bc

The Hired Wife Of Mr. Ryū Drago (R-18+/SPG)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
14.6K
READ
billionaire
dark
possessive
sex
pregnant
boss
drama
bxg
office/work place
wild
like
intro-logo
Blurb

?MATURE CONTENT?

INATASAN ng simpleng misyon si Anghelisha ng kan'yang ama. Kailangan n'yang imbestigahan ang bagong patayong organisasyon na hawak ng pamilya Drago kung saan sila kumukuha ng yaman at kung kalaban ba o kakampi. Para makapasok sa kanilang teritoryo, dapat s'yang mapili upang maging asawa ng tagapagmana na si Ryū Drago. Nag-tagumpay si Anghelisha sa unang hakbang.

Sa Araw ng kan'yang kasal, may misyeryosong lalakeng nanggulo at nangharas ng sales lady sa kan'yang fashion boutique. Para mapa-kalma ang lalake, sinikmuraan at sinuntok n'ya sa mukha.

Ngunit linggid sa kan'yang kaalaman, ang lalakeng binigyan n'ya ng black eye ay groom n'ya pala.

chap-preview
Free preview
TEASER
THE HIRED WIFE OF MR. RYŪ DRAGO “Madame, may customer na nanghaharas po sa sales lady natin sa itaas!” Akma akong hihigop ng kape nang sumulpot sa harapan ko ang aking empleyado. She was sweating profusely. “Bilis po, ayaw n’ya po magpaawat sa guards!” I placed the teacup on the saucer. Tumayo ako. Nagpapanic ang sales lady habang patungo pabalik sa elevator nitong café. Mabagal akong nag-lakad papunta roon. “Madame, bilisan n’yo po! Baka mapano po si Chel!” Hindi pa rin nag-bago ang sukat ng aking pag-hakbang hanggang sa tuluyan na akong maka-pasok sa loob ng elevator. Sumara ang pinto at umangat sa second floor. “I told you, I need a black vest, not a fùcking white one! Why can’t you understand the simple instruction you fùcking stupîd maid! You are wasting my time!” Nang bumukas pahati ang pinto, dinala kami sa fashion boutique floor. “I need to speak with the manager!” Natanaw ko agad ang isang matangkad na lalake. Naka-talikod s’ya sa aking paningin habang kinukuwelyuhan ang sales lady. Wala man lang tumulong para awatin ang hampas lupang customer. Nagtatago lang sila sa lounge. “W-Wala na nga pong available sir—“ “FÛCK YOU!” Napa-hiyaw na ang sales lady na kasama ko rito sa loob ng elevator nang marahas na tinulak ng hampas lupa ang empleyado ko. Tumilapon s’ya sa sa sahig. Doon na ako humakbang paalis ng elevator at lumakad palapit sa lalake. Um-e-echo ang bawat lagapak ng suot kong stiletto high heels sa tiles na sahig. Nang marinig ng hampas lupa na may papalapit sa kan’yang kinaroroonan, nilingon n’ya ako. Pinandilatan ako ng kan’yang mga mata. “You! Are you the manager of this crappy store?” Tumigil ako sa harap n’ya. “No, sir. I am the owner.” “Great! Now face my—“ Hindi ko na hinayaang matapos ang kan’yang binabanggit dahil mariin kong kinuyom ang aking kaliwang kamao at puwersado ko s’yang sinuntok sa tiyan. Bumuga agad s’ya ng matigas na ubo. Napa-yuko ang upper body n’ya at pagkakataon ko naman para dalihin ang kaliwa n’yang mata. Sinuntok ko s’ya roon na ikinasigaw n’ya ng malakas. “Guards, palabasin n’yo na ang hampas lupang ‘to.” “Yes, Madame Anghelisha!” Namilipit sa sakit ang lalake na halos hindi na s’ya maka-usal. Wala na s’yang lakas manlaban kaya bago s'ya mapa-luhod sa sahig, kinaladkad na s’ya ng mga tauhan ko paalis sa boutique at pababa ng café. Binaling ko ang aking buong atens’yon sa sales lady na naka-upo pa rin sa sahig. “Are you alright?” Lumakad ako palapit sa kan’ya at inalalayang tumayo. Doon naman tumakbo ang kan’yang kaibigan para matulungan ako. “M-Madame, pasens’ya na po… namimilit po kasi s’ya na kulay itim ang kukunin n’yang vest para po sa tuxedo n’ya pero wala po tayong available kaya white vest na lang po ang binigay ko at ikinagalit n’ya—“ “No need to explain.” Tinitigan ko ang kasama n’ya. “Dalhin n’yo sa lounge n’yo. Let her rest there.” “O-Opo, madame!” Nag-lakad na sila paalis sa harapan ko habang paika-ika ang sales lady na tinulak ng lalakeng ‘yon. I took a deep breath. Sira na agad ang araw ko. I let out a fake chuckle. I am getting married later this afternoon. I had to help my father to investigate the new organization. Kung kakampi ba sila o kalaban. That’s simple. Binigay sa ‘kin ni Boss Kruger ang misyon na ‘to. I already met the boss of that organization. Ako ang napili n’yang mapangasawa ng kan’yang tagapagmana. I know their organization is a threat to us that is why my father wants to know if they are our enemy or an ally. Lagi naman. Kapag may bagong patayo na mafia group, pinapaimbestigahan kaagad. Sa boutique na ako nag-bihis ng wedding gown ko. Ako na rin ang nag-make up ng sarili ko. “Omg, you are so beautiful, madame…” Lumabas na ako sa office ko. Pinuri ako ng lahat ng empleyado ko. “Ang suwerte naman ng mapapangasawa n’yo, madame… at suwerte rin kayo sa kan’ya dahil galing naman sa respedatong pamilya ang nobyo n’yo.” Um-oo ako sa sinabi ng sales lady. “I have to go now.” Doon nila kinapitan ang ibang parts ng palda ko at sinamahan nila ako sa loob ng elevator. Tinulungan din nila akong maka-pasok sa loob ng limousine na kanina pa nagaantay sa ‘kin dito sa labas ng building ko. On the way na ako sa cathedral. Pagdating ko roon, kumpleto na ang mga guest. Including his parents. It’s so obvious that his mom doesn’t like me. Tinatarayan ako kahit mas matanda pa ako sa kan’ya. Ang kapal ng mukha. Kabit lang naman. Disgusting. Nakapag-march na ako sa red carpet pero ang groom ko, wala pa. Nauna na nga ako sa altar. Nakipagusap pa nga sa ‘kin ang pari. “Where’s Ryū?! I have been calling him but he’s not answering his phone!” Natataranta na ang tatay n’ya. Naririndi na nga ako sa mga bulungan dahil bakit daw hindi pa sumisipot ang groom. I don’t even care. We didn’t meet in person. I haven’t seen him in the flesh. Hindi ko pa nakita o nakilala ang lalakeng mapapangasawa ko. “Are you okay, Madame? Nais mo bang umupo muna?” nagaalalang tanong sa ‘kin ng pari. Inilingan ko na lang s’ya. Siguro kinse minutos na akong naka-tayo sa altar habang patuloy na kinokontak ng tatay ang anak n’ya. “There he is, darling!” Sumigaw ang kabit or ang step mom ng groom ko. Hindi na sana ako lilingon pero mas umigting ang bulungan. Iyon ang nag-udyok sa ‘kin na humarap doon. Naningkit ang mga mata ko nang maaninagan ko ang isang lalakeng naka-white tuxedo. Hindi pantay ang lakad n’ya habang tinatahak ang red carpet at ang mas umagaw pa sa aking pansin, naka-lapat ang kamay sa kan'yang kaliwang mata. Um-echo pa ang pag-singhap ng mga bisita nang inalis ng lalake ang pagkakalapat ng kamay n’ya roon. “Son, what happened to you?!” Doon ko nasilayan ang nangingitim at nagkukulay ube n'yang black eye.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook