bc

His Scheme

book_age18+
7.9K
FOLLOW
50.1K
READ
pregnant
sweet
bxg
small town
faceslapping
punishment
like
intro-logo
Blurb

Apat na buwan na lang ikakasal na si Diva sa longtime boyfriend niyang si Angelo pero nakiusap ang kanyang ina na bago siya ikasal asikasuhin niya muna ang lupang isinangla ng sugarol niyang ama sa lalaking nagngangalang Brint Alcantara na nakatira sa Bicol dahil apat na buwan na lang binigay nitong palugit at sampung milyon ang dapat nilang bayaran.

Wala siyang sinayang na oras kaagad niya itong pinuntahan. Nakiusap siya rito at nagmakaawa na kung maaari bigyan pa

sila ng kaunti pang panahon. Pumayag naman ito kaagad pero may kapalit. Isang bagay ang hihingiin nito kay Diva at wala siyang pagpipilian kundi ang pumayag dahil kung hindi lahat mawawala sa kanila. Ang bahay. Ang farm. At ang lahat-lahat sa kanya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Pag-uwi ni Diva galing sa trabaho nadatnan niya ang kanyang ina na umiiyak sa isang tabi. Kaya naman natataranta siyang nilapitan ito at itinanong kung ano ang problema. "Ma, ano po ba'ng problema? Bakit ho ba kayo nagkakaganyan?" malumanay niyang tanong habang yakap-yakap ito. "Anak, may malaki tayong problema," sagot nito habang tumatangis. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang magaling mong ama nag-iwan ng malaking problema sa pamilya natin," dugtong pa nito. Nagtataka siyang napatingin sa ina. Paano nangyari na nag-iwan ang kaniyang ama ng problema? Gayong ilang taon na ang nakalipas ng mamayapa ito? Sa kadahilanang halos lahat nang bisyo sinalo na nito. Alak, sabong, sugal at sigarilyo, halos hindi na rin nila ito nakikitang umuwi sa kanilang bahay. Ang responsibilidad nito bilang isang haligi ng tahanan ay ipinasa na lahat sa kaniyang ina. Ang kaniyang ama ay parang binata noong nabubuhay pa dahil sarili lamang nito ang iniintindi. "Ma, ano po bang sinasabi n'yo? Matagal ng patay si Papa." Tumingin sa kaniya ang ina habang umiiling-iling. Naghahalo na ang luha at sipon nito dahil sa kakaiyak. "Simula nang ikasal kami at magkaroon ng mga anak inasa niya na sa 'kin lahat," giit nito habang tumatangis pa rin. "Mahal ko siya kaya hinayaan ko siya sa mga bagay na gusto niya. Ang hindi ko lang matanggap na pati itong bahay natin at 'yong farm na nabili ko sa Bicol isinangla niya pala para lang sa bisyo n'ya," dagdag pa nito. Hindi niya ito masisisi dahil simula't sapol ginawa nito ang lahat para sa kanilang magkapatid. Dalawa lang silang magkapatid siya ang panganay at si Danica ang nakababatang kapatid, na kumukuha ng kursong BSED para maging isang guro balang araw dahil mahilig ito sa mga bata. Dating supervisor ang kaniyang ina sa isa sa mga kilalang Food Factory sa Quezon City. Iyon nga lang pinag-resign niya ito sa pagtatrabaho noong nakaraang taon dahil nakikita niyang hindi na nito kayang magpuyat lalo na kung night shift. Ayaw pa nga sana nitong pumayag kung hindi lang siya umiyak nang umiyak sa harapan nito. Nangako siya na sa oras na mag-resign na ito siya naman ang bahala sa lahat. Gagawin niya ang lahat para sa ina at sa nag-iisang kapatid. "Meron pa naman po sigurong ibang paraan, Mama. Huwag po muna kayong umiyak," saad niya sa ina habang hinahagod ang likod nito. Halos tumigil ang pag-inog ng mundo niya dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kaniyang ama. Sinapo niya ang kanyang noo dahil pakiramdam niya lalagnatin siya anumang oras. "Puwede bang humingi ako ng pabor sa 'yo, Anak?" pakiusap nito sa kaniya habang lumuluha. Isa sa mga kahinaan niya ang makitang nahihirapan ang ina at ang nag-iisang kapatid. "Ma, alam niyo naman po na hindi ko kayo kayang tanggihan dahil mahal na mahal ko po kayo ni Dani, di ba?" Kumislap ang mga mata nito. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito at nginitian. "I love you, Ma. Malalampasan din po natin 'to lahat." Marahan naman itong tumango habang sumisinghot. "Anak, ayos lang ba na puntahan mo 'yong taong pinagsanlaan ng ama mo nitong bahay at nang farm?" pagsusumamo nito na para bang sa kaniya nakasalalay ang lahat. "Bakit po?" usisa niya. "Ayon sa sulat na ipinadala sa 'kin mayroon na lang daw tayong apat na buwan para matubos itong bahay at 'yong farm," paliwanag nito habang walang ampat ang pagluha. Mariing kinagat niya ang kaniyang ibabang labi nang magsimulang manginig iyon dahil sa pagpipigil niyang hindi mapahagulgol. "Sampung milyon ang halaga ng dapat nating bayaran." Daig niya pa ang pinokpok ng martilyo sa ulo dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Saan siya kukuha ng sampung milyon? Tumango siya. "Ako na po ang bahala, Ma." Tumingin siya sa ina. Hinalikan niya ang noo nito at nginitian. "He lives in Magiron Bicol." Bigla siyang napatingin sa magandang mukha nito. "Ma, puwede po bang pagkatapos na lang ng kasal namin ni Angelo?" pakiusap niya sa ina dahil alanganin kung uuwi siya sa Bicol. Isa pa may pasok siya sa lunes at bawal siyang um-absent dahil isa siya sa napupusuan para ma-promote sa kaniyang posisyon. "Hindi puwede, Anak, dahil kailangan makausap na kaagad natin siya." Biyernes ngayon kaya kung aalis siya mamayang madaling-araw makakarating siya do'n nang hapon ayon sa ina. Siguro naman sapat na ang isang araw para makapag-usap sila ng taong kailangan niyang makausap. "Samahan na lang kita, Anak." Napatingin siya dito. Seryoso ba ito? "Isama mo kaya si Angelo," suhestiyon nito. Umiling siya. "Ako na lang ang pupunta, Mama. Huwag na po nating ipaalam 'to kay Angelo." "Okay, sabi mo, e. Mag-ingat ka lang palagi at huwag mong kakalimutan na mahal kita." "Thank you and I love you too, Ma." Muling nanikip ang dibdib niya dahil sa pagpipigil na hindi maiyak. Nang makitang kumalma na ito nagpaalam na muna siya na aakyat sa sariling kuwarto para magpalit ng damit. Pagdating niya sa kanyang kuwarto doon niya pinakawalan ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Madaling-araw pa lang Sumakay siya ng Philtranco bus sa may Cubao dahil dadaan daw ito sa nasabing lugar kung saan nakatira ang kanyang pakay. Habang nasa bus tahimik siyang napapamura. Inip na inip na siya. Gusto na niyang makarating kaagad sa pupuntahan at nang makaharap na ang taong kailangan niya. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan. Pakiramdam niya susugod siya sa giyera dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Habang nasa loob ng bus nagre-rehearse siya ng mga salitang sasabihin niya kapag nakaharap ang taong kakausapin niya. Nakita niya ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas ng bus. Tumakbo ang mga tao para sumilong. Minamalas pa yata siya dahil mukhang may bagyo pa. Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Bakit nagawa 'yon ng ama? Kahit kaunti ba hindi man lang sila nito minahal? Hindi nga sila sinaktan nito physically pero mentally and emotionally busog na busog naman sila. Ipinilig niya ang ulo, pilit na dinidirekta sa ibang bagay ang isip bago pa uli siya sakupin ng kalungkutan. Nabaling lang ang atensyon niya sa iba nang may maramdamang nagpupumilit umupo sa tabi niya. Umisod siya ng kaunti para makaupo ito. Hindi pa ito na kuntento pilit siyang isinisiksik sa dulo ng upuan kaya naman halos hindi na siya makagalaw. "What the hell! Alam mo bang hindi na ako makagalaw dito?" bulyaw niya sa lalaking halos ipitin na siya sa upuan. Napasinghap siya. Tiningnan siya nito ng masama. Damn! The man was handsome as sin! "Don't be fooled by his pretty face, my dear Diva." anang isang bahagi ng utak niya. Lihim siyang napairap kung may binabalak itong masama sa kanya hindi ito magtatagumpay! Ang kapal ng mukha nito para tingnan siya ng masama gayong ito ang mas nakakainis! Para pakalmahin ang sarili itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa ibang bagay. Tumingin siya sa labas ng bintana. Madilim ang kapaligiran at malakas pa rin ang ulan. Parang kagaya ng buhay niya ngayon madilim at puno ng problema. Naramdaman niya ang pag-andar ng bus. Finally! Naisip din ng driver na paandarin na ito. The bus was already cramped at Baka dito pa siya mamatay kapag nagkataon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook