bc

Falling Star

book_age18+
446
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
band
popstar
sweet
humorous
straight
male lead
realistic earth
self discover
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Have you ever fall in love with a celebrity?

Yung kahit alam mong hindi naman pwede sinubukan mo pa rin talaga.

Ang tigas kasi ng ulo mo eh!

Handa ka bang sumubok kahit alam mong hindi naman puwede?

Handa ka bang masaktan kahit alam mong wala ka namang karapatan?

Samahan si Aira na hintaying malaglag sa lupa ang bituing matagal niya ng pinapangarap.

Ngunit hanggang kailan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
(SPIN by Paul Fraser) You’re so white, and I think that I’m alright If alright means that I think I just saw heaven Hold tight, I might twirl you for awhile, Never wanna lose that smile Because I know forever’s where we’re heading So, lose yourself in me And we’ll both spin eternally I lost myself in you There’s nothing, there’s nothing else I’d rather do Katatapos lang ng concert namin dito sa Philippine Arena. Ang mga tao ay nagsisialisan na, ang iba naman ay nakasilong at naghihintay na tumila ang ulan at ng kanilang mga sundo. Malakas ang buhos ng ulan simula pa kahapon. Muntik pang hindi matuloy ang concert namin dahil sa bagyo. Mabuti na lang at humina-hina ang bagyo kaya natuloy siya kahit papaano. May ibang hindi nakapunta ngunit marami ang pinilit na makapunta kahit baha sa kanilang mga lugar. I adore those persons who will do everything just to see their idols performing in front of them, but at the same time I pity them. Just like the stars in the middle of the night. Its shining, it's beautiful and you want to catch them, but it will never fall. And those persons who are waiting for the stars to fall, they were hopeless. Siguro sa tingin niyo ay ang taas ng tingin ko sa sarili ko, but that is the reality. Tuloy-tuloy lang sa pagbuhos ang ulan. Tila nakikisabay sa agos ng buhay na meron ako ngayon. Its sometimes fun, but sometimes is not. Wala akong sinisisi kung bakit naging ganito ang buhay ko ngayon. Dahil sariling desisyon ko ang nagdala sa akin sa tuktok. Kung may sisisihin man ako, ako lang 'yon at wala ng iba. Pero hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam ng nasa tuktok. Hirap kang bumaba at makihalubilo sa iba dahil maaaring ikasira iyon ng career mo. "Ayan okay na, puwede na tayong umalis kuya Vic." Pumasok na sa loob ng kotse ang manager namin pagkatapos nila ayusin ang mga gamit. Isinara niya ang pinto ng kotse bago siya umupo ng maayos. Nilingon niya ako nang may ngiti sa labi. Siguradong masaya siya dahil successful ang naging concert namin na matagal niyang pinroblema dahil sa bagyo. Masaya rin naman ako, hindi nga lang kasing saya ng mga kabanda ko. "Okay ka lang?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot at binigyan siya nang tipid na ngiti. "Congrats sa inyo, ikaw na naman ang usap-usapan sa social media. Siguradong bubuhos na naman ang mga commercials at T.V shows mo." Hindi naman na ako nag-react. Wala naman akong magagawa. Para rin naman ito sa fans at sa career ko na pinaghirapan kong itayo. Dito lang talaga ako nakakita sa Pilipinas ng singer na actor. Hindi naman ako si Daniel Padilla. Pero ano ba ang magagawa ko eh nasa showbiz industry ako. Hayss... Nagsimula nang umusad ang kotse. Mabagal ang takbo nito dahil maraming tao at kotse ang nakakalat sa kalsada. Sumandal na lang ako sa upuan at saka bumaling sa bintana. Nagsimula ng pumatak ang ulan sa bubong ng kotse pababa sa bintana. Malakas ang hangin at dinig ang paghampas nito sa bintana. Nang mapadaan kami sa kumpulan ng mga fans na hindi kalayuan at nakasilong. Naagaw ang atensiyon ko ng isang babae na basang-basa at yakap ang album namin, tila takot na matuluan ito ng tubig ulan dahil baka masira. Ngunit kahit basa na siya ng ulan ay nakangiti pa rin siya. Bigla naman ako nakaramdam ng kakaiba. Naestatwa at hindi makagalaw. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na tila gustong kumawala sa hawla. Pati ang pintig nito ay rinig na rinig ko na. Those smiles, it makes my heart beats so fast. Lalo pa akong na estatwa at napatitig sa kaniya nang magtama ang mga mata namin. But how? Tinted ang bintana ng kotseng ito, paanong nangyari na tila sinusundan niya ang titig ko habang umaandar ang sasakyan namin? I feel the strange feeling in my heart... but it faded away when I realized that she is like those persons who are waiting for the star to fall. That will never be happen. We chose this song, it plays and nothing can go wrong If I could freeze a moment, it would be right now A slow dance as the clock stops keeping time and no one moves but you and I We’re all alone as if there’s no one around So, lose yourself in me And we’ll both spin eternally I lost myself in you There’s nothing, there’s nothing else I’d rather do Two ends tie a knot to make a new beginning Love is like a carousel, keep me spinning So, lose yourself in me And we’ll both spin eternally I lost myself in you There’s nothing, there’s nothing else I’d rather do --------- Aira's POV Marahas kong pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko. "Ayoko na!" Napailing-iling na lang ang mga kaibigan ko na dinadamayan ako sa pagkasawing naganap sa akin. Nandito kami ngayon sa canteen, wala pang masyadong tao dahil nasa klase pa ang mga estudyante. Kami naman ay tapos na ang klase. Tumayo naman si Zarina sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. "Sabi ko naman kasi sayo hiwalayan mo na. Tuloy anong nangyari sayo ngayon, wasak." Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Tinakpan ko na lang ng palad ko ang aking mukha dahil nagtitinginan na sa amin ang ibang estudyante. "Hayss, sabi na nga ba babaero rin 'yang si Lush eh! Yung ka tropa niya nga niloko ako dati. Walang duda! The birds with the same feather, flocks together," komento pa ni Chloe na proud sa sinabi niya at nakataas pa ang isang daliri. "Gaga, proud ka pa talaga na niloko ka!" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Zarina. Totoo naman kasi ang sinabi ni Chloe, lahat kami niloko at ng magkakaibigan pa. Nito lang namin nalaman na yung nga ex namin ay magkakaibigan pala. At mukhang pinagplanuhan talaga nila na isa-isa kaming lokohin para ipamukha sa amin na ang tanga-tanga naming magkakaibigan. Buti na lang talaga at nandito ang mga kaibigan ko. Kahit papaano gumaan yung nararamdaman ko. Hindi ko lang talaga matanggap na niloko ako ni Lush. Wala naman kasi sa itsura niya. Ang inosente ng mukha, ang bait, ang guwapo at caring. Hindi ko akalain na pakitang tao lang pala lahat para ma-fall ako sa kanya. Kung hindi ko pa sila nakita ng kalaguyo niya, siguro hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako. Ang sakit pala sa dibdib kapag ikaw na mismo yung nakakita sa boyfriend mo na may kalampungang iba. Para kang unti-unting binibiyak. Ang sakit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.8K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook