bc

Lust Ride (Cougar Series #28)

book_age18+
8.7K
FOLLOW
49.1K
READ
sex
age gap
fated
friends to lovers
pregnant
drama
tragedy
betrayal
lies
gentle and slow
like
intro-logo
Blurb

(R18)

Pinangako ni Shaira Maine Tamayo sa sarili at sa Diyos na kapag umabot siya ng trenta at hindi pa muling tumibok ang kanyang puso, hindi pa nahihimas ang kanyang malulusog na s**o, ang kanyang p********e ay hindi pa nabibinyagan at nadidiligan o napapasukan ng kahit anong ulo, ibubuhos niya ang kanyang buong buhay sa pagsisilbi sa Diyos. Hindi na niya tatangkaing maghanap pa ng lalaking bibilog sa kanyang ulo at papasok na lang sa kumbento.

Ilang beses na rin kasi siyang tumawad sa Diyos para maghanap ngunit wala talaga. Inabot na nga siya ng tatlumpu't lima. Hanggang sa maka-engkwentro niya ang dalawampu"t walo na si Eduardo Juaqine Saavedra. Nasa simbahan siya para sana kausapin ang namamahala sa kumbento nang hilain siya ni EJ at ipinakilalang girlfriend nito sa mga kasama. Ang masaklap ay kinuha pa nito ang first kiss niya sa harap ng Diyos at sa hindi kilalang mga tao.

Her last ride became a lust ride when things getting hotter between them.

Hanggang saan mapupunta ang huling pagkakataon niya sa pag-ibig? Kung ang nakakalokang nakaraan nilang dalawa ay manumbalik?

chap-preview
Free preview
Prologue
THE BREAK-UP Tahimik silang nakaharap sa pandalawahang mesa sa sulok ng isang coffee shop. Masama ang titig ni Shaira Maine sa kaharap na lalaki, ang kanyang nobyo. Si Allan naman ay nakatungo at hindi kayang salubungin ang tingin ng kasintahan. "Kailan mo pa ako niloloko?" Hindi maitago ni Shaira Maine ang panginginig ng boses dahil sa pagpipigil maiyak. "I'm sorry," iyon lang ang nasabi ni Allan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang galit ni Shaira. "Sorry!" sigaw naman ni Shaira at napatayo, natampal nito ng malakas ang mesa. Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Masakit ang nalaman niyang ginamit lamang siya ni Allan. Pakiramdam niya ni-traydor at sinaksak siya sa likod ni Allan. Minahal niya ito ng lubos. Ang lalaki ang nakikita niyang pakasalan at panghabang-buhay na makakasama. Gusto niyang ialay dito ang lahat ng mayroon siya. Lahat ng iningatan niya. "Hindi ko sinasadya, Shai." Pilit naman ginagap ni Allan ang kamay ni Shaira na nasa mesa, ngunit agad na inilayo iyon ng babae. "Nandidiri ako sa iyo! Nandidiri ako sa inyo!" muli niyang sigaw na hindi maampat ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. "Bakit pinsan ko pa, Allen? Bakit siya pa sa dami ng nakapaligid, bakit siya pa?" hindi niya mapigilang ibulalas ang sakit na nararamdaman sa lalaki, kahit pa nga pinagtitinginan silang lahat ng naroon sa coffee shop. "Sa dami ng taong gagamitin mo para lokohin ako, siya pa talaga!" "Shai..." "Dalawang taon ang ginugol ko sa iyo at sa relasyong ito. Dalawang taon akong nagtiis kahit pakiramdam ko ay balewala ako sa iyo!" Muling napaupo si Shaira dahil sa panginginig ng tuhod. "Akala ko matino kang tao! Akala ko kaya hindi mo ako magawang galawin dahil nirerespeto at mahal mo lang ako! Na hinihintay mo lang ang tamang panahon para doon! Iyon pala, sa iba mo lang gustong gawin! Nakakadiri ka!" tuloy-tuloy niyang sumbat dito. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na pati yata sarili niya ay hindi na niya mapakiramdaman. "Paniwalaan mo man o hindi, Shai, nangyari na lang iyon bigla. Hindi namin ginustong lokohin ka.  Walang kasalanan ang pinsan mo, sa akin mo ibuhos ang galit na meron ka sa kanya." Nanggagalaiti sa galit si Shaira Maine dahil mas pinapahalagahan pa ng kanyang nobyo ang pinsan niya. Lalong bumuhos ang kanyang luha dahil mas pinagtatanggol pa ni Allan ang pinsan niyang naging dahilan ng panlalabo ng kanilang relasyon. "Dalawang taon mo akong niloloko, Allan. Dalawang taon pala akong nagpakatanga at pinaasa," saad niyang hindi napigilang kunin ang baso ng orange juice sa mesa saka muling tumayo at ibinuhos iyon sa lalaki. Gulat na gulat si Allan sa kanyang ginawa.  "Para mahugasan ang kalandiang meron ka sa katawan mo! Kulang pa iyan! Dapat ilublob ka sa holy water sa malaking kasalanang nagawa mo!" singhal niyang saka padarag na kinuha ang bag at mabilis na naglakad para iwanan ang lalaking hindi pa rin nakahuma dahil sa gulat. Hindi na muling lumingon si Shaira sa lalaking dumurog sa kanyang puso at pagkatao.  Mabibilis ang mga hakbang niya habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya tuloy nakita ang dalawang paparating at makasasalubong niya. Nabangga niya ang lalaki. "Sorry," natataranta niyang hingi ng paumanhin. Sisinghot-singhot pa siyang yumuko para pulutin ang nahulog na salamin ng lalaki. Ganoon din ang ginawa ng lalaki kaya nagkauntugan silang dalawa. "Sorry talaga." "Okay ka lang, teh?" Nakuha niya ang salamin saka binalingan ang lalaki. Tumango lamang siya at iniabot dito ang salamin sa mata. Nakauniporme ang lalaki kaya tantiya niya ay estudyante ito sa school na nasa harapan lamang ng Cafe. "Sorry ulit," usal niya saka pilit na ngumiti bago tuluyang umalis. Inayos naman ni Eduardo Juaqin ang kanyang salamin saka muling tumingin sa naghihintay na kasintahan. Nakahalukipkip lamang ito at walang emosyon ang mukha na nanonood sa kilos niya. Nang muli siya nitong talikuran at nauna nang pumasok sa loob ng Cafe. Naupo ito sa dati nilang puwesto, kung saan hindi sila masyadong halata at malayo sa ka-busy-han ng lugar. "Order na muna tayo..." "Huwag na! Mag-usap na tayo para matapos na," putol ni Lois sa suhestiyon niya kaya napaupo na lamang siya. Alam ni EJ na may kung ano sa kinikilos ng kanyang kasintahan. Bigla kasing nag-ayang magkita sila pagkatapos siyang iwasan ng halos dalawang linggo. Alam ni EJ na hindi basta-basta ang naging away nila ni Lois. Iyon ang parehong gumugulo sa kanila simula pa lamang ng kanilang relasyon. "Maghiwalay na tayo." Napaawang ang bibig ni EJ sa narinig. Hindi siya makapaniwalsng napatitig kay Lois na hanggang ngayon ay blanko ang ekspresyon. Wala ni isang emosyong mababanaag sa mukha nito. "Bakit? Sumusuko ka na ba? Sinusukuan mo na ba meron tayo?" hindi niya mapigilang sumbat na tanong sa babaeng tumalim ang titig sa kanya. "EJ, alam mo kung bakit ko ginagawa ito? Napapagod na ako. Napapagod akong hintayin ka kung kailan mo sasabihin sa lahat. Itatago mo na lamang ba ako? Ang relasyon natin?" Ngayon, puno na ng pait ang tinig ni Lois. Kahit gaano pala niya pigilan ang sariling huwag masaktan sa gagawin, hindi niya pala kaya. Ginagap ni EJ ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. "Kung sana ay naaayon sa sitwasyon, ready akong ipagkalandakang pag-aari kita. Na mahal na mahal kita, Lois. Pero alam mo ang sitwasyon nating dalawa. Langit kayo ng pamilya mo, samantalang putik lamang kami..." "Do you think, iyon ang mahalaga sa akin? Alam kong mahirap abutin ang pamilya ko. Pero EJ, handa akong bumaba para sa iyo. Handa kong kalimutan ang pamilya ko at tumapak sa putik na nakapaa para sa iyo!" Umiling si EJ samantalang napakagat labi naman si Lois dahil sa pag-iling na ginawa ng kasintahan. "Sa tingin mo ba ay hahayaan ka nilang gawin iyon? Siguradong hindi lamang tayo ang pahihirapan nila, maging pamilya ko ay kayang tapakan ng mga magulang mo, Lois." Napalunok si EJ dahil hindi na niya alam kung tatanggapin pa ba ni Lois ang laging sinasabi niya sa tuwing napag-uusapan nila ang bagay na iyon. "Give me more time para mapatunayan ko ang sarili ko sa mga magulang mo.  Three more years, ga-graduate na ako, ilang taon pa, maipagmamalaki mo na rin ako. I will work hard, that time maibibigay ko na lahat ng gusto mo. Mahaharap ko na ang mga magulang mo na nakataas noo." Puno ng pagsusumamo ang mga mata ni EJ na tumitig sa mga mata ng kasintahan. Mahal na mahal niya si Lois para pakawalan. Ngunit marahas na umiling si Lois. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan si EJ. Handa naman siyang maghirap para dito pero bakit ayaw nitong tanggapin iyon? "Mahal mo ba ako?" puno ng pait na tanong ni Lois kay EJ. "Alam mo ang sagot diyan, Lois. Walang ibang babae sa buhay ko kundi ikaw. Mahal na mahal kita." Muling umiling ng narahas si Lois. Nagyon ay nagbabadya na ang luha sa mga mata nito ngunit pikit pa rin niyang pinipigilan. "Hindi mo ako mahal! Pride mo lang bilang lalaki kaya ayaw mo akong pakawalan, kasi kung mahal mo ako, haharapin mo ang mga magulang ko kahit anong meron ka pa!" Nabitiwan ni EJ ang kamay ni Lois nang hilain nito iyon. Napatitig lamang si EJ sa kasintahan, kung alam lang sana nito ang sitwasyon niya, kung sana ay puwede niyang sabihin dito ang takagang dahilan niya. Subalit mahirap gawin iyon, lalo na at ikasisira ng relasyon ng babaeng mahal niya sa mga magulang nito. Family oriented siya kaya ayaw niyang magkaroon ng anumang hindi pagkakaintindihan si Lois at mga magulang nito. Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong lamat ang relasyon nila. "Hindi mo ako mahal!" Tumayo ito at tinitigan siya. "Ayaw ko na EJ. Pagod na akong maghintay sa sinasabi mong tamang panahon. Maghiwalay na lamang tayo!" Tulala si EJ habang pinapanood si Lois na umalis. Umaasang babalikan rin siya nito pagkatapos makapag-isip at mawala ang galit na meron ito. Babalikan siya nito dahil mahal siya at hindi siya kayang mawala. Aasa siya at maghihintay kay Lois.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
35.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.2K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
31.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook