bc

BILLIONAIRE Series #2 : JUST FOR LOVE

book_age18+
3.3K
FOLLOW
27.8K
READ
billionaire
kidnap
dare to love and hate
CEO
tragedy
bxg
office/work place
small town
affair
passionate
like
intro-logo
Blurb

KINAYA ni Divlen na kalimutan ang lahat na magagandang alaala niya kay Collin. Ngunit kahit anong pandaraya niya sa sarili na hindi iisipin ang lalaking unang nagpapatibok ng puso niya ay hindi pa rin siya nanalo. Mas pumaibabaw pa rin ang damdamin nito para sa lalaki. Pero wala na siyang magagawa, hindi na niya ito kayang ipaglaban at angkining muli, sapagkat may asawa na si Collin. Kung digmaan lang ito ay kaya niyang protektahan at ipaglaban lalaki. Subalit para kay Divlen ay ibang labanan ang nakaharap niya, laban ito nang puso at isip niya. 

Kahit sa kahuli-hulihang sandali sa buhay ni Jhapdel ay ibinigay pa rin niya ang kalayaan at kaligayahan para sa babaeng nag-iisa at tapat niyang minamahal. Dahil siya mismo ang nag-abot sa kamay ni Divlen, dito sa kamay ni Collin.

chap-preview
Free preview
Episode1- SIMULA
"Maligayang pagbabalik! Na-miss ko kayo nang sobra," madamdaming wika ni Divlen. "Mameta, na-miss kita. Ito, oh! Pasalubong ko sa iyo," turan ni Clyde, sabay abot sa kaniyang pasalubong. "Partner, I miss you!" Sabay yakap ni Jester. "Divz, kumusta ka na?" seryoso na tanong ni Tom sa kaniya. "I'm fine and still breathing. Kumusta ang bakasyon ninyo?" balik tanong niya. "Guess what, partner," sabat ni Jester na may dalang saya at ngiti sa labi niya. "Ano iyan? Wala akong ideya." "Partner, I'm pregnant!" bulong ni Jester sa kaniya. "Really?! Ilang buwan na, pakner?" Sabay yakap nito sa pinsan. "Two months, patner." "Wow! Congratulations, both of you! Ngayon ay madagdagan na ang makulit," masayang sabi nito. "Mameta, masaya ako kasi, may kapatid na ako at may kalaro na ako!" sabat ni Clyde na sobrang saya niya. Pagkatapos masundo ni Divlen ang kaniyang pinsan ay dumiretso muna sila sa isang restaurant, para sa kanilang hapunan. Masaya sila habang pinagsaluhan ang mga masasarap na pagkain. "Ito ang na-miss ko palagi, partner. Ang magkasama tayo sa pagkain, mahigit tatlong buwan din akong nagtiis na kami lang ni Maek ang kumakain sa bahay," pahayag ni Divlen. "Ako rin, partner." "Mameta, kumusta na pala si Ate Maek? May textmate pa rin ba siya?" seryosong tanong ni Clyde. "Baby, sa dinami-dami mong puwedeng itanong bakit ang tungkol pa sa textmate ni Ate Maek mo? Nagseselos ba ang big-brother ko?" tanong ni Tom. "No, Daddy! Paano naman po kasi, si Ate Maek kahit pinapaliguan ako noon ay nag-te-text pa rin!" tugon ng bata, at nagtatawanan sila sa pambubuking ni Clyde. AFTER Dinner ay nagtuloy na sila sa condo at doon muna sila namalagi. Ang plano ni Jester at Tom ay magpa-assign ang asawa sa Davao para lagi na silang magkakasama. Tapos na ring tawagan ni Jester ang kanilang Ninong na si General Villanueva. Nangako naman itong tutulungan silang mag-partner. Hindi pa alam ni Divlen ang plano ni Inspector Navarro, ngunit nasisiguro niyang papayag ito. Dahil ayaw naman ni Divlen na magkalayo silang dalawa. Halos magkadikit na kasi ang kanilang mga bituka. KINABUKASAN napag-uusapan ng mag-pakner ang tungkol sa plano nang mag-asawa ang paglipat nila sa Davao. Kinausap rin ni Jester ang kaniyang pakner na doon na magpa-assign. Walang nagawa si Divlen, kung 'di ang mag-oo sa kagustuhan ng kanyang pinsan. Dahil ayaw niyang malayo sa pinsan at sa bata. Naaprubahan ang kanilang pagpa-assign sa Davao, at ibininta na rin nila ang kanilang Condo. Tuluyan nilang nilisan ang Cebu, at doon sila sa Davao magsimula nang panibagong buhay. Hanggang sa nakarating sila sa Davao, ayaw pumayag ni Jester na magsarili ang kaniyang partner. Kaya kasama pa rin nila ito sa bahay ni Tom. Ang usapan nila ay hanggang hindi pa siya makapag-asawa ay sama-sama muna sila sa bahay. Dahil hindi pa malaki ang tiyan ni Jester ay pinayagan muna siya ni Tom na magtrabaho. Sabi rin naman ng doctor ay walang problema sa pagbubuntis niya kaya go pa rin sa work si Inspector Jester Robinson. UNANG ARAW sa trabaho ay report agad ang mag-partner kay General Villanueva. "Magandang araw, Ninong!" bati ni Inspector Robinson. "Magandang araw, Ninong----este— General!" pagbibiro ni Divlen. Magkasabay na sumaludo ang mag-partner at tumugon naman si General Villanueva. "Morning too! Handa na ba kayo sa unang araw ninyo?" "Siyempre! We're always ready, Ninong!" tugon ni Divlen, at tumawa naman nang patago si Jester. Nagawa nilang biruin si General Villanueva, dahil wala namang ibang tao sa loob kung 'di silang tatlo lang. Pagkatapos mag-usap-usap ay hinahatid sila ni General Villanueva sa kanilang magiging opisina. Magkasama ang mag-partner sa isang kuwarto subalit may kanya-kanyang table silang dalawa. Unang araw pa lang ay binigyan na agad sila nang isang mabigat na kaso. It's about drug trafficking. Isang malaking sindikato na hindi pa matukoy-tukoy kung sino ang drug lord sa naturang lugar. "Partner, saan kaya tayo unang magsisimula nito? Parang mahirapan tayo," tanong ni Divlen, habang tinitingnan nang mabuti ang report. "Oo nga, partner. Pero hayaan mo gagawa tayo ng paraan upang makapagmanman tayo at makahanap na puwede nating gawin na spy sa naturang lugar." "Partner, may naisip na akong paraan. Paano kaya kung magsariling lakad tayo para walang sabit!" suhestyon ni Divlen. "Bakit, partner? May naisip ka bang magandang plano?" "Hmmm … paano kaya kung magpanggap akong baliw sa lugar at ikaw naman ay magpanggap na basurera! Hindi ba magandang ideya iyon?" mungkahi ni Divlen. "Ayos, ah! Maganda 'yang naisip mo, partner. Gustong-gusto ko, so paano lalakarin na natin ang lugar?" "Sige, partner. Ikaw ang bahala," pagsang-ayon ni Divlen. Kaagad nilang ini-report kay General Villanueva ang kanilang mga plano. Sinang-ayunan naman ito ng nakakataas. Pag-uwi nila sa bahay ay plano agad na ibinalita ni Jester sa asawa ang tungkol sa kanilang mga plano. At kasalukuyang magkatabi ang dalawa sa kama. "Thart, gising ka pa?" bulong tanong ni Jester sa katabi. "Ummm ... yes! Why, thart?" "May malaking misyon kaming lalakarin sa siyudad..." panimula niya. "Gaano kalaki ba iyan, thart?" tanong nito habang yumakap sa kaniya. "Malaking-malaki, isang drug lord na mahirap hulihin. "What?! But—thart, mukhang delikado yata ang kasong lalakarin ninyo. Saan bang lugar iyan?" pag-alala na tanong ni Tom. "Sa Digos City, pero huwag kang mag-alala kaya namin 'to." "Thart, baka mapahamak ang baby natin niyan." "Pangako, iingatan ko ang baby natin." SAMANTALA sa mga sandaling iyon ay hindi makatulog si Divlen at iniisip na naman niya si Collin. "Bakit ba ang hirap mong kalimutan Collz? Isang taon na ang nakalipas pero bakit nandito ka pa rin sa puso at isip ko? Siguro oras na para ibaling ko na ang aking puso sa ibang lalaki. Dahil napaka-unfair mo! Ako nagluluksa pa rin hanggang ngayon, habang ikaw ay laging nasa tabi ng asawa mo. At siguro buntis na rin si Jamela ngayon," wika ni Divlen sa kanyang sarili. Habang nakahiga ito sa kanyang kama na nakataas pa ang dalawang kamay. Hindi namalayan ni Divlen na pumatak na pala ang kanyang mga luha at nakatulugan niya iyon. SI Collin ay ganoon rin sa kaniyang kuwarto, hindi rin siya makatulog at iniisip ang babaeng nagpabago sa kanyang buhay at minahal niya ng buong puso. "Divz, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, kung alam mo lang ang lahat. Sana mahintay mo ako sa tamang panahon. Babalik ako, Divz, wala na akong ibang babaeng mamahalin kung 'di ikaw lang. Patawarin mo ako kung nasaktan kita, kung bakit kita tinalikuran na walang paalam," bulong ni Collin sa sarili at sabay punas ng mga luha sa pisngi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.4K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

A Billionaire In Disguise

read
653.8K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook