bc

It Makes Sense

book_age0+
363
FOLLOW
2.4K
READ
possessive
friends to lovers
playboy
goodgirl
sweet
like
intro-logo
Blurb

Always together? Check

Same circle of friends? Check

Names associated with each other? Check

Same interests? Check

Chemistry? Super check!

Boyfriend and Girlfriend? Uhhh...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Binilisan pa ni Julie ang lakad niya. Hindi pa naman siya late pero mas trip na niyang makaupo kesa palakad lakad pa. Ilang kanto lang naman ang layo ng SAU sa bus stop eh kaya imbis na mag jeep siya eh naglalakad na lang siya. Nakikita na niya ang gates ng university at ang iba ibang uniform ng kapwa niya estudyante. 1st day niya bilang isang sophomore sa St. Anne's University, currently taking up Medical Technology. Marami raming estudyante sa may entrance. Bet niya nga freshmen ito. Muhka kasing mga kinakabahan pa eh. Ganito din naman siya nung 1st day niya last year pero yung iba ata kasi parang mga masusuka na eh. "Morning kuya!" "Morning Julie!" Bati sa kanya ni Kuya Nong, isa sa mga gaurd sa SAU. Sobrang bait nito. Halos lahat ata ng estudyante alam na din niya ang pangalan. "Ano oras class mo?" Tanong pa ni kuya Nong habang linalahad ni Julie ang ID sa may scanner. "8 pa po..." sagot naman ni Julie. Pareho sila ni kuya Nong napatingin sa orasan na nakasabit sa may entrance banda. 7:30 pa lang pala. 'Ang aga ko...' "Sige kuya akyat na po ako." Ngiti naman ni Julie sa nakatatandang sekyu bago deretso sa loob. Mas marami pa na freshmen dito sa loob kumapara sa labas. Ang iba pa nga ay kasama pa ang mga magulang. Deretso naman siya sa science building. Chineck niya ang kanyang class schedule at nakita na Chemistry lab ang una niyang klase sa araw na iyon. Dali dali siyang dumeretso papunta sa elevators. Sa panahon ngayon wala na gentleman. Every man for himself nga sabi nila. "Wait po!" Julie yelled at sakto naman na binuksan ng elevator technician ang doors at kahit papaano kasya pa siya sa loob. "Thanks." Ngiti niya. She subtly looked around. Puro mga freshmen nanaman ang kasabay niya! Sa pagkakaalam niya kasi may opening ceremony pa ang mga ito sa 5th floor auditorium. Siya naman ay dederetso sa 10th floor kung nasaan ang mga laboratory. Hindi nga siya nagkamali kasi nagsilabasan naman ang mga freshmen pagdating sa 5th floor. Narinig na din niya na nagsisimula na ang programa sa loob. "Parami ng parami ang estudyante ngayon no?" Tanong sa kanya ni kuya Gerald, yung elevator technician. Tumango naman siya. Narealize niya na siya na lang talaga yung natira sa loob. "Tanggap pa ng tanggap itong SAU, halos scarcity na nga ng rooms." sagot naman niya. "Wala eh... Pera din." Sagot naman ni kuya Gerald. Natawa na lang si Julie."Tama..." Nakaabot na din ang elevator sa 10th which was the last floor din. "Thanks kuya!" "Goodluck sa first day!" at tuluyan na sumara ang elevator doors. Grabe... Horror movie lang? Ang dilim pa kasi. Kakaunti lang ang bintana sa corridor kaya naman ang eerie ng feeling. At least hindi lang siya ang tao. May iba din na mga science course ang nakatambay pa sa labas.  Naupo na lang si Julie sa mga upuan na nasa corridor. Sigurado siya hindi pa bukas yung mga lab. And as always kapag maghihintay, sound trip muna. Hindi pa siya nakakatapos ng isang kanta ng bumukas ang elevator doors sa kabilang dulo. "Julie!!" Napangiti si Julie at tumayo sa upuan para salubungin ang bagong dating na kaibigan. "Bea!" Kaway niya din at nagkita sila ni Bea halfway sa corridor bago nagyakapan. "Aga mo girl ah!" Biro ni Bea. "Nauna lang ako ng limang minuto sayo ah!" Julie replied. Pareho sila natawa bago naman nagsiupo kung saan nakapwesto din kanina si Julie. "Pusta ko lang talaga wala pa yung prof natin today eh." Sabi ni Bea. Well, lahat naman sila pinapangarap iyon. Sino ba naman ang gusto magklase kaagad, 1st day na 1st day? At ganun talaga sa SAU, nagkakagulo pa kasi ang sched kaya naman sure na may isang klase na mamomove o kung ano ano pa. Parami ng parami na din ang pumapasok. Magkakakilala na sila since last year pa. Naka rank system kasi sila kaya naman magkakaklase talaga sila dahil sa grades nila. At hindi naman sa pagyayabang pero top student kasi si Julie. Rank 1 to be exact. "O ayun na si Tippy!" Sigaw ni Bea. Pero kahit anong sigaw oa niya wala naman maririnig. Ang rami kasi nagdadaldalan na estudyante. "Tippy!" Julie yelled, trying to get the attention of their friend. Muhkang this time narinig na ang pagatawag sa pangalan niya dahil lumapit na si Tippy at napangiti nang makita si Julie at si Bea. "Hey girls!" Tippy greeted habang inaakbayan naman siya ni Bea. Babati na sana sila Julie at Bea nang may maingay na lumapit sa kanila. "Good morning beautiful girls!" Julie rolled her eyes. Ito nanaman si Henry. Ang aga aga eh... "O madam pres! Ngiti naman! Sayang ang beauty!" Pangaasar pa ulit ni Henry. Kaagad naman napatingin si Julie kay Henry. "Oi Henry! Parang awa mo na... Ayoko mag officer ngayong sem ah!" Nung 1st year kasi parehong sem siya naging president at talaga namang ayaw na niya. Nakakapagod manaway ng kaklase kapag maingay. Parang high school lang eh. Tapos ikaw pa yung laging hanap ng mga teacher kapag may papagawin. "Nako mas lalo lang kita inonominate!" Pangaasar ni Henry. Umalis na ito, tumatakbo palayo, takot lang na mapalo ni Julie. "Tingnan mo yun, pumunta lang ata dito para manginis." Sabi ni Julie habang pinapanuod nila si Henry na nakikipagharutan din sa iba pa nilang kaklase na lalaki. "Ang wrinkles Jules... Umagang umaga." Sabi naman ni Tippy. Napailing na lang din si Julie. Tiningnan niya ang kanyang wrist watch at nakitang 8 na. As expected, muhkang hindi sila sisiputin ng prof nila ngayong araw na ito. "Hingiin na kaya natin yung susi sa room? Para naman hindi tayo nagaagawan ng upuan dito." Suggest ni Bea. Ilan kasi sila sa klase... 20 din sila kaya hindi enough na tumambay sila ng 3 hours sa labas at baka mag-agawan ng upuan. Lumapit na si Julie sa may instrumentatio room at saka kinatok sila kuya Drew. Close na din sila sa mga technician dito kahit pa nakakaisang taon pa lamang sila sa SAU. At parang mga baka na nakawala sa koral, in their case, papasok, nagsitakbuhan sila sa loob ng laboratory at kanya kanyang upo sa mga table. Binuksan naman ng iba ang aircon. Medyo mainit pa rin kahit ba patapos na ang summer eh. Kaagad na umupo si Bea, Tippy at Julie sa may pinakahuling table. "Kamusta naman ang Tropang Di-ma-reach?" Natawa si Julie sa tinuring ni Nora, isa din sa mga kaklase nila ng lumapit ito sa kanilang tatlo nila Tippy at Bea. "Ganun pa rin yung pangalan namin?" Tippy asked with a small smile on her face. "Eh bagay na bagay sa inyo eh. Lahat kaya kayo sa tropa matatalino without even trying. Asan na ba kasi yung dalawa?" Nora asked. Bigla namang bumukas yung pinto nung lab at may isang lalaking pumasok. "Wala pa yung prof?" "Muhkang di tayo susuputin." Sagot ni Bea. "Tss.. Di na lang sana ako pumasok." "Oo nga Jhake absent na lang tayo." Sagot naman ulit ni Bea sa bagong dating na lalaki. "Kayong dalawa talaga..." Julie said, shaking her head. Tumingin naman ulit sa kanya si Nora. "O teka Jules... Asan na si Elmo?" Napatingin naman si Julie sa kaibigan. "Hala... Bakit naman sa akin mo hinahanap yon?" "Eh magkadikit kayo sa tadyang nung lalaking iyon eh." Mahinang napatawa si Julie. "Hindi naman. Kita mo hindi nga kami magkasama ngayon..." "Bakit? LQ kayo?" Tumawa na sila Tippy, Bea at Jhake. Halata kasi na ayaw paawat nito ni Nora. "Ewan ko sayo Nora!" Tumawa lang lalo ang kanilang kaklase at tiningnan ang wristwatch. "Wala na 8:45 na... Gorabells na tayo?" Tanong ni Nora. Kapag 3 hours ang klase kailangan hintayin na dumating ang prof for at least 45 minutes, kapag wala pa rin, lalayas na sila. "O teka baka hanapan tayo ng attendance!" Kumuha kaagad ng papel si Bea mula sa bag at nagsimula na magsulat. Sila kasing tropa mas gusto na tumambay na lang sa lab hanggang sa susunod na klase pero yung iba nilang kaklase panigurado mas gusto sa ibang lugar tumambay. Nauna na ang tropa nila Julie na magsulat dahil pagkatapos ay dudumugin na ng iba nilang classmate ang paper. "Teka teka pangalan ni Elmo!" Paalala ni Julie bago hablutin ulit ang papel at medyo pinapangit ang sulat ng ilagay ang pangalan ng kaibigan dahil di hamak nas maganda ang sulat niya kaysa kay Elmo. Sulat na rin niya sa attendance kahit pa wala pa ito. "Aww, napaka protective mo talagang girl friend. Don't want boyfie getting in trouble." Pangaasar nanaman ni Henry. Julie clicked her tongue at finally ay linapag ang papel para lahat sila ang makapagsulat bago kunin ang cellphone sa loob ng bulsa. "Saan na ba kasi si Elmo? Alam ba niya na alas otso ang klase natin?" Tanong ni Tippy. Nakaupo pa rin sila sa lab habang ang ibang kaklase nila na tapos na magsulat ay nagsialisan na. "Text ko lang..." Sagot naman ni Julie. 'Hoy Magalona asan ka na?' type niya. Nasa kamay pa rin niya ang telepono bago harapin ang mga katropa. "Tropang Di-ma-reach, dito lang kayo?" Nora asked. "Yeah, hintayin lang namin si Elmo." Huli na para mabawi ni Julie ang sinabi. Alam na niya ang susunod na reaksyon ng mga kaklase. "AYIIIIIIEEEE!!!" Nako naman. Napailing na lang si Julie dahil buong klase ata ang nagreact. "Sabi ko namin! 'Namin'!" Pagdiin pa ni Julie sabay turo sa sarili at kayla Jhake, Bea at Tippy. Pero muhkang aalaskahin din siya ng katropa. "Oi ikaw lang nagsabi... Kakain na kami!" Biro pa ni Jhake at kunwaring aalis pero pinandilatan siya ni Julie kaya naman napangiti na lang ulit siya dito. "Sige na sige na... Kayo na lang bahala mag lock!" Nakangiti pa rin na sabi ni Nora. Finally yung apat na lang talaga yung natira sa loob ng room kaya mas lalong lumamig. "Hintayin pa ba talaga natin si Elmo dito?" Biglang tanong ni Bea. "Sabihin mo na lang na wala tayo prof sa first subject tapos magkita na lang tayo sa lobby." Mas okay nga naman yun kaya sinarado na nila Julie ang kwarto at binalik ang susi kayla kuya Drew bago bumaba papuntang lobby. Wala na yung napakaraming 1st year na dumudumog sa may lobby kanina dahil panigurado nasa program sa may 5th ang mga ito. "Jules apply na tayo ng locker? Baka maubusan nanaman tayo eh." Tippy asked. Tumango naman si Julie at akmang maglalakad na papuntang registrar pero pinigilan siya ni Jhake. "Upo ka na lang muna dito." Sabi ng lalaki. "Tapos hintayin mo si Elmo, kami na magaapply ng locker... Abonohan na lang muna ni Bea." "Hala! lakas mo magsalita ah!" Sabi naman ni Bea. "Okay lang yan mayaman ka naman eh!" Nakangising sabi ni Jhake. "Text ka na lang namin Jules!" Sabi naman ni Tippy. At wala na nagawa pa si Julie dahil naglakad na palayo ang kanyang mga kaibigan. Umupo siya sa may nga waiting chairs at naramdaman na nagvibrate ang phone niya sa loob ng bulsa. 'Lapit na ako...' Message galing kay Elmo Buti naman. Hindi na niya pa ito reineplyan. Makikita naman siya nito dahil saktong nasa entrance siya. Habang naghihintay ay naglaro muna siya ng 'Unblock Me' sa phone. Bigla naman siya nakarinig ng bulung bulungan after a few moments. 'Ui yan yung crush mo oh!' 'Saan? Ay oo nga! Gwapo talagaaaa!' Sakto naman na nagangat ng ulo si Julie dahil sa mga naririnig at nakitang papalapit sa kanya ang pinagbubulungan ng ibang estudyante. "Wala tayong prof?" Tanong ni Elmo ng umupo ito sa tabi niya. Medyo hindi alam ni Elmo ang salitang 'personal space' dahil sobrang lapit ng muhka nito sa muhka niya. Kaya naman nakarinig nanaman siya ng bulung bulungan. 'Ay... Girlfriend ba niya yan?' 'Shet naman. Walang wala ako if ever!' "Elmo... Layo ka naman onti." Sabi ni Julie. Kumunot ang noo ni Elmo at hindi pa rin lumalayo. "Bakit?" "Eh ang lapit mo eh! Kung ano ano isipin ng tao..." "Aww... Ayaw mo yun? Halika dito love lapit ka pa, pakiss nga..." "Heh!" Marahang tinulak ni Julie palayo ang muhka ni Elmo. "Kung ano ano nanaman trip mong gago ka." Tumawa tawa lang naman ang lalaki at finally ay binawasan abg pagkalapit kay Julie pero masyado pa rin kasi close katawan nito sa katawan ng dalaga. "So ano nga? Wala tayo prof?" "Wala." Julie replied. "At don't wrry sinulat ko na yung name mo sa attendance." "Yun! Thanks!" Sabi pa ni Elmo. Agad namang tinanggal nito ang backpack sa likod at bigla biglang hinilig ang ulo sa may balikat ni Julie. "O ano matutulog ka nanaman?" Tanong ni Julie pero hindi naman linayo ang ulo ni Elmo mula sa balikat niya. "Oo sarap pa kaya matulog. At may 2 hours pa kaya tayo bago sunod na class." Sagot ni Elmo. Nginitian muna niya si Julie at binalik ang posisyon. "Late ka na nga pumasok hahabol ka pa ng tulog!" Inis na sabi ni Julie. "Eh kasi napasarap ang pag surf ko ng net kagabi." Narinig niya lang na mahinang tumawa si Elmo. "Kantahan mo na lang ako Julie, para masarap tulog ko." "Ewan. Bahala ka diyan." Sagot ni Julie. Pero gaya ng kanina. Hindi siya gumalaw. Bahala na. Wala naman siguro sisita sa kanila dito. Kaya habang naghahabol ng tulog si Elmo ay umupo lang siya doon at hinintay ang pagbalik ng tatlo pa nilang kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

His Precious Property

read
612.9K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.5K
bc

My Godfather My husband

read
268.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook