bc

The Writer's Obsession

book_age16+
2.1K
FOLLOW
9.8K
READ
billionaire
sex
opposites attract
playboy
dominant
drama
bxg
small town
virgin
seduction
like
intro-logo
Blurb

MATURE CONTENTS: "Hindi naman katawan mo ang habol ko. Mas mahalaga sa akin na makuha ang puso mo katulad ng pagkuha mo sa puso ko."

Hebrew Khan thought his greatest obsession was earning the approval of his blood-family by bringing his sister-in-law back to the mansion. Kaya isinantabi niya ang pagiging manunulat at sumuong sa isang mapanganib na ekspedisyon sa Isla ng Canyunez upang tulungan ang pamilyang itinuturing siyang bastardo. Ngunit imbes na hipag, ang natagpuan niya ay bagong obsession sa katauhan ni Mauve, isang inosente ngunit independienteng taga-isla na sa unang pagkikita ay panganib na ang isinalubong sa kanya.

Makakamit pa kaya ni Hebrew ang kaniyang pakay sa isla kung ang hatid ng dalaga'y isang malaking atraksyon at distraksyon?

chap-preview
Free preview
BOOK 1. THE ISLAND GIRL. Kabanata 1
Driving like hell crazy, Hebrew felt like on the cloudnine as he got away from the urban life miles per miles. He needed this trip like oxygen. Ano ba naman ang dalawang linggong bakasyon ganoong isang dekada na siyang nagtatrabaho sa kompanya ng sariling pamilya? He drove through the rocky provincial road all night, ignoring the cruel blow of the wind against his Fortuner. Sa isip-isip niya'y ayos lang na maputikan ang pinakamamahal na sasakyan, dahil naniniwala siyang hindi naman karamay ng masamang panahon ang pupuntahang probinsiya. "Nandito na tayo sa Port of Cab-Or, Hebrew." Slowly, Hebrew opened the Fortuner's window and took off his dark shades. Kunot-noo na ibinaling niya ang mukha sa matandang lalaki na nasa kabilang upuan. "Yes, but it seems like the weather doesn't want us here," aniya at tumingala sa mala-pilak na kalangitan. "Kung hindi ka sigurado sa biyahe na 'to, bumalik na lang tayo sa Maynila, Hebrew," suhestiyon ni Jim habang umiiling. "Sa ibang lugar na lang tayo pumunta. Sabi pa naman sa forecast, signal number one dito at ang sentro ay ang Canyunez Island." "Hindi, Jim." Lumabas sa sasakyan si Hebrew at pinahapyawan ng tingin ang higanteng barko. Nakatali ito sa tabi ng daungan habang pumapasok ang mga bus at pribadong sasakyan. "Hindi tayo babalik sa Manila." Ipinikit ni Hebrew ang mga mata at hinayaang sumuot sa kaibuturan ng isip niya ang larawan ng magandang tanawin— the infinite horizon where the placid deep-blue ocean and the dark-gray sky met. Hindi niya mapigilang hindi mainggit sa sariling paningin dahil naaabot nito ang hindi kayang hawakan ng kaniyang mga kamay. "Nakasalalay dito ng pagtanggap sa 'kin ni Dad at ng mga kapatid ko." Jim just nodded at him. Hindi man niya lubusang naiintindihan pa ang tinuran ni Hebrew, ayaw niyang sumalungat sa kagustuhan ng binata. Batid niyang may dinaramdam ito na hindi pa handang sabihin.  He knew Hebrew Malik Khan so well ever since his mother exposed him for the first time in Khan Daily Bulletin, telling everyone that their CEO had a secret son. He was ten years old back then— too small to carry office works and too young to handle hatred and desertion.  Kaya mula rin noon, pinunan ni Jim ng pagmamahal ang batang iyon na kulang na lamang ay ukitan sa noo ng salitang bastardo. "Ano pa'ng hinihintay natin?" pahabol ni Jim at inilabas mula sa jacket niya ang mga ticket at iba pang papeles. "Sumunod na tayo sa mga sasakyan at baka maubusan tayo ng puwesto." "Mabuti pa nga." Tumango si Hebrew.  Pumasok na sila sa loob ng kotse ngunit akmang paaandarin na ito'y tumunog bigla ang cellphone na nasa dashboard. Lumukot ang mukha niya nang mag-flash ang imahen ng isang magandang babae na walang ibang suot maliban sa lacy bra. Ito mismo ang nag-customize ng litrato sa cellphone niya. "Hindi mo ba muna sasagutin?" tanong ni Jim na nakatingin din sa dashboard. "Sandali, akala ko ba nagpaalam ka na sa kanya?" "That's right. Kaya hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang ihabol," bulong ni Hebrew at dinampot ang cellphone. "Yes, Ivy." "Babe! Bakit ba maghapon kang out of reach?" usisa ng mataas na tinig sa kabilang linya. Makailang beses itong humikbi bago nagpatuloy. "Okay, sorry na. Hindi ko alam ang dahilan ng pakikipag-break mo. Pero kung anuman 'yon, sisikapin kong magbago. Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako magiging demanding. Let's just get back together, please." Hebrew's eyes were tightly shut as he listened to the woman's desperate plea. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong nagmamakaawa ang babae sa kanya. He had stopped answering her questions forty-eight hours ago and he wasn't going to start again now. Gayunman, sa kahuli-hulihang pagkakataon, isang maikling kumpirmasyon na lamang ang ibibigay niya rito.  "I'm saying this for the last time, Ivy. Things are not going to work anymore. Tapos na. Okay?" "We could still make this work! I refuse to let you break up with me! Ngayon pa na alam na ng lahat na ikaw ang date ko sa anniversary ng parents ko! Hebrew, mapapahiya ako!" Bumuntong-hininga si Hebrew nang humagulgol ang kausap. Sumulyap siya kay Jim na nakaalung-baba habang nakamasid sa kanya. Magkahalong pang-aasar at awa ang mga titig nito. Napahawak na lang sa batok si Hebrew. "Ivy, look—" "Siguro may ibang babae ka, 'no?" pagputol ng babae sa paliwanag niya. "Sino siya? Kilala ko ba? 'Yong best friend ko ba na panay ang habol sa 'yo? Hebrew, akala ko ba mahal mo ako? Lagi mong sinasabi 'yon kapag—" "What the hell!" Napagitla si Hebrew nang katukin ng isang security guard ang salamin ng windshield. Ibinaba niya ang bintana sa gawi niya upang alamin ang pakay nito. "May problema ba, chief?" "Ser, pasok na po tayo. Marami pa pong nakapilang sasakyan sa likod," nakangiting pakisuyo nito. "Oh, sorry," ani Hebrew sa guwardiya. Nang umalis ito'y saka niya binalikan ang kausap sa telepono. "Time for me to go, Ivy. Good luck. You deserve someone better than me." Kahit na nagsasalita pa ang babae, tinapos na niya ang tawag at ura-uradang pinihit ang ignition. o0o Ang paglalayag ni Hebrew ay inabot na ng gabi. Madilim ang karagatan ngunit walang kasinlinaw ang ugong ng hangin sa laot. Walang kasing bangis ang paghampas ng naglalakihang mga alon sa barko na tila may sariling buhay at matinding emosyong hinuhugot pa mula sa kailaliman ng karagatan. Tila may sariling musika na inaawit ang isang pamilyar na awit— ang himig ng kalumbayan na siya ring binabaybay ng nagdurusa niyang kalooban. "Hindi ka ba papasok sa loob, Hebrew? Malakas ang hangin dito." From the invisible view of the ocean, Hebrew shifted his sight to the old man. "Mas gusto kong nakatanaw dito, Jim." He inhaled deeply and let the smell of damp air mixed with the scent of dissolved kelps plus the rusty odor of ship's metal filled his nostrils. "I want to be near the sea. Mas makakapag-isip ako para sa susunod kong nobela." "Tungkol lang ba talaga 'to sa nobela?" usisa ni Jim habang iniaabot sa binata ang jacket niya. "Hebrew, tayo na lang ang nandito. Wala tayo sa loob ng mansyon o sa opisina kaya malaya kang ikuwento sa 'kin ang lahat. Alam kong naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon para pag-usapan 'yon." "You really know me, Jim," Hebrew whispered, zipping his jacket ang pulling a box of cigar from its pocket. "Mas kabisado mo talaga ako kaysa sa sarili ko."  "Tama ka. Kaya ano nga ang gusto mong ilapit sa 'kin at kailangan mo pang palabasin na magbabakasyon ka lang?" Unti-unting natunaw ang ngiting pumipinta sa makisig na mukha ni Hebrew. As he dug for the right terms to tell his story, the wind from the midst of the ocean blew hard. Kahit na naka-bun ang buhok niyang abot balikat kapag nakalugay, masuyong ginugulo ng hangin ang bawat hibla nito. "I need to see someone. I have to find her and bring her back to Kuya Beau." Nanlaki ang mga mata ni Jim.  "You're not going to do that, Hebrew. Problema 'yan ng kuya mo. Hindi ka dapat makialam dahil may private investigator naman si Beau." "Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita si Selina," protesta ni Hebrew. Napahampas pa siya sa bakal dahil sa pagkadismaya. "Oo, alam kong isang dosena ang naghahanap sa kanya. Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikita?" "Malaki ang Pilipinas kaya hindi siya matatagpuan nang ganoon na lang." Nagkibit-balikat si Jim habang mahigpit na ibinabalot ang sariling jacket sa katawan niya. "Pero baka ayaw lang talagang magpakita ni Selina. Alam mo namang bago nawala ang asawa ng kuya mo, matindi ang away nila." "That's why I must find her. Hindi niya alam, malaki ang epekto ng paglayo niya. Kailangan ko siyang makita. Kung kailangan ko siyang kaladkarin pabalik ng mansyon, gagawin ko, mabuo lang muli ang pamilya!" "Hanggang kailan ka ba hahabol sa approval ng mga Khan? Hebrew, are you that obsessed to win their approval? Sa tingin mo ba matatanggap ka na nila kapag natagpuan mo si Selina?" ani Jim at luminga-linga sa paligid. Nang sigurado siyang walang nakakarinig, muli siyang bumaling sa namumulang binata. "Bakit hindi mo na lang intindihin ang sarili mo. Go find a decent woman and settle down. Hindi 'yong naghahabol ka sa pagmamahal nila na hindi naman kayang ibigay." Hebrew was suppressing the irritation budding in his heart. Gusto niyang sigawan si Jim at pauwiin ng Maynila mag-isa. Pero tama ang matandang alalay niya kaya kahit mahirap lunukin ang mga sinasabi nito'y tinatanggap pa rin niya.  "Bakit, Jim? Sa tingin mo ba malulutas ng pagkakaroon ng sariling pamilya ang problema ko?" Kunot-noong kumiling siya sa matanda. Kahit humaharang ang ilang buhok sa kaniyang mukha ay hindi niya pinagkaabalahang hawiin. "Kung hindi buo ang pinagmulan ko, sa tingin mo ba maitataguyod ko ang sarili kong pamilya?" Umiling siya at tumanaw sa kawalan. "Sa tingin ko hindi. Matutulad lang ako kay Ate Beatice na nakipaghiwalay sa asawa niyang incompetent at kay Kuya Beau na nilayasan ni Selina dahil napapabayaan niya." "Wala na akong sasabihin tungkol diyan." Jim heaved a deep exhale and leaned on the metal bars. "Oo nga pala, pa'no mo nalamang nasa Canyunez ang hipag mo?" Nais ni Hebrew na umiwas ng tingin at magkunwaring hindi narinig ang matanda. Ngunit kahit saan siya tumanaw ay sinasalubong siya ng mukha ito. "Mahalaga ba 'yon?" "Yes, Hebrew," ani Jim sa seryosong tinig. "Paano mo nalaman na sa Canyunez pumunta ang asawa ni Beau?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.0K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook