw ang mga ito para sa salo-salo nila mamayang gabi at para i-celebrate na rin ang naging tagumpay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook