bc

Once My Euphoria

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
sensitive
brave
student
drama
tragedy
sweet
genius
female lead
highschool
first love
like
intro-logo
Blurb

Namumuhay si Ellyza Clementine sa isang probinsyang kilala bilang Cavite, simula pa nung kaniyang kapanganakan. Mahirap ang buhay ng isang probinsyana, pero lahat ay kaniyang tatahakin makamit lang ang kaniyang pinapangarap.

Pangarap ni Ellyza maging isang doktor na espesyalista sa buto. Ito ay dahil sa naging kondisyon ng kaniyang ina matapos itong maaksidente at mabalian ng buto sa tuhod.

Nang isang araw ay bigla na lamang nakatanggap ng imbitasyong maging scholar si Ellyza mula sa Philippine Science High School, isang tanyag na paaralan sa Quezon City.

Tatanggapin ba ni Ellyza ang alok na iyon, o ipagpapatuloy niya nalang ang kaniyang pinaghihirapan sa kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ELLYZA Panibagong umaga, pero hindi bago ang hirap na dinaranas namin sa aming buhay. Bumangon ako sa mahabang upuang gabi-gabi kong tinutulugan. Nagsisiksikan lang kami ni mama at papa sa isang kwarto rito dahil nangungupa lang kami. Sama-sama na ang lahat dito, may kusina at banyo na rin kaya halo-halo ang amoy ng simoy ng hangin. Kinusot ko ang mga mata ko at naglakad papunta sa kama nila mama. "Ma, gising na po mama. Malapit na mag ala-syete may pasok pa po kayo ma," usad ko habang yinuyugyog ang binti niya. Agad naman din itong bumangon at ginising din si papa. Naghanda si mama ng almusalan namin, nagluto siya ng tuyo at gumawa ng sawsawang toyo na may kamatis. Yung kanin namin ay tira-tira lang sa pinanghapunan namin kagabi, kaya malamig na at naninigas. Habang kumakain ay tahimik lang kami bilang respeto sa pagkain, ganoon kasi ang paniniwala namin. "Dad, ingat ka sa trabaho mo ah," malambing na sinabi ni mama kay papa. Dad at mom ang tawagan nila, hindi man lang love o honey, charot. Hinalikan ni papa si mama sa noo bago siya lumabas ng kwarto. Nagtatrabaho sila mama at papa sa parehong opisina, si papa ang customer service assistant habang si mama naman yung administrative assistant. Ang sahod nilang halos dalawampung libo ay hindi pa sapat para sa'min, dahil sa laki ng rentang binabayaran namin kada buwan. "Yzza, mag-asikaso ka na! Maaga pa pasok mo ngayon. Baka nakakalimutan mong lunes ngayon at may flag ceremony kayo?" Bulyaw ni mama sa'kin. Nakakatamad na pumasok, lumalabas pasok lang naman din sa tenga ko yung itinuturo sa'min. Pero kahit gano'n, nakukuha ko parin makaperfect sa mga test namin, kaya proud sila mama sa'kin dahil consistent honor student ako simula pa nung elementary. Inasikaso ko na yung mga gamit ko sa bag pati na rin ang baon ko pananghalian, tuyo parin. Wala naman akong choice kun'di magtiis sa kahirapan namin. Sinuot ko na ang aking uniform kahit gula-gulanit na ito. Kulay puti ang blouse at palda ko, kaya makikita kung straight ba o hindi. Isang beses sa isang buwan lang namamalantsa si mama, kasi mahal ang bayarin sa kuryente kaya't kailangan namin magtipid sa lahat. "Pasok na ako, ma. Wag ka po mapapagod sa'min ni papa ah? I love you mama," mahinang sabi ko bago ako umalis. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko. "Tawagan mo ako kung may problema ka ha? Ingat Yzza." Napangiti ako sa simpleng bagay na sinabi niya. Pangako, mama. Magtatapos ako ng pag-aaral ko tsaka maghahanap ako ng magandang trabahong may mataas na sweldo, para maiparanas ko sa inyo ni papa kung gaano ko kayo kamahal. Kahit mahirap, bilang isang taong lumaki sa Cavite, hindi ako susuko para sa pangarap ko sa pamilya natin. Linakad ko ang mabatong daan patungo sa pinapasukan kong pampublikong eskuwelahan. Nakikita ko sa gilid ng mga mata kong pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. "Kumakain pa ba 'yan?" "May magulang ba siya?" "Parang hahabulin naman 'yan ng plantsa, tignan mo 'yung suot niya oh." Iilan lang 'yan sa mga bagay na karaniwan ko nang naririnig tuwing lumalabas ako ng bahay, maski sa labas nga lang ng kwarto namin mayroon ding mga namimintas sa'min. Sanay naman na kami, kaya sila mama at papa ay hindi naman na gaano naaapektuhan sa mga gano'n. Nakarating na ako sa paaralan naming lumalagatak ang pawis ko mula ulo hanggang sa likuran ko. "I.D, miss?" Hinarang ako ng taga bantay sa gate at inilahad ang kanyang kamay. Napaka-talino mong bata, Ellyza. Sa dinami-rami ng bagay na makakalimutan ko, ID pa talaga. "Uhm… Nasa kaklase ko po 'yung ID ko, naiwan ko raw po kasi sa room kahapon, kaya inuwi niya na muna," pagpapalusot ko. Tinitigan muna niya ako bago binawi ang kanyang kamay at pinatuloy ako sa loob. Nakalusot pa nga. Mabait 'yung gwardya na 'yun, hindi ko sana gustong manlinlang pero malapit na akong mahuli sa klase. Nang marating ko ang hallway ay agad din ako umakyat sa hagdanang nasa pinakadulo. Narating ko ang ika-apat na palapag ng building A, kung saan ang mga nasa baitang pito hanggang siyam ang narito namamalagi. Naglakad ako papunta sa aming silid. Kumpleto na sila roon at ako nalang ang kulang. Abala ang mga kaklase ko sa pagtatawanan, hindi man lang nila ako pinansin o binati. Pero, sanay naman din ako sa ganito. Ayaw nila sa mga katulad kong mahirap lamang. "Naaamoy niyo ba 'yun?" Tanong ni Alessandra. Tinignan siya ng lahat at nagtanong kung alin. "It stinks! Amoy expired na fish, kadiri," aniya habang nakatakip sa kanyang ilong at tinataboy ang hangin sa kanya. Bigla sa'kin natuon ang atensyon ng mga kaklase ko. Tinititigan nila ako nang diretso sa mga mata ko, tila ba'y diring-diri sa'kin. Hindi ko sila pinansin, tahimik akong umupo sa pwesto ko pero… "Eww!" Nakaramdam ako ng malapot at mainit na bagay sa inupuan ko. Tinignan ko ito at nakitang may isang styro ng spaghetti. Nagka-lintikan na nga. Puti pa naman ang palda ko dahil 'yon ang uniform sa school na'to. Lagot na ako kay mama nito. "Class, settle do—" Tumigil si Ma'am Myrra sa pagsasalita. "Anong nangyari sa'yo, Clementine?" Dugtong niya nang makita ang itsura ko ngayon. Nakakahiya. Gusto ko nalang mabaon sa ilalim ng lupa dahil sa kahihiyan. Pero mas iniintindi ko sa ngayon si mama. Paniguradong hindi lang sermon ang aabutin ko sa kanya, kahit pa mabait siya. Sinilip ko yung likod ng palda ko, at kitang-kita nga ang pulang mantsa roon na kumalat pa hanggang sa ibaba. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga mata ko.  "Pasensya na po, ma'am. Banlawan ko po muna 'to sa CR, excuse me po." Dumaan ako sa harapan ni teacher at hindi na naghintay pa sa kanyang pahintulot. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko kaya pinagalitan at pinatahimik sila ni ma'am. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang palikuran sa unang palapag. Ilang beses akong muntikan matapilok habang habol-habol ko ang aking hininga. Bukod sa nakakatamad, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumasok. Araw-araw kong nararanasan ang pangungutya ng mga kaklase ko sa'kin. Hindi ko sinasabi kay mama at papa na ganito ang ginagawa nila sa'kin, dahil ayaw kong mas lalo pang lumaki ang g**o. Binuksan ko ang unang pintuan ng palikuran at nakahinga ako ng maluwag dahil mayroon namang balde at tabo na may lamang tubig. Hindi ko lang gaanong matiis ang halimuyak dito, ang panghi. Pinihit ko ang gripo at naglabas ito ng malakas na agos ng tubig. Hinubad ko ang suot kong palda at nakita kung gaano kakapal ang mantsa nito. Jusko, wala naman na ako sa elementarya pero bakit ganito pa rin mga utak ng mga estudyanteng nakakasama ko? Wala ba silang natututunan sa pag-aaral nila, kun’di ang gumawa ng kasamaan sa kapwa? Kahit ilang kusot sa palda pa ang gawin ko, talagang hindi ko matatanggal ang bakas ng sauce rito. Ilang minuto pa ang lumipas ay narito pa rin ako, hindi ako maaari umuwing ganito ang suot ko. Gusto ko nang umiyak. Wala pa nga ako nagagawang mabuti kila mama, problema pa ang dala-dala ko pag-uwi ko mamaya. “Iha, what’s the matter? Kanina pa kita nakikitang nagkukusot d’yan. Gusto mo ba’y tulungan na kita?” Mahinhin ang pagkakatanong ng janitress. Tinignan ko siya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. “Salamat po…” Iyon nalang ang nabigkas ko. “Magpahinga ka na muna, iha. Ako na ang bahala rito. Mukhang nanghihina ka na rin, tignan mo ang mga braso at kamay mo… namumula na.” Lumapit siya sa’kin at inabutan ako ng maikling shorts. “‘Yan muna ang suotin mo pansamantala.” Tila ba naging isang mirakulo para sa’kin ang pagdating niya rito. Tumigil na ang mga mata kong pagod sa kaka-iyak nang matapos niya ang paglalaba sa palda ko. “Ito na oh, iha. Sa susunod mag-iingat ka at ‘wag ka mahihiyang manghingi ng tulong uli sa akin. Mauna na ako,” nakangiting sabi niya tsaka ibinigay ang palda kong kulay puti na muli. Nagpasalamat lang ako sa kabutihang loob niya at isinuot ko na ‘yon, bago ako bumalik sa klase. Mabilis ang takbo ng oras kaya uwian na rin namin ngayon, pagkatapos ng ilang subject na inaral namin. Binunot ko sa bag ko ang cellphone kong makaluma— dipindot lang siya, hindi touch screen. Hindi naman ako naghangad na magkaroon ng magandang cellphone, dahil alam kong hindi 'yon gaano ka importante sa ngayon. Hinanap ko ang number ni mama sa contacts tsaka ko siya tinawagan. Pagkaraan ng ilang ring ay nasagot naman niya agad iyon. "Yzza, tapos na agad klase mo? Aga naman," sabi niya. Rinig sa kabilang linya ang busina ng mga sasakyan, na para bang hindi na ito humihinto sa pag-andar. Mas magandang makauwi na lang agad ako, kaysa manatili rito. Kung alam mo lang, mama. "Opo, ma. Nandito na po ako sa labas ng gate," tugon ko bago ibaba ang call namin. Habang naghihintay sa pagdating ni mama ay naisipan kong maglibot sa tabi-tabi. Sa bandang kaliwa ay nakita ko ang isang convenience store, katabi nito ay isang barber shop na mukhang wala namang customer. Marami rin iba’t ibang kainan sa iba pang sulok, pero sa convenience store ako pumasok. “Welcome!” Bati ng isang sales clerk, kasabay ng tunog ng chimes. Nilibot ko ang buong tindahan. Puro chichirya, noodles at mga palamig ang karaniwang nakabenta rito. Kahit saan ako pumunta ay malamig dahil sa lakas ng aircon na wala sa bahay at school namin. Nakakailang ikot na ako pero wala pa rin akong kinukuha upang bilihin. Wala naman akong dalang sapat na pera para gastusin sa mga pagkain. Ang baon kong perang nagkakahalagang singkwenta pesos ay pinagkakasya ko para sa isang buong linggo. Tumunog ang isang alarm sa tabi ng cashier na pinagtaka ko. “Alas sais na ng gabi,” bulong nung katabi kong lalaking empleyado na nag-aayos ng mga panindang delata. Animo’y natauhan ako sa sinabi niya. Anong oras na pala, baka kanina pa ako hinihintay ni mama sa labas ng gate ng school namin. Yari ako nito! Binilisan ko ang lakad ko palabas ng tindahan. “Ah, miss!” Patawag na habol sa’kin nung katabi ko kanina. Hinawakan niya ang dulong parte ng uniporme ko kaya nilingon ko siya. “Magnanakaw ka ba?” Tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ako po? Hindi po, jusko kuya. Wala na nga po akong pera pambili ng mga paninda niyo po, makukuha ko pa po bang magnakaw? Paano kung makulong pa po ako dahil do’n? Edi mas lalo ko lang po mabibigyan ng problema ang mga magulang ko. Nagmamadali lang po ako, kuya. Baka nagkasalisi na po kasi kami ni mama nito,” mabilis na pagpapaliwanag ko. Agad naman niya akong binitawan kaya nakalabas na ako roon. Bumalik ako sa tapat ng school namin at nakita si mama kausap ang bantay. “Si Ellyza Clementine, sir! Kanina pa ho siya narito, hindi niyo ho ba talaga alam kung nasaan na siya? Ilang minuto lang ang nakalipas mula nung magkausap kami sa call, sir! Responsibilidad niyo ho bantayan ang mga estudyante rito!” Galit ang tinig ni mama pero bakas ang pag-aalala roon. Bumuntong hininga ang gwardya. “Ma’am, alam ko pong nag-aalala kayo sa anak niyo. Pero, pwede po bang huminahon po muna kayo? Kilala ko po si Clementine, hindi naman po siya lalayo rito. Baka nainip lang ‘yung bata, ma’am. Hintay nalang po kayo rito, maupo po muna kayo,” Maingat na tugon nito kay mama. Natutuwa ako ngunit may halong konsensya rin akong nararamdaman. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita ko harap-harapan ang aking ina, na nag-aalala para sa akin. Lumakad na ako papunta sa direksyon ni mama. “Ma,” tawag ko sa kanya. “Sorry po, pumunta lang po ako saglit sa malapit na tindahan. Nagugutom na po kasi ako, hehe,” pagpapalusot ko. Nilapitan ako ni mama at niyakap niya ako. “Pasensya na, Yzza. Uwi na tayo, pinaghanda na tayo ni dad ng makakain.” Humiwalay ako sa yakap ni mama at humawak nalang ako sa kamay niya. Naglakbay kami pauwi ng hindi sumasakay sa kahit ano, hindi naman ganun kalayo ang bahay namin. Habang nasa daan kami ay may namataan akong nagbebenta ng balut. “Ma, pwede ba ako bumili nun?” Tinuro ko ang lalaking naglalako ng balut, trese pesos bawat piraso nito. Sinulyapan naman niya kung saan ako nakaturo. “Sige, ako nalang bibili. Hintayin mo ako rito, ‘wag kang aalis.” Nagliwanag ang paligid nang marinig ko ang sinabi ni mama. Paborito ko kasing ulamin ‘yun sa kanin, lalo na ‘yung sisiw. Kulang na nga lang ay kainin ko na pati ‘yung bato, kaso sabi ni mama hindi raw ‘yun natutunaw. Pinapanuod ko lang si mama lumakad papalayo sa’kin pero… Bakit parang ang bilis naman ng t***k ng puso ko? Para bang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Sa pag-aalala ko, sinundan ko na lang si mama, ngunit sa isang iglap… Humarurot sa harapan ko ang isang malaking puting truck. Napatulala ako sa kawalan. Para bang nag slow motion ang pagdaan ng truck sa paningin ko. Ang mga tao sa paligid ko ay natataranta na, mga nagsisigawan na nanghihingi ng saklolo. Ano ba ang nangyari..? “Pambihira! Hindi man lang nag-abalang tumulong yung driver,” usad ng isang babae. “Tumawag na po kayo ng ambulansya! Bilisan niyo at baka maubusan pa po siya ng dugo, kawawa naman po nangangayayat na nga po oh,” sabi ng isa pang babaeng mukhang bata pa. Hindi ko makuhang gumalaw sa kinatatayuan ko. May tumakbong lalaki na nagmamadaling lumapit sa duguang katawan ni mama. “Excuse me, ate. Doktor ako, pwede bang matignan ko ang lagay niya?” Anunsyo nito kasabay ng pagpapakita niya ng kanyang I.D na nagpapatunay sa kanyang sinabi. Dali-dali namang nagbigay daan yung bata at dumistansya. May mangilan-ngilan dinadaanan lang ang eksena dahil sa ayaw nilang madamay o maabala. Nilagay niya yung dalawang daliri niya malapit sa ilong ni mama para malaman kung humihinga pa ba siya. Nang hindi siya makaramdam ng hangin palabas doon, binuka niya ang bunganga ni mama. Sinubukan nung lalaki bigyan si mama ng hangin, nakatatlong ulit siya sa paggawa no’n. Nang wala pa ring pagbabago ay inilagay niya ang pareho niyang mga kamay sa ibabaw ng dibdib ni mama. Diniinan niya ito at ibinuhos ang lahat ng kanyang lakas doon, mabilis ang kanyang paggalaw kada segundong lumilipas. Ilang beses niyang inulit ang proseso na iyon hanggang sa bumalik na ang paghinga ni mama, kahit pa mahina lang ito ay sapat na para malamang buhay pa siya. Pinunit nung lalaki yung suot ni mama na itim na leggings tsaka niya diniinan yung binti ni mama, kung saan patuloy na umaagos yung dugo niya. “Pakitulungan naman ako sa pag-apply ng pressure rito. Kailangan ko pang maagapan yung pagdurugo ng ulo niya,” sabi niya habang nakatingin sa’kin. Hindi ko alam kung kilala niya kami o nagkataon lang na ako ang una niyang nakita. Doon lang ako nakakilos at mabilis na pinalitan ang pwesto nung doktor. Ako na ngayon ang nakadiin sa binti ni mama, habang siya ay kumukuha ng sterilize gauze sa kanyang first aid kit. Humatak siya ng isang piraso sa kahon na iyon tsaka maingat na inilagay sa ulo ni mama. Sinamahan niya na rin ‘yon ng medical tape para hindi matanggal. “Excuse me saglit, lagyan ko lang siya ng tourniquet para hindi na masyado dumugo binti niya.” Pinagmasdan ko lang siya kung paano niya gawin ‘yon. Nakakamangha lang na mayroon pa rin talagang mabubuting loob sa probinsyang ‘to. “Tara Ly, buhatin na natin siya,” bulong nung lalaki. Ly? Kilala niya ako? Hindi ko nalang binigyang pansin pa ang inisip ko, dahil ang kalagayan ni mama ang mahalaga sa’kin ngayon. Hindi kung sinong tao o kung anong bagay. Si mama lang ang kailangan ko, syempre kasama na rin si papa. Nag-iinit nanaman ang mga mata ko, hindi ko matatanggap kung mas lumala pa sa sitwasyon ngayon ang mangyayari. Kasalanan ko ‘to. Kung hindi ako naghangad ng isang pirasong balut na makakain ko sa hapunan, hindi sana naging ganito ang lahat. Nasa bahay na sana kami ngayon ni mama, masayang nagsasalo-salo ng hapunan kasama si papa, kahit tahimik lang kami kumain. Binuhat na namin si mama nang makarating ang isang ambulansya, dahan-dahan namin siyang ipinatong sa stretcher na nilabas nung mga paramedic. Agad nilang ipinasok ‘yun sa ambulansya at pagkatapos ay sumunod kami nung lalaki sa loob. May kung anu-ano silang ikinabit kay mama, nilagyan na rin siya nung suporta sa paghinga niya na kung tawagin ay bag valve mask. Hanggang sa makarating na kami sa ospital ay hindi nila inalis ang atensyon nila kay mama, lalo na sa pag babantay sa vitals niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na agad namin ang pinakamalapit na ospital dito. Inilabas agad nila si mama at sumunod na rin ako. “1, 2, 3!” Nilipat si mama sa isang kama sa emergency room. “Hanggang dito lang kayo, ma’am. Maghintay nalang po kayo roon sa waiting area natin.” Sabi ng isang nurse sa’kin. “Her vitals dropped, BP 140/80 with a heart rate of 114. Too much blood was lost from her, we need an immediate blood transfusion of type AB,” sabi nung kasama naming paramedic kanina. Jusko, Lord ‘wag niyo pong pababayaan si mama. Siya at si papa na lang ang bukod tanging pinagkukunan ko ng lakas. Umalis na ako sa E.R. Hindi ko na kayang tingnan pa ang mga pinaggagawa nila kay mama. Ang sakit lang para sa’kin, ang bata ko pa para maranasan ang mga ganitong bagay. Wala naman akong ginawang kasalanan, bakit ko nararanasan lahat ng ‘to? Paikot-ikot lang ako rito sa harap ng mga upuan, hindi ako mapakali. Hindi ko magawang kumalma sa mga oras na ‘to. Maski si papa, siguradong nag-aalala na ‘yun samin ni mama. Ayaw ko pang ipaalam sa kanya ang nangyari, baka makatanggap lang ako ng sermon. Alam kong sisisihin ako ni papa kapag nawala si mama. Mag mamadaling-araw na, nandito parin ako sa ospital. Wala pa akong nababalitaan tungkol sa kalagayan ni mama. “Ly, hindi ka pa nagpapahinga?” Bungad nung lalaking doktor. Inabutan niya ako ng malamig na inuming tubig, tinungga ko ‘yon hanggang sa maubos ko ang isang bote. “Salamat po, doc.” “Hindi mo na ba ako naaalala, Ly?” Usisa nito sa’kin. Maya-maya pa ay biglang lumapit ang isang nurse. “Ma’am? Kaano-ano po kayo nung pasyente?” Tanong niya. “Anak po niya ako, kumusta po si mama? Ayos na po ba siya? Napagaling niyo naman po siya, ‘di ba po? Pwede ko na po ba siya mapuntahan?” Sunod-sunod na tanong ko. Malungkot ang mata nung nurse. Bakas sa mukha niya na mayroon siyang dalang masamang balita. “Sorry, ma’am…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
65.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
94.1K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
227.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook