bc

Satan's Little Tumor

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
dark
body exchange
decisive
tragedy
ambitious
evil
daemon
magical world
another world
spiritual
like
intro-logo
Blurb

He is Diego Ng— a mafia boss with a wicked heart trapped in the world where he can no longer experience a life he's been dreaming of. A world full of sinful souls living in eternal pain, hate and regret.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagising ako sa mabining ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ramdam ko rin ang lamig ng matigas na sementong aking kinahihigaan. Alumpihit akong bumangon. Masakit ang aking batok pababa sa kaliwang bahagi ng likod ko. Sumandal ako sa sementadong pader at kinusot ang aking mga mata saka pilit na inilibot ang aking paningin. Tanghali na pala base na rin sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Agad kong tinakpan ang aking mga mata gamit ang kanang kamay ko. Nasisilaw ako. "So how's your nap?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at napansin kong nakangisi ang lalaking nakasuot ng itim na damit na tila sutana ng pari. Natatabingan ang mga mata niya ng itim na salamin at mauupos na ang hawak niyang sigarilyo sa kaliwang kamay. "Nap?" tanong ko sa aking sarili at hinawakan ang kanang bahagi ng aking ulo. Pilit kong inaapuhap kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Bumuntong-hininga ang lalaki saka itinapon ang upos ng sigarilyo. Umiling-iling muna siya saka nagsalita, "Don't tell me hindi mo naalala ang mga pinapagawa ko sa 'yo?" "I don't remember anything," nauutal kong saad at diniinan ang pagkakahawak sa kanang bahagi ng ulo ko dahil bahagya iyong kumirot. Nakangisi pa rin ang lalaki habang nakatingin sa akin. Pansin ko ang ilang mga sasakyang dumadaan at saka ko napagtanto na dito pala ako nakatulog sa waiting shed sa gilid ng highway. "Wala ka talagang maalala? As in wala talaga?" muli niyang tanong sa mababang tinig. Umiling na lang ako at tumayo saka humakbang papalayo sa lugar na iyon subalit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Wala akong alam na lugar na pwedeng puntahan. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon dahil ayoko sa hilatsa ng mukha ng lalaking nakasuot ng itim na damit na tila sutana ng pari. "You can hide, but you can never escape from me. I know every single thing about you." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Gulat ako nang bigla niyang tanggalin ang suot niyang salamin. Doon ko nasilayan ang mga mata niyang pulang-pula na animo'y kulay dugo. Tila nag-aapoy sa galit ang ekspresiyon ng mukha niya gayong nakangisi siya na parang kilalang-kilala niya talaga ako. "My dear comrade," saad niya matapos tapikin ang aking balikat. "We had a deal. You owe your life to me. Everything you have... comes from me. I gave everything you want." Napakunot ang aking noo. Ni isa ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. At wala akong matandaang bagay na ibinigay niya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin pa. Naguguluhan ang isip ko dahil wala man lang akong maalala. Hindi ko alam kung sino ako, anong pangalan ko at kung saan ako nakatira. "Our deal isn't over yet," muli na namang saad ng makulit na lalaking iyon. Naroon pa rin siya sa likuran ko at tila asong sunod nang sunod kahit saan ako magpunta. "Hindi pa tapos ang serbisyo mo sa akin. Hindi mo pa naibibigay ang lahat ng hinihingi ko." "Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Leave me alone!" sigaw ko habang patuloy na naglalakad. Sa isang iglap ay napansin ko na lang na naroon na siya sa harap ko, nag-aapoy sa galit ang mukha at tila mas lalo pang pumula ang kulay dugo niyang mga mata. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa malademonyong mukha niya. "I'm afraid I just can't," sakastikong tugon niya. Sa lakas ng boses niya ay pakiramdam ko dumadagundong ang kalangitan gayong tirik na tirik ang araw. "Once you signed the deal with me, there is no turning back. You offered your life in exchange for all the material things in this world. So wether you like it or not, you will do everything what I ask you to do." Ilang minuto akong hindi makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya. "At hindi ako naniniwala na nawalan ka ng memorya," patuloy niya pa. "Gawa-gawa mo lang 'yon para makatakas ka sa mga utang mo sa akin." "Wala akong utang sa 'yo!" sigaw ko saka kumaripas ng takbo palayo sa lalaking iyon. Tinunton ko ang eskinita at swerteng walang katao-tao kaya mabilis akong nakarating sa kabilang highway. Bigla akong tumigil sa pagtakbo nang marating ko ang pedestrian lane. Sisikan ang mga taong tumatawid habang nakatigil ang mga sasakyan. Wala akong ibang pagpipilian kundi sumabay sa dagat ng mga tao dahil baka abutan ako ng makulit na lalaking iyon. Hapong-hapo na ako sa pagtakbo pero nagawa ko pa ring makipagsabayan sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane, subalit ang hindi ko inaasahan ay nang wala man lang akong nasasagi o nabubunggo ni isa sa kanila. Para akong hangin na tumatagos sa bawat katawan ng taong nadadaanan ko. Ni isa ay wala man lang umaray o natumba sa kanila na labis kong ipinagtataka. "So how's your little adventure?" nakangising saad ng lalaking nakaitim. Nakasandal siya sa poste ng stoplight sa kabilang bahagi ng highway na tila ba hinihintay niya ang aking pagdating. "I hope by now you already know you have the ability to pass through the human body." "Who am I? What am I? How did you know me?" sunod-sunod kong tanong kahit hapong-hapo ako. Unti-unti na ring gumagapang ang takot sa dibdib ko dahil sa nangyari sa pedestrian lane. Nadismaya ako nang imbes na sagutin ako ng lalaking nakaitim ay ngisi lang ang naging tugon saka naglakad palayo na para bang siguradong-sigurado siya na susunod ako. "Sino ba ako? Ano ba ang alam mo sa pagkatao ko!" sigaw ko dahil wala talaga akong balak na sundan siya. "We're partners!" pasigaw ring tugon niya. "Partners in crime!" Tumigil siya sa paglalakad dalawang dipa ang layo mula sa akin at nilingon ako. "People used to call you my little tumor." Ngumisi siya saka tinanggal ang salamin kaya nabanaag ko na naman ang maladugo niyang mga mata. "A man who will kick satan on his throne and rule the hell someday. Satan's little tumor."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook